You are on page 1of 1

KALAYAAN

Tayo’y may pantay-pantay na karapatan


Anuman ang kasarian, kulay ng balat, estado ng buhay at kulturang kinagisnan
Hindi basehan upang

Kalayaan, isang salitang may malawak na kahulugan


Kay daling bigkasin ngunit kay hirap makamtan
Dito sa mundong punong-puno ng kaguluhan
Talamak ang karahasan at kawalan ng katarungan

Tila nasa isang hukuman


Kay daming mapanghusga sa kapaligiran
Salita at kilos, kailangan limitahan
Sa takot na baka mapagdiskitahan at mahatulan

Ang ilan ay tuluyan ng nahatulan


Nakakulong sa kadilima’t kalungkutan
Nakagapos sa karahasan na kay hirap takasan
Tanging magagawa na lang ay umiyak at sumigaw ng katarungan.

Anumang kasarian, kulay ng balat, estado ng buhay, at kulturang kinagisnan,


Tayo’y may pantay-pantay na karapatan.
Karapatang hindi lamang para sa iilan o karamihan
Kundi sa kalahatan

Kaya’t ako’y nananawagan


Huwag na tayong maghilahan, sa halip ay magtulungan
Magtulungan para kaunlaran ng ating sarili at bayan
Para sa kabutihan, puksain ang kasamaan

Mga ibo’y pakawalan


Palayain sa kulungan
Playain mula sa karahasan at kalupitan
Hayaang lumipad sa kalangitan

You might also like