You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 35

UNANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO

UNANG ARAW

PAKSA: SEKULARISASYON AT ANG CAVITE MUTINY


CG: AP6PMK-Ic-5

Sekularisasyon – pagbabago ng isang lipunan mula sa mga pinapahalagahang pang-


relihiyon patungo sa mga pinapahalagahang hindi pang-relihiyon at mga sekular na
institusyon. Masasabi din na ito ay ang pagsasa-Filipino ng mga parokya. Ito ay isa sa
mga naging hakbang ng mga paring sekular na magkaroon ng parokya na
pamahalaan.

Paring sekular – paring nagsasanay sa seminaryo upang mangasiwa sa mga parokya sa


Pilipinas. Sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga obispo at walang kinabibilangang
orden kumpara sa mga paring regular.

Paring regular – kabilang sa mga orden; sila ay mga paring misyonero na naglalakbay
sa iba’t-ibang lugar upang magpalaganap ng Kristiyanismo hal. Agustino, Heswita, at
Dominikano.

GomBurZa
ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 36
UNANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO

Mga Heswita

Cavite Mutiny (January 20, 1872) – ang naging dahilan sa pagbitay sa garote sa
tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora, o mas
kilala bilang GomBurZa. Pinangunahan ito ng isang Sarhento Francisco Lamadrid na
sinalakay ang Fort San Felipe Neri sa Cavite gamit ang ilang sundalong Espanyol. Ito
ay dahil daw sa pagtanggal ng pribilehiyo ng mga nagtatrabaho sa arsenal ng Cavite
sa hindi pagbabayad ng tributo o buwis at sa hindi paglahok sa sapilitang paggawa.
Matagumpay na nakuha ng mga rebelde ang Fuerza ngunit matapos ang isang oras
nagapi na ito ng mga puwersang Espanyol. Namatay ang mga pinuno ng rebelyon at
ang pinaghihinalaan na mga kasangkot ay itinapon sa Marianas o Guam (at iba pang
lugar), o di kaya ay binitay.

Sa mga bagong pag-aaral, sinasabing hindi lamang pala pagbabayad ng tributo at


sapilitang paggawa ng mga trabahador ng arsenal ang dahilan ng pag-aalsa tulad ng
unang nabanggit. Isa pala sana itong malawakang pag-aalsa na naglalayong
mahiwalay ang Pilipinas sa Espanya. Kasama sa plano ang kasabay sana na paglusob
sa Fort Santiago sa Maynila. Matapos nito ay ang pagdedeklara ng independencia at
pagpatay sa lahat ng mga Espanyol na hindi magmamakaawa sa kanila. Nabigo ang
pag-aalsa dahil sa napaghandaan na rin ni Izquierdo dahil sa ilang mga sulat na
walang lagda na nagsusumbong sa mga plano at nang nakumbinsi niya ang ilan sa
mga sasama sana sa rebelyon na huwag nang tumuloy. Ang mga tunay na utak ng
pag-aalsa ay hindi ang tatlong paring martir na binitay kundi ang mga mason na sina
Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso na kasama sa mga
ipinatapon lamang.
ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 37
UNANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO

IKALAWANG ARAW

PAKSA: KILUSANG PROPAGANDA


CG: AP6PMK-Ic-5

KILUSANG PROPAGANDA
 Pagkatapos ng pagbitay kina GOMBURZA, sumidhi ang diwang makabansa ng
mga Filipino. Naghangad sila ng mga repormang panlipunan.
 Pangunahing layunin ng Kilusang Propagandana bigyan ng kalutasan ang mga
kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas sa paraang panulat.
LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA
 magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Spain
 pantay na pagtingin sa mga Filipino at Kastila sa harap ng batas
 Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas
 gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas
 ipagkaloob sa mga Filipino ang karapatang pantao at kalayaan sa pananalita
LA SOLIDARIDAD
 ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda
 unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889 sa pamumuno ni
Graciano Lopez-Jaena na pinalitan ni Marcelo H. del Pilar noong Disyembre
15, 1889
LAYUNIN NG LA SOLIDARIDAD
 itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran
 mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan
 ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga
hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito
ANG NOLI ME TANGERE (1887) AT EL FILIBUSTERISMO (1891)
 Si Rizal ay tinuligsa dahil sa dalawang akda na ito na kanyang isinulat. Inilahad
sa mga akda na ito ang kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng sistema ng
pamahalaan ng mga Español.
LA LIGA FILIPINA
 itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas
 layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino sa paghingi ng reporma
sa mapayapang paraan

