You are on page 1of 5

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO

PROGRAM MANAGEMENT OFFICE


FAMILY DEVELOPMENT UNIT
FIELD OFFICE IV-A CALABARZON
DSWD-GF-005 | REV 02 | 17 AUG 2022

ANG 4Ps PARENT GROUP


Ang 4Ps Parent Group ay isang mahalagang istruktura sa implementasyon ng Programa. Sa
sesyon na ito tatalakayin ang kahalagahan ng 4Ps Parent Group, ang mga layunin nito,
batayan ng pagbubuo at tungkulin ng bawat kasapi ng grupo.

LAYUNIN
Matapos ang aralin, inaasahan na ang mga kalahok ay:
1. Ilahad ang kahalagahan at mga layunin ng 4Ps Parent Group;
2. Tukuyin ang ang mga batayan ng pagbubuo ng Parent Group;
3. Tukuyin ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat kasapi ng Parent Group;
4. Pumili ng Parent Leader at Assistant Parent Leader.

HABA NG ORAS: 2 oras

PAMAMARAAN:
• Structured learning exercise – group activity
• Pagbabahagi at pagpapaliwanag
• Lektura

ACTIVITY: ANG AMING PARENT GROUP: SAMA-SAMANG PAGLALARAWAN


(GROUP CANVAS)

Haba ng Oras: 30 minuto


Materyales:
 Manila paper
 Markers
 Apat (4) na kulay na mga piraso ng papel, 1/8 size (4 para sa bawat kalahok)
 Masking tape

PAGE 1 of 5
DSWD Field Office IV-A (CALABARZON), Alabang-Zapote Rd., Alabang, Muntinlupa City
E-mail: fo4a@dswd.gov.ph ; Tel. Nos. (02) 8807-4140, 8807-4143, 8850-8380
Trunk Line Nos.: (02) 8807-4142 & 8807-1518
Website: http://www.fo4a.dswd.gov.ph
PANTAWID PAMILYANG
PILIPINO PROGRAM
MANAGEMENT OFFICE
FIELD OFFICE IV-A CALABARZON
DSWD-GF-005 | REV 02 | 17 AUG 2022

Para sa Tagapagpadaloy/Tagapagsanay:
 Ihanda ang mga nabanggit na materyales bago ang araw ng FDS.
 Hatiin ang manila paper sa apat na bahagi at gumuhit ng puso sa gitna pagkatapos. Ito
ang magsisilbing group canvas. Isulat ang mga sumusunod na salita sa mga bahagi ng
canvas:
 GOALS (MGA LAYUNIN) – kaliwang itaas
 VALUES (MGA PAGPAPAHALAGA) – kaliwang ibaba
 EXPECTATIONS (MGA INAASAHAN) – kanang itaas
 RULES AND ROLES (MGA TUNTUNIN AT TUNGKULIN) – kanang ibaba
 PURPOSE – heart (isulat ang mga salitang makikita sa illustration sa ibaba)

GOALS EXPECTATIONS

VALUES RULES AND ROLES

Proseso:
1. Ipaliwanag sa grupo na gagawa sila ng isang group canvas o sama-samang
paglalarawan ng kanilang parent group. Ito ay upang higit na maunawaan ng
bawat kasapi ang mga mga layunin, tungkulin at mga inaasahan upang
makamit ang PURPOSE ng pagiging ka-4Ps: Ang mapabuti ang antas ng
kagalingan o level of well-being ng kanilang mga sambahayan.
2. Bigyan ng 4 na piraso ng papel na may iba-ibang kulay ang bawat kalahok.
Magtalaga ng kulay para sa bawat bahagi ng canvas.
3. Para sa GOALS na bahagi ng canvas, tanungin ang mga kalahok kung ano ang
kanilang mga personal o indibidwal na layunin sa kanilang pagiging kasapi ng
4Ps. Ipasulat ang sagot sa kulay ng papel na itinalaga para sa bahaging ito.
Bigyan ng 5 minuto ang mga kalahok upang magsagot. Ipadikit sa mga kalahok
ang mga piraso ng papel sa bahagi ng Goals canvas.
4. Tapusin muna ang pagsagot at pagdikit sa isang bahagi ng canvas bago
sagutin ang ibang bahagi ng canvas. Maglaan ng tig-lilimang (5) minuto sa
pagsagot sa bawat bahagi ng canvas.
5. Para sa EXPECTATIONS canvas, itanong sa grupo ang ang kanilang
inaasahan mula sa kanilang parent group upang makamit ang kanilang
PURPOSE sa 4Ps? Ipasulat ito sa kulay na itinalaga at ipadikit sa bahagi na
nakalaan para dito.
6. Para sa VALUES canvas, itanong sa grupo ang kung ano ang kanilang
mga pinapahalagahan sa buhay o mga prinsipyong nais nilang ibahagi
sa grupo. Ipasulat ito sa kulay na itinalaga at ipadikit sa bahagi na nakalaan
para dito.
7. Para sa ROLES AND RULES canvas, tanungin ang mga kalahok ng mga
patakaran na gusto nilang ipatupad ng grupo ganundin ang mga tungkulin ng

