You are on page 1of 59

Pagsusuri ng mga Pagpapahayag ng

mga Bikolano
Buenaflor, Jhuna Marie A.
Frances, Daphne Frilles E.
Lozada, John Willford A.
Medallon, Joyce Ann N.
Sanorjo, Ronavie G.
Trogo, Andrea Lorraine O.

GROUP 5
BS Biology 1C
Pinagmulan
2

Kapit-galit:
Pagpapahayag
ng "galit" ng
mga Bikolano sa
Pasatiempo, Weana
kapitbahay Castronuevo, Eva
Introduksyon
3

Ang emosyon ay isang karaniwang estado ng kaisipan na kasa-kasama ng


bawat indibidwal sa pang-araw araw na engkwentro sa buhay, gaya ng galit.
Ang galit ay physiological based primary emotion at unibersal na makikita
sa lahat ng kultura (Lorenzana, 2006). Kung ikukumpara sa ibang salin na wika
ay hindi tumpak sa kahulugan at gamit nito sa Filipino.
Introduksyon
4

Sa tulong ng Natural Semantic Metalanguage (NSM), nasuri ng mabuti ang


mga emosyon na konsepto gamit ang mga linggwistikong ebidensya gaya ng mga
panayam, dayalogo at panitikan, at nakita na ang mga salitang ito ay nararanasan
at naipapahayag sa iba’t ibang paraan.
5

Emosyon ng mga
Pilipino
Sa Pilipinas, hindi lang ang likas na
yaman ang namumukod-tangi sa iba
pang mga bansa at kinaiinggitan,
maging ang kulturang "Pinoy" na
may napakaraming sangay mula sa
ginagamit na wika hanggang sa
kaugalian..
6

Ang konsepto ng galit ay katangi-tangi at maaaring may


pagkakapareho sa iba pang salita ngunit ang mga salitang ito ay
kailanman ay hindi magiging eksaktong parehas (Lorenzana, 2006). Ang
pinaka importanteng elemento ng galit ay ang pinagmulan at
pahahayagan ng galit:

May pagkakaiba rin kung pinapahayag ang galit ng miyembro ng


grupo at kapag hindi bahagi ng grupo. Salik din ang social acceptance ng
mga Pilipino sa pagpapahayag ng galit lalo na ang takot na mawala ang SIR
o ang Smooth Interpersonal Relation kaya gumagawa ng ibang paraan ang
mga Pilipino para ipahayag ito.
7

Karagdagan, ang pagpapahayag ng galit ay minsan ay


nagiging bastos o kawalan ng respeto sa kapwa ngunit karamihan
isinasaalang-alang pa rin ang kapayapaan at iba naman ay
hinahayaan nalang na hindi masabi at maipahayag ang emosyon o
kaya nama’y idinadaan na lang sa hindi berbal na paraan.

Kinalaunan, napag-alaman na ang Pilipino na galit ay passive


aggressive. Ang galit ng mga Pilipino ay mapagpasensya at
napapatagalan depende sa hangganan.
8

Kapitbahay at ang
Komunidad
Mapapansin sa mga urban na komunidad ang malaking impluwensya ng
mga dayuhan gamit ang social media at modernong teknolohiya kasama
na rin ang mataas na pamantayan ng pamumuhay o standard of living.
Kasama na dito ang kaibahan paraan ng pamumuhay ng mga tagaurban
sa mga taga-rural (Yang & Zhong, 2007).
9

May mabilis at kaniya kaniyang pamumuhay ang mga


taga-urban kaya’t nagtataglay sila ng mas maliit at mahinang
relasyon patungo sa iba na bahagi ng pamayanan.

Samantala sa mga rural na pamayanan naman, maaaring simple ang pamumuhay


ngunit nagtataglay ang mga mamamayan nito ng mas malalim na relasyon sa kapwa
kasapi ng komunidad o kapitbahay. Isang malaking dahilan nito ang pagiging
magkakasama sa trabaho, magkakasama sa isang eskwelahan, kapwa parokyano at
negosyante, at magkakapamilya.
METODOLOHIYA 11

Mga
Instrumento
Disenyo ng
Pananaliksik

Pamamaraan
Mga Kalahok at
Sampling
Disenyo ng Pananaliksik 12

Ang disenyo na ginamit sa pag-aaral na ito ay kwalitatibo dahil ang


pananaliksik na ito ay naglalayong mailarawan ang pagpapahayag ng emosyon na
"galit" ng mga Bikolano.
Upang makakalap ng datos, ginamit ang pagtatanong-tanong bilang
katutubong pamamaraan kung saan nagkaroon ng unstructured at impormal na
pagtatanungan sa pagitan ng mananaliksik. Kasama ang pakikipagkwentuhan na
metodo, malayang nagkaroon ng palitan ng kwento sa panig ng mananaliksik at
kalahok.
13

