You are on page 1of 1

Munting Paalam

Isinulat ni: April Nielvie A. Matildo


Grade 12- Xenon

Magandang araw sa iyo Ginoong Lariza at sa inyu aking mga kaklase.Hayaan niyo
aking ipahayag sandali ang aking talumpati.Sa halos sampung taon nating pagsasama dito sa
eskuwelahang ito,masasabi ko na ito ang pinaka kakaiba sa lahat ng mga kaklase o seksyon
na aking nakilala at napabilang. Kahit medyo mahirap man ang ating napagdaanan,nagawa
parin nating bumuo ng mga masasayang mga alaala at lalo nang isang pamilya.

Noong una,hindi pa nating lubusang kilala ang isa't-isa.May kanya kanyang grupo
ngunit 'di nagtagal tayo'y nagkaisa. Nagkaisa sa masasaya at mahihirap na mga oras.Walang
humpay na pagkukuwentuhan,kantahan na kahit sintunado ay lalaban parin samahan mo
pa ng ukelele na ganoon parati ang nota,tawanan na halos di ka na makahinga at sasakit na
ang panga mo,mga panahong tayo’y nagtulungan sa pagsagot sa mga asignatura,mga
surpresa't gimik para mapatawad at mapasaya ang ating guro at marami pang iba.Ilan
lamang iyon sa mga matatamis na alala na tumatak sa aking isipan.Siyempre,di naman araw
araw masaya.May mga panahon ding tayo ay nagkalabuan at sinubok ang ating
pagsasamahan,pero di tayo nagpatinag.Nandiyan ang nagdidiwang tayo, nagkakasiyahan at
nagpapalakpakan dahil sa ating mga natamo. May mga araw na kitang —kita ang mga ngiting
tagumpay sa bawat isa.

Para sa akin,walang mahirap basta't may kasama kang humarap sa iyong mga
problema at may kapamilya kang handang umagapay sa iyo kahit di mo man sila kadugo.
Mayroong mga bagay na nagbago sa atin,hindi lamang ang mga pisikal nating mga anyo;isa
na diyan ay yung natuto tayo sa ating mga pagkakamali at di na ito uulitin.Ngayon,ito ang
araw ng pagpapasalamat at sa isang munting pamamaalam.Bilang isang estudyante ng
seksyong ito o isang miyembro ng pamilyang ito,maraming salamat sa ating pagsasama.
Salamat sa ating pinakamamahal na adbayser sa walang sawang pagtuturo,paggabay,
pakikipagkulitan,pag-aruga at sa mga panahong ipinaglaban mo parin kami kahit gusto mo
ng sumuko at lalong-lalo na sa inyo aking mga kaklase.

Bago ko tapusin ang talumpating ito,nais kong iiwan ito sa inyo at magsilbing aral
para sa ating lahat.Ayon kay Christian Matias,sa buhay hindi laging kung sino na lamang
ang mga kasama natin, sila na lang lagi ang mga makakasama natin. May araw na mawawala
sila o malalayo sila sa atin.Walang permanente sa mundong ito. Kaya bago pa maging huli
ang lahat nawa’y nalubos-lubos na natin ang mga araw na kasama natin sila. Nawa’y masabi
na natin sa kanila ang dapat nating sabihin. Darating ang araw na ‘di na natin sila makikita.
Pero, mawala man sila nawa’y ‘di sila mabura sa ating mga isipan. Maging mga
magagandang alaala sana sila na makapagpapasaya sa atin sa oras ng kalungkutan.Muli,
maraming salamat at magandang umaga.

You might also like