You are on page 1of 3

Isang pinagpalang araw sa ating lahat, aking mga minamahal na kababayan.

Hindi naman ho lingid sa atin na kaya ho ako naririto sa inyong harapan ngayon
ay upang humingi ng basbas para ho maging inyong susunod na Mayor. Hindi ho ako
magbibitiw ng mga pangako na sa tuwina ay mapapako lamang. Hindi ako magsasabi
ng kung anong mga mapapalabok na salita para makuha ang loob n’yo. Kumbaga,
what you see, is what you get ho, mga kababayan.

Gusto ko hong malaman n’yo na ipagpapatuloy natin kung anong nagustuhan


n’yo sa nakaraang administrasyon at pagtutulungan ho nating palaguin pa lalo
ang ating mahal na lungsod.

Hindi ho ako magbibitiw ng mga katagang “Kayo ang boss ko!” dahil hindi
ko naman ho kayang linisin ang mga bahay n’yo, bahay ko nga ho hindi ko malinis,
e. Hindi ko ho kayang sundin ang lahat ng gusto n’yo. Ayokong maging boss kayo,
ayokong maging boss n’yo ako, dahil ayokong magkasamaan ho tayo ng mga loob.
Aminin man ho natin o hindi, may mga desisyon ho akong hindi papabor sa inyo,
hindi n’yo gusto pero ‘yon ang kailangan. Hindi ho ako mangangako ng tuwid na
landas, dahil hindi naman ho ang landas ang dapat na matuwid, tao dapat! Tayo
dapat. Tayo dapat ang itinutuwid, pinagtitibay at pinalalago!

Muli, hindi rin ho ako mangangako ng pagbabago, dahil ang pagbabago, hindi
dapat pinapangako. Hindi himala ang pagbabago na maaari nating iasa kung kanino,
angkinin natin ang pagbabago, sa ating ang pagbabago, hindi sa’yo, hindi sa
akin, sa atin ho, mga kababayan.

Sabi ni Senator Miriam, “I eat dead threats for breakfast”. Pangahas, e


no? Pero madalas sa mga politiko, mga salita ang kinakain, kaya tingnan n’yo
panay malalaki ang tyan—kabag ‘yon, kabag. But me? I wan’t to believe na sa
bawat meal ko, may sahog na puso ng saging ang kinakain ko. Dahil ang isang
gobyerno, dapat may puso! Hindi tuso!

Mayroon lamang ho akong tatlong plataporma na pagtutulungan ho nating


matupad sa bawat araw ng aking termino. Una na ho ron ang pagpapatayo ng Mental
Facilities, Rehabilitation Centers, Orphanages at Home for the Aged. Kung
mapapansin ho natin, isa sila sa mga aspeto ng ating lipunan na tila ba
nakakalimutan madalas, tinitipid, binabalewala. Sabi ng ating pambansang
bayani, kabataan ang pag-asa ng bayan. I beg to disagree. Lahat tayo pag-asa ng
bayan, lahat tayo inaasahan ng bayan. Gusto kong pagtuonan ho natin ng pansin
ang kalagayan ng mga kabataang nawawala na sa landas. Gayon din ang mga matatanda
na, nalulungkot ho kasi ako tuwing may nadadaanan ako sa mga kalsada na matanda
na pero kumakayod pa rin. Kaya nga ho mayroon tayong retirement age, ibig hong
sabihin ay time out na ang pagtatrabaho nila ngunit dahil nga sa kahirapan ng
buhay o di kaya’y pagka-abandona ay napipilitan pa rin silang magtrabaho para
sa kanilang mga sarili. Kaya’t naglalayon ho ang platapormang ito na kanlungin
ang mga matatandang nalipasan na ng panahon.

Bungsod no’n ay ang aking sunod na plataporma, ang libreng edukasyon para
sa lahat. Dahil lahat tayo ay pag-asa ng bayan, lahat tayo ay may karapatang
mag-aral nang libre. Libre ho ang mag-aral sa TESDA, mga kababayan ngunit
malinaw na hindi kinukuhang oportunidad ‘yon ng marami sa atin. Let’s assume na
malayo ang Pasay sa Valenzuela kaya’t tinatamad o di kaya’y walang pang-gastos.
Kaya naman, sosolusyunan natin iyon. Magpapatayo ho tayo ng mga paaralang pang-
akademiko at pang-bokasyonal, na hindi maa-outnumber sa bilang ng mga mamamayang
gustong mag-aral. Gagawa ho tayo ng solusyon upang makita ninyo ang mga
oportunidad na nasa harapan na ninyo. Hindi ho totoo ang malas, walang malas,
pero ang tamad? Sandamakmak ho sa tabi-tabi.