Mga Kalahok at Sampling

Ang mga kalahok na ginamit sa pag-aaral na ito ay labingtatlo na mamamayan,


kasalukuyang namumuhay at matagal nang naninirahan sa Labo, Camarines Norte
na hindi bababa sa limang taon. Ang bawat isa ay nasa hustong gulang o bahagi ng
adult (nagsisimula sa 18 taong gulang) dahil sa edad na ito, ang isang indibidwal ay
nakakaunawa na at nakakaranas ng pagpapasya sa mga malalaking desisyon sa
buhay.
Ang kasarian ay maaaring babae o lalaki at hindi hinihiling ng mananaliksik
na dapat ay mayroong hanapbuhay upang maging kabilang sa pag-aaral. Ang mga
kasapi ng mga kalahok ay kailangang may galit na naitanim noon o kasulukuyang
emosyon sa kapitbahay o mga kapitbahay.
Mga Instrumento 14

Sa pangangalap ng datos sa mga kalahok, gumamit ng mga panimulang tanong


ang mananaliksik upang makuha ang mga pangunahing impormasyon mula sa mga
kalahok gaya ng pangalan, edad, tagal ng paninirahan, pamumuhay at
pinagkakaabalahan.
Pakikipagpalagayang-loob ang ginamit ng mananaliksik bilang iskala ng
pagtutunguhan ng mananaliksik at kalahok na sumusukat sa relasyon o ugnayan ng
dalawang panig. Upang makuha ang kumpletong datos mula sa mga kalahok,
gumamit ang mananaliksik ng rekorder habang isinasagawa ang pakikipag-usap.
15
Pamamaraan

Ang mananaliksik ay manggagaling sa ibang lalawigan at hindi


tubong Bikol kaya’t kailangan niyang manirahan ng ilang linggo sa pook
napili upang magkaroon ng mas malalim na ugnayan ang mananaliksik at
kalahok.

Una, nakibagay ang mananaliksik sa mga mamamayan sa bayan ng Labo

01
upang maging bahagi sa lugar at hindi maging “iba” sa grupo na maaaring maging
hadlang sa pagkakaroon ng mas malalim na relasyon sa mga kalahok sa
pamamagitan ng pagsuot ng simpleng damit at simpleng tsinelas lamang na ayon sa
kanilang antas ng pamumuhay.
16

Nakisama rin sa paraan ng pamumuhay na hindi karaniwan


sa kinagisanang lugar ng mananaliksik gaya ng pagsakay sa bubong ng
traysikel at pag-iigib ng tubig.

Kasama na rin dito ang pag-aral sa paraan ng pagbibigkas ng mga Bikolano sa ng bayan
ng Labo, Camarines Norte. Ang mga taga-Labo ay hindi gumagamit ng purong Bikolnon o
dayalekto ng Bikolano. Sila ay gumagamit ng Tagalog na may halong Bikolano na may
matigas na pagbigkas ng mga salita.
17

Pangalawa, ang mananaliksik ay ipinakikala bilang pamangkin sa


mga kalahok kaya’t naging madali ang pakikipagpalagayang-loob at

02 pakikipagkwentuhan nito sa mga kalahok upang makapangangalap ng


mga datos.

03
Pangatlo, pinili ng mananaliksik ang mga taong nagpapahinga at
nagpapalipas-oras lamang upang hindi makaistorbo sa mga taong may mahalagang
pinagkakaabalahan.
18

Nagkaroon din ng malaking pagkakataon ang mananaliksik na makadalo sa


buwanang pagpupulong ng kanilang asosasyon sa purok na NASA o Neighborhood
Assistance for Shelter Association. Ito ay naging malaking pagkakataon para makapangalap
ng mas maraming datos at makapagtatag ng mas malalim na relasyon sa mga kalahok.

Pang-apat, sinimulan ng mananaliksik ang kwentuhan sa pagpapakilala sa


sarili at kamustahan. Hindi naging pormal ang pananalita dahil maaari itong maging
balakid sa pagkuha ng tunay na saloobin. Ibinahagi rin ng mananaliksik ang pakay
at ang pagpapaalam kung maaaring gumamit ng rekorder upang itala ang mga
04
impormasyong malilikom mula sa kwentuhan.
19

Ibinahagi rin ng mananaliksik ang pakay at ang


pagpapaalam kung maaaring gumamit ng rekorder upang itala ang
mga impormasyong malilikom mula sa kwentuhan.

Panglima, gumamit ng mga panimulang tanong upang gabayan ang


kwentuhan ayon sa hinahangad na datos. Naging maganda ang kanilang
interaskyon dahil sa ugnayan ng dalawa na mayroong pantay na pagpapalit-palit ng 05
pahayag.
Lugar
Sa barangay Talobatib sa bayan
ng Labo ng Camarines Norte na
pinangyarihan ng pagaaral, tunay na
makikita ang dikit na relasyon ng
magkakapitbahay ang kapansin-
pansin na simpleng pamumuhay.
Ang barangay ay nahahati sa mga
purok at ang mananaliksik ay
nanuluyan sa purok 4. Ang mga
bahay ay magkakatabi at ang bawat
isa ay talagang magkakakilala.
Ang lugar ay may katabing palayan at
malaking bahagi ng kalupaan ay 21
pagmamayari ng gobyerno na binibigay sa
mga mamamayan bilang proyekto.
May mga karinderiya at sarisari store
ang nakahanay sa tabi ng national road
kasama na rin ang mga binibilad na mga Sa damuhan, mapapansin rin ang mga
palay na makikita rin sa tapat ng mga kalabaw, mga baka at mga kambing na
kabahayan. nagpapahinga at naglalakad sa daanan.
Dahil sa mga ito, makikita rito ang mga
pangunahing kabuhayan ng bawat pamilya
na pagtatanim o pagbubukid o
“pagkokopra,” pagtitinda at pagtatayo ng
eatery or karihan, at pagmimina. Ang
pangunahing pinagkukunan naman ng tubig
ng lugar ay poso.
Tao 22

