You are on page 1of 12

ISANG PASULAT NA ULAT

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
FILSOS 1115

TEORYANG ROMANTISISMO
(Magnifico at Life of Pi)

nina:
AMADOR, JOSEPH ANDREW P.
HALILI, JUNIE KEITH L.
ONG, MA THERESA YSABEL M.
DVM_2-2

JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO

UNANG PAMANAHON
Unang Semestre 2019-2020
I. Kahulugan ng Teorya

Itinuturing na isa sa mga teoryang pampanitikan ang teoryang Romantisismo. Sa


huling bahagi ng 1800 at pagpasok ng 1900 ito sumibol sa Europa, partikular sa
Inglatera, na pinangunahan nina Wordsworth, Shelley, Keats at Bryon. Nanggaling
ang salitang “romantiko” mula sa terminong “maromantiko” na ang ibig sabihin ay
nahahawig sa mala-pantasyang katangian ng romansang midibal.

Tumatalakay ang teoryang ito sa mga bagay na hindi kayang maipaliwanag


bilang reaksyon laban sa Enlightenment. Nilalayon ng mga romantiko na mabigyan
ng mas malalim na kahulugan ang mga pangyayari sa buhay. Naniniwala silang hindi
sapat ang lohiko sa pagsagot ng mga katanungan sa mundo.

Ilan sa mga katangian ng romantisimo ay ang mga sumusunod: a) malalim na


pagpapahalaga sa kagandahan ng kalikasan, b) higit na pagpapairal ng
sentimentalismo at idealismo kaysa sa ideayang lohikal, c) pag-sentro sa mga
damdamin at likas-kalayaan ng mga tao, at d) pagtatakwil sa tradisyunal.

Ang teoryang romantisismo na nakabatay sa kasaysayan at paghanga sa


kagandahan ay nagpapakita ng napakaraming pagbabago na naganap sa
panitikan.Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga
awit at korido na ang pinaka paksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at prinsipe.
Tumatalakay rin ito sa mga katutubong buhay sa malalayong nayon. Lagi itong
nagbibigay aral at itinatanim sa isipan na ang mga nagkakasala at masama ay
parurusahan.

Romantiko ang itinawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa


panahon ng Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula, maikling kwento na
naisulat sa panahong iyon ay may pagkaromantiko ang paksa,tema at istilo.
Naniniwala ang mga romantisista sa lipunan na makatao, demokratiko at patuloy sa
pag-unlad.

Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng mga romantisista para mabatid ang


nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan. Pinaniniwalaan din nilang
inspirasyon at imahinasyon ang tanging bumubuo sa pagiging totoo at maganda ng
isang akda. Sa pamamagitan nito, nabubuhay nang akda sapagkat nabibigyan ng
bagong sigla ang mga mambabasa sa akdang pinagtutuunan nila ng pansin.
Ibinabandila ng Romantisismo ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang
rebolusyon kaysa konserbatismo, ang inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon
kaysa katwiran at likas kaysa pagpipigil. Dahil dito, itinuturing ang Romantisismo
bilang isang pagtatakwil sa pagpapahalagang Klasismo tulad ng kaayusan,
kapayapaan, pag-uugnay, ideya at rasyunal.

Ang literaturang ito ay nagbibigay-diin sa pleksibilidad ng nilalaman,


nanghihikayat sa pagbubuo ng kumplikado at mabilis na pangyayari sa mga
kwento at pinapayagan ang pagsasanib ng iba’t ibang uri at paksa (halimbawa:
trahedya at komedya, kapangitan at inspirasyunal) at malayang estilo.

Ang terminong romantiko (“maromantiko”) ay unang lumitaw noong ika-18


siglo na ang ibig sabihin ay nahahawig sa malapantasyang katangian ng midyebal
na romansa.

Ang katangian ng Romantisismo ay ang mga sumusunod

a) malalim na pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan;

b) pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan;

c) pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang katauhan;

d) pagkahirati sa internal na tunggalian;

e) at ng mahiwaga at kababalaghan.

Romantiko ang itinawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan


sa panahon ng Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula, maikling kwento na
naisulat sa panahong iyon ay may pagkaromantiko ang paksa, tema at istilo.

