You are on page 1of 32

Mga Dahilan at Pangyayari sa Panahon

ng Himagsikang Pilipino
- Sigaw sa Pugad-Lawin
- Tejeros Convention
- Kasunduan sa Biak-na Bato
Ang Simula ng Rebolusyong Pilipino ng 1896
Napag-alaman ng mga Espanyol
ang planong pag-aalsa habang
puspusan ang paghahanda ng mga
Katipunero sa ilulunsad na
rebolusyon. Gabi ng ika-19 ng Agosto,
1896 nang isiniwalat ni Teodoro
Patiño, isang Katipunero, kay Padre
Mariano
Teodoro Patiño
Gil ang lihim ng Katipunan.
Nagawa niya iyon dahil sa payo ng isang madre at
ng kapatid niyang nakatira sa tahanan ng mga ulila
sa Mandaluyong. Itinuro ni Patiño ang imprenta ng
mga Katipunero. Natuklasan dito ang ilang polyeto
at dokumento ng Katipunan. Hinuli at ikinulong sa
Fort Santiago ang pinaghihinalaang kasapi sa
Katipunan.
Ang pagkakatuklas sa
Katipunan ay nagbunsod kay
Bonifacio na tumawag ng
pulong sa Balintawak,
Caloocan Kasama sina Jacinto,
Procopio Bonifacio
at iba pang Katipunero. Napagkasunduan nilang
simulan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol.
Inilabas ni Bonifacio ang kanyang sedula at sinabi
ang:
“Ilabas ang inyong sedula at
pagpunit-punitin upang
ipakilalang nakatalaga tayong
maghimagsik.”

Sumunod ang lahat at pinagpunit-punit nila ang kanilang


sedula at sabay-sabay silang humiyaw ng: “Mabuhay ang
Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!”
Ito ang tinawag na Sigaw ng Pugad Lawin na
nangyari noong Agosto 23, 1896. Ito ang hudyat ng
rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol.
Tiyakin:
Ipaliwanag:
Paano nagsimula ang
Rebolusyong 1986?
Paghihimagsik sa mga Lalawigan
Umabot sa mga probinsya ang digmaan. Pinamunuan ni
Emilio Aguinaldo ang paghihimagsik sa Cavite. Pinamunuan
ni Hen. Mariano Llanera ang San Isidro, Nueva Ecija. Si Hen.
Severino Tirona ang sa Laguna at si Miguel Malvar ay sa
Batangas.
Dahil sa himagsikan, inilagay ng mga Espanyol sa ilalim ng
Batas Militar o Martial Law ang mga lalawigan ng Bulacan,
Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Maynila, Cavite, Tarlac, at
Batangas. Ito ang unang walong lalawigang naghimagsik laban
sa mga Espanyol.
DALAWANG PANGKAT NG
KATIPUNERO SA CAVITE

• Magdiwang
• Magdalo
Ang pangkat ng Cavite ay nahahati
sa dalawa: Ang Magdiwang at
Magdalo. Ang pangkat ng Magdalo
ay pinamumunuan ni Baldomero
Aguinaldo na pinsan ni Emilio
Aguinaldo at may himpilan sa
Kawit. Ang pangkat ng Magdiwang
ay pinamumunuan ni Mariano
Alvarez na tiyo ng asawa ni
Bonifacio at may himpilan sa
Noveleta.
Dalawang manipesto ang inilabas ni Emilio
Aguinaldo noong Oktubre 31, 1896 na nagbalak ang
Magdalo na magtatag ng bagong pamunuan at
gobyerno na papalit sa Katipunan. Nagpahayag ito ng
layunin ng rebolusyon na maging malaya ang
Pilipinas at naghihikayat sa lahat ng mga Pilipino na
makipaglaban tungo sa kalayaan.
KAGANAPAN SA TEJEROS