Sila ay maaagap sa
pagkilos sa umaga at sa
hapon naman ay nasa
Ang mga mamamayan ay kani-kanilang bahay Ang iba nama’y nananahi
likas na magalakin at upang magsiesta, at nagagantsilyo na lamang
palabati sa kapwa. Halos manood ng teleserye sa sa bahay upang malibang.
lahat ay magkakakilala na. telebisyon at
makipagkwentuhan sa
kapitbahay.
23
Sila ay aktibong sumasali sa mga
pagpupulong at mga seminar ng
gobyerno tulad ng “4 P’s” o Pantawid
Pamiliyang Pilipino Program at
“Kalahi-CIDSS” na community-
driven development program ng
Department of Social Welfare and
Development para sa mga lokal na
munisipiyo sa mga ilang probinsiya na
tumutulong sa pagbaba ng kahirapan
ng bansa.
24

Sa pamamagitan ng maingat na pakikipagrelasyon, pakikinig at pag-aanalisa sa mga


nakuhang impormasyon, nabigyan ng kabuluhan ang pananaliksik na isinagawa. Sa
pagtatangi ng mga tema na isinalaysay, masasagutan ang mga tanong ng pananaliksik na:

01 02 03
Ano ang pananaw ng mga Ano ang relasyon Ano ang pamamaraan ng
Bikolano tungkol sa "galit" ng pangkapitbahay ng pagpapahayag ng "galit" ng mga
mga Bikolano. mga taga-Labo taga-Labo Camarines Norte sa
Camarines Norte. kanilang mga kapitbahay.
25

Pananaw sa Galit ng
Bikolano

Ang mga sumusunod ay ilan sa


mga pahayag na sinipi mula sa
pakikipagkwentuhan sa mga
kalahok:
Hindi magkakatulad ng Katangian 26

Ang “galit” ng mga Bikolano ay sinasabing walang pagtatangi, kung saan


karaniwan na ito sa kanilang kapwa Bikolano. Ang mga salik at ilang
kadahilanan ng pananaw na ito ay makikita sa sumusunod na pahayag na sinipi
ng mananaliksik.
Kinatigan naman ito ni Luz na ang “galit” sa
“Depende yan sa klase, kapwa ay hindi magkakahalintulad. Ipinakita na
depende sa problema...Wala may mga kinakailangang isa-alang alang sa
naman, parang may disiplina
pagtatangi sa “galit” na nararamdaman ng bawat
din.. napipigilan din” pananaw
ni Carol. isa sa kanila.
Sinusuportahan ito ng pag-aaral ni Lorenzana
(2006) na sa “galit,” may mga mahalagang
elemento na dapat isaalang-alang.
27

Sinasabi na ang galit ng mga Bikolano ay may pagkakahalintulad lang sa iba


ngunit nakasalalay pa rin sa tao at kalalaan ng pagkakamali ng kinagagalitan. Sa
pagiging mayaman ng mga Pilipino sa kultura, nararapat lang bigyang pansin
ang pag-aaral sa kaibahan ng mga salitang damdamin sa wikang Filipino gaya na
lang ng galit (Petras, 2013).

Sabi nga ni Punggay, “Natural lang ang galit ng Bikolano


kasi yan naman ay, ang nakuha naman naming ugali ay
ugaling Tagalog. Ang Camarines Norte ay katabi ng
Katagalugan. Malapit ang bayan ng Labo sa bayan ng
Calauag na sakop ng probinsiya ng Quezon.”
Bikolano bilang mga Oragon 28

Ang mga sumusunod ay ang mga siniping pahayag mula sa pakikipagkwentuhan


ng mananaliksik ilang mga kalahok na sumang-ayon na ang mga Bikolano ay
“oragon” kung magalit.
Ang mga Bikolano ay sinasabing “oragon” o ang kolokyal na salitang “astig” na
isang taong hindi natatakot, napakagaling at palaban sa kanino man na magiging
katunggali.
Ayon sa panitikang pag-aral sa dyalektong bikolnon, ginamit ang ugat salitang
“orag” bilang kahusayan o kagalingan at sa salitang Ingles naman ay excellence
ayon sa historicist na si Danilo Gerona (Santos, 2004). Sinasabing ang “orag” o
“oragon” ay Bicol aesthetic na ginagamit sa mga literatura at maging sa kultura ng
mga Bikolano bilang positibong pang-uri.
29