ILANG MGA KASAPI SA PROPAGANDA


 Jose Rizal
 Marcelo H. del Pilar
 Graciano Lopez Jaena
 Dominador Gomez
 Jose Maria Panganiban
 Antonio Luna
 Mariano Ponce
ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 38
UNANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO

IKATLONG ARAW

PAKSA: PAGTATAG AT PAGLAGANAP NG KATIPUNAN


CG: AP6PMK-Ic-5

Ang Pagkakatatag ng Katipunan


Noong Hulyo 7, 1892, pagkatapos mabuwag ang La Liga Filipina at ipatapon si Rizal
sa Dapitan, itinatag sa pangunguna ni Andres Bonifacio ang Kataastaasan,
Kagalanggalangan na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (K.K.K. ng mga A.N.B.), o
ang Katipunan.

Kasama sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Valentin Diaz at Jose Dizon, itinatag nila
ito sa bahay ni Deodato Arellano sa #72 kalye Azcarraga sa Tondo, Maynila. Layunin
ng samahan na magkaisa ang bayan upang palayain ang Pilipinas mula sa Espanya sa
pamamagitan ng himagsikan. Malinaw sa kilusan na hindi na sapat ang paghingi ng
reporma sa Espanya dahil hindi naman ito nakikinig sa mga hinaing ng mga Filipino.

Sa mga problemang hinarap ng mga Filipino, pinakamalubha ang kawalan ng hustisya


at ang kalupitan ng guardia civil, ang pagkait sa kalayaang maghayag at magtipon,
ang limitadong edukasyon ng mga Filipino, at ang pagpapabaya ng gobyernong
Espanyol sa komersyo at industriya.

Mula 1892 hanggang 1896, lumaki ang kasapian ng Katipunan mula sa iba’t ibang
antas ng lipunan at bahagi ng Pilipinas. Sumiklab ang himagsikan laban sa Espanya
noong 1896 at parang isang apoy, kumalat sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Ang
Katipunan ang sinasabing pinakaunang paghihimagsik laban sa isang mananakop na
bansa sa Asya.

IKAAPAT NA ARAW

PAKSA: KAWALAN NG PAGKAKAISA SA HIMAGSIKAN AT KILUSAN


CG: AP6PMK-Ic-5

Pagsisimula ng Himagsikan
Sa pagkakatuklas ng Katipunan noong 19 Agosto 1896, hindi na napigilan ang
tuluyang pagsisimula ng rebolusyon laban sa Espanya. Sa mga sumunod na araw,
naghanda ang mga Katipunero upang isakatuparan ang mga plano na pakikipaglaban.

Noong Agosto 22, 1896, nagpatawag si Bonifacio ng pulong sa Kangkong,


Balintawak, na gaganapin noong Agosto 24, 1896. Sa pulong na ito ng mga pinuno
ng mga Sangguniang Bayan, pinagdesisyunan ang mga taktika ng paghihimagsik.

Napagkasunduan din na sasalakayin ng Katipunan ang Maynila, sentro ng


pamahalaang Espanyol sa Pilipinas, sa Agosto 29, araw ng Sabado.
ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 39
UNANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO

Sa kabilang dako, nagsagawa ang mga Espanyol ng malawakang pagdakip sa mga


Filipinong pinaghihinalaang miyembro ng Katipunan. Ang buong Maynila at mga
karatig nitong pook ay nabalot sa pangamba ng pag-aresto. Lumikas palayo sa
Maynila, sa Balintawak at Kalookan, ang maraming Katipunero.

