You are on page 1of 12

BAYAN

Ni: Satur C. Ocampo


Pangulo, Bayan Muna

Tomo 11

MUNA

Opisyal na Pahayagan ng BAYAN MUNA

NEWSLETTER
Isyu 1 Nobyembre 20 1 1

Magarang pangako, paano matatamo?


Ngayong tayo na ang nagtitimon sa gobyerno, malinaw ang direksyong tinatahak ng ating bayan. Isang bansa kung saan ang pagkakataon ay abotkamay; kung saan ang mga nangangailangan ay sinasaklolohan; kung saan may saysay ang bawat patak ng pawis, bawat sandali ng pagtitiis, at bawat hibik ng hinagpis na dinaanan natin. Kung may gagawin kang mabuti, may babalik sa iyong mabuti. Kung may gagawin kang masama, tiyak na mananagot ka. Iyan ang pahayag o pangako -- ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ikalawang state-of-the-nation address, o SONA, noong Hulyo 25, 2011. Masarap pakinggan pag binigkas ang mga pananalita. At marami ang humanga sa pagkabigkas ni Pangulong Aquino, gayundin sa inam ng pagkakasulat ng kanyang talumpati. Ngunit higit na mas marami ang hindi napahanga. Tanong nila: Totoo ba yan? Paano yan matatamo? tignan sa p.2
Mula sa Arkibong Bayan

TURNO EN CONTRA
Ni: Teddy A. Casio
Kinatawan, Bayan Muna
Ang talumpati na ito ay ibinigay noong Setyembre 16, 2011 sa Kamara: Mariin kong tinututulan ang panukalang 2012 badyet batay sa dalawang pangunahing kadahilanan, Mr. Speaker: Una, masyado itong minamadali gamit ang kaparaanang hindi demokratiko, hindi transparent, at nagmamaliit sa power of the purse ng Kongreso. Ito ay eksaktong kahalintulad sa nakaraang administrasyon. Ikalawa at higit na mahalaga, hindi nito binibigyang solusyon ang mga batayang suliranin ng talamak na kahirapan at kawalan ng kaunlaran, bagkus, pinagsisilbing

Pagtutol sa dole-out na badyet ng gobyernong Aquino


instrumento na lamang ang pambansang badyet ng mga pantawid na dole outs at ng pagsasapribado ng mga batayang serbisyong panlipunan. Sa unang punto, batid nating lahat na hindi trabaho ng Kongreso ang basta-basta na lamang tanggapin o lulunin ang lahat ng gustong mangyari ng Ehekutibo sa panukala nilang ito. Pero ano po ang nangyari? Maliwanag na todo-larga ang Executive branch at Appropriations Committee upang ipagtanggol ang panukala ng Palasyo anuman ang mangyari. Sa unang budget hearing noong nakaraang buwan, nakiusap si Budget Secretary Abad sa amin na huwag nang baguhin pa at ipasa tignan sa p. 2

SONA 2011. Para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Aquino, nagsuot si Bayan Muna Rep. Teddy Casio ng barong na may katagang Right to Know, Right Now! upang itulak ang pagpasa sa Freedom of Information (FOI) Act na layong palawakin at pabilisin ang paghingi ng impormasyon at dokumento mula sa gobyerno. Ang FOI bill ay hindi kasama sa prayoridad ng administrasyong Aquino.

Kuha ni CJ Despuez

PAHINA 2

Bayan Muna Newsletter | NOBYEMBRE 2011


kabuhayan ng ating mga kababayan. Tayo ay naglalaan ng P22 bilyon para sa PPPs sa susunod na taon subalit kailangangan pa munang ipinal ng mga mismong ahensya ang kani-kanilang mga guidelines. Upang mapondohan natin ang ating susing istratehiya sa paglaban sa kahirapan, kailangan natin ng 39 bilyong piso at ang pangungutang ng $900 milyong dolyar. Subalit ito ay ni hindi man lang lumilikha ng mga kabuhayan o trabaho. May mga livelihood programs na ubod ng liit kumpara sa Conditional Cash Transfer (CCT) Program. Parang baligtad po ang nangyayari. Imbes na gawing prayoridad ang mga hanapbuhay at pagkakaloob ng mga emergency grants, tayo ay namumudmod ng mga buwanang allowance at isinasantabi ang paglikha ng mga trabaho. Ang CCT ay isang batayang programa subalit matapos ang limang taon, ito ay maglalaho. Bakit? Sapagkat sa katotohanan, ito ay hindi programa. Ito ay pantawid, isang magastos na taktika upang panlabas na pagandahin ang ating statistics para sa 2015 MDG deadlines. Sa katunayan, wala tayong aprubadong antipoverty program na mapag-uusapan. Ano ba iyan, Mr. Speaker? Isipin ninyo naman, lahat ng 112 SUCs, 12 specialty hospitals, at 55 DOH-retained local hospitals ang binigyan ng zero capital outlay. Ang Health Facilities Enhancement Program na dapat sumasagot sa suliraning ito ay ikalimang bahagi lamang ng orihinal na panukala ng DOH na 25 bilyong piso. Magbibigay tayo ng 18 bilyong piso sa dagdag na mga dole outs subalit 5 bilyong pisong dagdag pondo lamang sa mahigit 450 na mga ospital at health units sa buong bansa na nagseserbisyo sa buong populasyon. Maaari kong ilitanya ang lahat ng mga ito, Mr. Speaker. Ang punto, kung ang administrasyon ay seryoso sa pagpapabuti ng access at ng kalidad ng edukasyon at kalusugan, dapat nitong panindigan ang mga ipinangangalandakang gagawin. Walang pagbabago, Mr. Speaker. Sa paraan ng pagbabudget at sa mismong laman ng budget, walang pagbabago sa ilalim ng bagong administrasyon. Sayang. Akala ko pa naman magbabago na ang ating palakad sa gobyerno. Sa mga kadahilanang ito, Mr. Speaker, sa pagpapaunlak ng ating mga kasamahan sa Kongreso, tinututulan ng kinatawang ito ang pag-aapruba ng 2012 budget. BM

pangako ... mula p.1


Ano nga ba ang batayan ng magandang bukas na tutunguhan daw ng Pilipinas sa ilalim ng gobyernong P-Noy? Baybayin natin ang ilang tampok na bahagi ng SONA. 1. Inulit at dinugtungan ni Pangulong Aquino ang tema ng una niyang SONA noong 2010: wala nang wang-wang (sirena sa sasakyan ng abusadong mga opisyal ng gobyerno). Itinaas niya ito bilang hudyat at sagisag ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan at lipunan. Binuod niya sa isang kampanya para pawiin ang utak wang-wang -- ang kaisipan at kagawiang mang-api at manlamang ng dapat ay mga naglilingkod sa bayan. 2. Sa nakaraang taon, ayon kay Pangulong Aquino, umani ng mga positibong resulta ang kanyang kampanyang kontra wang-wang. Ngunit kung tatayain, mabababaw at kadudaduda ang mga tinuran niyang resulta. Halimbawa: (1) Itinaas ng mga dayuhang ahensya ang grado ng gobyernong P-Noy sa kakayahan nitong magbayad ng daang-bilyong pisong interes taun-taon sa malalaking utang sa labas at loob ng Pilipinas. Ngunit di niya binanggit na kinakaltas ang pambayad mula sa pondong dapat gagastusin para sa mga batayang serbisyong publiko -- kaya laging kapos. Di rin niya sinabing dahil tuloy-tuloy ang pangungutang, nananatiling dambuhala sa laki ang pambansang utang. tignan sa p.11