FDS SESSION GUIDE ON 4PS PARENT GROUP


2
FAMILY DEVELOPMENT UNIT
PANTAWID PAMILYANG
PILIPINO PROGRAM
MANAGEMENT OFFICE
FIELD OFFICE IV-A CALABARZON
DSWD-GF-005 | REV 02 | 17 AUG 2022

bawat kasapi ng grupo. Ipasulat ito sa kulay na itinalaga at ipadikit sa bahagi


na nakalaan para dito.

DISCUSSION

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang inyong naramdaman sa pagbubuo ng inyong parent group canvas?
2. Naging madali ba o mahirap ang pagsagot sa bawat bahagi ng canvas? Bakit?
3. Ano-ano ang inyong napansin sa inyong mga pinagsama-samang tugon sa
mga bahagi ng canvas?
4. Nagustuhan nyo ba ang naging larawan ng inyong parent group? Bakit oo?
Bakit hindi? May nais ba kayong baguhin sa nabuong larawan? Ano-ano ang
mga ito?
5. Sa paanong paraan matutulungan ng bawat isa ang pagkamit ng layunin na
mapa-unlad ng antas ng kagalingan ng bawat miyembro ng inyong parent
group?

Para sa Tagapagpadaloy:
Ibuod ang mga sagot ng mga kalahok sa nabuong canvas. Bigyang
diin at tandaan ang mga pagkakatulad ng kanilang mga sagot sa
bawat bahagi ng canvas. Bigyang diin din na ang isang grupo ay
binubuo ng mga indibidwal na may kanya-kanyang katangian,
paniniwala at layunin. Subalit, bilang grupo dapat maging malinaw
ang iisang layunin at mga pinagkasunduang gampanin at
patakaran. Gamitin ang nabuong canvas para sa lecture sa Parent
Group at kung paano ito makakapag-bigay ng gabay sa pagpili ng
kanilang magiging parent group leaders.

INPUT/LECTURETTE

ANG 4Ps PARENT GROUP

Ang 4Ps Parent Group ay grupo na binubuo ng mga sambahayang benepisyaryo ng


programa. Ang pag-oorganisa ng mga benepisyaryo sa mga parent groups ay isang
istratehiya na ginagawa ng programa upang magkaroon ng suporta ang mga kasaping
sambahayan at upang maayos na masubaybayan ang kanilang pagsunod sa mga
kondisyon ng 4Ps.

Mga Layunin ng Pag-oorganisa ng Parent Groups

Ang mga parent groups ay inoorganisa para sa mga sumusunod na layunin:

FDS SESSION GUIDE ON 4PS PARENT GROUP


3
FAMILY DEVELOPMENT UNIT
PANTAWID PAMILYANG
PILIPINO PROGRAM
MANAGEMENT OFFICE
FIELD OFFICE IV-A CALABARZON
DSWD-GF-005 | REV 02 | 17 AUG 2022

1. Pagsasagawa o pagpapadaloy ng buwanang Family Development Session


(FDS);
2. Paghikayat ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga sambahayang
benepisyaryo sa pamamagitan ng regular na pagsasama-sama sa FDS;
3. Pagpapakalat o pagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa programa;
4. Pagtataas ng mga isyu at alalahanin ng mga sambahayang kasapi para sa
pagpapabuti ng implementasyon ng programa;
5. Peer monitoring at peer support ng mga kasaping sambahayan;

Ang isang parent group ay binubuo ng hanggang 35 grantees. Ang mga batayang
sinusunod sa pagpapangkat o pag-oorganisa ng mga parent groups ay ang mga
sumusunod: level of well-being; bilang ng taon sa programa (residency/tenure in the
program); resulta ng mga needs assessments tulad ng SWDI, FRVA at Development
Needs Assessment.