I. Kasaysayan

A. Mundo

Tumagal mula taong 1750 hanggang 1870 ang Romantisismong kilusan sa


literatura sa halos lahat ng bansa lalo na sa Europa; Estados Unidos at Latin
Amerika. Makikita sa panitikan ng panahon ng pagkahilig nito sa imahinasyon at
adyektib na pamamaraan, kalayaan sa pagpapahayag at kalikasan.
Ayon sa kasaysayan ng romantisismo sa Espanya, ang “romantisismo” ay
palaging kapantay sa kahulugan ng rebolusyon, pagbabagong-anyo o pagtatatag ng
bagong kultura na may pagpupumiglas, kapusukan at pagkamakasarili.

Sa gayon, ang “romantisismo” ay pagpupunyagi, sa kabila ng lumalaking balakid


batay sa katotohanan na matamo, mapanatili o mabigyang pagmamatuwid ang
mailusyong pananaw sa sandaigdigan at buhay ng tao na bunga ng
maimahinasyong paglalangkap ng karaniwan at di-karaniwan, ng alam at di-alam, ng
totoo at ideyal, ng mga may takda at walang katakdaan, ng material at ispiritwal at ng
natural at supernatural.”

Ang inspirasyon para sa romantikong pamamaraan ay nagmula sa Pranses na


pilosopong si Jean Rousseau at sa manunulat na Aleman na si Johan Wolfgang Van
Goethe.

Jean Jacques Rousseau Johann Wolfgang von Goethe

1712 - 1778 1749 - 1832

Ilan sa mga lathalain na nailimbag ni Jean Jacques Rousseau ay ang The Social
Contract (1762), Emile, or On Education (1762), Confessions (1782) at Julie, or the
New Heloise (1761). Siya ang tinaguriang Father of Romanicism.
Ang Wilhelm Meister’s Apprenticeship (1795), Roman Elegies (1795), Hermann
and Dorothea (1782), at ang The Sorrows of Young Werther (1774) ang ilan sa mga
lathalain ni Johann Wolfgang von Goethe.

B. Pilipinas

Litaw na litaw na ang panahon ng Kastila ay kakambal ng pagpasok ng


romantisismo sa Pilipinas. Nag-ugat ang romantisismo sa kamalayang Pilipino
noong 1800 – nang mamalasak ang panitikang halaw sa itinapon ng kulturang
Europeo na metrical romances o ang mga akdang nagkakaroon ng masayang
katapusan. Ang impluwensiyang ito ay lalo pang pinalaganap ng “panitikang hindi
nakasulat” na bukambibig ng mga prayleng Kastila

Ang tinaguriang “romantisismo estilong Pilipino” ay sa mga katangiang malayo


sa katotohanan (ilusyon at/o imahinasyon), eskapismong matatawag , o kung
katotohanan man ay eksaherado naman (pag-ibig, sentimentalidad, atb.)
Pagpapatunay lamang din na ang “romantisismong” ito ay hindi ang romantisismong
Europeo na reaksiyon sa neo-classicismo kundi ang kataliwas nito.

Patricio Geronimo Mariano

1877 - 1935

Ang Juan Masili o Ang Pinuno ng Tulisan (1906) ay isa sa mga akda ni Patricio
Geronimo Mariano.
II. Mga Halimbawang Literatura

A. Sa anyong Lathalain

1. Lokal - Juan Masili (1906)

Ang akdang “Juan Masili o Ang Pinuno ng Tulisan” ay isinulat ni Patricio


Geronimo taong 1906.

Sinopsis:

Inilalahad ng Juan Masili o Ang Pinuno ng Tulisan ang buhay ni Juan na


pinagmalupitan sa murang edad, naging tulisan, at naghiganti. Ginawa niya
ang lahat upang pag-isahin ang dalawang nag-iibigang sina Benita at Enrique
bilang kabayaran sa kabutihang ibinigay ng pamilya ni Enrique sa kanya noong
naulila siya at pinahirapan ang kanyang pamilya.7

2. Lokal - Mga Kaluluwa sa Kumunoy (1970)

Ang nobelang “Mga Kaluluwa sa Kumunoy” ay isinulat ni Efren R. Abueg taong


1970.

