You are on page 1of 4

Pag-aalsa sa Cavite

Ang Pag-aalsa sa Cavite (Cavite Mutiny sa English) na


naganap noong 20 Enero 1872 ay tumutukoy sa pag-aalsa
ng humigit-kumulang sa 200 Pilipinong kawal at
manggagawa ng Fort San Felipe sa Cavite. Nais ipahayag ng
mga manggagawa at kawal ang kanilang mga hinaing at
pagtutol sa pagbabayad ng tributo at sapilitang pagtatrabaho
(polo y servicio). Ang pag-aalsa ay hindi naging matagumpay
at ang mga nakilahok dito ay agad na hinatulan ng
kamatayan ng pamahalaang Espanyol. Ang nangyaring pag-
aalsa ay isa sa mga pangyayaring pumukaw sa damdaming
makabayan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop
ng Espanyol sa Pilipinas.

Mga Dahilan ng Pag-aalsa

Ayon sa mga Espanyol


Ayon kay Jose Montero y Vidal na isang mananalaysay, ang pag-aalsa sa Cavite ay isang
pagtatangka na pabagsakin ang pamahalaang Espanyol at palayain ang mga Pilipino sa kamay ng
mga mapang-abusong mananakop. Ayon rin sa mga Espanyol na nakasaksi sa pag-aalsa,
kaparehas din ng pahayag ni Gobernador-Heneral Rafael Izquidero y Gutierrez na siyang namuno sa
Pilipinas noong taong iyon, ang pag-aalsa ay pinamunuan umano ng mga Pilipinong pari na sina
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora o mas kilala sa pinaikling pangalan na “Gomburza.”

Ayon pa kay Jose Montero y Vidal, ang pag-aaklas sa Cavite ay bunga ng hindi makatarungang
pagpapataw ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquirdo ng personal na buwis sa mga manggagawa
at kawal, na dati naman ay hindi sila saklaw. Nais ng mga manggagawa sa arsenal na maibalik ang
mga pribilehiyong ito sa kanila.  

Bukod sa nasabing dahilan, nais din ng mga Pilipino na lumaya sa pamumuno ng mga Espanyol
dahil na rin sa impluwensiya ng mga sumisikat na idea ng demokrasiya at ang tahasang pangaabuso
ng mga namumunong Espanyol sa Pilipinas.

Ayon kay Gobernador-Heneral Rafael Izquidero y Gutierrez


Ayon sa gobernador-heneral, ang pag-aalsa ay bunga ng pagpaplano ng grupong binubuo ng mga
natibong Pilipinong pari, mga mestizo, at mga abogado upang labanan ang mga pang-aabuso at
kawalan ng katarungan na nararanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng rehimeng Espanyol. Naniniwala
rin ang gobernador-heneral na nais ng mga rebeldeng ihayag si Jose Burgos o Jacinto Zamora bilang
pinuno ng bagong gobyernong kanilang itatayo matapos kumawala sa pananakop ng Espanya.
Ayon kay Trinidad Pardo de Tavera
Ayon kay Trinidad Pardo de Tavera, ang pag-aaklas ay isang simpleng pagpapahayag lamang ng
kagustuhan ng mga Pilipino na magkaroon ng sapat na kagamitan at pagnanais na mapabuti ang
edukasyon sa Pilipinas, na hindi nito intensiyong tumiwalag sa Espanya. Ngunit sa pagkabahala ng
mga prayleng Espanyol  na ang kanilang pamumuno at mga pribilehiyong tinatamasa ay
maapektuhan ng planong pag-aalsa, iniulat nila ito sa pamahalaan bilang isang malaking pag-aalsa
na nagnanais pabagsakin ang pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. Hindi na nagsagawa ng pag-
iimbestiga ang pamahalaan at agad na dinakip ang mga utak ng pag-aalsa.

Ayon kay Edmund Plauchut


Ayon kay Edmund Plauchut, isang mananalaysay na Pranses, ang ugat umano  ng pag-aalsa ay ang
pangingikil ng gobernador-heneral ng personal na buwis mula sa mga manggagawang Pilipino sa
arsenal at pamimilit sa kanilang magtrabaho. Bago nangyari ito ay walang binabayarang tributo at
hindi kasama sa sapilitang paggawa ang mga manggagawa sa arsenal.

Ang Enero 20, araw ng pag-aalsa, ay siya ring araw ng suweldo ng mga manggagagawa. Nang
malaman nilang ibinawas sa kanilang mga suweldo ang karagdagang buwis at kapalit na bayad sa
hindi pagsali sa sapilitang paggawa, sila ay nag-alsa. Inakala nilang sila ay magwawagi sa kanilang
pag-aalsa ngunit hindi umanib sa kanila ang ibang mga manggagawa sa gitna ng kaguluhan kahit na
ang usapan nila ay magsasama-sama sila.

Utak sa Pag-aalsa

Sa pamumuno nina Fernando La Madrid, isang mestisong kawal, kasama si Jaerel Brent Senior,
isang morenong kawal, sinugod at sinakop nila ang Fort San Felipe at pinatay ang labing-isang
opisyal na Espanyol.

Inakala nilang aanib sa kanila ang mga Pilipinong kawal dahil may nasaksihan silang pagpapaputok
sa labas ng arsenal noong nakaraang gabi na isang senyales na aanib sa kanila ang mga kawal
ngunit ang pagpapaputok pala ay kaugnay ng selebrasyon ng Our Lady of Loreto, ang patron ng
Sampaloc. Ayon sa kanilang plano, gagawa sila ng destruksiyon  sa mga kawal na Espanyol na 
nagbabantay sa Maynila sa pamamagitan ng isang sunog sa Tondo habang inuukupa ng mga
Pilipinong kawal ang Fort Santiago. Ang destruksiyon  na kanilang binalak para sa Cavite ay mga
paputok upang mawala ang atensiyon ng mga kawal na Espanyol na  nagbabantay sa arsenal sa
Cavite.