Magkahalong takot at galit ang nadama ng maraming Katipunerong nagsilikas


patungong Balintawak. Sa gitna ng malakas na ulan, labis na pagod at kakapusan sa
pagkain, daan-daang mga Filipino ang tumawid sa masukal na gubat ng Balintawak
upang makaiwas sa pag-aresto ng mga guardia civil at veterana.

Nagsimula ang rebolusyon sa tinatawag na ‘Unang Sigaw’. Ayon sa opisyal na


panandang pangkasaysayan, naganap ito noong Agosto 23, 1896 sa Pugad Lawin sa
dating Kalookan na ngayo’y Lungsod Quezon, sa bakuran ng bahay ni Juan Ramos,
anak ni Melchora Aquino (‘Tandang Sora’). Pinunit ng mga katipunero ang kanilang
mga sedula, simbolo ng kanilang pagtatakwil sa pamahalaang Espanyol. Ang salaysay
na ito ay batay sa gunita ng katipunerong si Dr. Pio Valenzuela.

Iba rin ang mga alaala ng naging pagsasagawa sa kaganapang ito. Ang kadalasang
binibigyang diin ay ang pagpunit ng mga sedula. Ngunit kasinghalaga ang
pinagkasunduan sa pulong ng mga sanggunian ng Katipunan noong huling linggo ng
Agosto.

Dito ipinagtibay ang posisyon ni Bonifacio bilang Kataastaasang Pangulo na pagtanggi


ng mga Filipino sa pangingibabaw ng Espanya at ang paghihimagsik para sa kalayaan
ng bayang Filipino. Ito ang kahalagahan ng Unang Sigaw; ito ang kahalagahan ng
Agosto 1896 sa kasaysayan ng Pilipinas.

Labinlimang taon ang nakalipas, kinilala noong Setyembre 1911 ang kahalagahan ng
Unang Sigaw sa pamamagitan ng monumentong pinangalanang ‘Pag-alala sa mga
Bayani ng 1896’ (Homenaje a los Héroes de 1896). Matatagpuan ito ngayon sa
harapan ng Bulwagang Vinzons sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod
Quezon.

Pananaw ng mga Espanyol sa Himagsikan


Para sa mga rebolusyonaryo, tatlong daang taon ng paghihirap ang nakalipas sa ilalim
ng pamamahala ng mga Espanyol. Ang isang armadong rebolusyon lamang ang
magsisilbing paraan upang makalaya na ang Pilipinas mula sa kalupitan ng mga
mananakop.

Dahil dito, itinuring ng mga lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas ang kanilang sarili
hindi bilang rebelde o criminal (o tulisan, bandido), kundi mga rebolusyonaryong
may malinaw na adhikain para sa bayang Filipino.

Mula sa kapatiran ng Katipunan na itinatag noong Hulyo 7, 1892, hanggang sa


Republika ng Pilipinas na itinayo sa Malolos noong Enero 23, 1899, paulit-ulit na
isinaad ng mga rebolusyonaryo na sila’y mga Filipinong nagtatayo at bumubuo ng
isang malawakang bansang malaya at may pagkakapantay-pantay.
ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 40
UNANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO

Ngunit sa tingin naman ng mga Espanyol, ang rebolusyon ay hindi isang kilusan para
sa kalayaan kundi grupo ng mga rebeldeng nagnanais manggulo sa gobyerno at sirain
ang lahat ng nagawa ng mga Espanyol sa kolonyang Pilipinas.

Rubrik sa pagmamarka sa paggawa ng balita.


Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

1. Naipahayag nang maayos ang mensahe


ng balita tungkol sa naging implikasyon 8
ng kawalan ng pagkakaisa sa kilusan

2. Nakasulat nang may katatagan at


5
malinaw na pagkakaunawa

3. May malinis at kaunting pagkakamali


2
sa pagsulat

Kabuuan 15

You might also like