Kuha ni CJ Despuez
PEB. 7, 2011 - Idinulog ni Rep. Teddy Casio sa Kamara ang kalagayan ng daan-daang migrante na na-stranded sa Saudi Arabia.

na lamang agad ang panukalang budget ng Presidente. Pinayuhan din tayo na walang anumang congressional insertions, o amyenda ang tatanggapin. Sukat ibinasura nila o binura nila sa National Expenditure Program (NEP) ang figures para sa automatic appropriations upang ipangalandakan ang posisyon nilang wala tayong kapangyarihan para galawin ito. Para tuloy naging malaking kasalanan kung tutol ka sa budget ng Presidente. Para bang dahil may dagdag na pork barrel na tayo ay wala na tayong karapatang amyendahan pa ang budget ng Pangulo. Gaya ng mga nakaraang taon, ang mga amyenda ay hindi tatalakayin sa floor, kundi, sa bicameral conference committee kung saan hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Kaya naman ang budget deliberations, sa halip na maging bukas na proseso sa pagpapahusay ng budget, ay nauuwi sa prosesong tawaran at hingian. Minsan po nakakalungkot man, para tayong mga pulubing nakapila, nagmamakaawa ng pondo sa mga ahensya. Mr. Speaker, muli na naman nating isinuko ang ating power of purse sa Executive. Ang pinakamalala nito, ang panukalang budget ay hindi nakabalangkas upang ayusin ang mga problemang structural ng ating ekonomiya. Wala halos itong ipinagkaiba sa mga binitbit ng mga nagdaang administrasyon. Walang komprehensibong plano para sa mga industriya at pagpapaunlad ng mga ito, lalung-lalo na sa panahon ng global recession, mapapako ito sa 4 hanggang 5 porsyento. At imbes na asahan ang 2 porsyentong pagangat mula sa kasalukuyang mga intangible na PPPs, dapat nating hinahabi ang budget na tatarget ng kongkretong paglago ng 7 hanggang 8 porsyento sa pamamagitan ng pamumuhunan sa ating mga industriya at

turno ... mula p.1

ABRIL 26, 2011 - Isa si Rep. Casio sa mga unang

uminom ng tubig mula sa bagong gawang water system na handog ng Bayan Muna sa Banahaw Sudlon, Mati, Davao Oriental.

Bayan Muna Newsletter | NOBYEMBRE 2011

PAHINA 3

Ha mon ng B AYA N MUNA kay Garci:

Lumabas na at sabihin lahat

Hinamon ni Bayan Muna Rep. Teddy Casio si dating Commissioner ng Commission on Elections (COMELEC) Virgilio Garcillano na lumantad na at sabihin ang lahat ng kanyang nalalaman sa pandaraya sa eleksyon noong 2004. Si Garci ang pinaka-angkop na saksi sa pandaraya sa eleksyon lalo pa at siya ang tinatawag na tagapagsanay (mentor) ni Lintang Bedol. Alam din niya ang kabuuan ng pandaraya mula itaas hanggang ibaba. Ginawa ng progresibong mambabatas ang panawagan matapos sumuko si dating COMELEC supervisor Lintang Bedol. Hindi lang dapat sa presidential race ang tuunan ng imbestigasyon sa pandaraya sa eleksyon kundi pati na rin sa eleksyong partylist dahil nakatanggap kami ng mga ulat na ginamit din ng ibang party-list si Bedol para makakuha ng mataas na boto. Dapat ding imbestigahan si Artemio Rasalan at ang mga myembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) na kasama sa sinasabing pagpapalit ng election returns sa Batasan Complex, dagdag pa niya. Sa pagsuko naman ni Bedol, dapat tiyakin ng COMELEC na makadalo siya sa mga ipapatawag na imbestigasyon ng Kamara, pero dapat muna niyang pirmahan ang kanyang mga apidabit para magkaroon ng saysay ang kanyang mga pahayag, pagtatapos ni Casio. BM

Kuha ni Victor Villanueva


MERCI IMPEACHMENT. Isinulong ng mga makabayang kinatawan sa Kamara sa pangunguna nina Bayan Muna Reps. Teddy Casio at Neri Javier Colmenares (parehong nasa larawan) ang impeachment complaint nina Renato Reyes, Danilo Ramos, atbp. laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez pangunahin dahil sa pagkanulo sa tiwala ng publiko sa pagbimbin at pagharang sa mga kaso ng katiwalian na kinasangkutan ng administrasyong Arroyo. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Kongreso, umabot sa sufficiency on grounds ang kaso. Noong Marso 1, 2011, 221 mambabatas ang bumoto pabor sa impeachment na dagliang na-transmit sa Senado para sa trial. Subalit noong Abril 29, nagbitiw si Gutierrez sa kanyang tungkulin.

BAYAN MUNA: pabilisin ang imbestigasyon sa pandaraya sa eleksyon


Hiniling ng mga kinatawan ng Bayan Muna Party-list, na sina Reps. Teddy Casio at Neri Javier Colmenares, kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chair Rep. Elpidio Barzaga Jr. na agad akysunan ang kanilang inihaing House Resolution 1475 na humihiling na imbestigahan ang pandaraya sa eleksyon noong 2004 at 2007. Ayon kay Rep. Casio, Kinukumpirma lang nitong rebelasyon ng pagpuslit sa loob ng Kongreso noong 2005 ang mga sinasabi namin noon. Kawalanghiyaan ito at direktang atake sa Kongreso at may malaking implikasyon sa integridad ng eleksyon sa bansa. Lalong kailangang tuunan ng pansin ang resolusyon ng

Sa paglitaw ng mga pulis na nagpalit ng election returns

Bayan Muna na imbestigahan ang mga pandaraya noong halalang 2004 at 2007. Para naman kay Rep. Colmenares, Dapat imbestigahan agad ng Kongreso ang pagpupuslit sa election returns lalo at nangyari ito sa loob mismo ng sariling bakuran. Kongreso lang ang nagkacanvass ng presidential electoral results at kung gayon tungkulin at obligasyon nito na imbestigahan ang pandaraya sa canvassing. Di katulad ng magkasanib na imbestigasyon ng Department of Justice at Commission on Elections na tututok sa kriminal na pagkakasala, ang Kongreso ay tututok naman sa pagbubuo ng batas upang mapigilan ang pandaraya sa eleksyon. BM

Lupon ng mga Patnugot: Satur C. Ocampo,

Opisyal na Pahayagan ng Bayan Muna (People First)

NEWSLETTER

Nathanael S. Santiago, Teddy A. Casio, Neri J. Colmenares Tagapamahalang Patnugot: Amy V. Padilla Manunulat: Vincent Borneo, Carl Ala, Dang Viernes, Kristine Sabillo Dibuhista: Jerry Matagsico Disenyo/Lay-out: Kristine Sabillo

Serbisyo
Patuloy na naglulunsad ang Bayan Muna ng Gamutang Bayan sa ibat ibang probinsya at lungsod upang magbigay ng libreng tulong medikal, dental at gamot. Sa loob ng ilang buwan, libu-libong mga Pilipino na ang napaglingkuran ng Bayan Muna. Itaas: Mga doktor, dentista, manggagawang pangkalusugan at myembro ng Bayan Muna na nag-boluntaryo para sa mga medical mission.
Kaliwa at ibaba: (1) Ilan sa mga estudyanteng ginawaran ng iskolarship ng Bayan Muna sa pamamagitan ni Rep. Neri Colmenares at Rep. Teddy Casio; (2) Nakipaglaro si Rep. Colmenares, dating kampeon sa chess noong kanyang kabataan, sa mga taga-Capiz matapos mag-donate ng chess sets; (3) Batang Mag-aaral Program sa Antipolo City; (4) Proyekto ng Bayan Muna sa Aklan, therapeutic centers para sa mga batang may kapansanan; (5) Turn-over ng Multipurpose building na pinondohan ng Bayan Muna sa Antipolo City.

