You are on page 1of 2

MARK GLENN BALMONTE MAY 28, 2021

BSIT 1A FILN2

Gawain 5: Gamit ang isang maikling tula, ilantad ang isyung panlipunang inilalarawan nito. Tiyaking
magamit ang mga susing salita at bigyan ito ng kaukulang mga patotoo.

SAGOT:

- Ang inilalarawan ng maikling tula na ito ay patungkol sa isang magandang babae. Bilang isang
tao hindi mo basta nalang makukuha ang mga bagay na gusto mo ng hindi mo pinaghihirapan
at hindi lahat ng bagay ay madadaan o mabibili mo ng pera. Bilang isang lalaki nararapat
lamang na irespeto natin ang pagkatao ng bawat babae. At ang masusing salit na “Sabi ko,
Maganda ka” ay ang ibig sabihinay hindi mo makukuha ang loob ng isang babae sa
pamamagitan ng panliligaw sa babae, hindi sa kung sa makukuha mo sa simpleng salita lang,
dapat ay ipakita at iparamdam mon a sigurado ka sa kanya. Ang pag sambit ng salitang “Gusto
kita” dapat ay totoo at galling sa puso hindi yung sinasabi mo ito ng hindi naman sigurado.

Sabi ko, “Maganda ka.”

Sagot mo, ät di mura.”

Sabi ko, “gusto kita.”

Sagot mo, “bayad muna.”

- Virgilio S. Almario

Gawain 6: Suriin ang Tulang “Panatang makabayad (panunumpa sa tungkulin ng mga pulitikong
kawatan” Ni Prof. Rogelio L. Ordoñez gamit ang balangkas ng pagsusuri sa ibaba.

I. Pamagat

- “Panatang makabayad pinanunumpa sa tungkulin ng mga pulitikong kawayan” Inilalarawan


nito ang ibang nakaupo sa pulitiko. Mga pulitikong magnanakaw, ninanakaw ang kaban ng bayan. Ang
pulitikong nandadaya upang mas lumago ang kanilang buhay wala silang pakialam sa mga taong
kapos palad na naghihirap para lang kumita.
II. Kabisahan

a. Bisa sa isip

- Bilang isang mamamayan sa pagpili ng isang mamumuno o sa pulitiko dapat taglayin ang isang
matalinong pag-iisip upang makapili ng nararapat at karapat dapat sa posisyong nakaatang sa kanya.
Yung mas uunahin ang nasasakupan kesa sa sariling interest o kagustuhan upang mapaunlad ang
nasasakupan nito.

b. Bisa sa puso

- Bilang isang mamamayan sa pulitiko dapat lamang na piliin natin ang may pagmamahal sa
kanyang nasasakupan hindi yung napipilitan lang, mas piliin natin yung kung saan tayo mas
mapapabuti hindi yung magdadala satin ng kapahamakan.

c. Bisa sa sarili

- Bilang isang miyembro ng isang lipunan o bansa, nararapat na tayo’y marunong mag salita at
humarap sa likod man o sa harap ng camera. Nararapat din na alam natin ang ginagawa upang
mapaunlad ang lipunan

d. Bisa sa Lipunan

- Layunin nitong nabibigyan kahulugan ang mga istrakturang panlipunan at naipapaliwanag ang
kahulugan ng kultura.

III. Mga Puna

- Sa mundo ng mga pulitikong mandurugas o sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan ay sira


ang kanilang mga pangalan sa bawat mamamayan na naniniwala sa kanilang serbisyo.
Inilalarawan ng may akda ang kaugalian ng ibang nasa pulitika ang kanilang Gawain na
mapaunlad ang kanilang buhay o sarili kesa sa taong bayan. Kaya’t tayo ay maging mulat sa
katotohanan at mag ingat sa mga taonga ting pinipili o pipiliin na mamumuno sa ating bansa.

Gawain 7: Anong isyung panlipunan ang inilalarawan kaugnay sa kahirapan? Gaano ito katotoo sa
kasalukuyang konteksto? Magbigay ng ibedensya.

SAGOT:

- Inilalahad ng may akda ang kahirapan nang ating bansa dahil sa mga namumuno sa
Gobyerno. Tulad na lamang sa nangyayari sa atin ngayon. Maraming mamamayan na
nangangailangan ng tulong galling sa Gobyerno, dahil sa mga taong bawalan o tanggalan ng
trabaho dulot ng pandemya na ating kinakaharap ngayon. Subalit kung kelan natin kailangan
ng tulong ng Gobyerno saka naman sila hindi kumukilos agad ang mga nakaupo o mga tauhan
sa Gobyerno. Hindi man lang nila lubos na maisip na sa kabila ng lahat ang kanilang sariling
mga interest ay galing din sa mahihirap na mamamayan.

You might also like