You are on page 1of 3

Ang Kagawaran ng Kalusugan (Ingles: Department of Health) ang ahensiyang ito ang

nangunguna sa pangangalaga sa kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa. Ang


pangkasalukuyang kalihim ay si Francisco Duque III.
Layunin ng Kagawaran ng Kalusugan na maging punong kalusugan para sa lahat sa Pilipinas. At
misyon nito ang magtiyak sa pagbibigay ng pantay-pantay, likas-kaya, at de-kalidad na kalusugan para
lahat ng Pilipino, lalo na sa mga dukha, at magpasimuno sa pagkakamit ng kahusayan sa lárang ng
kalusugan.
August 6
Nagdeklara ngayon si Health Secretary Francisco Duque III ng National Dengue Epidemic dahil sa
patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Mula Enero
hanggang Hulyo ng taon na ito ay nagtala na ng 146,062 kaso ng dengue sa buong Pilipinas (98% mas
mataas sa bilang ng kaso noong Enero-Hulyo ng nakaraang taon).
Nagdeklara ng National Dengue Epidemic sa bansa upang matutukan ang mga aktibidad at programa
laban sa dengue. Hinihikayat ang lahat na makiisa sa mga programa ng DOH at lokal na pamahalaan at
lumahok sa 4-o'clock habit gamit ang 4S strategy
4-S stands for
“Search and destroy” mosquito-breeding sites,
“Self-protection measures” (i.e. wearing long pants and long sleeved shirts, and daily use of mosquito
repellent),
“Seek early consultation”,
and “Support fogging/spraying” only in hotspot areas where increase in cases is registered for two
consecutive weeks to prevent an impending outbreak.
ANG UNIVERSAL HEALTH CARE LAW O UHC ay ang batas na naglalayong magbigay ang quality at
affordable health care services sa mga Pilipino.
Kahapon nga lang ay pormal ng nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na ito na malaki ang
maitutulong sa health care at hospitalization benefits ng mga Pilipino.
Mga benepisyo mula sa Universal health care law
Sa ilalim ng batas na ito ay hindi na mag-aalala ang mga magulang na may trabaho man o wala sa kung
sakaling magkakasakit ang kanilang anak.
Dahil sa pamamagitan ng batas na ito ay awtomatikong magiging miyembro ng National Health
Insurance Program o NHIP ang lahat ng Pilipino na nasa loob o labas man ng bansa.
Sa pamamagitan ng “immediate eligibility” na ito ay magkakaroon na ng access ang mga Pilipino sa
kabuuang serbisyo na pangkalusugan. Kasama na rito ang preventive, promotive, curative, rehabilitative
at palliative care para sa medical, dental, mental at emergency health services.

Ang National Health Insurance Program ay programang bibigyang katuparan ng Philhealth na kung saan
makaka-avail rin ang bawat Pilipino ng mga benefits mula dito.

Ang programang ito ay nahahati sa dalawang membership categories.

 Una ay ang “direct contributors” o ang mga miyembrong may kakahayang mag-bayad ng
monthly premium ng Philhealth.

 Ang pangalawa ay ang “indirect contributors” o ang mga miyembro na ini-isponsor ng gobyerno
gaya ng mga indigents, senior citizens at persons with disabilities o PWD.

Dahil nga ang lahat ng Pilipino ay automatic member na ng National Health Insurance Program ay hindi
na kailangang magpakita pa ng Philhealth ID bago maka-avail ng primary health care services sa mga
hospital at iba pang health establishments.

Makakakuha nga lang ng mas maraming benefits ang mga direct contributory members na mas
madadagdagan pa kung tataas ang kanilang binabayad na premium buwan-buwan.

Pinalawak rin ng universal health care law ang Philhealth coverage na kung saan ngayon ay kabilang na
sa mga benepisyo nito ang libreng consultation fees, laboratory testings at ibang diagnostic services.
Ayon nga sa principal author ng batas na ito na si Sen. JV Ejercito ay hindi na mangangamba ang mga
Pilipino sa tuwing magkakasit o madapuan ng karamdaman ang sinumang mahal nila sa buhay. Dahil sa
pamamagitan ng batas na ito ay magiging katuwang at karamay na ng bawat Pilipino ang gobyerno sa
kanilang pagpapagamot at sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan.

Samantala, ayon naman sa co-author ng Universal Health Care law na si former Senate Committee on
Health Chairperson Risa Hontiveros ay wala ng magulang ang dapat papiliin kung kaya niya bang iligtas
ang kaniyang anak sa peligro ng karamdaman o sakit.

Dahil sa tulong ng batas na ito ay masisiguro na ng bawat magulang na mabibigyan ng maayos na


serbisyo sa pagpapagamot ang kaniyang anak at sinumang mahal sa buhay.

Nilinaw din ni Sen. JV Ejercito na hindi lahat ng magagastos sa ospital ay magiging libre na sa ilalim ng
batas na ito. Ngunit mas patataasin lang ang makukuhang benepisyo mula sa Philhealth at gobyerno.

Ayon naman kay Department of Health Secretary Francisco T. Duque III, malaki ang maitutulong ng
Universal Health Care Law sa mga Pilipino dahil sa pamamagitan ng batas na ito ay mas palalakasin pa
ang primary health care o ang serbisyo sa mga barangay health clinics.

Sa ilalim din ng batas na ito ay mas paiigtingin pa ang programa sa health promotion at disease
prevention para maiwasan ang paglaganap ng mga sakit gaya nalang sa nangyaring tigdas outbreak.

Dagdag pa niya ay mai-improve rin ang doctor to patient ratio sa pamamagitan ng batas na ito. Dahil ang
lahat ng graduate ng health related courses na tumatanggap ng government-funded scholarships ay
nire-require ng UHC law na magtrabaho sa public sector ng hindi bababa sa tatlong taon upang
matugunan ang kakulangan sa mga doktor, nurses at iba pang medical staff sa bansa.

Nilalayon din ng batas na ito na pagandahin ang mga equipments at i-upgrade ang mga bed capacities
ng mga pampublikong ospital sa Pilipinas.

Magpapatayo rin ng mga ospital at dagdag pang health centers sa mga remote areas upang abutin ang
mga Pilipino sa mga liblib na lugar at maibigay ang kanilang pangangailangang pangkalusugan.

Ang pondong gagamitin para sa programang ito ay magmumula sa charity fund ng Philippine Charity
Sweepstakes Office (PCSO), income mula sa Philippine Gaming Corporation (PAGCOR), member
contributions, national budget mula sa Department of Health, government subsidies at sin tax
collections.

You might also like