Kuha nina Tine Sabillo, Marion Ramirez at Vince Borneo

Kuha nina CJ Despuez, Ren Guray, Vince Borneo,Tine Sabillo, NC Office at Bayan Muna HQ

Militansya
Itaas (clockwise): (1) Nagsalita si Ka Satur sa huling araw ng Lakbayan upang suportahan ang mga magsasaka sa kanilang pakikibaka para sa lupa; (2) Si Rep. Casio noong Mayo Uno; (3) Nakiisa ang Bayan Muna at si Rep. Neri Colmenares sa laban ng mga drayber ng kuliglig at pedicab; (4) Baguio Pride Parade. Naghapag ang Bayan Muna ng panukalang batas House Bill No. 1483 (Anti-Discrimination Bill), para matamasa ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals and transgenders) community ang patas na mga karapatan; (5) Patuloy ang Bayan Muna sa panawagang ibaba ang presyo ng langis; (6) Sina Rep. Casio, Luz Ilagan, Teddy Baguilat at Nancy Catamco sa paggawad ng titulo ng lupang ninuno sa mga Ati ng Boracay.

Pulitika ng Pagbabago
Itaas (L-R): (1) Pagbisita ni Rep. Casio sa isang organic market sa Benguet; (2) Rep. Casio kasama ang mga prodyuser na sina Carmela Honrado at Pelita Peralta-Uy at mang-aawit na sina Jim Paredes at Ogie Alcasid pagkatapos maipasa ang Local Music Industry Incentive Act sa komite; (3) Nakipag-konsultahan si Rep. Casio sa grupo ng mga may kapansanan sa Cagayan de Oro. May apat na panukalang batas ang Bayan Muna ayon sa adbokasiyang ito (tignan ang p. 6). Itaas (L-R): (1) House Committee on Small Business and Entrepreneurship Development chairman Rep. Casio kasama si Department of Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa isang trade fair; (2) Si Rep. Casio at Manila Brgy. Capt. Francisco Mariazeta III at mga batang benepisyaryo ng libreng bag mula sa Batang Mag-aaral Program ng Bayan Muna; (3) Si Rep. Colmenares kasama ang Alternative Indigenous Development Foundation, Inc. (AIDFI) sa pag-inspeksyon sa Bayan Muna ram pump project sa Negros na nagbibigay ng mura at malinis na tubig sa mga malalayong komunidad; (4) Si Ka Satur Ocampo at Bayan Muna Rep. Colmenares at ang iba pang mambabatas sa pagbubukas ng eksibit tungkol sa mga desaparecidos.

PAHINA 6

Bayan Muna Newsletter | NOBYEMBRE 2011


CHAIRPERSON, Small Business and Entrepreneurship Development, Congressional Oversight Committee on Magna Carta for Micro, Small & Medium Enterprises SENIOR VICE CHAIRPERSON, Higher and Technical Education MYEMBRO NG MAYORYA, Foreign

Suffrage and Electoral Reforms Constitutional Amendments, Human Rights, Local Government, Natural Resources, Trade and Industry, Joint Congressional Oversight Committee on Automated Election System, Foreign Affairs, Interparliamentary Relations & Diplomacy, National Defense & Security, Revision of Laws

VICE CHAIRPERSON,

MYEMBRO NG MAYORYA,

Rep. Teddy A. Casio

Affairs, Information and Communication, Natural Resources, Trade and Industry, Public Information, Justice, Appropriations, Population and Family Relations, Health, Good Government and Public Accountability

Rep. Neri J. Colmenares

Talaan ng mga Panukalang Batas na inihain ng Bayan Muna Party-list


July 1, 2010 hanggang Nobyembre 17, 2011 | Mababang Kapulungan ng Kongreso
Tinatalakay ng Technical Working Group (TWG) ng Justice Committee Nasa TWG; ipiprisinte na sa Comm. on Public Information Pending sa Comm. on Appropriations Pending sa Comm. on Justice Pending sa Comm. on Human Rights Pending sa Committee on Trade & Industry Pending sa Committee on Justice Inapruba ng Kongreso sa third reading at nasa Senado na Dinidinig sa Comm. on Ways & Means Pending Committee on Revision of Laws Inapruba ng Kongreso at nasa Senado na Pending sa mga Comm. on Basic Education Pending sa Comm. on Suffrage & Electoral Reforms Pending sa Comm. on Revision of Laws Pending sa Comm. on the Welfare of Children

No.
132

133

Pagbibigay ng proteksyon sa mga Whistleblower (mga taong nagbubulgar ng pangungurakot sa gubyerno) Kalayaan sa pagkuha ng impormasyon sa gubyerno (Freedom of Information) Pagbasura Presidential Decree 1177 o sa awtomatikong paglalaan ng pondo para sa utang Pagdedekriminalisa sa Libelo Pagbasura sa Batas Pambansa 880 Pag-engganyo sa gubyerno na gumamit ng Free Open Source Software (FOSS) Batas laban sa diskriminasyon at para sa pantay na karapatan ng mga lesbyana, bakla, bisekswal at transgender (LGBT) Pagsama ng katutubong pinagmulan (Ethnic Origin) sa lahat ng mga isinasagawang sensus o sarbey ng gubyerno Pagtanggal ng VAT sa bayarin ng Kuryente Komemorasyon sa Araw ng Pagtatag ng Katipunan Pagbibigay ng Karapatan sa mga Myembro ng Midya na Maagang Makaboto Regulasyon ng Matrikula sa Pribadong mga Paaralan Paghalal ng mga sektoral na kinatawan ng mga LGUs Pagtakda ng Interim Succession para sa Pangulo kung sakaling mabigo ang eleksyon Batas para sa Pambansang Programa sa Nutrisyon ng mga Bata

PANUKALANG BATAS

Istatus

2309

2719 2830 2842 2843 2844 (ngayon 3546) 3046 3135 3145 3209 3230 3231 3288 3328 3329 3343 3370

Pagbawal sa pagpangalan ng pampublikong pag-aari at serbisyo ng gubyerno sa mga pulitiko at opisyal Pagtanggal sa VAT sa langis, LPG, gasolina at diesel Pagtatatag ng mga Barangay Fitness Centers sa lahat ng bayan sa bansa Batas para bigyan ng insurance ang mga mamamahayag sa Pilipinas Komemorasyon ng Araw ng Bud Dahu Proteksyon sa karapatan ng mga mag-aaral sa pagpili ng mga Review Centers Kontra sa Enforced Disappearances Moratoryum sa pagtataas ng Matrikula sa Bansa Para sa pagpapalaya ng mga bilanggo batay sa recognizance Elderly & Visually-Impaired Friendly Currency Design Pag-amyenda sa Batas Hinggil sa Official Development Aid (ODA) Batas para sa ibat ibang Student Discounts sa Pilipinas Komemorasyon ng Araw ng Setyembre 21 Araw ng Kalayaan ng Pamamayahag sa Kampus (Campus Press Freedom Day) Internasyunal na Araw ng mga Mag-aaral Regulasyon sa mga bayarin ng ATM Kumpensasyon ng mga Tsuper at Konduktor ng Bus