“Kapag sinabi kasing Bikolano, yung orihinal na ano niyan kataga dati
diyan.. Oragon, kumbaga sa Maynila… astig. Yung kapag nagagalit kasi
ang Bikolano, walang karakuwan yun ay hindi iniisip kung dayo siya o
hindi, kapag nagalit siya, galit. Kaya yung pagkakilala sa Bikolano yung
original ano niya parang.. anong tawag dun? Basta ayun oragon.” ang
pagkakalarawan ni Siga na sinang-ayunan naman nina Amparo at
Doming sa kanilang pahayag.
30
Sa tugon nina Amparo at Carol, isinasaalang-alang pa rin ng mga Bikolano
ang pagmamahal sa kapwa sa pagpipigil nila sa sarili sa kabila ng sitwasyon
ngunit may kalimitahan na nakasalalay sa pagkakasala ng kinakagalitan.

Ika nga ni Doming, “Parehas lang.. Kapag nasosobrahan.. Depende sa


tao. Ay kuwan naman.. parang ganun nalang..ang mga Bikolano daw ay
hanggang tanghali lang ang bait. Ganun baga ang mga sabi, salawikain.
Mga salita-salita lang yun. Bikolano naman ay oragon. Oragon baga’t
mahilig kumain ng sili.”

Sinasabi na ang kabaitan at pagtitimpi ng mga Bikolano sa kanilang


kinagagalitan ay tasado o may hangganganan lamang.
31

Relasyong
pangkapitbahay sa
bayan ng Labo
Sa kabila ng mga nagiging
problema ng mga kalahok sa
kanilang mga kapitbahay, sa
pangkalahatan ay nakikita pa rin
nila ang kanilang samahan na
matibay at ang kanilang
pamayanan na ligtas.
32
Ipinakita rin sa mga sumusunod ang ilang siniping pahayag ang mga na
naglalarawan sa relasyon na namamagitan sa mga magkakapitbahay sa lugar na
ginanapan ng pag-aaral. Lahat ng mga naging kalahok na nakakwentuhan ng
mananaliksik ay naghayag ng mga positibong saloobin sa kanilang komunidad.

“Okey naman ang samahan dito. Yung


nagtutulungan, pag ka yung may ano tulong Ang kwento nga ni Lina, “Mabuti naman
tulong. Maganda naman samahan dito, ang mga kapitbahay. Yung mga mag-aasawa
walang problema dito,” ang pagkakalarawan lang ang magulo at maraming chismis. Mga
nga ni Punggay. kapitbahay namin ay mga kamag-anak din.”
33
Sa pangkalahatan nakikita ng mga kalahok na maganda at payapa ang
komunidad. Di tulad sa urban na lugar, ang magkakapitbahay ay maaaring
magkakakilala lang sa pangalan at mukha ngunit sa rural na lugar, mayroong
malalim na antas ng relasyon.

Ayon kay Sec, “Minsan naman ang Alinsunod sa paghahambing ni Sec sa lugar
kapitbahay minsan, kamustahan lang ng mananaliksik at sa kanilang lugar, ang mga
kayo ano? Tanguan lang kayo.. Dito
magkakapitbahay sa kanilang lugar ay hindi
talaga nagkakakwentuhan... ganiyan
kapag malalaking bahay, minsan nga lang nagbabatian at nagtatanguan, sila talaga
tatanungin mo, ay! di ko kilala yan pero ay nakikipagkwentuhan at nagkakamustahan.
kapitbahay mo…”
“Para bagang iisang bituka, 35
magkakakapitbahay..” ika nga ni
Ara sa kanilang
Ang pagiging “iba” sa komunidad ay
magkakapitbahay.
nagdudulot ng mailap na pakikitungo at mababaw na relasyon
mula sa mga kapitbahay gaya nalang ng ibinahagi ni Sec tungkol sa pamilyang may
malaking bahay sa kanilang lugar na hindi niya kilala. Kasama rin na salik ang
pagpapalaki ng pamilya ng magkakasama sa iisang komunidad.

Ayon sa kwento ni Carol at Lina, magkakapitbahay din ang mga magkakamag-


anak sa kanilang lugar at isa na sila sa mga iyon. Ang pakikisama at tiwala sa
kanilang kapitbahay ay talagang laganap gaya ng pag-iiwan ng susi ng bahay sa
kapitbahay at pagkuha ng mga sinampay ng kapitbahay kapag umuulan na ayon sa
kwento ni Rosalin. Ang pagtutulungan ay kasama sa samahan ng mga tao sa
kanilang lugar ayon kay Punggay.
37

Pagpapahayag ng Galit
ng mga Bikolano
Sa pagpapahayag ng galit ay tila mas
lamang ang pagsasalita. Ilan lang ang
nakapagbahagi na umabot sa pisikalan
ang kalalaan ng problema sa kapit-
bahay.
Pasalita na pagpapahayag ng Galit 38

Ayon sa mga nakasalitan ng kwento ng mananaliksik ito ay umaayon na hindi


gaanong marahas na uri ang gamit sa pagpapahayag ng galit ang ginagawa ng mga
taga-Labo, at ang uri na ito ay Pasalita. Ang mga sumusunod ay ilan sa kanilang mga
pahayag sa sumusuporta rito.

