You are on page 1of 1

Ang wika ay mahalaga, ito ang nag bubuklod upang tayo ay mag kaisa,Ito ay ginagamit upang mag

karoon ng epektibong komunikasyon.Upang maintindihan natin ng malinaw ang sinasabi o maipahayag


ng malinaw ang ating nararamdaman.Ito ay nag nagpapakita respeto sa kultura,isa itong mabuting
kasangkapan sa pagpalalaganap ng kaalaman sa atin. Naipapahiwatig nito ang mga gusto natin sabihin
bilang Pilipino. Ginagamit natin ito sa pakikipagtalastasan at para magkaroon ng madaling komunikasyon
sa bawat tao. Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ay nag bibigay daan sa pagkakaisa ng mga tao at
nagbibigay tulong sa pag-unlad ng aspeto sa ating bansa. Mas magiging madali para sa mga kabayang
pilipino ang makahikayat, upang makasali sa transaksyon.

Sa paglipas ng panahon, napatunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang
maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng
ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maipabatid
sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.

Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at
maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

You might also like