Pending sa Committee on Public Information Tinatalakay ng Comm. on Ways & Means Pending sa Comm. on Youth & Sports Development Pending sa Comm. on Public Information Pending sa Comm. on Revision of Laws Inapruba ng Kongreso sa third reading at nasa Senado na Pending sa Comm. on Justice Pending sa mga Comm. on Basic Education Nasa TWG level ng Comm. on Justice Pending sa Comm. on Banks & Financial Intermediaries Pending sa Comm. on Economic Affairs Pending sa mga Comm. on Basic Education Pending sa Comm. on Revision of Laws Inapruba ng Kongreso at nasa Senado na Inapruba ng Kongreso at nasa Senado na Pending sa Comm. on Banks Dinidinig sa Comm. on Labor & Employment

1008 1009 1010 1011 1483

1460

1630 1631 1960 1961 2137 2138 2308

Bayan Muna Newsletter | NOBYEMBRE 2011


3413 3475 3593 3665 3769 3787 3827 3952 Kontra sa Dinastiyang Politikal Pagbasura sa Artikulo 247 ng Revised Penal Code Anti-Strategic Lawsuits Against Public Participation (SLAPP) Batas para sa pagtatayo ng mga rehabilitation center para sa mga batang maykapansanan Pagbawal sa paggamit ng masyadon maliwanag na puting hedlayt sa mga sasakyan Pagbasura sa Amusement Tax sa Lokal na Industriya ng Musika Sustenableng sanitasyon sa Pilipinas Pag-amyenda sa Article 36 ng Family Code para isama ang pananakit sa asawa, kataksilan at pag-abandona bilang batayan para ipa-annul ang kasal 50 porsyentong diskwento para palibing ng mga yumaong maralita Batas Para sa Lugar-Botohan para sa mga Matatanda at May Kapansanan Pagpalit ng Pangalan ng Commonwealth Ave. sa Tanada Ave. Pagsasabatas ng sign language inset para sa mga kababayan nating maykapansanan (mga bingi) 50 porsyentong diskwento sa serbisyong medikal para sa mga batang 6 na taong gulang pababa Paghihigpit sa paggamit ng pondo para sa Intelligence ng AFP, PNP at lahat ng sangay ng gubyerno Pagpalit ng Pangalan ng AlabangZapote Road sa Evangelista Ave. Pagtataas sa hangganan ng Christmas bonus at iba pang benepisyo na hindi binubuwisan Peoples Mining Bill o Regulasyon ng Industriya ng Mina Regulasyon ng Industriya ng Langis para ibaba ang presyo Pagtataas ng mga pensyon para sa Social Security System (SSS) Pagdagdag ng 9 Bilyong Piso sa Badyet ng taong 2011 para itulong sa mga nasalantang OFWs at kanilang pamilya Pag-amyenda Republic Act 8282 o ang Batas ng SSS Pending sa Comm. on Suffrage & Electoral Reforms Pending sa Comm. on Revision of Laws Pending sa Comm. on Justice Pending sa Comm. on Social Services Pending sa Comm. on Transportation Inapruba ng Kongreso at nasa Senado na Pending sa Comm. on Government Reorganization Pending sa Comm. on Revision of Laws 4464 Batas para sa Pag-amyenda sa Republic Act No. 7941 Upang Panatilihin para sa Marginalized at Underrepresented ang Sistemang Party-List Paglalaan ng mga Tagapag-salin para sa mga Indibidwal na Bingi sa Lahat ng Judicial, Quasi-Judicial at Pampublikong Pagdinig Pagdeklara sa Mayo 17 ng Bawat Taon Bilang Pambansang Araw Laban sa Homophobia at Transphobia Pagbibigay ng Libreng Pagpapaospital sa mga Mahihirap na Senior Citizens sa Lahat ng Pampublikong Ospital Pagdeklara sa Mayo 22 ng Bawat Taon Bilang Freedom of Expression Day Bilang Alaala kay National Artist for Film Lino Brocka Pagsama sa mga Lugar na Sarado sa Aplikasyon ng Pagmimina ang No Mining Zones na Idineklara ng mga Local Government Units Pagbigay ng Suporta ng Gubyerno sa mga Triplets, Quadruplets at Higher Order Multiple Births Pagtakda ng Hangganan ng Interest Rates ng mga lahat ng mga Nagpapautang na Institusyon at Bangko Pagparusa sa mga Kumander o Superyor ng Militar para sa mga Krimen na Ginawa ng Kanilang Mga Tropa sa Ilalim ng Prinsipyo ng Command Responsibility Pagtatayo ng National Shrine sa Mount Dahu Pagpapataas ng sahod ng pampublikong nurse mula Salary Grade (SG) 11 patungong SG 15 Pagtakda ng paglalagay ng label sa mga produktong may genetically-modified organisms Pagbasura sa Republic Act 5260 na nagpapahintulot sa pagbenta sa Welfareville Property Pagbasura sa Value-added tax (VAT) sa mga tollway services Pagbabawal sa pagbibigayawtoridad sa Armed Forces of the Philippines o anumang paramilitary group na makialam sa labor o agrarian disputes Pagpapatibay sa karapatan ng Human Rights Defenders Pagbibigay ng insentibo para sa small solar power systems consumers

PAHINA 7
Pending sa Comm. on Suffrage and Electoral Pending sa Committee on Justice Pending sa Committee on Human Rights Pending sa Comm. on Population and Family Relations Pending sa Basic Education and Culture Pending sa Committee on Natural Resources Pending sa Comm. on Population and Family Relations Pending sa Comm. on Banks & Financial Intermediaries Pending sa Comm. on National Defense & Security Pending sa Comm. on Muslim Affairs Pending sa Comm. on Appropriations Pending sa Comm. on Trade and Industry Pending sa Comm. on Health Pending sa Comm. on Ways and Means Pending sa Comm. on National Defense and Security Pending sa Comm. on Human Rights Pending sa Comm. on Energy

4631

4653

4712

4713

4726 Pending sa Comm. on Poverty Alleviation Pending sa Comm. on Suffrage Pending sa Comm. on Revision of Laws Pending sa Committee on Public Information Pending sa Committee on Welfare of Children Pending sa Committee on Appropriations Pending sa Comm. on Public Works & Highways Pending sa Comm. on Ways & Means Pending sa Comm. on Natural Resources Pending sa Comm. on Energy Pending sa Comm. on Govt Enterprises & Privatization Pending sa Comm. on Appropriations Pending sa Comm. on Govt Enterprises & Privatization

