You are on page 1of 2

Lumaban sa pEkeng kaalamaN resIbo ay puhunan

Si Leni nabuntis ng dinosaur??!

Spill the tea! Sigaw ng mga marites sa social media. Digital na talaga ang lahat, pati
chismiss ay instant na! Kahit saan man tumingin, may isyung masasaksihan ka, dinaig pa ang
mga K-drama. Hindi na mahalaga kung may katotohanan, dahil ang importante ay mayroong
napapag-usapan.

Ikaw, ako, lahat tayo ay siguradong nabiktima na rin nito. Pero may kilala ako, isang
taong labis na napag-usapan at nabiktima, ngunit patuloy pa rin sa pagtindig at hindi ito ininda.
Siya ang ating ikalawang pangulo, si Mrs. Leni Robredo. Ang taong binato ng napakaraming
batikos at masasakit na salita ngunit ang binalik ay kabutihang loob at pag-asa.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Tsek.PH, simula ng Enero taong kasalukuyan, si Vice


President Leni Robredo ang pinaka naging biktima ng pagkalat ng mga maling impormasyon o
fake news. Sa kabilang banda, ang kapwa naman netong kandidato sa pagka presidente na si
Ferdinand Marcos Jr. ang labis na nakinabang sa mga ito. Kung tutuusin pareho lang silang
biktima ng paglaganap ng maling impormasyon patungkol sa kanila, pero ang pinagkaiba ay,
halos positibo ang mga maling impormasyong lumalaganap tungkol kay Marcos Jr, samantalang
puro paninira at negatibo naman ang mga pekeng impormasyon tungkol kay VP Robredo. Ngunit
ang mas nakalulungkot dito ay pinaniniwalaan ito ng iba, dahil lang ayaw nila sa kanya.

Pokpok, malandi, lutang, tanga at kung ano man, iyan ang mga masasakit na katagang
tinatawag nila sa kanya, na sya namang hindi ko maintindihan dahil hindi ko alam kung saan ang
kanilang pinanghuhugutan at bakit sila ay tila malaki ang galit sa kanya. Dahil ba siya ay
tatakbong presidente? Dahil ba sa bigla niyang paghabol at pagkapanalo laban kay Marcos Jr.
noong nakaraang halalan kahit na paulit ulit ng napatunayan na walang nangyaring dayaan? O
hindi kaya dahil sa katotohanang siya ay babae na nagnanais pamunuan ang ating bayan? Pero
kung ano pa man dyan ang dahilan, hindi parin iyon sapat para sabihing dapat lang na siya ay
mabatikos.

Sa dinami rami ng mga fake news at spliced videos na kumalat tungkol sa kanya, mula sa
40x4=1600, "I have 3 daugthers and they are all girls", at marami pang iba, lahat yon ay
katanggap tanggap pa para sakanya, kaya nya pang hindi pansinin at balewalain, dahil para sa
kanya, mas radikal ang magmahal. Ngunit kahit gaano mo pa bigyan ng pagmamahal ang iba,
pilit ka pa rin nitong sisiraan at hihilain pababa, gagawin ang lahat kahit ito'y napaka immoral na.

Nakalulungkot isipin na para sa satispaksiyon ng iba, kinailangan babuyin ang kapwa


nila. Ito ang uri ng fake news na hindi katanggap tanggap. Ang mga uri ng taong handang
gumawa ng pekeng sex scandal video ang pinaka nakadidiri sa lahat. Kaya naman hindi ko lubos
maisip na paano nila nakayanang gawan nito ang panganay na anak ng bise presidente natin. At
paanong nakayanan ng ibang kapwa babae na kutyain at ipalaganap pa ito? Asan na ang women
empowerment na ating isinusulong? Saan na ang mga babaeng sumusuporta sa kapwa babae?
Kahit anong kulay pa ang iyong pinapanigan, alam nating hindi ito makatarungan, huwag
mabulag sa kulay. Pagkatapos ng lahat ng mga ito, Pilipino pa rin tayo. Kasangga ang bawat isa,
hindi magkakaaway.

Resibo, papel lamang kung titignan ngunit ito'y pinakahulugan ni VP Robredo. Sa bawat
batikos at pekeng impormasyong ibinabato, resibo ang naging panangga niya dito. Tinagurian pa
ngang "Reyna ng Resibo" dahil pinatunayan nya na kahit gaano pa karaming maling
impormasyon ang kumakalat tungkol sayo, basta may resibo ka, hindi ka matatalo at
mapapabagsak ng mga ito. Kaya naman sa mga debateng kanyang dinadaluhan, at mga kalabang
nagsasabing wala naman syang ginawa sa kanyang panunungkulan, kanyang nilalabanan at
inilalatag ang mga patunay sa kanyang mga naging tagumpay.

Isang modelong maituturing na magawang isang ehemplo ang kanyang sarili upang ang
mga nasa laylayan ang maging boses na matagal na natin inaasam. Mukha siya ng pagiging Ina,
hangad niya na maiangat tayo sa pasan na kahirapan dahil kung nagawa niyang malampasan ang
mga impormasyon pakay lamang na bahidan ng katiwalisan ang rosas na hatid ang pag-asa, hindi
dapat tayo tumigil tumindig sa karapatan na ating matatamasa. Pakinggan natin ang daing ng
ating puso ibibigay nito ang talas ng talino upang makapagdesisyon sa mga pagsubok na
dadating sayo. Tulad ng ating ikalawang pangulo gawin mo ang sa tingin mong magpapaunlad at
hahasa sa talentong nakaatas, huwag kang magpapalinlang sa mga hadlang at limitasyong pipigil
bagkus ito'y gawin mong motibasyon upang magpatuloy at maitama ang maling nananahan sa
ating puso. Kung gaano kabilis niyang maagapan ang problemang nagdaan ito'y kasing bagal ng
pag-usbong kung hindi si Leni Robredo ang magiging pangulo na handang iparating sayo na
babae ang huling titindig at mananalo!

Paghatid ng maling impormasyon sa taumbayan ay maituturing na ring pagpaslang sa


sariling bayan. Lalong-lalo na kung ang inaasahang maglilingkod sa bayan ang siyang din palang
sisira sa lipunang kaniyang kinabibilagan. Sa huli, ang paglaganap ng pekeng balita ay patuloy
na magiging kanser sa lipunan na palihim na sumisira sa pundasyon na itinayo ng taumbayan.
Kung kaya’t panatilihing bukas ang mga mata’t tenga, sa pagharap sa mga pekeng balitang dala
nila.

Check the facts! Wika ng mga journalist sa mga balitang inilalahad. Tunay ngang may
pakpak ang balita, may tenga ang media sa pekeng balita 'wag na wag tayong maniniwala.

“Sa gobyernong tapat, may resibo lahat”

You might also like