You are on page 1of 1

Mga bawal at dapat gawin pagkatapos ng Cataract Surgery:

1. Maghugas ng kamay bago magpatak ng gamot sa naoperahang mata.

2. Magpatak lang ng gamot pag gising.

Mga gamot:

 TOBRAMYCIN DEXAMETHASONE
 isang patak kada oras sa naoperahang mata sa unang araw
(first 24 hours)
 isang patak kada dalawang oras na lamang sa mga susunod
na araw

3. Dampi o magaan lamang ang pagpunas sa mata gamit ang malinis na


tisyu, pagkatapos itapon kaagad ang nagamit na tisyu.

4. Iwasan ang pagyuko lagpas sa bewang, pagluluto, pagbubuhat ng


mabibigat na bagay, sobrang pag-ubo, pag-iri, pagbahing at pagkamot sa
naoperahang mata.

5. Umiwas sa pagtapat sa electric fan o sa mahahangin na lugar.

6. Huwag babasain ang naoperahang mata sa loob ng isang linggo.

7. Iwasan ang mga pagkain na nakakapag patigas ng dumi.

8. Laging isuot ang goggles.

9. Araw araw linisin ang goggles.

10. Maaari po mag basa at manuod sa t.v, siguraduhin lamang na


ipapahinga ang mga mata kalahating oras.

11. Normal po ang konting pangangati, pakiramdam na may puwing, pag


luluha at "floaters" (mga lumulutang na itim na pawala wala) sa
naoperahang mata.

12. Kapag naramdaman po na sobrang kati, may pamumula, sobrang


pagmumuta at biglang nawala ang paningin sa naoperahang mata kaagad
tawagan ang clinic o ang doctor.

13. Follow up check up_____________________________

You might also like