4002 4048 4109 4121

4789 4917

4948

4125 4127 4128 4177 4315 4355 4365 4406

5159 5230 5247 5257 5303 5374

5379 5405

4409

Mga Panukalang Batas: 70

PAHINA 8

Bayan Muna Newsletter | NOBYEMBRE 2011

No.
67

72

73

74

75 76

Pag-imbestiga sa pagpatay kay Gregan Cardeo noong Febrero 2,2010, sa Camp Ranao, Datu Saber, Marawi City at ang kaakibat na pagpaslang kay Major Javier Ignacio Pag-imbestiga sa kontrobersyal na Coal Operating Contracts ng Monte Oro Resources Energy Inc. na permanenteng makakasira sa tatlong bayan sa Catanduanes Panawagan para itigil ang pagpasok ng mga kumpanya ng mina sa natitirang mga lugar ng Philippine Eagle Pag-imbestiga sa pagkasira ng kalikasan at paglabag sa karapatan pantao ng Metals Exploration PLC laban sa mga katutubong residente ng Quezon, Nueva Vizcaya Pag-imbestiga sa Sulu Sea Oil Exploration ng Exxon-Mobil Pagkondena sa Pagpatay kay Benjamin Bayles, isang Human Rights Worker at myembro ng Bayan Muna ng mga elemento ng 61st Infantry Battalion noong Hunyo 14, 2010 sa Himamaylan City, Negros Occidental Panawagan para sa kagyat at walang kundisyong pagpapalaya ng Morong 43 Health Workers Pagkondena sa Pagpatay kay Fernando Baldomero, opisyal ng Bayan Muna at Municipal Councilor noong Hulyo 5, 2010 sa Kalibo, Aklan Pag-imbestiga sa hakbang ng PSALM na ipasa ang kanilang P470.865 Bilyong pagkakautang sa mga konsumidor ng kuryente Pag-imbestiga sa Multi-Milyong anomalya sa PAGCOR sa ilalim ng administrasyong Macapagal-Arroyo Pag-imbestiga sa kapalpakan ng GSIS na magbigay ng Social Security Benefits sa kanyang mga myembro Pag-imbestiga sa pagpasok ng PNOC-EDC Geothermal Project sa Mt. Kanlaon Natural Park na sisira sa natitirang natural na kalikasan ng Negros Pag-imbestiga sa mga tropa ng US sa dalawang insidente sa Zamboanga at Basilan Pagtutol sa pagtataas ng pamasahe sa MRT at LRT Pag-imbestiga sa Performance-Based Regulation ng Energy Regulatory Commission na papayag sa patuloy na pagtataas ng presyo ng kuryente

RESOLUSYON

Dinidinig sa Committee on Human Rights Dinidinig sa Committee on Natural Resources Pending sa Committee on Natural Resources Dinidinig sa Comm. on National Cultural Communities Dinidinig sa Comm. on Energy Pending sa Committee on Human Rights

Istatus

192 194

212 218 236 237 256 275 294 346

Pag-imbestiga sa gastos ng Philippine Information Agency (PIA) na lampas sa itinakdang badyet nito Pag-imbestiga sa di-makataong patakaran at diskriminasyon ng Philippine Airlines laban sa kanilang mga flight attendant at steward Pag-imbestiga sa pagtataas ng singil sa SLEX Hinggil sa Hacienda Luisita Compromise Agreement Panawagan ng Kamara na ibalik ng Estados Unidos ang mga Kampana ng Balangiga, Samar Pag-imbestiga sa Biosafety ng BT Talong Pag-imbestiga sa bidyo ng isang opisyal ng pulis na nanortyur ng isang kawawang lalaki Pag-imbestiga sa Iskemang Outsourcing at Kontraktwalisasyon ng PAL Hinggil sa palpak na reskyu ng PNP sa Manila hostage crisis Pag-imbestiga sa mga kondisyon ng tribong Eskaya sa Bohol Pag-imbestiga sa di-pantay at arbitraryong singil ng mga bangko sa ATM Pagkilatis sa kasalukuyang Bilateral Trade Agreements... Pagtulong sa 416 na manggagawa na sinisante ng kanilang among Amerikano sa pamamagitan ng e-mail Pag-imbestiga ng iligal na pagmimina sa Biak-na-Bato, Bulacan Pagpuna sa pagdaong ng USS George Washington sa Maynila Pag-imbestiga sa paggamit ng intelligence funds sa mga GOCC Paglatag ng adyenda ni Pang. Aquino sa kanyang unang byahe sa Estados Unidos Pag-imbestiga sa prosesong FPIC ng Royalco Corp. sa Bakun, Benguet Pag-imbestiga sa mga kontrobersya sa Albay Electric Cooperative (ALECO)

Dinidinig sa Comm. on Good Govt Dinidinig sa Comm. on Labor & Employment Dinidinig sa Comm. Govt Enterprises Pending sa Comm. on Agrarian Reform Pinipinal ng Comm. on Basic Education Dinidinig sa Comm. on Agriculture Pending sa Comm. on Human Rights Pending sa Comm. on Labor Dinidinig ng Comm. on Public Order & Security Dinidinig sa Comm. on National Cultural Communities Dinidinig sa Comm. on Banks Dinidinig Comm. on Trade & Industry Dinidinig sa Comm. on Labor Dinidinig sa Comm. on Natural Resources Dinidinig sa Comm. on Foreign Affairs Dinidinig sa Comm. on Appropriations Pending sa Comm. on Foreign Affairs Dinidinig ng Comm. on National Cultural Communities Dinidinig sa Comm. on Energy & Coop. Devt

77 78

Pending sa Committee on Human Rights Pending sa Committee on Human Rights Dinidinig ng Committee on Energy Dinidinig sa Comm. on Good Govt & Public Accountability Dinidinig ng Comm. on Govt Enterprises & Privatization Dinidinig sa Committee on Ecology Dinidinig sa Comm. on Foreign Affairs Dinidinig sa Comm. on Govt Enterprises Dinidinig sa Committee on Energy

