You are on page 1of 2

Reaksiyon sa SONA 2019

Una sa lahat ano nga ba ang SONA? Ayon sa aking nabasa Ito ay ang pagharap
ng pangulo sa sambayanan upang iulat ang kalagayan ng bansa. Sa madaling
salita inuulat ng ating presidente ang mga kalagayan at mga proyekto na
ginagawa ng ating gobyerno. Ano nga ba ang aking reaksiyon dito? Marami
tayong pananaw sa buhay ngunit sa akin ang aking reaksiyon ukol dito ay may
halong tuwa at lungkot, halo-halo ang aking reaksiyon dito. Nalungkot ako
dahil hindi manlang tayo makalaban at nanatiling takot ang ating presidente sa
tsina kitang kita naman sa kanyang pahayag. Nalulungkot din ako sa “War on
Drugs” dahil sa aking palagay hindi naman ito masyadong epektibo dahil
marami pa ring mga droga ang nakakapuslit sa ating bansa. Ganunpaman alam
kong pinipilit ng ating gobyerno na umangat ang ekonomiya at bawasan ang
mga krimen. Natutuwa naman ako sa ibang binahagi ng ating presidente dahil
marami siyang nagawa na nakakabuti sa ating bansa una doon ang
magsasaayos ng boracay. Kung hindi ito pinsailalm ng rehabilitation baka hindi
na maging tourist spot ang boracay at ang pagsasaayos ng manila bay. Isa ito sa
isa sa mga isyu ng ating bansa, ang makalat at maalinsangan lugar ng manila
bay ngunit hindi ito pinalampas ng administrasyon dahil umaksiyon agad sila at
isinaayos ang manila bay at ang Build, Build, Build program dahil dito marami
ng skyway at nagiging presentable na ang ating mga paliparan. Iyan lamang
ang ilan sa mga magaganda niyang nagawa sa ating bansa.

Wala akong kinakampihan sa ating gobyerno ang gusto ko lamang ay ang


mapaayos at mapaunlad nila ang ating bansa. Isa pa sa napukaw ng aking
pansin ay ang katagang sinabi ng ating presidente na “I will end my term
fighting” nakikita naman natin na ginagawa niya ang lahat ng kanyang
makakaya para sa ating bansa at nakikita ko na lumalaban siya para sa ating
bansa. Tandaan natin na huwag masyadong maging reklamador sa ginagawa
ng ating gobyerno dahil hindi naman ikaw ang gumagawa nito imbis na
magsabi ng negatibo puriin at magmungkahi na lamang dahil hindi ka nagiging
parte ng problem o isyu ng ating lipunan bagkus ikaw pa ang nagiging
problema at toxic sa ating lipunan.
Portfolio sa Filipino

Dale Thomas G. Menciro


X- Agate

Gng. Madelaine Laranang

You might also like