Sinopsis:

Panahon bago ibaba ang batas militar. Laganap ang unyonismo sa mga pabrika
at kompanya ng negosyo. Nagtatangka rin ang mga propesor sa pamantasan na
magtayo ng mga unyon. Umiinit ang tunggalian ng mga mapagmahal sa kalayaan at
demokrasya at ng ilang sektor ng pamahalaan, kasabwat ang mga tiwali't sakim na
mga indibidwal. Ito ang naratibo ng buhay ng mga kabataang aktibistang nakibaka
para sa unyonismo, sangkot ang kanilang personal na buhay at mga adhikain.

B. Pelikula

1. Lokal - Magnifico (2003)

Ang Magnifico ay isang 2003 na pelikulang nagmula sa Pilipinas. Hinggil ito sa


isang siyam na taong gulang na batang nagngangalang Magnifico, ang
pinagbatayan ng pamagat ng pelikula. Si Maryo J. De los Reyes ang direktor ng
pelikulang kinabibidahan nina Albert Martinez, Lorna Tolentino at Jiro Manio (bilang
Magnifico). Nilalarawan ang pelikula bilang isang malungkot na pelikulang dula at
pangmag-anak. Nagwagi ang pelikula ng Gantimpalang Jury (ng Kinderfilmfest)
mula sa Pandaigdigang Kapistahang Pampelikula sa Berlin (Berlin International Film
Festival). Pinarangalan din ang panoorin bilang pinakamahusay na pelikula ng Star,
FAMAS, FAP, at URIAN noong 2004. Itinanghal rin ito sa lungsod ng New York
noong Hunyo 2005.

Sinopsis

Teoryang Romantisismo ang isa sa mga teoryang sumailalim sa pelikulang ito


sapagkat nagpakita ang karakter na si Magnifico ng lubos na kabutihan, na siya rin
namang nagbigay inspirasyon sa lahat ng mga nakapanood. Sapagkat nang
maospital at magkasakit ang kanyang lola (Gloria Romero), namulat ang musmos na
kaisipan ni Magnifico (Jiro Manio) sa maraming komplikasyon ng buhay at
kamatayan. Minsan ay narinig niyang nagtatalo ang kanyang nanay (Lorna Tolentino)
at tatay (Albert Martinez) tungkol sa hirap ng buhay at gastos ng pagpapalibing kung
sakaling mamatay ang kanyang lola. Nakadagdag pa sa kanilang suliranin ang
pagkakaalis ng scholarship ng kanyang kuya (Danilo Barrios) at ang kapansanan ng
nakababatang kapatid na si Helen (Isabella de Leon) na hindi makalakad at di
makapagsalita. Dahil dito'y nagsimulang mag-isip si Magnifico kung paano siyang
makakatulong sa mga problema ng kanyang mga magulang. Lingid sa kaalaman ng
lahat, unti-unting binuo ni Magnifico ang kabaong na para sa kanyang lola sa tulong
ng kanyang kalaro (Joseph Robles). Nag-isip din sila ng paraan upang makalikom ng
sapat na pera at puspusang inasikaso ni Magnifico ang bawat detalye sa magiging
libing ng kanyang mahal na lola. Kasabay nito'y pawang pasan niya ang napakarami
pang problema sa daigdig at sa kanyang munting paraan ay ninais niyang
masolusyunan ang mga ito sa pagnanais niyang makatulong sa kabila ng kanyang
kamusmusan.

Mga Rebyu:

Director Maryo J. De los Reyes and writer Mitchiko Yamamoto shamelessly press
viewers' emotional buttons. But the film is so well-made and the performances so
accomplished that it doesn't matter.

Mark Holcomb, Village Voice

A modest but engaging Filipino tear-jerker.

A. Musetto, New York Post


2. Internasyunal - Life of Pi (2012)

Ang pelikulang "Life of Pi" na ipinalabas noong 2012 ay isang American survival
drama film na idinirekta ni Ang Lee. Ang konsepto nito ay kinuha mula sa isang
libro na isinulat naman ni David Magee, isang batikan na manunulat.

Pinangunahan ito ng mga pangunahing aktor na sina Suraj Sharma, Irrfan


Khan, Rafe Spall, Tabu, Adil Hussaun at Gerard Depardieu. Nakaani ng maraming
parangal mula sa iba't ibang lugar ang pelikula dahil na rin sa mgapositibong
reaksyon ng mga manonood.