Ayon kay Lina “Pinagsasabihan lang.. Kapag ako galit? Ay di ako


magpapairitindi, kakausapin ko kapag ayaw di wag. Kahit anong sabi
mo kung hindi naman nakikinig edi bayaan mo siya. Bahala na ang iba
ang mag-ano sa kaniya,manghusga kung ano. Syempre halimbawa
hindi lang naman ang ako ang magagalit dun.”
39

Karamihan ay dinadaan muna sa pag-uusap ang pagkukulang ng kapwa sa


kanila gaya nina Siga, Luz, Ara, Rosalina, at Lina at kung minsan ay hinahayaan na
lang at nagbibigay na lamang ng payo. Ayon naman kay Punggay, mabilis lang
lumipas ang galit sa kapit bahay at walang nang pagtatanim ng galit.

Isa pang dahilan na binaggit ni Lina kung bakit hinahayaan nalang niya ang
"galit" dahil naniniwala siyang marami pang ibang magagalit sa taong
kinagagalitan niya. Samantala ang iba naman ay hindi na nakikialam at nauubusan
na ng pasensya matapos mangaral sa kaaway o kinagagalitan gaya ni Luz, Lina at
Rosalina.
40

Sabi nga ni Sec, “Kapag magkarasamaan ng loob, ganoon? Ay ‘wag na lang.


Pagkatapos nun tapos na (tumawa).. Kung halimbawa naman na magsama ang
loob ko ay doon sa basura. Iyon nasasabihan ko lang na, ayun po kung pwede
naman, kung pwede ganito. Ayun lang, pero hindi naman yung nakakasira kapag
nakikita ko siya binabati ko pa.”

Ukol sa pag-aaral nina Mannarinj at Fedi (2009), nangangaral muna bilang


magkapatid at hindi agad nagiging agresibo gaya ng binanggit na salawikain ni
Domingo tungkol sa Bikolano na hanggang hapon lang ang kanilang bait. Dahil na
rin sa matibay na relasyon ng magkakapitbahay kung saan may boluntaryong
pagtulong sa kapwa.
41
Nangunguna pa rin ang pagmamalasakit sa kapwa bago ang maghayag ng
hindi magagandang salita tulad ng pagmumura.

Dahil sa magandang relasyon ng


magkakapitbahay sa barangay
Gaya ng pahayag ni Doming, Talobatib, iilan lang ang nagbahagi ng
“Depende sa tao. Kapag ako ay paraang ng pagpapahayag ng "galit" na
natutulog na ay ako ginagaralitan ko. mayroong kasamang di pasalita o
Mga demonyo kayo!”
pakilos.
42

Pakilos na pagpapahayag ng Galit


Ang pisikal na pagpapahayag ng galit ay
kalimitang hindi naabot ng nararamdamang galit
ng nakararami kaya naman iilan lang ang
nagpahayag na gumagamit nito.
Ang sumusunod ay ang mga binanggit ng mga
iilang kalahok na nasa panig ng paraang ito. Ayon
sa pag-aaral ni Lorenzana (2006), kailangang
isaalang-alang ang mga mahahalagang elemento ng
galit: ang pinagmulan ng galit at tatanggap ng galit.
Sinang-ayunan ito ng mga kalahok.
.
43
Tugma ang karanasan ni Cielo kung saan ang galit ay bumibugat at lumalaki
dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng kinagagalitan.

Sabi nga ni Cielo, “Yang galit sa akin, kapag galit yan ay pakialam ko sainyo ..
pero ako yung di naman gay-un, ikaw, bahala kayo dyan, ako dito. Ako ay hindi
humihingi sainyo. Sawid ang buhay. Bahala man kayo. Kaya nga ako ay nagkasakit
at ganito, dahil sa basura na iyan. Siguro anya ay kinulam ka (tumawa) sabi sa
akin.. Ay hindi na. Grabe na kakagalit ko. Talagang ginagaralitan ko. Minsan nga
ni ay kinakaralat ko na diyan yung basura.. ay nung una binabayaan ko, ay minsan
naman.. ay hindi na. Grabe na kakagalit ko. Talagang ginagaralitan ko .. Minsan
nga ni ay kinakaralat ko na diyan yung basura..Iyang mga nakasako? Binubuka ko
yan at kinakalat ko sa tapat nila."
44

Dumating sa punto na napuno na ang pasensiya ni Cielo at gumanti na sa


pagkakalat ng basura ng kaniyang kapitbahay. Isa lang ito sa mga kalimitang
problemang nakakaharap ng mga mamayan ng Barangay Talobatib sa kanilang
mga kapitbahay kasama na rin ang pag-iingay o ang malakas na pagpapatugtog
ang kinagagalitan ng mga katabing bahay.

