You are on page 1of 4

PANITIKAN-FINALS

Tatlong antas sa pagsusuri na dapat mong isa alang alang at matutunan sa pagsulat ng akdang
pampanitikan.
- pang nilalaman
- pang lingwistika
- pampanitikan

Mga pagsusuri at mga elemento na gagamitin sa pagsulat sa akdang pampanitikan.


- panitikan hingil sa kahirapan
- panitikan hingil sa karapatang pang tao
- panitikan hingil sa mga mang gagawa
- pang magsasaka
- pang bansa
- pang kasarian
- pangkat minorya
- OFW

Mga Dulog o Pampanitikan


• Sistematikong pag-aaral o pagsusuri ng mga akdang pampanitikan.

DULOG- isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.

PAGDULOG BAYOGRAPIKAL
• Sa pagdulog na ito, karaniwang hinahanap ang:Pagsasalamin ng akda sa mga karanasan ng may-
akda pang higit na maunawaan ang dalawa.
• Pagtukoy sa mga karanasan at damdaming nagtutulak sa indibiqwal na lumikha ng isang obra.
• Sa paggamit ng pagdulog ng ito, makakatulong sa manunuri na tingnan ang sumusunod:
Lahi
Pisikal na katangian
Estado sa lipunan
Kasarian
Pamilya
Paniniwala (Relihiyon at Politika)
Edukasyon
Mga Karanasan

PAGDULOG HISTORIKAL
• Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipapaliwanag sa
pamamagitan ng pagbabalik- alaala sa panahong kinasasagkutan g pag-aaral

PAGDULOG HUMANISMO
• Makataong kritisismo ang pagpapahalagangnakapaloob sa panitikan. Pinalulutang nito ang
kadakilaan, kagitingan ng tao sa knyang pagharap.
• Muling pagsilang sa Italya dahil walang malaking nagaganap na pagbabago kung pag-uusapan ay
kabihasnan.
• Ang humanismo ay sumibol sa panahon ng muling pagsilang. Ang pokus ng dulog na to ay tao.

PAGDULOG MARKISMO
• Inuunawa ang akda batay sa kalagayan g mga tauhan. Hinahanapan ang aka ng patunay ng mga
naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag-at
matapang, mahirap at mayaman.
• Marka ng mga Pilipino: Malakas, Mahina, Matapang, Mayabang at iba pa.

PAGDULOG ARKETIPAL
• Ang pagdulog arketipal o mitolohikal ay nahahawig sa pananaw sikolohikal na nakatuon ang
atensyon sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa.
• Matatagpuan sa akda ang mga huwaran o pardon at kaayusan ng buhay na makikita rin sa halos
lahat ng uri ng tao sa daigidig,
• Ang mambabasa ay umaandar ng imahinasyon.
• Ang dulog Arketipal ay ibinatay sa sikolohiya ni Carl Jung ayon sa:

Dalawang antas ng Kamalayan mula sa Arketipal


1. Personal-nagtatago ng alalala ng pangyayari sa nakaraang buhay.
2. Arketipal-Nagiingat ng mga pinagsama-samang alalala
- Ang simbolismo ng kalapati ay kalayaan at kapayapaan
- Ang simbolismo ng tanikala nakatali kana sa kahirapan, hindi kana makakaalpas
- Ang simbolismo ng timbangan ay katarungan, naghahari ang katarungan.
- Ang simbolismo ng kandila ay tanglaw, sementeryo, nagbibigay liwanag.
- Ang simbolismo ng sulo nagbibigay liwanag sa mga manlalaro

PAGDULOG IMAHISMO
• Kung ilalapat ang imahismo sa pag-aaral ng panitikan:
• Pagtutuunan ang gagamiting mga salita
• Angkop at pangkaraniwan ang mga it at hindi ginagamitanang palamuting salita.
• Ang dulog imahismo lumaganap ang panulaan sa Great Britain at North America noong 1909-1918
• Ang mga ginamit na imahe sa paligid na makakagawa ka na ng tula ang mga ginamit nyang
sangkap ay nasa paligid lamang.
• Na makakagawa ka na ng tula ayon sa iyong tibok ng puso at imahinasyon.
• Higit na pinahahalagahan ang mga salitang tumutumbok sa bisang pangkaisipan at pandadamin n
mga imaheng nakapaloob.
• Dapat mo ring surin ang ritmo ditto, kung ito'y isang tula, regular ba ang indayog sa bawat
taludtod, maabagal ba, magaan, mabilis, o paiba-iba.
• Malayang taludturan.