Sinopsis

Matapos mapagdesisyunan nina Pi Patel at ng kaniyang pamilya na ibenta na


lamang ang kanilang pagmamay-aring zoo sa Canada, ang kaniyang pamilya ay
sumakay sa isang Japanese Freighter na barko kasama na rin ang ilan sa kanilang
mga hayop. Isang trahedya ang dumating nang sila ay salubungin ng isang
napakalakas na bagyo na siya rin namang naging dahilan ng pagkalubog ng
kanilang sinasakyang barko. Tanging si Pi lamang ang nakaligtas gamit ang isang
life boat mula sa lahat ng mga taong nakasakay. Ngunit, isang insidente ang
kanyang hindi inaasahan nang malaman niyang hindi lamang pala siya nag-iisa
sapagkat naroon din pala ang isang Bengal Tiger na si Richard Parker. Habang
lumilipas ang bawat araw, araw sa linggo at linggo sa buwan, ay kailangan niyang
alamin kung paano siya makikisama at kung paano nito mapagkakatiwalaan ang
kasamang hayop. Ganoon na rin sa tigre, habang sila ay kasalukuyang lumalaban sa
pagod, hirap, at gutom sa isang life boat.

Teoryang Romantisismo ang isa sa mga teoryang maikokonekta rito sapagkat


katotohanan, kabutihan at kagandahan ang ipinakita ng pelikula. Pinagkatiwalaan ni
Pi ang tigre kung kaya naman hindi niya rin ito pinabayaan. Ginawa niya ang lahat ng
kanyang makakaya nang sa ganoon ay sila'y mabuhay ng ligtas. Ang katotohanan,
sapagkat sa bandang huli ay kanyang itinanong ang manunulat kung ano'ng bersyon
ng istorya ang kanyang pinaniniwalaan. Ito ay dahil nang siya'y matagpuan sa
baybayin at mailigtas ng mga opisyal, siya'y itinanong tungkol sa mga nangyari.
Kanyang ikwinento ang naunang bersyon kung saan ang kanyang mga kasama ay
ang mga hayop, at hindi rin siya pinaniwalaan. Inulit siyang tanungin at kanya rin
itong iniba, ang pangalawang bersyon na kung saan kanyang sinabi na ang kanyang
ina ay ang orangutan, cook bilang hyena, at sailor bilang zebra. Para sa kaniya ay
walang pinagkaiba ito sapagkat sa bandang huli ay wala na rin naman ang kanyang
pamilya. Kaya't bilang konklusyon, alin man sa dalawa ang iyong paniwalaan, para
sa iyo ay ito ang magiging katotohanan.

Mga rebyu:

"Life of Pi" is a beautiful, emotionally resonant tale of faith, friendship, and


perseverance.

Betsy Bozdech

To produce a coherent film from Martel’s tricky novel would be achievement enough,
but Ang Lee has extracted something beautiful, wise and, at times, miraculous.

Olly Richards

III. Pagsusuri sa Teorya

A. Kalakasan ng Teorya

Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa


kalayaan at sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao,
paghahangad ng espiritwalidad at hindi sa mga materyal na bagay,
pagpapahalaga sa dignidad, at hindi sa mga karangyaan at panandalian na
kasiyahan.

B. Kahinaan ng Teorya

Ang Romantisismo ay mayroong dalawang uri at ang isa rito ay ang


Romantisismong Rebolusyonaryo na kung saan ipinapamalas ng isang karakter
ang pagiging makasarili. Sa madaling salita, hindi nito iniisip ang kalagayan ng
iba hangga't hindi nito nakukuha ang kanyang gusto, kanyang iniisip ang
sariling kapakinabangan lamang kahit na siya ay wala na sa tamang landas.
Sa Pelikulang “Magnifico”

A. Kalakasan

Sa musmos at murang edad ng pangunahing karatakter, namulat na siya sa


kahirapan, mga katotohanan at mga pagsubok ng totoong buhay. Nakita niya
ang mga iba’t ibang problemang kakaharapin nila at ng kanyang pamilya dahil
sa pagkakasakit ng kanyang lola; nariyan pa ang gampanin niyang tulungan ang
nakababatang kapatid dahil sa kapansanan nito. Ngunit sa kabila ng mga hirap
ng mga pagsubok na ito at maging ang kanyang murang kaisipan ay hindi niya
alintana ang mga ito sapagkat gusto niyang makatulong sa kanyang pamilya sa
mga pangangailangan. Tunay nga na walang papantay sa kabusilakan ng
pusong tumutulong at nagmamagandang loob sa anumang bagay
mapamatanda man o bata, babae man o lalaki at kahit iba pang uri ng tao. Sa
mga mabibigat na problema na kanyang pinapasan ay nagawan pa rin niya
ito ng solusyon kahit sa maliit na paraan lamang at sa abot ng kanyang
makakaya.