Tuwing may okasyon, ang pagpapatugtog ay naiintindihan naman ng mga


kapitbahay ayon kay Ara ngunit kung wala namang okasyon na ipinagdiriwang,
may mga taong nagbabato sa bahay kung saan ang mga may mahihinang bubong
ay lubos na napeperwisyo.
Konklusyon at Rekomendasyon 45

Ayon sa resulta na ipinakita, hindi pare-pareho ang pagkakakilanlan ng galit ng


mga Bikolano. Ang sagot ng mga kalahok ay nahahati sa dalawa. Marami ang nagsabi
na ang “galit” ng mga Bikolano ay walang kaibahan sa iba at ang iba naman ay nagsabi
na ang Bikolano ay “oragon” kapag nagagalit.

Ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang pananaw na hindi magiging parehas ang galit
na kanilang maiihahayag dahil kailangang isaalang-alang ang naging problema at ang
taong hinahayagan ng galit. Para sa ilan naman, ang galit ng mga Bikolano ay “oragon” na
walang kinakatakutan o ”astig” o ang pagiging magaling, na nakatatak na sa mga
mamamayan sa rehiyong Bikol at kultura bilang isa sa kanilang pagkakakilanlan.
46

Ang paglulunsad ng mga seminar gaya ng pagbibigay kaalaman sa


pangkabuhayan, edukasyon at pagpaplano sa pamilya, ay mas lalong nagpapatibay sa
pagkakakilanlan ng mga mamamayan ng bayan ng Labo. Nang dahil dito, sila ay
panatag sa komunidad na kinabibilangan nila at may malaking tiwala para sa isa’t isa na
tila parang isang pamilya.

Halos lahat ng mga kalahok ay tumugon dito, gayunpaman, hindi maiiwasan ang mga
ilang problema sa pagitan ng mga magkakapitbahay. Ang pagkakaroon ng regular na
pagpupulong ay lubos na makakatulong upang maihayag ang mga hinaing, reklamo at mga
namumuong problema sa komunidad. Para naman sa kanilang pagpapahayag ng galit,
nahahati sa pasalita at pakilos ang kanilang paraan.
47

Sa kapitbahay, nangunguna pa rin ang pagmamalasakit sa kapwa sa paghahayag


ng galit sa payapang paraan tulad ng pangangaral at malumanay na pag-uusap ngunit
nakasalalay pa rin ang mga mahahalagang elemento ng “galit” na pinagmulan ng galit
at pagtutuunan ng galit.

Gumagamit lamang ng pisikal sa pagpapahayag ng “galit” kapag ang problema sa


pagitan ng mga magkakapitbahay ay malubha na. Bagaman malayong mas tahimik at ligtas
ang lugar na Brgy. Talobatib sa mga barangay ng Maynila, mainam pa rin na maiwasan ang
mga problema at hindi pagkakaunawaan sa pamayanan. Isang solusyon ang pagpapatibay
sa pamunuang barangay ng lugar.
48

Kasama na rin ang pagtatatag ng mga karagdagan na patakaran sa barangay at mga


asosasyon sa lugar na maghihigpit at magbibigay ng mas payapang proseso sa bawat
problema o kaso. Ang mungkahi ng mananaliksik ay gawing mas malalim ang pag-aaral at
paglilikom pa ng mga salik na makakapagpatibay sa nakuhang impormasyon sa konsepto
ng "galit" na umiiral sa mga Bikolano.

Sa paraan ng pagsasagawa ng mga case study matatamo ang mas malalim na pag-
aaral at mga kwantitibong pag-aaral upang makakuha ng pangkalahatang datos para sa
napiling paksa. Ang pagdadagdag din ng mga baryante sa pag-aaral at pagpopokus sa mga
dahilan ng “galit” sa kapitbahay tulad ng “chismis,” pangangalunya, pag-aaway ng pamilya
at kalinisan sa komunidad.
49

Inirerekomenda rin ng mananaliksik na gawin ang pag-aaral sa mga bahagi ng


Bikol kung saan ang mga Bikolano ay gumagamit ng purong Bikolnon o Bikolanong
dayalekto, o kaya naman sa ibang rehiyon o etnisidad kung saan ang relasyong
pangkapitbahay ay matatag gaya ng mayroon sa bayan ng Labo.
Pasalitang Pagpapahayag ng Galit sa Iba’t- 50
ibang Bahagi ng Rehiyong Bicol

Pio Duran Polangui Masbate Sorsogon Rinconada


Ayp/Ayop Masimot Dimunyo Nahaying Dyablo ka
Parot Mapeste Deputa Nahamag Demonyo ka
Gari kasta Dipungal Yawa Buli ni ina nya Puta ka
Puta ka Ayup Piste Pota man Masimot
Buli mo Demonyo Kupal Nahayop Pisti
Ayupan Leche Buge man Parakpatakan ika
Ligao Kasta talaga Rayninanya
Yudipota Iriga Tabaco Bulikiti Serberguenza
Parot Lintian Hamag Parot Kasta
Dipungal Ayupan Lintian Dimungkog Hayop
Pagu Masimot Putek, Dimunyo Parot
Simton Puta Nahasap
Hayop
51