Mahalaga ho ang kaligtasan ng bawat isa, at isa ‘yon sa mga bagay na hindi
natin iniaasa sa ibang tao, sa mga tanod o pulis ngunit paano nga naman natin
maipagtatanggol ang ating sarili kung wala tayong kakayahan, lalo na ho sa ating
mga kababaihan. Kaya’t ang susunod ho nating plataporma ay naglalayong
maprotektahan ang bawat isa sa inyo. Wala pa ho akong naririnig, ni minsan, na
ganitong programa. Correct me if I’m wrong. Gusto ko hong magkaroon ng libreng
training ng self-defense para sa lahat at mas paiigtingin ho natin ang
pagprotekta sa ating taong bayan. Hindi pa ho gaanong detalyado ang ating plano
ngunit bibigyan ko ho kayo ng kaunting ideya. Sa bawat barangay ng Valenzuela
ay may ipakakalat ho tayong mga trainor ng basic self-defense. Maaari nating
gamitin ang basketball court ng bawat barangay para sa training, lahat ng kaya
at may gusto ay maaaring sumali. Gusto ko ho ng isang lungsod na walang takot
sa dibdib tuwing uuwi nang gabi. Dahil ho backpack ay ginawa para isukbit sa
likod, hindi sa harapan. Maawa ka naman, jusko, flat ka na nga e.

At ayan, ho. Sa aking tatlong taong panunungkulan bilang Vice Mayor, at


sa tulong ng ating butihing mayor at mga konsehal, nagawa ho nating i-improve
ang ilang bagay sa ating lungsod sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ordinansa.
Gaya ng pagpupwesto ng mga Psychologists at Social Workers sa bawat Barangay
Health Centers. Isa pa ay ang pagtatakda ng mga tanod sa madidilim na kanto ng
bawat barangay. It’s a win-win situation for everyone, because it creates
employment, at nababantayan din ang kaligtasan ng bawat mamamayan. Hindi lamang
ho tayo tumigil doon, maging maliliit na bagay sa ating lungsod ay pinagtuonan
din natin ng pansin, gaya ng mga pampublikong palikuran, kasi lahat ng tao,
ginagamit yan e. Mayaman, mahirap, lahat.

Kung ako ho ang papalaring susunod na mayor ng lungsod na ito, hindi ho


lingid sa akin kung anong lebel ng ekspektasyon ang mayroon kayo. Given the
fact ho na hindi basta-basta ang ating predecessor, napakalaki ho ng naging
ambag ng mga Gatchalian sa ating lungsod. Napakalaki ho ng paghanga at respetong
mayroon ako para sa kanila, at intensyon ko hong pantayan at lagpasan pa ang
mga bagay na nagawa nila para sa Valenzuela.

Marahil marami ho ang mapapatanong sa inyo, what’s about me para magiging


susunod na mayor ng lungsod na ‘to? Hindi na ho ako magsasabi ng kung ano-anong
mga adjectives at patunay para bumango ho ang pangalan ko, tama na ho siguro na
umabot ako sa punto ng buhay ko kung saan ninais at inasam kong maging
instrumento upang mapabuti ang maraming tao. This is not about politics—I mean,
I’m not here to impress you, nandito ho ako upang ipakita sa inyo ang
pinapangarap kong lungsod—marahil ay pangarap din ng iba. This me, campaigning
to be the next mayor of this town, wanting a change together with you. I’m no
saint, I make a lot of mistakes. Name it. Palamura ho ako, isang balde ng
salitang putangina sa isang araw. Kung mayroon man hong isang bagay na maganda
sa akin bukod sa mukha ko, ‘yon ho ay ang pagmamahal ko hindi lamang para sa
lungsod na ito, kundi pati sa bayan. Ika ko nga ho e, kinupkop ho ako ng bayang
ito sa aking kamusmusan, as a return, mamamatay rin akong ipinaglalaban ang
bayan.

Muli ang inyo hong lingkod, Clariza Carizal, tumatakbo bilang susunod na
Mayor ng Valenzuela. Number 9 sa balota. Maraming salamat ho, mga kababayan!

You might also like