B. Kahinaan

Sa bawat taong nakasalamuha ng pangunahing karakater ay mayroong


kaakibat itong problema o di kaya’y mga negatibong pananaw sa kanilang sarili o
di’ kaya’y sa kanilang kapaligiran. Sa mata ng bida, ito ay simpleng suliranin
lamang na kayang puksain ng bawat kabutihan ng isang tao sa puso. Sa bawat
negatibong pananaw ng mga ibang karakter at kasamaan sa puso, nakaaakit sila
ng mga negatibong pangyayari sa kanilang buhay na siyang nagiging dahilan ng
kani-kanilang pagsubok. Sa madaling salita, sila mismo ang gumagawa ng
kanilang sariling porblema at kapahamakan na naguugat-ugat sa iba pang
masasamang pangayayari sa kanilang sarili.

Sa Pelikulang "Life of Pi"

A. Kalakasan ng Pelikula (Life of Pi)

Labis na pinahalagahan ng pangunahing karakter ang kanyang kasama na si


Richard Parker habang sila ay nasa dagat. Bagamat isang mapanganib na
hayop si Richard Parker ay hindi nagdalawang-isip ang bida na ito'y tulungan.
Ang hayop ang nagsilbing kasa-kasama nito, at nagsilbing dahilan upang ang
bida ay mabuhay. Ipagpatuloy ang mabuhay kahit na sa tingin niya ay wala na
rin naman itong silbi dahil sa pagkakamatay ng kanyang pamilya. Patuloy pa rin
nitong inalagaan ang hayop, pinagbigyan sa mga nais nitong mangyari dahil
para sa kanya, ang bida ay napamahal na rito.

B. Kahinaan ng Pelikula (Life of Pi)

Malakas ang paniniwala ng pangunahing bida na maaari niyang ituring na


kaibigan ang tigre na si Richard Parker. Kaya naman nang kanya itong bisitahin
sa kanyang kulungan upang bigyan ng isang pirasong karne gamit ang kanyang
mga kamay, siya ay agad-agad na pinuntahan ng kanyang ama, pinagalitan at
pinagsabihan ito ng kanyang ama at sinabi na hindi siya ituturing na kaibigan ng
tigre sapagkat ito ay hayop, wala itong kaluluwa at ipinanganak sa mundong ito
upang maging hayop lamang.

IV. Kongklusyon

Maituturing na kalayaan ang ibinigay ng teoryang romantisismo sa bawat


manunulat, sa labas ng kahong kinalalagyan ng bawat isa. Binabasag ng
teoryang ito ang mga naka-ugalian at tradisyon upang makabuo ng mga bagong
bagay dahil ninanais nito ang pagbabago. Nabubuhay ito sa kuryosidad at sa
mga sagot na hindi kayang ipaliwanag ng simpleng lohika lamang, kundi ng
damdamin. Pinatutunayan ng teoryang ito na ang bawat isa ay may kakayahang
mag-isip ng malaya—na ang tanging hangganan lamang ng katotohanan ay ang
kanilang imahinasyon.

Sa Magnifico at Life of Pi makikita ang pagpupursigi ng bawat karakter


upang makatawid sa mga pagsubok na kanilang hinaharap. Hindi lamang mga
panglabas na salik ang kumakalaban sa kanila, pati na rin ang kanilang mga
sarili. Nagniningas ng apoy sa kanilang mga puso ang kanilang maitinding
kagustuhan na makamit ang anumang ninanais nila. At kahit na tila mahirap
maabot o imposible, sa huli, ang lahat ng ito ay nagbunga rin. Isang bagay na
hindi maipapaliwanag ng lohika lamang.

You might also like