Inanyayahan si Bonifacio na mamagitan sa


dalawang pangkat upang malutas ang
kanilang suliranin. Nagtungo si Bonifacio sa
Cavite kasama ng kanyang asawa at kapatid,
sina Ciriaco at Procopio.
Ito ay para pag-usapan
kung paano idedepensa
ang Cavite dahil ang
mga Katipunero ay
nakaranas ng

madalas na pagkatalo sa labanan at upang tapusin na


ang lumalalang hidwaan ng pangkat Magdalo at
Magdiwang. Nagpulong sila sa Tejeros noong Marso 22,
1897 at napagkaisahan
nila bumuo ng pamahalaang rebolusyonaryo na hahalili
sa Katipunan. Sa oras ng pagtitipon ay wala si
Aguinaldo dahil kasalukuyang siyang nakikipaglaban sa
mga Espanyol. Si Bonifacio ang namuno ng
kumbensyon. Ang mga napiling pinuno ay sina:

Emilio Aguinaldo – Pangulo


Mariano Trias – Pangalawang Pangulo
Artemio Ricarte – Kapitan Heneral
Emiliano Riego de Dios- Direktor na Pandigma
Andres Bonifacio – Direktor na Panloob
Nikael Donna R. Peralta – Unson ES, Pagsanjan, Laguna
Tumutol si Daniel Tirona
sa pagkakahalal kay Bonifacio
bilang Direktor na Panloob
dahil hindi siya abogado at mas
mataas daw ang pinag-aralan at
may kaya si Jose del Rosario
kaysa sa nahalal sa tungkuling
hahawakan. Ikinagalit ito ni
Bonifacio at
Daniel Tirona
bilang Supremo ng
Katipunan, pinawalan
niya ng saysay ang mga
nangyari sa
kumbensyon. Nilisan

niya ang kumbensyon kasama ng kanyang


tagasunod.
Paglilitis at Pagpatay kay Bonifacio
Hindi nakadalo sa kumbensyon si Aguinaldo ngunit
naibalita sa kanya na siya ang nanalo sa Kumbensyon.
Kinagabihan ay nanumpa siya at iba pang nahalal
maliban kay Bonifacio. Dahil sa pangamba ng mga
kasama ni Aguinaldo na mahati ang mga maghihimagsik
kung pababayaan si Bonifacio na magtayo ng sariling
pamahalaan at hukbo, kinumbinsi nila si Aguinaldo na
ipadakip si Bonifacio.
Nagkaroon ng labanan ang pangkat ni Aguinaldo at ni
Bonifacio, namatay ang kapatid ni Bonifacio na si Ciriaco.
Inakusahan ng sedisyon at pagtataksil laban sa pamahalaang
rebolusyonaryo si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si
Procopio. Ang mga hurado ay binuo ng mga kapangkat ni
Aguinaldo. Nahatulan sila ng kamatayan at noong Mayo 10,
1897, binaril ang magkapatid sa may Bundok Buntis na
malapit sa Maragondon, Cavite. Hanggang ngayon, hindi pa
rin natatagpuan ang mga bangkay ng magkapatid na
Bonifacio.
Tiyakin:
1. Bakit ipinapatay si Bonifacio?
2. Ano ang nagging epekto nito sa
rebolusyon?
Pagtatatag ng Republika ng Biak-na-Bato
Lumubha ang kalagayan ng rebolusyon dahil sa
pagkakapatay kay Bonifacio at paghina ng mga
Katipunero. Masugid na tinugis ng mga Espanyol si
Aguinaldo. Nagwagi ang mga Espanyol sa Cavite kaya
napilitang umurong si Aguinaldo sa Batangas at nakiisa
kay Hen. Miguel Malvar. Tinangka ng mga Espanyol na
dakipin si Aguinaldo sa Batangas ngunit siya ay
nakatakas patungong Morong at mula rito ay nagtungo sa
Biak-na-Bato.
Tiyakin:
Bakit nagkaroon ng
Kasunduan sa Biak-
na-Bato?
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Naging malala ang hidwaan ng mga Pilipino at Espanyol. Sa
pangyayaring ito, si Pedro Paterno, isang Pilipinong nag-aral
sa Espanya ay lumapit sa Gob. Heneral at nagkusang-loob na
mamagitan sa lumalaking hidwaan. Sumang-ayon si Gob.Hen.
Primo de Rivera na isulong ang pagkakasundo para sa
kapayapaan kaya’t nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato.
Ang kasunduang pangkapayapaan ay nilagdaan nina Hen.
Aguinaldo at Gob. Hen. Primo de Rivera noong Disyembre 14
at 15, 1897.
Nilalaman ng Kasunduan sa Biak-na-Bato
Panig ng mga Pilipino Panig ng mga Espanyol
(Emilio Aguinaldo) (Gobernador-Heneral)
• Sekularisasyon ng mga parokya at • Maninirahan sina Aguinaldo at mga
pagtatanggal sa mga organisasyon ng kasama nito sa ibang bansa
mga paring Espanyol • Babayaran ng halagang ₱800,000.00
• Pagtatalaga ng mga Pilipinong sina Aguinaldo kapag umalis, isusuko
kinatawan sa pamahalaan ang 700 sandata at uutusang ang ibang
• Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at manghihimagsik na sumuko rin
Espanyol sa harap ng batas • Magbabayad ng ₱900,000.00 sa mga
• Kalayaan sa pagsasalita, pamilyang napinsala sa labanan.
pagpapahayag at pagpupulong
Ang Pagkabigo ng Kasunduan
Hindi nagtagumpay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato na
nagtatadhana sana ng pagwawakas ng himagsikan. Bigo
ang kasunduan dahil walang tiwala ang dalawang panig
sa isa’t isa.
1. Bilang pagtugon sa kasunduan, nagtungo sina
Aguinaldo at ilang piling kasamahan sa Hong Kong
bilang mga exile noong Disyembre 27, 1897 dala ang
tsekeng nagkakahalaga ng ₱400,000.00 bilang
kabayaran sa pag-alis nila.
Ang Pagkabigo ng Kasunduan
Ito ay idineposito ng Espanyol sa bangko ng Hong Kong
sa pangalan ni Aguinaldo. Balak ni Aguinaldo na gamitin
ang salapi sa pagbili ng mga sandata at ibang kagamitan
para sa pakikidigma upang magamit sa pagpapatuloy ng
himagsikan.
2. Ang pamahalaang Espanyol ay hindi tumupad sa
pangakong magbabayad ng halagang
₱1,700,000.00. Ang ibinigay lamang ay
₱600,000.00 (₱400,000.00 ang ibinigay kay
Aguinaldo at ₱200,000.00 sa mga pinunong
rebolusyonaryo sa Pilipinas).
3. Hindi binayaran ng mga Espanyol ang mga
Pilipinong napinsala ng digmaan.
4. Ang mga mamamayang nagsuko ng mga sandata
at ibang pinaghihinalaang rebolusyonaryo ay
pinaghuhuli.