353 354 355

97

98

381

119

382 387 409 481

120

153 172 191

545

Bayan Muna Newsletter | NOBYEMBRE 2011


546 555 556 Pag-imbestiga sa mga implikasyon ng Coal-Fired Plant sa kalusugan sa lunsod ng Iloilo Panawagang palayain ang lahat ng detenidong pulitikal Pag-imbestiga sa Deed of Usufruct ng Pasig River Rehabilitation Commission, Serviam Foundation at ng 728 na pamilya sa Jaime Cardinal Sin Village, Maynila Pagimbestiga sa pandedehado ng Datu Puti Pinoy Kurat laban sa Sukang Pinakurat Pagimbestiga sa implementasyon sa desisyon ng Korte Suprema na ibalik sa trabaho ang PAL Cabin Crew ... Pagbati kay Rep. Emmanuel Pacquiao sa pagkapanalo nito sa boksing Pag-imbestiga sa pagpaslang sa siyentistang si Leonardo Co Panawagan para sa isang moratoryum sa pagtatayo at pagpapalawig pa ng mga Coal-Fired Power Plant Pagbibigay pugay sa pinaslang na siyentistang Leonardo Co Pag-imbestiga sa katayuan ng Asian Productivity Organization bilang imprenta ng gubyerno sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office Pag-imbestiga sa mga kundisyon ng Ati Tribe sa kanilang lupang ninuno sa Boracay, Aklan Pagbati sa Alternative Indigenous Development Foundation, inc. (AIDFI) para sa Hydraulic Ram Pump Technology nito Pag-imbestiga sa panukalang Broadband Cap ng National Telecommunications Commission Pagbati sa Brgy. Villamonte sa pagiging Grandslam Winner ng Masskara Festival ng Bacolod City Pag-imbestiga sa umanoy Power Shortage at mataas na singil sa kuryente ng Panay Electric Company (PECO) sa mga konsumidor Pag-imbestiga sa pagdami ng mga OFWs na nakakulong dahil sa umanoy pagiging drug mules or pusher ng iligal na droga Pag-imbestiga sa pagpaslang kay Gerardo Ortega sa Puerto Princesa, Palawan Dinidinig sa Comm.on Health Pending Comm. on Justice Dinidinig sa Comm.on Housing & Urban Devt Dinidinig sa Comm. on Small Business & Entrepreneurship Devt (SBED) Adopted Inapruba sa Plenaryo bilang HR 44 noong Nob. 15, 2010 Dinidinig ng Comm. on Public Order Pending sa Comm.on Energy Pending sa Comm. on Ecology Dinidinig sa Comm. on Govt Enterprises & Privatization Dininig ng Comm. on National Cultural Communities Adopted 894 906 Pag-imbestiga sa pagtaas ng singil sa tubig ng MWSS Pag-imbestiga sa iligal na pagbibigay ng konsesyon sa mina sa Titan Mining & Energy Corp. Pahayag ng pakikipagkaisa ng Kamara sa mamamayan ng Egypt sa pagpatalsik kay Hosni Mubarak Pag-engganyo sa Gubyerno na iratipika ang UN Convention on Enforced Disappearances Pag-imbestiga sa pag-abuso ng AFP sa P179 bilyong pondo Pag-imbestiga sa pagpatay kay Rodel Estrellado, myembro ng Bayan Muna, ng elemento ng 42nd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division noong Pebrero 25, 2011 sa Albay Pagimbestiga sa paggamit ng mga opisyal at myembro ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa kanilang pagsasanay sa Pili, Camarines Sur Pag-imbestiga sa Sobrang Pagtaas ng Presyo ng Produktong Petrolyo sa Negros Occidental Pagsuporta sa Oposisyon ng Negros Occidental sa Lahat ng Aplikasyon para sa Pagmimina sa Loob ng 25 na Taon Pagsuporta sa Pamprobinsyang Ordinansa ng Lalawigan ng Capiz na Nagdeklara ng 50-taong Moratoryum sa Large-Scale Mining Pag-imbestiga sa Iligal at marahas na Demolisyon ng mga Bahay at Pamamaril sa Pangarap Village, Caloocan City na ginawa ng Carmel Devt Inc. ni Gregorio Araneta III Pagkondena sa Desisyon ng Sandiganbayan na Nag-apruba sa Kasunduang Plea Bargain sa Pagitan ng Ombudsman at Gen. Carlos Garcia Pag-imbestiga sa Implementasyon ng Wage Rationalization Act sa Lubhang Mababa na wage rates na Itinatakda ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards Pagkondena sa Patuloy na Pagpatay ng mga Kagawad ng Midya sa Ilalim ng Administrasyong Aquino Mahigpit na Pagtutol sa Pagbabalik ng Tropang Amerikano at Pasilidad ng Militar sa Clark, Subic at sa Lahat ng Lugar ng Pilipinas sa Ilalim ng VFA

PAHINA 9
Dinidinig sa Comm. on Govt Enterprises Dinidinig sa Comm. on National Cultural Communities Pending sa Comm. on Foreign Affairs Pending sa Committee on Human Rights Dinidinig sa Comm.on Appropriations, Natl Defense Pending sa Comm. on Human Rights Dinidinig sa Comm. on Human Rights Dinidinig sa Committee on Energy Pending sa Comm. on Natural Resources Pending sa Comm. on Natural Resources Dinidinig sa Committee on Human Rights Pending sa Committee on Justice Dinidinig sa Committee on Labor and Employment Pending sa Comm. on Public Information Pending sa Comm. on National Defense & Security tignan sa p.10

920 938 977

577

587 613

1044

660 692

1141

1170 1198

725 762

1199

784

1236

791

1237 Dinidinig sa Comm. on ICT Adopted Dinidinig sa Committee on Energy Dinidinig sa Comm. on Overseas Workers Affairs Dinidinig sa Comm. on Pubic Order

800 836 838

1238

1239 1242

858

863

PAHINA 10
1282 1297 1300 Pag-imbestiga sa anomalya sa P46 Millyon Balikatan Fund at Pagbibigay Proteksyon kay Nancy Gadian Mahigpit na Pagtutol sa Paglibing kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani Pag-imbestiga sa Di-Makatarungang Requirements na Itinakda ng University of Iloilo sa Kanilang mga Mag-aaral ng Nursing na Hindi Nakapagtapos Pag-imbestiga sa Paglala ng Monopolyo sa Industriya ng Telekomunikasyon dahil sa Iligal at Unconstitutional na PLDT-Digitel Share and Swap Deal Pag-imbestiga sa Panukalang Integrated Bus Terminal System ng MMDA Pag-imbestiga sa Mga Pagpasok ng Tsina sa Spratlys Islands sa West Philippine Sea Pag-imbestiga sa mga Sirkumstansya ng Pagbibitiw ni Jose de Jesus bilang Kalihim ng DOTC Pag-imbestiga sa mga Pagpatay at iba pang Hate Crimes Laban sa mga Lesbyana, Bakla, Bisekswal at Transgender Pag-imbestiga sa Non-Compliance ng mga Airline Companies sa Pagbayad ng Overtime sa mga Empleyado ng Bureau of Customs Pag-imbestiga sa pagsabi ni Zaldy Ampatuan na sangkot siya sa pandaraya sa eleksyon noong 2004 at 2007 Pag-imbestiga sa pagbili ng P1.15 billion na marine environmental equipment at lighthouse spare parts para sa Philippine Coast Guard ng Dept. of Transporation and Communications (DOTC) Pag-imbestiga sa naturang pagpasok sa Batasang Pambansa ng ilang myembro ng Philippine National Police noong 2005 upang pagpalitin ang ilang election returns at siguraduhin ang pagkapanalo ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo Pag-imbestifa sa Mayuga Report at sa ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines na may kinalaman sa pagkapanalo ni Gloria Arroyo sa dayaang elektoral noong 2004 Pagpuri sa pribadong sektor at panawagan para sa dagdag na pagsisikap ng gubyerno upang isalba ang Philippine Crocodile Pagpuri sa mga hakbang na ginagawa at panawagan para sa dagdag na inisyatiba para sa pagsalba sa nanganganib na Cebu Flowerpecker Dinidinig sa mga Comm. on Appro at Natl Defense Pending sa Comm. on Basic Education Adopted

