You are on page 1of 2

ROMANTISISMO

•Ang Romantisismo (Romanticism) ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Ang


damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap.
Ang Romantisismo daw ay mga akdang nakasentralisado sa damdamin ng mga tauhan ang
kadalasang laman nito. Ito ay kadalasang nailalahad o naipababatid sa pamamagitan ng mga
salita, pariirala at pangungusap
•Ang Romantisismo ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagbibigay-diin nito sa damdamin at
indibidwalismo, lihim na panitikan, ideyalisasyon ng kalikasan, hinala sa agham at
industriyalisasyon, at pagluwalhati sa nakaraan na may matinding kagustuhan para sa
medyebal kaysa sa klasikal.
•Ang Romantisismo ay nagtalaga ng mataas na halaga sa mga nagawa ng “bayanihan” ng mga
indibidwalista at artista, na ang mga halimbawa, pinananatili nito, ay magtataas ng kalidad ng
lipunan.
Ang Romantisismo ay pinahalagahan ang ang mga akdang nagawa ng bayanihan na patuloy
na magtataas sa kalidad ng ating lipunan kagaya nalang ng mga Romantisismong akda ng mga
manunulat at mga pelikulang pinagbibidahan ng mga artista na ang syang tema ay nakasentro
sa Romantisismo mismo.
•Ang Romantisismo ay isang masining, pampanitikan, musikal, at intelektuwal na kilusan.
•Ito ay nagbibigay ng patunay hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng pagtakas sa
katotohanan, heroismo at pantasya.
•Ito ay nagmula sa Europa sa pagtatapos sa ika-18 siglo, at karamihan ng mga lugar ay nasa
tuktok nito sa tinatayang panahon mula 1800 hanggang 1850.
•Sa kaibahan ng rasyonalismo at klasisismo ng Enlightenment, muling binuhay ng
Romantisismo ang medyebalismo at mga elemento ng sining at salaysay na itinuturing na tunay
na medieval sa pagtatangkang takasan ang paglaki ng populasyon, maagang paglaganap ng
mga lunsod o bayan, at industriyalismo.
•Ang Romantisismo ay nagpapamalas ng:
— Pag-ibig sa kalikasan
— Pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan
— Paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao
— Paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal
— Pagpapahalaga sa dignidad
— Kahandaang magmahal sa babae/lalaking nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang
katangian, inspirasyon, at kagandahan.
•Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga awit at korido na
ang pinakapaksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at prinsepe. Tumatalakay rin ito sa mga
katutubong buhay sa malalayong nayon. Lagi itong nagbibigay aral at itinatanim sa isipan ang
mga nagkakasala at masama ay parurusahan.
•Ang terminong romantiko (maromantiko) ay unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang ibig
sabihin ay nahahawig sa mala-fantasyang katangian ng midyeval na romansa.
•Romantiko ang itinawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng
Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula, maikling kwento na naisulat sa panahong iyon ay
may pagkaromantiko ang paksa, tema at istilo. Naniniwala ang mga romantisista sa lipunan na
makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad.
•Dalawang uri ng Romantisismo:
1.) Tradisyunal na Romantisismo
- Humihilig sa makasaysayan at nagpapanatili o pagbabalik sa mga katutubo at tradisyunal na
pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo at pagkakristyano.
2.) Revolusyunaryong Romantisismo
- Ito ay bumabaling sa pagtatatag ng bagong kultura na may pagpupumiglas, kapusukan at
pagkamakasarili.
•Ilan sa mga halimbawa ng Teoryang Romantisismo:
-Romeo and Juliet ni William Shakespeare
-Florante at Laura ni Francisco Balagtas
-Pagtatapat ni Lope K. Santos
-Pakikidigma ni Jose Corazon de Jesus
- Ang Ulap ni Ildefonso Santos
•Maganda ang maidudulot ng teoryang romantisismo sa larangan ng panitikan dahil
nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan at sa
lupang sinilangan, atbp. Nagpapakita din ang Romantisismo ng kahalagahan ng damdamin ng
isang tao. Mas pinapahalagahan pa ito kaysa mga gamit sa mundo. Anyo ito ng pag-iisip na
nagpapahalaga sa indibidwal, imahinasyon, orihinalidad, at perpeksiyon. Sa romantisismo rin
matatagpuan ang laging pag-aangat sa higit na mataas na antas o nibel ang kaluluwa, pag-iisip,
at moralidad.

You might also like