You are on page 1of 1

Ang Ating Wika

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas.


Ito ang ginagamit sa mga pormal na transaksyon,
edukasyon, at pamahalaan. Sa pamamagitan ng wikang ito,
natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan na
magkaroon ng isang komon na wika upang magkaunawaan
at magkaisa. Sa paggamit ng wikang Filipino, nagkakaroon
tayo ng pagkakataon na maipahayag ang ating mga
saloobin at makibahagi sa mga isyung panlipunan.

Ngunit dapat nating tandaan na ang mga katutubng wika ay


ginagamit ng mga katutubo sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Mahalaga ang mga wikang ito dahil malaki ang epekto nito
sa ating kultura at kasaysayan. Sa pamamagitan ng
paggalang at pagsuporta sa mga wikang ito, matututuhan
natin ang kanilang mga kaugalian at tradisyon.
Nakakatulong ito sa amin na kumonekta at makasama ang
mga taong nagsasalita ng mga wikang ito at mga taong
hindi.

Ang wika ay higit pa sa pakikipag-usap sa isa't isa.Ito rin ay


isang instrumenting pang kapayapaan at mas maunawaan
ang isa't isa. Kapag maayos ang paggamit ng wika,
magkakaroon tayo ng magandang ugnayan at pagkaka
intindi sa isa’t isa at mapapabuti ang ating bansa. Mahalaga
ang kapayapaan upang magpa-tuloy ang pag-unlad ng
bansang pilipinas at makamit natin ang mga pangarap at
layunin bilang mamamayan

Marc Gabrielle Fernandez


9-Gatbunton

You might also like