You are on page 1of 1

ANO ANG SLP

Ang SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAMay isang programa ng DSWD na naglalayong


tumulong na mapalakas ang kapasidad ng mga kalahok upang magkaroon ng matatag
na kabuhayan sa pamamagitan ng NEGOSYO o TRABAHO.

LAYUNIN NG PROGRAMA
Pangunahing layunin ng SLP ang tulungan ang pamilyang Pilipino na umangat sa kahirapan sa
pamamagitan ng pagbibigay kapasidad sa buhay sa pamamagitan ng kabuhayan.

ANU-ANO ANG MGA IBA’T IBANG TRACKS AT MODALITIES NG SLP


1. MICROENTERPRISE DEVELOPMENT TRACK: Ang track ng programa na nakatutok sa pagsisimula,
pagpapalawak, o pagtatatatag ng micro-enterprises. Kabilang sa mga aktibidad sa ilalim ng track
na ito ang entrepreneurship, teknikal-bokasyonal at soft-trainings, at iba pa. (Seed Capital Fund,
Cash for Building Livelihood Assets, Skills Training)
2. EMPLOYMENT FACILITATION TRACK: Ang track ng programa na nagbibigay ng tulong sa mga
kwalipikadong kalahok na naghahanap ng trabaho. Kabilang sa mga aktibidad sa ilalim ng track
na ito ang gabay at orientation sa pre-employment, pagsasanay na teknikal at bokasyonal at
referral sa trabaho (Employment Assistance Fund)

SINO ANG MGA PROJECT PARTICIPANT


 Ang kalahok ay kabilang sa mga mahihirap na sambahayang natukoy sa Listahanan at mga
4Ps
 Dalawang (2) miyembro ng bawat mahihirap na pamilya ay maaaring sumali sa programa,
ngunit kailangan nilang sumali sa magkaibang track
 Ang mga kalahok ng MD track ay hindi bababa sa 16 taong gulang at may nakasulat na
pahintulot mula sa magulang o legal na tagapag-alaga. Ang mga kalahok sa EF naman ay
dapat hindi bababa sa 18 taong gulang kasunod ng mga legal na pamantayan ng edad sa
pagtatrabaho.
 Ang mga mahihirap na hindi napabilang sa Listahanan at nais makisali sa SLP ay kailangang
sumailalim sa pagsusuri at pagsisiyasat ng Regional National Household Targeting Section gamit
ang Household Assessment Form (HAF) o ng SLP gamit ang SLP Means Test.

PAANO MAGING ISANG PROJECT PARTICIPANT

1 ALAMIN
Bisitahin ang barangay hall o City/Municipal Social Welfare and Development Office at
tanungin ang itinalagang Implementing PDO sa naka iskedyul na SLP Assembly.

2
DUMALO SA SLP ASSEMBLY
Tiyakin dumalo sa naka-iskedyul na Assembly ng SLP sa inyong lugar. Kailangang
sumailalaim sa Particpants Qualification Assessment na isasagawa ng IPDO.

3 RESULTA
Ang mga kwalipikadong kalahok ay ipatatawag sa ikalawang SLP Assembly. Ipaliliwanag ng
IPDO ang resulta ng assessment at ang inaasahang mga aktibidad at mga responsibilid ng
mga napiling kalahok sa buong proseso ng programa.

You might also like