You are on page 1of 1

Juego de Prenda

2. Umuupo sa isang pabilog ang mga manlalaro, magkahiwalay ang mga babae at ang mga lalaki, at may
lider o hari sa gitna. Bawat manlalaro ay binibigyan ng pangalan. Pangalan ng punongkahoy o bulaklak
ang sa babae. Pangalan ng ibon o numero ang sa lalaki.
5. Laro ito ng mga kabataan, lalo na ng mga dalaga at binata, dahil ginagamit na pagkakataon para sa
pagliligawan. Malimit na mapagbiro ang utos kapag dalaga ang naparusahan. Malimit namang may
nakahandang tula ng pagsuyo ang binata kapag naparusahang tumula.
7. Ang pagsasaulo ng mga solo sa pagdalít ay isang katangiang kailangan upang maging higit na maging
aktibong kalahok sa huwego de prenda. Nagagamit niya itong awit sa parusa. Naipagmamalaki din niya
itong solo bago magkoro.

Bulaklakan

2. Ang mga dalagang kalahok sa sayaw ay may hawak na balantok o girnalda na nahihiyasan ng
mga dahon at bulaklak. Iginagapos ng alambre ang mga bulaklak upang hindi malaglag sa
balantok na yantok o kawayan habang ikinukunday ng nagsasayaw.

Moriones

1. Umpisa pa lamang ng Lunes Santo, ang mga mamamayang nagtitika ay nagsusuot ng mga damit
na mistulang sundalo sa sinaunang Roma o senturyon. Ang kanilang matitingkad na costume
gayun din ang makukulay na mga maskara ay nakakapagbigay ng paniniwala na sila ay
matatapang at malulupit na mga sundalo. Sa kanilang paglibot, sila ay gumagawa ng mga
practical jokes sa mga lokal o di kaya ay tinatakot ang mga bata. Ang iba naman ay nagiiba ng
boses na mistulang tinig ng ibon. Kasama sa pagpepenitensya nila ay ang pagitiis na maglakad at
maglibot sa buong bayan sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Ang kagawiang ito ay ang
pagsasadula sa paghahanap ng mga senturyon kay Longinus.

https://www.slideshare.net/betchaysm/dulang-patula-sa-panahon-ng-kastila

You might also like