You are on page 1of 4

GEC 12- MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG Lunes/Miyerkules 2:3O-4:00 pm

PANITIKANG FILIPINO
Paksa: Humanismo, Romantisismo, at Klasismo

Pangkalahatang Layunin:

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Nauunawaan ang pinagmulan ng mga teoryang pampanitikan


• Nalilinang ang kaalaman patungkol sa katuturan at nilalaman ng Humanismo,
Romantisismo, at Klasismo
• Natutukoy ang mga halimbawa na naglalaman ng teorya

Mga Aralin na Dapat Malaman:

TEORYANG PAMPANITIKAN

Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin


ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na
ating binabasa.

HUMANISMO

• Ito ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsibol o Renacimiento (Renaissance).


• Ito ay nagmula sa salitang ingles na “human” o tao sa Filipino.
• Ayon kay PROTAGORAS (Villafuerte, 1988) “Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan
ng lahat ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.”
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.
• Binibigyangtuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at
kabutihan.
• Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-
aaral na kumikilala sa kultura.
• Teoryang nagpapaliwanag na ang tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kayat
mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at
kalayaan sa pagpapasya.
• Higit na pinahahalagahan sa humanismo ang dignidad at integridad ng tao.
• Ang pamamaraan ng pamumuhay ay nakasentro sa pangangailangan at kapakinabangan
kaakibat ang pagpapahalaga sa tao
• Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa wikang angkop sa akdang susulatin.
(magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaliw at
pagpapahalaga sa katotohanan)
• Sa pilisopiya, ito ay atityud na nagbibigay diin sa DIGNIDAD at KAHALAGAHAN ng tao.
Pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang RASYUNAL.
• Karaniwang ginagamit ang humanismo sa paglalarawan ng kilusang panitikan at kultura
sa kanlurang Europa noong ika 14-15 siglo.
• Nagbigay ng bagong sigla ang humanismo ang pagkakatuklas ng paglilimbag noong ika-15
siglo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga klasikong edisyon.

Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na humanistiko, mainam na tingnan ang


sumusunod:
✓ Pagkatao
✓ Tema ng kwento
✓ Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?
✓ Mga bagay na nakaiimpluwensya sa pagkatao ng tauhan; at
✓ Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema.

Halimbawa:
➢ Titser ni Liwayway Arceo
➢ Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
➢ Si Anton ni Rogelio Ordone
➢ Paalam sa Aking Pagkabata ni Zantiago Pepito

ROMANTISISMO

• Umusbong sa Europe noong ikalawang bahagi ng ikalabingwalong daang taon.


• Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
• Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
• Tumatalakay sa pagpapahalaga sa kalikasang personal, kahalagahang kombensyunal,
katotohanan, kabutihan at kagandahan.
• Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng
romantisismo ay ang damdamin at guniguni.
• Pinahahalagahan dito ang emosyon ng tauhan kaysa sa katwiran kung kayat
pinaniniwalaan na ang buhay ay bahagi ng mga problemang kalutasan
ROMANTIKO – tawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon
ng Romantisimo
➢ Naniniwala ang mga romantiko sa lipunang makatao, demokratiko at patuloy sa
pag-unlad.
➢ Inspirasyon at Imahinasyon ang natatanging instrumento ng mga romantiko para
matuklasan ang nakakubling katotohanan/ bumubuo sa pagiging totoo at
maganda ng isang akda.

DALAWANG URI

1. Romantisismong Tradisyunal - nagpapahalaga sa halagang pantao.


2. Romantisimong Rebolusyonaryo – pagkamakasariling karakter ng isang tauhan.

MAKATANG ROMANTIKO
❖ Panulaang Pilipino
➢ Jose Corazon de Jesus
✓ PAG-IBIG
➢ Lope K. Santos
➢ Ildefonso Santiago
➢ Inigo Ed Regalado
➢ Florentino Collantes
➢ Teodoro Gener

❖ Maikling Kwento at Nobela


➢ Macario Pineda
➢ Jose Esperanza
➢ Faustino Galauran

KLASISMO

• Teoryang pampanitikan na nagmula sa Gresya.


• Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba
ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
• Ito ay nakasentro sa mga dulang itinatanghal.
• hindi angkop ang paggamit ng mga salitang balbal.
• Hindi rin angkop ang labis na emosyon sa pagsusulat nito dahil mas higit na
pinapahalagahan ang kaisipan kay sa damdamin.
• Pinapahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa isang
dakilang katawan.
• Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako
ay nangyayari o nagaganap parin sa kasalukuyan.
• Nakasaad rin dito na nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sa
pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at
kagandahan.

Gamit na gamit ang dulog na ito noong panahon ng:


1. Gintong Panahon (80 B.C) na nakilala ang panulaan bilang pinakamahalagang genre
sa pagsulat at pagsusuri (epiko, satiriko, tulang liriko at pastoral).
2. Panahon ng Pilak na lumaganap ang prosa at bagong komedya.

Sa pagsusuri gamit ang pagdulog na ito, pinapapakuan ng pansin ang katangian ng mga
tauhan na:

▪ Karaniwang angat sa karaniwan, marangal at matimpi ang kilos at maging ang pananalita.
▪ Ang mga tampok na tauhan ay nangabibilang sa mataas na antas ng lipunan (hari, reyna,
prinsipe, prinsesa, duke, dukesa, at iba pa).
▪ May pananaw aristokratiko.
▪ Dapat na pigil ang damdamin dahil isip ang pinaiiral.
▪ Ang kaayusan ng daigdig ang nilalayon ng klasisismo at dapat na tanghalin modelo ang
mga taong edukado, politiko na nakaaangat ang estado sa buhay.
▪ Maingat sa pagtalakay sa paksa’t sa pamamaraan.

Halimbawa:
➢ “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas

Mga Sanggunian:

Villafuerte, Patrocinio V. Panunuring Pampanitikan ( Teorya at Pagsasanay) Mutya Publishing


house 2010

Castillo, P. J. (2019, May 10). Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan

Miyembro ng Pangkat:

• Bonita, Sheena - Palado, Jezreel


• Marinas, Mark Joseph - Talan, Trixi

You might also like