Bayan Muna Newsletter | NOBYEMBRE 2011


1700 1701 Pag-imbestiga sa pagbenta sa Welfareville Property sa Mandaluyong City Pagpuri kina Mark Augusting Onglao at Jomel Lapides, mga topnotcher ng Medical at Nursing Board Exams at sa lahat ng mga pumasa na pumiling magsilbi sa loob ng bansa Pag-imbestiga sa hindi pagbayad ng PNP sa kanilang utang sa Maynilad Water at Meralco Paghikayat sa DOTC na isama sa badyet ang pagbayad sa mga dating empleyado ng Metro Transit Organization, Inc. ayon sa desisyon ng Korte Suprema Apela kay Pangulong Benigno Aquino III na huwag ituloy ang pagpataw ng value-added tax (VAT) sa toll fees Pagbigay suporta sa muling pagbuo ng House of Representatives Organization for the Unity and Strength of Employees (HOUSE) Pag-imbestiga sa desisyon ng National Renewable Energy Board at Department of Energy na lagyan ng 50-megawatt cap ang pag-unlad ng solar power resources para sa susunod ng tatlong taon Pag-imbestiga sa pagsasampa ng mga kaso ng gawa-gawang krimen laban sa mga kritiko ng gobyerno Pag-imbestiga sa pagpaslang kay Fr. Fausto Pops Tentorio sa Arakan Valley, North Cotabato noon Okt. 17, 2011 Pag-imbestiga sa mga problema sa Ninoy Aquino International Airport matapos tawaging worst in the world Pag-imbestiga sa pagkakampo ng mga sundalo sa mga paaralan, barangay center at mga sibilyang komunidad Pag-imbestiga sa mga pananakot at karahasan ng PAL laban sa mga myembro ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) Pag-imbestiga sa mapanlinlang na pagkuha ng compensation ng ilang tao Pagpuri sa pagsisikap ng pambansa at lokal na gobyerno para sa Puerto Princesa Underground River Pagbasura sa US-RP Visiting Forces Agreement (VFA) Pending sa Comm. on Rules Pending sa Committee on Civil Service and Professional Regulation Pending sa Comm. on Rules Referred to Stakeholders

1702 Kinonsolida Bilang HR 1161 1706

1320

1416 1420 1421 1432

Dinidinig sa Comm. on Transportation Dinidinig sa Comm. on Foreign Affairs Pending sa Comm. on Rules Dinidinig sa Comm. on Human Rights Pending sa Comm. on Rules Pending sa Comm. on Rules Pending sa Comm. on Rules

1760 1778

Pending sa Committee on Ways and Means Pending sa Comm. on CIvil Service Pending sa Comm. on Rules

1796

1467

1810 1835

Pending sa Comm. on Rules Pending sa Comm. on Rules Pending sa Comm. on Rules Pending First Reading Pending First Reading Pending on First Reading Pending First Reading Pending sa Committee on National Defense & Security

1475

1640

1836 1857

1642

Pending sa Comm. on Rules

1861

1862 1875 House Joint Reso 7

1654

Pending sa Comm. on Rules

1698

1699

Pending sa Comm. on Natural Resources Pending sa Comm. on Natural Resources

Mga Panukalang Resolusyon: 96


Bisitahin ang www.congress.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.

Bayan Muna Newsletter | NOBYEMBRE 2011

PAHINA 11
ng kalipunan ng mga dayuhang kumpanya (ang Joint Foreign Chambers) na umaasang pangunahing makikinabang sa mga proyektong ito. Nasaan ang pakinabang ng bayan sa PDP? Silang tinatawag na Boss ni P-Noy ay walang say sa programa. Mga dayuhan ang nagtakda; sila ang talagang boss ni P-Noy. Walang gulugod ang gobyernong P-Noy -tulad ng sinundang mga administrasyon para magpasyang kumalas mula sa dikta ng mga dayuhang interes na nagtutulak ng pangekonomiyang padron na globalisasyong neoliberal. Sakay pa rin dito, sa kabila ng nagdudumilat na ebidensyang ibinubunga ng globalisasyon: matumal na paglaki ng ekonomiya, kawalan ng trabaho, bumabagsak na kita, at lumulubhang kahirapan. Wala rin siyang imik sa mga isyung bumabagabag sa bayan: ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin at mga serbisyo, laluna ng mga produktong petrolyo, elektrisidad, tubig, at ibat ibang singilin; at sa patuloy na mga pagpaslang, pagdukot at iba pang paglabag sa mga karapatang pantao. Malinaw na desidido si Pangulong Aquino na ang tutuunan ng kanyang administrasyon ay ang kampanyang kontra wang-wang, sa paniniwalang pag nagtagumpay ito madali nang susunod ang paglulutas ng ibang mga problema sa gobyerno at sa lipunan. Dapat matauhan siya na hindi ganyan kadali o kasimple ang pagbabagong hinihingi ng kalagayan ng bansa. tignan sa p.12

(2) Nabawasan daw ang bilang ng walang trabaho mula noong isang taon. Ngunit di niya tinukoy na dumami naman ang bilang ng mga may-trabaho pero di-sapat ang kinikita: 11.6 milyon noong Abril 2011.
(3) Sa programang CCT na sinimulan ng gobyernong Arroyo at pinalalawak ni P-Noy, itinuring nang naiahon mula sa kahirapan ang tinatayang mahigit sa 100,000 pamilyang tumatanggap ng benepisyo kada buwan. Marami ang kumwestyon dito, pati ang mga

pangako ... mula p. 2

konsultasyon ukol sa nararapat na mga repormang sosyo-ekonomik. Hinahapag bilang kagyat na adyenda sa itinakdang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyernong P-Noy at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong Hunyo 2011. (Dahil sa pagkukulang ng gobyerno, nabimbin ang peace talks.) Sa ilalim ng programang ito, pauunlarin ang agrikultura para magpalitaw sa mga kabayanan ng mga industriyang nakasalig sa agrikultura, magbubukas ng mga permanenteng trabaho at maglalabas ng mga produktong kailangan at mabibili ng mamamayan na ngayon ay inaangkat mula sa ibat ibang bansa. Kaalinsabay, itatayo ang mga batayang industriya, tulad ng asero na gagamit ng mga mineral mula sa pagmimina (na ngayon ay iniluluwas sa ibang mga bansa). Magluluwal ito ng karugtong na mga industriyang gagawa ng mga makinarkyat iba-ibang kagamitang pantahanan at pangnegosyo. Lilikha ang pinaunlad na agrikultura at ang mga industriya nang angkop na mga trabaho para sa ating lakas paggawa, propesyonal at hindi man. Lilikha ng mga pagkakataon para sa ating mga siyentista, eksperto sa teknolohiya, na ngayon ay nangingibang-bayan, para gamitin at paunlarin ang mapanlikha nilang kakayanan at pakikinabangan ng sambayanang Pilipino sa halip na ibang mga bansa. Bakit tahimik si Pangulong Aquino ukol sa usaping ito? Bakit ibinitin ang usapang pangkapayapaan sa napakahalagang yugtong ito? Ang totoo, may program ang gobyernong P-Noy -- ang Philippine Development Plan (PDP): 2011-2016. Bakit di niya ito tinalakay, o tinukoy man lang sa kanyang SONA, na siyang inasahan ng bayan? Dahil ba sa walang pagkakaiba ito sa mga plano ng rehimeng Arroyo na pumalpak na maiangat ang kabuhayan ng nakararaming Pilipino, sa kabila ng pagyayabang ni Gloria na sumulong ang ekonomiya sa ilalim ng siyam na taong panunungkulan niya? Malayo ang PDP sa balangkas ng industryalisasyon. Kalakhan ng nilalaman ng PDP ay mga proyektong tulad ng agribusiness, BPO (call centers), imprastruktura, pagmimina, electronics at turismo. Pagpaparami lang ng mga naririyan na. Ito ang inirekomenda

benepisyaryo ng CCT. Ang giit nila, hindi limos, kundi trabaho at hanapbuhay, ang lunas sa kahirapan.
Bilang pagsusuma, sinabi ni Pangulong Aquino:

Tinutuldukan na ang wang-wang: sa kalsada, sa gobyerno, sa kalakhang lipunan. Ito po ay manganganak ng kumpiyansa na magdadala ng negosyo; ito rin ang sisiguro na ang pondo ng taumbayan ay mapupunta sa dapat nitong kalalagyan: imprastruktura na titiyak sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya at pagmumulan ng trabaho, sa serbisyong panlipunan na sisigurong walang mapag-iiwanan. Bubukas ang marami pang pintuang pangkabuhayan sa pamamagitan ng turismo; sisiguruhing hindi magugutom ang Pilipino sa pagpapalakas ng agrikultura. Ang mga dating kinaligtaan, bibigyang puhunan ng kinabukasan.

