You are on page 1of 2

De Belen, Russel John R.

46509

REACTION PAPER

Bago ko simulan ang pagbabahagi ko base sa aking natutunan sa Webinar kanina lang ay
nais ko munang bigyan ng pansin ang mga taong nasa likod ng adbokasiyang ito upang sila ay
pasalamatan. Isa ito sa pinaka makabuluhang webinar na naattendan ko sapagkat napakadaming aral
ang natutunan ko sa kung papaano tayo mas makakatulong sa kalikasan. Ako ay natutuwa at nagkaroon
ako ng panibagong idolo pagdating sa pagiging isang mahusay na speaker ito ay walang iba kundi si Sir.
Jonjon Sarmiento. Napakalawak at sapat ang kaalamang ibinahagi ni Sir. Jonjon para sa aming mga taga
pakinig dito ko nalaman ang pagkakaiba ng kawayan sa kahoy. Wika ng isang mahusay na tagapagsalita
“Kawayan is Life” para sa akin tama siya sa kotasyong ito dahil kahit san man tayo tumingin ay may
magkikita tayong kawayan na kung saan ito ay makatutulong sa ating pang araw-araw na buhay.

Tinalakay dito ni Sir. Jonjon ang iba’t ibang uri ng kawayan, kung saan dapat tayo
magtanim, kung papaano natin ito itatanim at marami pang iba. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtatalakay
dito ako lubos na humanga sapagkat wala siyang binabasa o tinitingnan bagkus ito ay likas na para sa
kanya na magbahagi tungkol sa kawayan kaya masasabi kong isa syang propesyunal pagdating sa
ganitong pagbabahagi ng kanyang kaalaman. Ang pagtatanim ng mga kawayan o halaman ay isa sa
magandang gawain na dapat nating gawin dahil makatutulong ito sa mga natural disaster gaya ng
pagbaha.

Sa huling speaker naman, itinalakay dito ni Ma’am Mabelle Manalo ang Republic Act No.
9003, Sources of solid Wastes in the Philippines, Waste Profile in MIMAROPA Region during the
COVID-19 pandemic and Impacts of Improper Solid Waste Management. Sa video na aming
napanood na kuha ng I-witness dito ko napagtanto kung gaano kalaki ang pinansalang
naidudulot ng Face mask para sa ating mga corales. Naging interisado ako sa video na ito dahil
nagpakita ito ng isang boluntaryong organisasyon upang maglinis ng tabing dagat. Nalaman ko
din na kapag ang isang face mask ay nabasa na ng tubig dagat wala ngg virus ito sapagkat
nahugasahan na ito ng asin ayon sa isang propesyunal. Kaya bilang isang Estudyante lahat ng
aking natutunan sa Environmental Summit ay syang aking iaapply sa aking pang araw-araw na
buhay upang mas umunlad ang ating bansa dahil naniniwala ako na kapag may nagsimulang isa,
susunod ang pangalawa upang gayahin ang mabuting gawain at ganon na din ang iba. “Great
things are done by a series of small things brought together.” –Vincent Van Gogh

You might also like