You are on page 1of 1

KATHLEEN D.

DE TOMAS BSED FIL 1-A

M1. PT #2

PAPEL NG MGA WIKA SA PILIPINAS | DR. PAMELA CONSTANTINO

Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ay may layuning pag-ugnayin ang bawat mamayan sa isang
bansa na siya namang nagbibigay tulay tungo sa Pag unlad nito sa iba't- ibang aspeto. Kaya mahalaga
ang wika dahil ito ang nag-uugnay sa mga tao sa lipunan at nagpapanatili sa kaayusan sa pamamahala,
at pagkakaisa ng mga mamamayan. Mahalaga din ang wika sa Isang indibiduwal dahil ito ay isang paraan
ng komunikasyon ng mga tao para maintindihan niya ang kanyang sarili at maibahagi niya sa ibang ang
kanyang nais at gustong sabihin. Ito din ang nagsisilbing instrumento sa pagkakaunawaan at pgakakaisa
ng bawat mamamayan. Ito rin ang kanilang tulay tungo sa maayos na komunikasyon. Malaki rin ang
ginagampanan nito sa iba't- ibang aspeto na makakatulong sa pagkamit nga pambansang kaunlaran.
Isang papel din nang wika ay nagrerepresenta ito bilang isang marker or tanda ng identidad nang isang
tao, dahil dito nakikilala siya, ang kanyang pinanggalingan, naging paraan nag pamumuhay, saloobin sa
wika, at paraan ng pagsasalita at paggamit ng kanyang wika. Sinasalamin din ng wika ang Kultura ng
Isang grupo, kumunidad, lipunan, at bansa sa iba't ibang panahon at henerasyon ito din ang nag uugnay
sa mga tao sa lipunan at nagpapanatili sa kaayusan sa pamamahala, at pagkakaisa ng mga mamamayan.
Kaya naman, masasabing hindi lang Pang indibiduwal Kundi panlipunan at Pambansa din ang wika, kaya
ito ang dahilan kung bakit isinasabatas, binubuo bilang polisya o patakaran, at pinaplano ng mga
pamahalaan ang paggamit ng wika sa kani-kanilang bansa at totoo ito lalo sa mga bansang
multilingguwal, multi-kultural, at multi-etniko. Mayaman sa likas na yaman, hindi sopistikado ang paraan
ng pamamahala, at maraming wikang sinasalita ang mga bansang ito kung kaya nasakop sila nga mga
makapangyarihang bansa. Ang mga nasasakop na mga bansa ay nangailangang magplano para sa
kanilang mga wika matapos Silang makaya o mabigyan ng kalayaan. Ito ang inaasahan bilang nagbibigay
ng kaayusan, pagkakaisa, at kalayaan sa pamamahala. Ganito ang naging mga patakaran sa ilang mga
bansang nabanggit.

Ngunit merong mga bansa na itinuturo ang wikang ingles bilang Isang panitikan sa primarya at
sekundarya ito din ay naging wikang opisyal bunga ng patakaran ng mga British na sumakop dito. Iba't
iba ang ating mga wika subalit masasabi long nagkakaintindihan pa rin ang mga tao kahit ano pang wika
ang kanyang ginagamit o kahit saan pa siya nagmula. Marami tayong mga iba't ibang wika na ginagamit
katulad ng ibang bansa na may apat o mahigit Pang wikang ginagamit sa Edukasyon. Halimbawa nito ay
Malaysia at Indonesia. Lisa lamang wika ang ginagamit para magkalinawan tayo sa iba Pang bansa. Ito
ang ingles, nangangahulugan lamang na kahit mayroon tayong iba't ibang wika sa ating puso at
damdamin nagkakaintindihan pa rin tayo at sinasalamin na mayaman tayo sa wika.

You might also like