You are on page 1of 3

ANG BATA AT ANG ASO

Si Boyet ay may alagang aso. Ang Tawaga niya dito ay Tagpi. Puting-puti ang
makapal na balahibo ni Tagpi. Sa bandang likod ay mayroon itong isang malaking tagpi na
kulay itim. Iyon ang dahilan kung bakit tagpi ang itinawag ni boyet sa kanyang aso. Mahal na
Mahal niya si Tagpi. Palagi niya itong pinaliliguan.Binibigyan niya ito ng maraming masasarap
na pagkai at tubig. Madalas din niya itong ipinasyal.

‘’Habol, Tagpi!’’ Sigaw niya habang nakikipag unahan siya sa pag takbo sa alaga.

Isang araw ay may naliligaw na aso sa lugar nina Boyet. Kasing laki ni Tagpi ang aso
pero kulay tsukolate ito. Maipis ang balahibo ng tsukolateng aso kaya hindi ito magandang
tignan. Maraming putik sa katawan kaya mukha rin itong mabaho. Hindi ito katulad ni tagpi
na ubod ng linis dahil araw-araw niyang pinaliliguan.

Nakita ng tsukolating aso si tagpi. Lumapit ito sa bakod nila at tinahulan ang kanyang
alaga. Gagalaw galaw pa ang buntot ni Tagpi na parang tuwang-tuwa.

Hindi nagustuhan ni boyet na makikipaglaro si Tagpi sa Marungis na aso. Binugaw


niya ang aso pero ayaw nitong umalis.

‘’Tsuu,Tsuu!’’ bugaw niya rito.

Ayaw umalis ng aso, panay ang tahol nit okay Tagpi. Nainis si Boyet. Kumuha siya ng
mahabang patpat at hinampas niya ang aso.Nabunwal ito at nag-iiyak.

Hahampasin sana muli ni Boyet ang kulay tsukolate aso para para tuluyang umalis
pero dumating ang tatay, agad siyang inawat nito.

‘’Huwag mong saktan ang aso, Boyet’’ Sabin ng kanyang ama.

‘’Ang baho po kasi. Itay! Baka mahawa pa si Tagpi,’’ katowiran niya.

‘’Paano kung si tagpi ang mapunta sa ibang lugar at saktan din siya ng mga bata
doon. Magugustuhan mo ba iyon? Tanong ng kanyang ama.

Hindi nakasagot si Boyet. Napahiya siya.

Tinulungan nilang makatayo ang aso. Pinabayaan na niya itong makipaglaro kay
Tagpi.
Ang Lobo at Ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang
tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na
kanyang kinahulugan. Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing.
Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob
ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na
sagot naman ng lobo. Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong
tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y
pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay
tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. "Kung gusto mong
makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung
papaano nating gagawin iyon." "Papaano?"Noon ipinatong ng lobo ang mga
paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na
ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman
ng kambing. Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit
noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa
ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang
kambing na magpapaloko." Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim
na balon.

You might also like