Anong imahen sa isipan ang makikita sa mga pananalitang ito? Di ba ito? Idinuduyan ni Pangulong Aquino ang sambayanan, na parang batang pinatutulog. Pinaghehele na wala nang buwisit na wang-wang. Pinapag-pangarap ng mga magagarang pangako ng kaunlaran at kasaganaan sa walang-taning na hinaharap. Ngunit anong tuntungan ng ipinapangakong pag-unlad? Walang hinaharap ang Pangulo na bagong programang pangkabuhayan at panlipunan, na dapat pupukaw sa masigasig na suporta ng bayan dahil may malinaw na kagyat at pangmatagalang pinupuntiryang pag-unlad sa kanilang buhay. Halimbawa, ang panukalang programa ng pambansang industryalisasyong mahigpit na nakaugnay sa tunay na repormang agraryo. Itoy matagal nang kahilingan ng bayan. Inindorso sa mga pampublikong

TINIMBANG KA NGUNIT KULANG. Tuloy ang serbisyong medikal ng Bayan Muna sa maralitang Pilipino lalot kakarampot pa rin ang pondong inilaan ng gobyerno para sa kalusugan.

PAHINA 12

Bayan Muna Newsletter | NOBYEMBRE 2011


niyang usapang pangkapayapaan, batay sa pagtugon sa mga sanhi ng matagal nang armadong paghihimagsik ng mamamayan, at itigil ang malawakang mga paglabag sa karapatang pantao. Bigo rin si Cory sa pagpapatupad ng kanyang sentrong programa: ang repormang agraryo. At, oo, sa pagsugpo ng katiwalian. Ngayon nasa balikat ng ikalawang Pangulong Aquino ang di-nalutas na mga problema sa panahon ni Cory, na lumala sa panahon ni Gloria Arroyo. Tamang pursigihin niya ang kampanyang kontra wang-wang. Higit dito, dapat masinsinang harapin ni Pangulong Aquino ang iba pang mga problema ng bayan - kung ayaw niyang mabulid ang kanyang gobyerno sa kumunoy ng pagkabigo. BM

Tinutularan ni Noynoy ang kanyang ina, si dating Pangulong Cory Aquino. Kaya lang, mukhang hindi niya sinusuri ang mga kabiguan at pagkukulang ng unang gobyernong Aquino, para sana mapunuan at maituwid ang mga ito. Ang tinuunan ni Cory -- at dito siya itinatanghal ng balana - ay ang pagpapabalik ng demokrasya sa bayan mula sa diktadurang US-Marcos. Gayunman, maraming kwestyonableng batas ng diktadura ang pinanatili, na dapat tanggalin. Bukod doon, nagkulang at bigo si Cory sa pagharap sa maraming importanteng bahagi ng mabuting pamamahala. Halimbawa, ang pagpursiging matamo ang kapayapaan sa bisa ng sinimulan

pangako ... mula p.11

Aquino hinimok na isapubliko ang Mayuga Report


Hiniling ni Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares na huwag ituloy ang pagdinig sa 2012 badyet ng Department of National Defense (DND) hanggang hindi isinasapubliko ng huli ang Mayuga report. Matatandaan na noong 2006 ay gumawa ng sariling imbestigasyon ang DND ukol sa mga heneral na binanggit ni dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Virgilio Garcillano na sangkot sa dayaan sa halalang 2004. Sa nakaraang pagdinig sa DND badyet ng House Committee on Appropriations, ikinagulat ni Colmenares na ang naturang report na itinago sa publiko noong panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo ay nananatiling lihim pa rin sa ilalim ng pamahalaang Aquino. Dagdag niya, Nakakagulat ang sinabi ni DND Sec. Voltaire Gazmin na ang Mayuga report ay isang lihim na dokumento dahil hindi threat to national security ang imbestigasyon sa isyu ng pandaraya sa halalan. Sa bahagi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casio, idiniin niya na pinakikita ng katulad na sitwasyon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng batas sa Freedom of Information (FOI). Isa ang FOI bill sa mga prayoridad na batas na sinusulong ng Bayan Muna sa Kamara. Isang linggo matapos ang pagigiit ng Bayan Muna na isapubliko ito, pinadala ng DND ang naturang ulat sa tanggapan ni Rep. Colmenares. Ayon kay Rep. Casio, hindi nakita sa report ang mga nadiskubre sa testimonya ng mga opisyal ng militar. Malabnaw ang report na ito, giit ni Rep. Colmenares. Ayon sa kanya, ang report ay isang cover-up ng pandaraya sa eleksyon noong 2004. BM

Mga ospital nagiging sanglaan

Casio nanawagang ibalik ang pondo para sa mga pampublikong ospital


Sa pangambang maging malapawnshop o sanglaan ang mga pampublikong ospital sa bansa, nanawagan si Rep. Teddy Casio na ibalik ang orihinal na panukalang badyet para sa mga ospital sa ilalim ng Department of Health (DOH). Sa katunayan, 42% ng specialty hospitals tulad ng East Avenue Medical Center at Philippine Orthopedic Center at 33% ng lokal na ospital sa buong bansa ang hindi nakatanggap ng dagdag na pondo para sa Maintenance and Other Operating Expenses. Isiniwalat ni Casio noong hearing ng badyet ng DOH ang ginagawa ng Philippine Childrens Medical Center (PCMC) na paghingi ng mga personal na gamit, tulad ng cell phone at mga relo, kapalit ng paglabas sa ospital ng mga pasyenteng kulang o walang pambayad. Ipinakita pa ng makabayang mambabatas kay DOH Secretary Enrique Ona and dalawang PCMC memo na nagtatakda ng polisiya ng pagkuha ng kolateral at nag-aanunsyo ng pag-subasta sa mga kagamitang nakuha sa mga pasyente. Ang MCM No. 45 ay ginamit na basehan ang Republic Act 9439 o ang pagbabawal sa mga ospital na pigiling makalabas ang mga pasyenteng walang pambayad. Samantalang ang MCM No. 46 naman ang nagtatakda ng panuntunan sa pag-subasta sa mga gamit. Ayon kay Casio, Ang gawaing ito ng mga pampublikong ospital na magastang pawnshop at subastahan ay talagang dapat tuligsain at inaasahan naming iutos ni Sec. Ona ang agarang pagbasura sa ganitong gawain. Dapat alam nya kung ano man ang ipinapatupad sa mga ospital ng gobyerno, lalo na ang kanilang mga desperadong hakbangin para lang kumita. Isang paraan upang itigil ito ay ang pagbabalik ng pondong nauna nang hiniling ng ating mga ospital. Ibig sabihin nito ay ang pag-dagdag ng P20 bilyon o mas mataas pa sa badyet ng DOH. BM

WALANG KAMATAYANG OIL PRICE HIKE

You might also like