Salamat!
Sanggunian:
Pasatiempo, W., & Castronuevo, E.
(2016). Kapit-galit: Pagpapahayag ng
"galit" ng mga Bikolano sa
kapitbahay.
Mga Larawan
52

https://images-wixmp-ed30a86b8c4ca887773594c2.wixmp.com/f/05ad88c4-8a20-44c7-9fec-4749f7754be7/d5che2v-af5032ff-41fa-
48a6-b978-1c26d31b8316.png?
token=eyJ0eXAiOiJKV1QiLCJhbGciOiJIUzI1NiJ9.eyJzdWIiOiJ1cm46YXBwOiIsImlzcyI6InVybjphcHA6Iiwib2JqIjpbW3sicGF0
aCI6IlwvZlwvMDVhZDg4YzQtOGEyMC00NGM3LTlmZWMtNDc0OWY3NzU0YmU3XC9kNWNoZTJ2LWFmNTAzMmZmLT
QxZmEtNDhhNi1iOTc4LTFjMjZkMzFiODMxNi5wbmcifV1dLCJhdWQiOlsidXJuOnNlcnZpY2U6ZmlsZS5kb3dubG9hZCJdfQ.
VODJBBv9QUK8dlWPmfelWTXVMId8mBOdeZW1sTmifH4

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.wikihow.com%2FBuild-Healthy-Interpersonal-
Relationships&psig=AOvVaw3LWLcbjSu-d2K-
byezGS74&ust=1591211142323000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCPCLlMjp4-kCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnews%2Fpublicaffairs%2Fimbestigador
%2F497130%2Fmadugong-bagong-taon-ang-kaso-ng-ginang-na-inakusahang-mangkukulam%2Fstory
%2F&psig=AOvVaw3rjCpLv2iQXwm8timxHqia&ust=1591261681914000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIjzgf-
l5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.learning-mind.com%2Fhow-to-deal-with-passive-aggressive-
people
%2F&psig=AOvVaw0RTu45jVtYNMqnBkGxA4nn&ust=1591261922137000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCNie
Mga Larawan
53

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fwideurbanworld.blogspot.com%2F2015%2F08%2Fare-rural-and-
urban-always-very.html&psig=AOvVaw3NHc-gXXKJE-
8RurkN2OKx&ust=1591262298454000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCNCv_Zqo5ekCFQAAAAAdAAAAABA
N

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.nytimes.com%2F2012%2F05%2F06%2Fopinion%2Fsunday
%2Fliving-in-the-new-
metropolis.html&psig=AOvVaw1jFC_EuQKC1eY7INJxig3l&ust=1591262730315000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1q
FwoTCIjwr-Sp5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2FBUGLAS%2Fchapter-15-rural-
communities&psig=AOvVaw1wI5lL0k-
5aSQe4Wu7r5HH&ust=1591262934069000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCJjFus-
q5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fangharaya.wordpress.com%2Ftag%2Fthe-varsitarian
%2F&psig=AOvVaw2ewGT1-
GjMLolxxOQ1LVBj&ust=1591263454539000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCJiky8es5ekCFQAAAAAdAAAAA
BAE
Mga Larawan
54

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fsteemit.com%2Festeem%2F%40grandeur%2Fdito-kani-ng-iigeb-ng-
water-with-my-sister-
3423cb92316d4&psig=AOvVaw3GwezOAEEMrbbyO4WjpdZj&ust=1591263692164000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0Qjhx
qFwoTCLjJ9rWt5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Findiosbravos01.wordpress.com%2F2011%2F01%2F22%2Fmamang-
tryk
%2F&psig=AOvVaw3SGUeTitwUHhWc9UFZWBZp&ust=1591263826124000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTC
OjstO-t5ekCFQAAAAAdAAAAABAO

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.shutterstock.com%2Fimage-photo%2Ffamily-farmer-resting-
talking-his-rice-
1614708427&psig=AOvVaw2tBLbEdmTRPyDlj2INcR4R&ust=1591264516634000&source=images&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFw
oTCPCRn7aw5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftwitter.com%2Fmandaluyongdrrm%2Fstatus
%2F855641231564521473%3Flang%3Dga&psig=AOvVaw08UB_USDR-
d2tsMNeysoXv&ust=1591264863537000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCICWk9ux5ekCFQAAAAAdAAAAABA
Mga Larawan
55

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ffocusedcollection.com%2F207453008%2Fstock-photo-female-
photographer-recording-interview-
using.html&psig=AOvVaw3VMOwdQm6H7HyldJRn_wAS&ust=1591265107109000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFw
oTCLDCi9Sy5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fradyonatinguimba105.3%2Fposts
%2Fmagsasaka-nagbibilad-pa-rin-ng-palay-sa-kalsada-sa-kabila-ng-ibinabang-batas-na-
%2F2186257984792643%2F&psig=AOvVaw2hhN4dCkj6_cbeYgQ1NSoQ&ust=1591265664949000&source=images&cd=vfe&ved=
0CA0QjhxqFwoTCMCAptW05ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2F353891184770853%2Fphotos
%2Fd41d8cd9%2F665225420304093%2F&psig=AOvVaw0En2TO3Q6IsU3DHUpShJDT&ust=1591265300641000&source=images
&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCIChq7Cz5ekCFQAAAAAdAAAAABAU