PAGDULOG ROMANTISISMO

MGA KATANGIAN NG AKDANG ROMANTIKO


• Sabjektiv at individ walistik ang istilo ng manunulat
• May matibay na paniniwala sa Diyos
• May pagpapahalaga sa kalikas an at paniniwalaang ang Diyos at kalikasan ay lisa subalit dito may
mataas na pagpapahalaga sa masa o sa karaniwang tao, mga api at mahihirap.
• Natuklasan ang romantisismo sa bansang Europa noong ikalawang-hati ng 1800
Dalawang uri ng romantisismo
1. Traditisyonal-dumadakila sa halagang pantao
2. Reblusyonaryo-lumulutang ang sariling karakter.

Romantiko- ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan


insipirasyon-tanging kasangkqpan ng mga romantisita para mabatid ang nakakubling katotohanan.
• May pag-ibig sa Kalayaan
• May pambihirang sensibilidad ang mga awtor at ang mga akda ay bunga na nag- umapaw sa
damdamin

PAGDULOG EKSISTENSYALISMO
• Madaling ilapat ang eksistensyalismo sa pagtuturo ng panitikan:
• Binibigyang tuon ay ang karakter at ang paraan ng tao sa pagharap ng problema. Sa bang salita,
hinahanap ang pagka-indibidwal ng tauhan.
• Kadalasan ay may pagkarebelde ang manunulat o walang pakialam sa kanyang lipunan, at ito'y
makikita sa kanyang akdang kinatha.
• Kalayaan at Awtentiko-ang tanging kinikilala na dulog ng eksistensyalismo.

PAGDULOG DEKONSTRUKSYON
• Kung ilalapat mo sa iyong akdang binabasa ang dekonstruksyo:
• Hanapin ang mga kaalaman tungkol sa relasyon ng tao sa kanyang lipunan, kasaysayan ng tao at
lipunan ng tao (lipunang kanyang ginagalawan)

PAGDULOG NATURALISMO
• Ang akdang nilalapatan g naturalismo ay kakikitaan ng mga kasuklam-suklam na detalye ng
buhay, marumi, mabangis, at mapaniil
• Ang kanyang tauhan ay nakikipagsapalaran upang mabuhay at pinahahalagahan ang kapaligiran
sa kanyang pakikipagsapalaran

PAGDULOG REALISMO
• Ang pagsusuri ng akdang natutukoy rito ang mga bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang
paglalarawan sa tao, lipunan at pinalulutang dito
• Ang mga kaisipang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng tauhan sa kanyang kapwa at lipunan
• Nasusuri rin dito ang mga tauhan batay sa pagbabagong pisikal

PAGDULOG PORMALISTIKO
• Pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aralan ng mga elementong bumubuo sa katha
• Pormalistiko anf dulog kung inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring kinasasangkutan ng
may akda, pangkasaysayan man o panlipuann
• Napagtutuunan ng pansin ang mga detalyr at bahagi ng kwento upang itanghal ang pagiging
masining at malikhain ng komposisyong ito
• Tinatalakay ang magandang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ng katha-tauhan tagpuan at
pagkakasunod sunod ng mga pangyayari

PAGDULOG MORALISTIKO
• Hindi sapat na ilahad ang panitikan bilang salamin ng buhay kundi manapa’y sa isang malikhain at
sining na kaparaanan ng manunulat ay maipakita ang mga
o Kaisipang moral
o Ang halaga ng tao
o Kanyang karangalan
o Kadakilaan
• Binibigyan diin ang layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan

PAGDULOG SOSYOLOHIKAL
• Mainam na gamitin sa pag-aaral at pagsusuri ng pampanitikan o akdang pumapaksa sa mga
karanasan ng tao sa iba’t-ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at
pangkabuhayan
• Binibigyan pansin ang ugnayang sosyo-kultural, politikal, kapamuhayan at damdamin, asal, kilos
reaksyon ng tao
• Sa pagsusuri ng akda tinatalakay ang mga
o Klagayang soyal
o Kapamuhayan
o Sitwasyong nag-uudyok ng karanasan
o Nagtutulak sa tao sa ganoon at ganitong buhay
o Mga pagkakataong nagiging sanhi o bunga gaya ng pang-aapi,kadakilaan, kagitingan,
kabayanihan ng isang tao/pangkat

PAGDULOG SIKOLOHIKAL
• Maituturing na susi sa pag-unawa sa mga paraan ng sining, sa mga nakakubling layunin ng mga
manlilikha at mga motibo ng mga tauhan sa isang akda

PAGDULOG FEMINISMO
• Isang pagbalikwas sa praktikal na sistema ng lipunan na nag lalaki ang may kontrol ng lipunan
• Tagasunod sa lalaki sa lahat ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya, pulitika, ekonomiya
lipunan, bata sining.

You might also like