You are on page 1of 1

Ang pakikpagtalastasan ay isang sining kung saan tayo ay nakakapagpalawak ng ating mga kaalaman

hingil sa isang bagay. Dito, tayo ay nagpapalitan nga opinion, kaalaman at kuro-kuro para sa ika-uunlad
ng bawat isa. Mahalaga ito dahil malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o anumang iniisip na
may kinalaman sa paksang tinatalakay.Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan
nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung
ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa
pamamagitan ng paggamit ng wika. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas
kundi maging sa mga ibang bansa rin. Hindi lang tayo ang nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling
komunikasyon kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito. Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at
salamin ng lipunan Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Ito ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod
ng damdamin at diwa ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao
nakakapagkomunikasyon sa iba. Ito rin ay may kahalagahang pampulitika upang malaman ng tao kung
sino ka at kung karap-dapat ka o hindi. At panghuli, ito ay mahalga sa alinmang propesyon dahil
pakikipagtalastasan ay paraa ng paghahatid ng isang punto ng isang propesyonal.

Napakahalaga ng pakikipagtalastasan sa buhay ng isang tao. Sa lahat ng larangan ng buhay, kailangan ang
pakikipagtalastasan. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at pakikipag-unawaan sa kapwa.

Sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagpalitan


ng kuru-kuro o ideya, impresyon at mga impormasyon tungkol sa iba't ibang mga bagay at suliranin.

You might also like