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.alamy.com%2Fstock-photo
%2Fkarinderya.html&psig=AOvVaw3YD5bZxQk4s98uCR1URg3H&ust=1591265780399000&source=images&cd=vfe&ved=0CAI
QjRxqFwoTCIjEgJ215ekCFQAAAAAdAAAAABAR
Mga Larawan
56

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.techinasia.com%2Ffilipino-convenience-store-owners-arent-
making-startup-
changing&psig=AOvVaw0WYDtwfsNDEQ4Omzqk9UUR&ust=1591265910548000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwo
TCMi3g8615ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.philippinehistory.info%2F2016%2F05%2F%3Fm
%3D1&psig=AOvVaw1tDle0fi9mAG98ZWs5KLze&ust=1591266183491000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCPDo
6dW25ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fnews.abs-cbn.com%2Fnews%2F12%2F12%2F18%2Fmga-
magsasaka-apektado-sa-pagbagsak-ng-presyo-ng-
kopra&psig=AOvVaw0JvjotiPQljlRGHDJaxPZy&ust=1591266265406000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCJiJ5_
a25ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin
%2F844002786389106859%2F&psig=AOvVaw0Sf_fZ-zyFrel_FLy-
Y9T1&ust=1591266490576000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCJjo9_G35ekCFQAAAAAdAAAAABAR
Mga Larawan
57

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fwww.thepinoywarrior.com%2F2011%2F09%2Fi-want-
siesta.html&psig=AOvVaw3-
tpQ0cfqBbJWuzVbN0mHm&ust=1591266851973000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCPDQkJm55ekCFQAAAA
AdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fgantsilyofilipinoi.wixsite.com
%2Fgantsilyofilipino&psig=AOvVaw2oJsN5_ll30tadXdKEIHYr&ust=1591267098922000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0Qjh
xqFwoTCLihxYe65ekCFQAAAAAdAAAAABAE

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpia.gov.ph%2Fnews%2Farticles
%2F1035491&psig=AOvVaw2KOaKgRZo-
vUlCn0hMmy3i&ust=1591269613460000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCLilp7vD5ekCFQAAAAAdAAAAABA
Q

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftwitter.com%2Fsylviamemes%2Fstatus
%2F976302518752825346%3Flang
%3Dbn&psig=AOvVaw08dre3RU0mLtsFt1qo35qL&ust=1591270460221000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCJC
1j-jG5ekCFQAAAAAdAAAAABAJ
Mga Larawan
58
https://en.wikipedia.org/wiki/Basud

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fstaging.entertainment.abs-cbn.com%2Ftv%2Fshows
%2Fhomesweetiehome%2Fvideos%2F2019%2F05%2F11%2F23051145-julie-nagpasalamat-sa-kanilang-bagong-
kapitbahay&psig=AOvVaw2l-jcNcG6JNYMIWFnHSv-
1&ust=1591271306026000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCLip1N_J5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fiirr.org%2Fwhy-rural-people
%2F&psig=AOvVaw0Z54v2g_OBEjMzLQON-
xnz&ust=1591271713588000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCIDksaTL5ekCFQAAAAAdAAAAABAE

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.dreamstime.com%2Fangry-retired-filipina-female-senior-
gramma-
image140764160&psig=AOvVaw2OPA2iRSC6Xz1fJtkrQla5&ust=1591272119843000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqF
woTCJjW0urM5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.getrealphilippines.com%2F2017%2F11%2Fthe-asean2017-
summit-proves-that-the-philippines-is-not-a-fascist-state
%2F&psig=AOvVaw2OPA2iRSC6Xz1fJtkrQla5&ust=1591272119843000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCJjW0u
rM5ekCFQAAAAAdAAAAABAJ
Mga Larawan
59

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwol.jw.org%2Ftl%2Fwol%2Fd%2Fr27%2Flp-tg
%2F102016166&psig=AOvVaw23JWfHrbihjgG4f3Cftp3Y&ust=1591272943752000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFw
oTCPjht4HQ5ekCFQAAAAAdAAAAABAK

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fcoconuts.co%2Fmanila%2Flifestyle%2Fwhy-do-filipino-couples-
fight-money-and-technology-are-top-2-reasons
%2F&psig=AOvVaw1g7CJQ4kzi8FCHJdxpGOu8&ust=1591273240979000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCOjJl
9bR5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fproudtobealbayano.ph%2Fposts%2Fsabi-
nila-ang-mga-bicolano-pag-may-bagyo-ang-sili-ang-unang-sini-secure-maniwala
%2F1105086856311752%2F&psig=AOvVaw0d3PCwOPvCR51YsnjJSO47&ust=1591278786994000&source=images&cd=vfe&ved=
0CA0QjhxqFwoTCPDalNXl5ekCFQAAAAAdAAAAABAE

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpages%2Fcategory%2FPersonal-Blog
%2FChismosa-
277641856214564%2F&psig=AOvVaw1EJlSCFFUN2vdMGZ4gg0UH&ust=1591279020499000&source=images&cd=vfe&ved=0CA
IQjRxqFwoTCKDjnszm5ekCFQAAAAAdAAAAABAQ

You might also like