Ang parent group ay pinamumunuan ng 1 Parent Leader at 1 Assistant Parent Leader


na pinipili sa pamamagitan ng eleksyon. Sila ay mamumuno sa loob ng isang termino
na hanggang 3 taon lamang.

Mga Responsibilidad at Tungkulin ng 4Ps Beneficiaries

Bawat miyembro ng parent group ay may mga responsibilidad at tungkulin bilang


benepisyaryo at bilang kasapi ng grupo.

1. Sumunod sa mga kondisyon ng 4Ps sa edukasyon, kalusugan at nutrisyon at


iba pang tungkulin na nakasaad sa Oath of Commitment;
2. Dumalo at aktibong makilahok sa buwanang FDS;
3. Magbigay suporta sa kasama sa grupo sa kanilang pagtugon sa mga kondisyon
ng programa;
4. Mag-ulat ng paglabag o anumang isyu, karaingan, reklamo sa City/Municipal
Link o Parent Leader;
5. Ipaalam o iulat ang mga updates na nakakaapekto sa pagiging kasapi ng 4Ps
sa City/Municipal Links;
6. Tumulong sa Parent Leader sa paghahatid ng anumang anunsyo at
impormasyon tungkol programa sa mga kasamahang benpisyaryo;
7. Lumahok at makipagtulungan sa mga gawaing pang-komunidad ng grupo;
8. Sumunod sa mga patakaran na pinagkasunduan ng Parent Group.

Tungkulin ng 4Ps Parent Leader

Tulad ng nabanggit na, ang 4Ps Parent Leader ang magsisilbing pinuno ng Parent
Group. Ang Parent Leader ay katuwang ng City/Municipal Links sa pakikipag-ugnayan
sa mga kasaping sambahayan. Ang pagiging Parent Leader ay isang boluntaryong
paglilingkod.

FDS SESSION GUIDE ON 4PS PARENT GROUP


4
FAMILY DEVELOPMENT UNIT
PANTAWID PAMILYANG
PILIPINO PROGRAM
MANAGEMENT OFFICE
FIELD OFFICE IV-A CALABARZON
DSWD-GF-005 | REV 02 | 17 AUG 2022

Ang mga sumusunod ang mga tungkulin ng isang Parent Leader:

1. Tumulong sa City/Municipal Links sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol


sa programa, ganundin sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na istruktura para
sa pangangailangan ng programa;
2. Tumulong sa paghahanda ng mga kailangan sa pagsasagawa ng FDS
(pakikipag-ugnayan sa barangay ng schedule ng FDS, pagsisiguro at
paghahanda ng venue),
3. Tumulong sa pagsasagawa ng FDS kung nabigyan ng sapat na pagsasanay;
4. Tumulong sa balidasyon ng mga mahahalagang impormasyon na kailangan
para sa maayos na beneficiary data updating ng mga miyembro ng parent
group;
5. Bumuo ng maayos na ugnayan sa mga miyembro ng parent group;
6. Pakilusin ang mga miyembro ng parent group sa mga gawaing pagpapa-unlad
ng grupo at ng pamayanan sa pakikipag-ugnayan sa City/Municipal Link.

DEEPENING

Activity: Eleksyon ng Parent Leader at Assistant Parent Leader

SYNTHESIS

 Ang parent group ay isang mahalagang istruktura at istratehiya ng programa


upang magkaroon ng suporta ang mga kasaping sambahayan at upang maayos
na masubaybayan ang kanilang pagsunod sa mga kondisyon ng 4Ps
 Bawat miyembro ng parent group ay may responsibilidad at tungkulin sa
programa at sa pagpapa-unlad ng kanyang grupo
 Ang pagiging parent leader ay isang boluntaryong paglilingkod na may kaakibat
na mga tungkulin at gampanin
 Nararapat na magtulungan ang Parent Leader at mga miyembro ng grupo
upang makamit ang layunin na mapabuti ang antas ng kagalingan ng mga ka-
4Ps

FDS SESSION GUIDE ON 4PS PARENT GROUP


5
FAMILY DEVELOPMENT UNIT

You might also like