Hindi nagkaroon ng katahimikan sa Pilipinas


matapos malagdaan ang kasunduan. Bagkus lalo
pang naging marahas ang mga labanan
Tiyakin:
Bakit nabigo ang
Kasunduan sa Biak-
na-Bato?
Gawain sa Pagkatuto 1: Basahing mabuti ang bawat
pahayag. Ilagay sa loob ng bilog ang star kung ikaw ay
sumasang-ayon at araw naman kung hindi ka sumasang-
ayon. Bigyan ng maikling katuwiran o paliwanag ang
iyong sagot.
Gawain sa Pagkatuto 2: Pagsunod-sunurin ang mga
pangyayaring naganap sa kumbensyon sa Tejeros upang
ayusin ang hidwaan sa pagitan ng mga Katipunero sa
Cavite. Lagyan ng bilang 1-5 ang mga bilog nang tamang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
___ Itinuloy ang kumbensiyon at naganap ang eleksiyon kung
saan pinagbotohan kung sino ang mamumuno sa Pamahalaang
Rebolusyunaryo.
___ Inimbitahan ang Supremo Andres Bonifacio upang ayusin
at pagkasunduin ang sigalot sa pagitan ng Magdiwang at
Magdalo.
___ Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo at Direktor ng
Interyor naman si Andres Bonifacio.
___ Nagalit si Bonifacio kaya umalis siya at nagtatag ng
sariling pamahalaan.
___ Tinutulan ni Daniel Tirona ang resulta ng halalan at nilait
ang pagkatao ni Bonifacio.

You might also like