You are on page 1of 3

Christian A.

Dizon
11-STEM ST. Therese
PETA SA PAGBASA 2 (Tekstong Argumentatibo)

ANG PAMAMAHALANG ‘DI MAKAMIT-KAMIT


Isa lamang ang aking minimithi, maayos na buhay sa kapwa Pilipino. Ito ay ang oras na
namatay si Miriam Defensor Santiago. Nang namatay siya ay nagbago ang aking pananaw sa
pamahalaan ng pilipinas. Sa pamamagitan ng pamamahala ni Miriam Defensor Santiago,
malakas ang aking loob na magbabago na ang kapakanan ng mga Pilipino. Hindi ito ang aking
inasahan na paraan ng pamamahala. Ito ay nakakasakal at ito ay nagiging sanhi ng pagkadumi sa
pangalan ng Pilipinas. Oo may nagawa na rin ang ating kasalukuyang president ngunit mayroon
itong ratio na 1:10 na isang magandang kagagawan ang nagagawa sa sampung ginagawa. Kung
sila ay paghahambingin, napakalayo ng agwat ni president Rodrigo Duterte kay Miriam sapagkat
sa isip pa lamang ay talong talo na si kasalukuyang president, paano pa kung ito ay idinaan na sa
gawa. Sinasabi nga nila na “Miriam Defensor Santiago was the best president that we never
had”. At sa kasabihang ito, ito ay totoo, at hindi natin maikakaila iyon. Una ay paano nga naman
natin makakamit ang inaasam-asam na pamahalaan kung tayong Pilipino din mismo ay walang
alam at kulang sa kaalaman tungkol sa pamamahala.

Ninanais ko talagang matikman ang


pamamahala ni Miriam Defensor Santiago
dahil nga sa kagandahan ng pinakita niya
sa kaniyang senator na oras, paano pa kung
siya na ang presidente. Sa bahay, mas
mapapaganda ang pagpapatakbo ng buhay
namin sapagkat ito ay gagayahin ng mga
nakakatanda sa amin para disiplinahan
kami rito. Isa pa ay sa pamamagitan niya,
magkakaroon tayo ng kaalaman sa mga
batas na nangyayari at pwede itong i-lagay sa sariling pamamahay. Hindi lang sapat na kaalaman
ang benepisyo na makukuha natin, pati narin ang respeto na ginagawa niya hindi tulad ngayon.
Bilang magiting na pinuno, ito ay magiging simbolo o magiging role model sa mga susunod na
henerasyon, ang mga bata. Dahil narin ito sa kanyang gusto sapagkat alam niya na ang mga bata
ay ang pagasa ng bayan. Kaya kailangan magumpisa ang respeto sa nakakataas bago ito i-pasa sa
kabataan.

Sa ating paaralan na Concepion Holy Cross College Inc. ay magiging mas kaaya-ayang
tignan sapagkat alam nating maganda ang patakbo rito. Kung siya ang ating president ngayon ay
mas gaganahan tayong magaral sapagkat mayroon na nga tayong sapat na kaalaman para
magpatuloy. Ang bayan rin mismo ay magbabago dahil nga si mayr Andy Lacson ay maganda
ang kanyang napakita bilang alcalde ngunit samahan pa nito sa pamamahal ni Miriam ay tiyak
ako na ang ating bayan ay makikilala ng lahat at ito ay tatagurian ng siyudad – Concepcion City.
Wala nakong nanaisin pa kung ito ang nangyari sa ating bayan ngunit nabaliktad talaga ang
lahat.

Sa bansa nating
ng mga Pilipino kung bakit tayo
nagdurusa ng ganito. Kung hindi
sana nagpakatanga ang mga
Pilipino ay hindi naman tayo
magiging ganito. At isa pa ay
nasilaw sap era ang mga mata ng
ating kapwa Pilipino. Kitang kita
ng ating dalawang mata ang kagagawan ng ating kasalukuyang
presidente. Ako ay diring-diri na sa pagkap-pilipino ko. Isa pa ay hanga rin ako sa pamamahala
nina mayor Vico Sotto at mayor Isko Moreno sapagkat kamukha nilang mamahala ang ating
alcalde

Isa rin sila sa boto kong mamahala ng ating bansa. Kita rin ng ating mata kung pano nila
patakbuhin ang pamahalaan nila sa kanilang bayan. pero ayos na dahil hindi natin alam kung ito
ba ay magtatagal. Mulat tayo sa kahirapan kaya naman ay wala tayong sapat na kaalaman talaga
sa pamamahala. Kaya naman ay inaasa kona sa mga susunod na boboto ng ating pangulo ay sana
sila ay handa at may alam sa nang yayare sa ating paligid.
Kung ako ang bibigyan ng chansa na mamahala sa ating bayan ay ako ay nagagalak
sapagkat maging representaibo ng isang siyudad o isang bansa, ibibigay ko ang aking lahat na
makakaya sa pagpapatakbo ko rito. At dahil mayroon na akong experience sa ganito, bilang bise-
presidente ng ating eskwelahan ay napakalaking bagay na gampanan ito sapagkat hindi nila alam
ang nagiging proseso sa bawat hakbang na ginagawa ng ating organisasyon. Ilalagay ko din ang
aking ginampanan na responsibilidad sa eskwelahan patungo sa buong bayan na. at dahil isa nga
lamang ang aking nais, ang gusto ni Miriam Defensor Santiago ay ang aking pipiliin na
pamamahala. Ibibigay ko ang lahat ng aking nalalaman sa mga sumusuporta sa aking
pamahalaan. Katulad lamang ng pamamahala ko sa eskwelahan ang ipapakita ko sa bansa. Ito ay
ang tapat na serbisyo, walang kurakot, pagmamahal sa bansa, at lalong lalo na ang RESPETO.
At ako ay naniniwala sa kasabihan ni Miriam na “CORRUPT POLITICIANS ARE
THREATENED BY AN EDUCATED PUBLIC”.

You might also like