You are on page 1of 7

PAG-UULAT UKOL SA

‘ROMANTISISMO’

INULAT NILA:

JOHN PAOLO F. CACHUELA


FRANKLIN CAGA-ANAN
ANO NGABA ANG ROMANTISISMO?

 Ang Romantisismo ay nag papahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.


Tinatawag din ang teoryang ito na pagtakas mula sa realidad o katotohanan.
Makikita sa mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang
di-tuwiran, maaaring hindi kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit
kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at
kaisipan.
 Ang terminong romantiko (maromantiko) ay unang lumitaw noong ika-18 siglo
na ang ibig sabihin ay nahahawig sa malapantasyang katangian ng medibal na
romansa.
 Romantiko ang itinawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang
pampanitikan sa panahon ng Romantisismo dahil ang mga
sanaysay, tula, maikling kwento na naisulat sa panahong iyon ay
may pagkaromantiko ang paksa, tema at istilo.
Ang inspirasyon para sa romantikong pamamaraan ay nagmula sa
Pranses na pilosopong si Jean Rousseau at sa manunulat na
Aleman na si Johan Wolfgang Van Goethe. ng medibal na
romansa.
LAYUNIN NG ROMANTISISMO

 Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t-ibang paraan


ng mga tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-
ibig sa kapwa, bansa at sa mundong kinalakihan. Ipinapakita rin
sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam ang kanyang pag-ibig sa tao o sa bayang
napupusuan.
DALAWANG URI NG ROMANTISISMO

 1. Tradisyunal- ay humihilig sa makasaysayan at pagpapanatili


o pagbabalik sa mga katutubo at tradisyunal na pagpapahalaga
tulad ng nasyonalismo, pagkamaginoo at pagka-Kristyano.

2. Rebolusyunasyo- ay bumabaling sa pagtatatag ng bagong


kultura na may pagpupumiglas, kapusukan at pagkamakasarili.
MGA KATANIGAN NG ROMANTISISMO
 1. Malalim na pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan.

2. Pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan.

3. Pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang katauhan, ng pagkahirati sa internal na tunggalian, at


ng mahiwaga at kababalaghan.

4. Pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan.

5. Paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao.

6. Paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal.

7. Pagpapahalaga sa dignidad.
HALIMBAWA NG ROMANTISISMO

 Pagtatapat ni (Lope K. Santos)


 Pikipagdigma ni (Jose Corazon de Jesus)
 Ang ulap ni (Ildefonso Santos)
 AMBO
 Bangkang papel
 Mga ibong mandaragat
 Maganda pa ang daigig
 Dekada ‘70

You might also like