Ang kanilang planong paglusob sa Fort Santiago ay natimbog at hindi nagtagumpay samantalang
ang paglusob sa Fort San Felipe naman ay mabilis na napuksa ni Gobernador-Heneral Rafael
Izquidero y Gutierrez.

Pag-aresto sa mga Lumahok sa Pag-aalsa


Matapos ang pag-aaklas, ang mga lumahok na kawal na mga mestizo at Espanyol ay inaresto. Ang
iba ay ipinatapon sa Mindanao habang ang mga direktang sumuporta naman sa mga kawal at
manggagawa ay inaresto rin. Ang tatlong pari o ang Gomburza na itinuring na utak ng pag-aaklas ay
hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote habang ang apatnapu’t isang kawal na kasama
sa pag-aaklas ay hinatulan din ng kamatayan ni Gobernador-Heneral Rafael Izquidero y Gutierrez.
Bukod sa apatnapu’t isang kawal, anim na kasangkot pa sa pag-aaklas ang nahuli kinalaunan at
hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong.

Pagpatay sa Gomburza
Ang tatlong Pilipinong pari ay pinaratangan na utak ng Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 kung saan
humigit-kumulang sa 200 Pilipinong manggagawa at kawal sa arsenal sa Cavite ang nag-alsa upang
ipaglaban ang hindi nila pagsang-ayon sa pagbabayad ng tributo at ang sapilitang pagtatrabaho.

Dahil sa umano’y pagkakasangkot ng tatlong pari  sa Pag-aalsa sa Cavite, ang Gomburza ay


inaresto at nilitis sa napakaikling panahon. Sila ay napatunayang nagtaksil laban sa pamahalaang
Espanyol at ikinulong kasama ang iba pang rebolusyonaryong sina Joaquin Pardo de
Tavera at Maximo Paterno.

Matapos mapatunayang ang tatlong pari ay nagtaksil laban sa pamumuno ng mga Espanyol, sila ay
hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote. Nang marinig nila ang hatol, naiulat na ang
tatlong pari ay umiyak at naging balisa. Ang Gomburza ay binitay sa harap ng halos apat na libong
Pilipino noong kinaumagahan ng 17 Pebrero 1872 sa Bagumbayan.

https://fil.wikipilipinas.org/view/Pag-aalsa_sa_Cavite

Pag-aalsá sa Cavite
Ang Pag-aalsá sa Cavite (o Cavite Mutiny sa Ingles) ay isang pag-aalsa noong 1872 ng umaabot sa
200 Filipinong sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite. Madaliang nasugpo ng pamahalaang kolonyal
ang pag-aaklas ngunit naging makabuluhan ito sa kasaysayan dahil ginamit itong dahilan upang
supilin ang mga Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan. Ang pag-aalsa ang
ginamit na batayan upang isakdal at bitayin ang tatlong paring Filipino na sina José Burgos, Jacinto
Zamora, at Mariano Gómez—o mas kilala bilang Gomburza—at ang kanilang pagkamartir ang higit
na nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Filipino at magdudulot, sa huli, ng Himagsikang1896.

Pinaniniwalaang nag-ugat ang pag-aalsa sa pagpapataw ni Gobernador- Heneral Rafael de Izquierdo


ng personal na buwis sa mga kawal at manggagawa, samantalang dati na siláng hindi saklaw nitó.
Isinaad ng buwis ang pagbabayad ng salapi at pagbibigay ng polo y servicio, o sapilitang trabaho.
Nang natanggap ng mga manggagawa ang kanilang sahod, binawasan na ito ng buwis. Sa
pamumunò ni Fernando La Madrid, isang mestisong sarhento, nag-alsa silá noong 20 Enero 1872.
Nakubkob nilá ang Fuerza San Felipe at pinaslang ang 11 Español na opisyal. Inakala ng mga nag-
aklas na sasamahan silá ng mga sundalo sa Maynila. Hudyat dapat ng simula ng labanan ang mga
paputok mula sa Intramuros noong gabing iyon. Sa kasamaang palad, ang hudyat na kanilang nakita
at sinunod ay isa lamang pagpapaputok para sa pagdiriwang ng pista ng Birhen ng Loreto, ang
patron ng Sampaloc. Sa pangambang simula ito ng mas malawakang rebolusyon, isang pulutong ng
mga sundalo sa pamumunò ni Heneral Felipe Ginoves ang lumusob sa moog ng San Felipe. Sumuko
ang mga nag-aklas, kabilang si La Madrid, at pinaputukan sila sa utos ni Ginoves.

Pagkatapos ng pag-aalsa, dinesarmahan ang lahat ng sundalo sa arsenal at ipinatapon sa Mindanao.


Dinakip at binitay o ipinatápon ang mga pinaghinalaang sumuporta sa pag-aaklas. Maraming
mariwasa at ilustrado ang nadawit sa pag-aalsa. Ginamit itong dahilan ng pamahalaang kolonyal at
mga fraileng Español upang idawit ang tatlong paring tinagurian ngayon bilang Gomburza.
Pagkatapos ng maigsi at kahina-hinalang paglilitis, binitay ang tatlong pari sa harap ng publiko sa
pamamagitan ng garote. Sa halip ikatákot, tinandaan ito ng mga patriyota na pruweba ng kalupitan
ng mga mananakop. (PKJ)

https://philippineculturaleducation.com.ph/pag-aalsa-sa-cavite/

You might also like