You are on page 1of 4

TEORYANG

ROMANTISISMO

TEORYANG ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.
Dalawang uri ng Romantisismo:

ROMANTISISMONG TRADISYUNAL
-pagtatalakay sa makasaysayan at tradisyunal na mga pagpapahalaga.

ROMANTISISMONG REBOLUSYONARYO
-ito ang pagtalakay sa paggawa ng bagong kultura na may
pagpupumiglas, kapusukan, at pagkamakasarili.
ROMANTIKO
-tawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa
panahon ng Romantisismo.

Katangian ng Romantisismo
Pinapahalagahan ang kagandahan ng kalikasan.
Mas pinapahalagahan ang damdamin kaysa sa kaisipan.
Pagpapahalaga sa kalayaan at sa lupang sinilangan.
Naniniwala sa kabutihang taglay ng tao.
Pinapahalagahan ang espiritwalidad kaysa sa mga materyal na bagay.
Pagpapahalaga sa dignidad.

You might also like