You are on page 1of 22

LIT 1

IKALAWANG LINGGO
Mrs. Liza H. Celis
• Kahulugan ng Panitikan
• Genre ng Panitikan
• Batayang Kaalaman sa Panunuring
Pampanitikan
– Kilates: Panunuring Pampanitikan ng
Pilipinas ni R. Torres
– Introduksiyon ni Soledad Reyes
– Ang Filipino sa Kritisismong Filipino ni
Virgilio Almario
Lit 1 -Sosyedad at Literatura/Panitikang
Panlipunan (SOSLIT)

• kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino


na nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga
tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan
ng bansang Pilipinas
• Sumasaklaw sa mga isyung panlipunan na tinalakay
ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak
na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa,
globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa,
karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon
ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.
ANO NGA BA ANG
PANITIKAN?
PANITIKAN

• Pang- + titik + -an


• Pangtitikan
• Pantitikan
• Panitikan
• Ang Panitikan ay buhay dahil ito ay
repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay
ng mga tao sa kanyang ginagalawang
lipunan.
• Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at
binibigyang pintig nito ang ating puso. Hindi
ito isang bagay lamang kundi ito ay isang
buhay na kabahagi ng ating paumuhay.
• Ang panitikan ay isang mabisang instrumento
upang mapagbago ang damdamin at isipan
ng tao, at mapakilos siya ayon sa idinidikta
ng kanyang puso at isip.
• Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo
ang panitikan, binubuhay at pinasisigla rin
nito ang damdaming pagpapahalaga sa
minanang kultura na binuo ng mga henyo
ng ating lahi.
Ayon kay Zeus Salazar
• ang panitikan gaya ng wika ay hindi lamang
lundayan at tagapagpahalaga ng ating kultura
kundi ito ay kuhanan-impukan ng alinmang
kultura”
• Nilalaman at iniingatan nito ang sining,
karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat
bansa.
• Dito masasalamin ang kagandahan at
kagalingan ng kultura ng bawat lipunan, at dito
rin nasusulat ang mga ipinagmamalaking henyo
ng bawat panahon
GENRE NG PANITIKAN
Genre

• istilo o kategorya ng isang sining, musika,


o literatura. Tumutukoy ito sa klase o
paraan ng atake ng isang bagay,
kadalasan ng ginagamit ng may akda
Genre ng Panitikan

• Ang mga genre ng panitikan ay may


dalawang bahagi.
– Tuluyan ( tinatawag na Prose sa Ingles) na
nakasulat ng patalata.
– Tula ( tinawatag din na Poetry sa Ingles) na
nakasulat ng pasaknong
Batayang Kaalaman sa
Panunuring Pampanitikan
Panunuring Pampanitikan

• Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-


buhay at diwa sa isang nilikhang sining, Ito
ay isang kaisipang hindi tapos ( Ramos,
Mendiola)
• Ibinibilang bilang isang agham ng teksto.
Ito’y iniuugnay nila sa isang gawain ng
mga kritiko na may pinaghahanguang
iba’t ibang teorya.
• Ito’y ginagawang esensyal na gawain sa
pagsasanay na ginugugulan ng maraming
oras at panahon sa pagsusulat ng
mapanuring pagpapahayag.
Katangian ng Mabuting
Kritiko
• Matapat sa sariling itinuturing ang
panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining
• Handang kilalanin ang sarili bilang
manunuri ng akdang pampanitikan at hindi
manunuri ng lipunan, manunulat,
mambabasa o ideolohiya
• Laging bukas ang pananaw sa mga
pagbabagong nagaganap sa panitikan
• Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko
na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan
at sikolohiya, atbp.
• Matapat sa sariling itinuturing ang
panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining
• Matapat na kumikilala sa akda bilang
isang akdang sumasailalim sa paraan ng
pagbuo o konstruksyon batay sa
sinusunod na alituntunin at batas.
Introduksyon ni Rosario Torres –
Yu (Kilates)

• Inaalam, tinatantiya, tinitimbang,


binubusisi, sinisipat, kinikilates ng
Filipino ang isang bagay para alamin
o di kaya ay tiyakin kung
magugustuhan niya ito.
• Sa kulturang Filipino, isang gawain ito
bago magdesisyon – sa pagbili, at iba
pa.
• Ganito rin sa panitikan, binabasa upang
kilatisin ang isang tula, maikling kuwento,
nobela, dula at iba pang anyo ng panitikan
at teksto. Kinikilates ang akda upang
makabuo ng kahulugan at pagpapahalaga
kaugnay nito.
• Sa panunuri, nakikita ang bumubuo sa
pagkatao ng mga Filipino, kung ano ang
pinahahalagahan niya, kung ano ang
suliraning kinasasangkutan niya .
• Napapalutang kung ano ang klase ng
pamumuhay niya
• Para sa mga estudyante, ang kaalaman at
kasanayang magmumula rito ay hindi
lamang magpapatalas sa mapanuring
pag-iisip. Hahamon ito sa aktibong
pagsali sa mahahalagang usapin katulad
ng pagbubuo ng kaalaman para makilala
ng Filipino ang kanyang sarili, ang
kanyang pagkalahi at pagkabansa, para
sa panlipunang pagbabago.
Sinuri o hinusgahan ang akda ng isang
manunulat sa pamamagitan ng mga
tanong na:
• Ano ang sinasabi ng akda?
• Paano ito sinabi?
• Kailan ito nasulat?
• Sino ang sumulat?
• Para kanino ito isinulat?

You might also like