You are on page 1of 2

Assalamu alaikum Warakmatullahi Wabarakatu and Good Morning

Unang una po sa lahat, my courtesy and Greetings to Allah(swt) for having us all
gathered here today and of course to people who made all of this possible
Our City Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” C. Matabalao,
City Vice Mayor Johari “Butch” C. Abu
Mga kasamahan kong councilors sa 17th Sangguniang Panlungsod
UnYPhil Women staff with its Executive Director, my humble sister, Noraida Abo
Other distinguished guests and of course the highlight of these event, the
empowered women from different women organizations in our City, Maganda
tayong lahat sa umagang ito. 😊

Hindi po lingid sa kaalaman ng lahat na ang inyo pong lingkod ,Councilor Hunyn
C. Abu, ang nagiisang babaeng Konsehal na nahalal sa bagong administrasyong
Para sa Lahat. Dagdag pa riyan ang pagtatalaga sa akin na maging Chairman ng
limang Major Committees kasama na ang Committee on Women, Family and
children at Committee on Social Welfare and Development. Bukod pa doon ay
tayo rin ang pinagkatiwalaan ng ating mga kasamahang Konsehal sa Sangguniang
Panlungsod na maging Presidente ng Philippine Councilors League o PCL na isang
organisasyon ng mga konsehal mula sa ibat ibang city at probinsya sa buong
Pilipinas.

Marami nga po ang nagsasabi sa akin na ang hirap po ng ginagawa kong paghawak
sa mga Committees na ito pero sa totoo lang, hindi naman talaga dahil sa dami ng
nagtititawala at sumusuporta sa mga aking mga advocacy ay napapadali ang aking
trabaho.

Kaya sa taong 2023, nais kong tuparin ang isa sa aking matagal ng kahilingan -
Ang pagpapalakas ng boses at pagpapalawak sa kakayahanan ng ating mga
kababaihan sa lungsod. Inilapit ko ito sa ating City Mayor Para sa Lahat Bruce
Matabalao na palakasin pa ang Gender and Development Program sa Cotabato
City at walang alinlangan syang sumuporta dito. Maraming Salamat po Mayor
Para sa Lahat!

Nais ko ring magpasalamat sa UnYPhil Women na isa sa pinakaaktibong women


organization sa lungsod headed by my ate Noraida Abo sa kanilang pagtanggap sa
ating partnership para sa layuning ito.

SA kasalukuyang panahon, ang women empowerment ay hindi lamang tungkol sa


ating pakikipag laban sa karasahan at gender equality. Ito rin ay isang daan upang
maipakita ang ating mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng isang bansa.
Dapat nating pagtuunan ng pansin ang economic empowerment ng mga
kababaihan na kilala bilang tagapagtaguyod ng karapatan at kapakanan ng kanilang
pamilya. Isa sa aking isinusulong ang social entrepreneurship gamit ang
kaalaman ng ating mga kababaihan upang mas makatulong sa pagpapabuti ng ating
ekonomiya at ng ating sariling pamilya.

Isa sa ating natatanging diskarte sa layuning ito ay ang paglipat mula sa pagtutok
sa isang indibidwal patungo sa paglinang ng ibat ibang grupo ng mga kababaihan
sa lungsod. Bilang kayo ay nasa inyong kinabibilangang grupo, kayo ay mas
lumalakas dahil alam nyong may mga kasama kayong katulad din ninyo ng
pinaniniwalaan at hangarin sa buhay. Mas napapadali ang pagasenso dahil ang
inyong pinagsasama samang ideya at trabaho ang inyong magiging lakas upang
mas palawakin pa ang anumang daan o negosyong nais ninyong tahakin.
Ako po ay laging narito susuporta sa mga adhikain nating mga kakaibahan. Simula
pa lamang po ito ng mas marami pang oputunidad para sa inyong lahat.
Sabay sabay nating sabihing, I AM A PROUD WOMAN. (123, I. AM. A.
PROUD. WOMAN)
Di ko na po patatagalin pa. WELCOME AND CONGRATULATIONS TO
EVERYONE!

Thank you so much.

You might also like