You are on page 1of 3

MASARING

ni Jude Marco G. Estolas

Masaring o mahusay yan ang ASEAN kung tawagin.

Sari-saring kasarian tungo sa kapayapaan at pag-unlad na napakasarap marating.

Panahon na upang bigyan ng maningit na pagtanggap ang kaluwalhatian at pag unlad.

May bisig at kamay na tatanggap, pag ibig at gabay na haharap sa adbokasiya ng hinaharap

Pagkakapantay-pantay ng kasarian,ito ay patuloy at malakas na pinaghihiyawan at ipinaglalaban.

Ngunit, kumusta na kaya ang kalagayan ng labanang animo’y walang katapusan at hangganan.

Gender and Development, tumutukoy ito sa pananaw at proseso ng pag-unlad na nakikilahok at nagbibigay
kapangyarihan, patas, malaya sa karahasan at gumagalang sa karapatang pantao.

Ngunit ang lasa ba nito'y mas malinamnam kaysa sa halimuyak na nalalanghap natin ngayon?

nasasaksihan ba natin ang pagbabago, naririnig ba ang bulahaw at bulong ng kuro mula sa iba't-iba't-ibang
rehiyon?

Nararamdaman na ba ito?

Sa rehiyong kinabibilangan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya, ay nananatiling animo’y sakit na patuloy na
lumalaganap ang diskriminasyon sa kasarian.

Isang ibong maya sa palayang napupuno ng mga agila ang representasyon sa mga kababaihan at maralita

Ani nila, babae ka, ika'y isang rosas sa hardin na napapalibutan matatayog na punong nara.

Manatili kang palamuti isa sang sulok at ikubli ang iyong pagkamasaring at pagkamagaling.

Ngunit sa pagsibol ng panahong kontemporaryo ay unti-unti nang lumilitaw mula sa napakalalim na pagkalunod
ang pagkamit ng patas na kapangyarihang mamuno.

Apat na bansa, sa labing isang bansang sakop ng asean ang matagumpay na pinamunuan ng kababaihan.

Pilipinas, Singapore, Indonesia at Malaysia- mga bansang nagpatunay na umiigting na ang pwersa ng kababaihan
sa usaping pampolitika at pang-ekonomiya.

Ngayon, tama bang representasyon ng kababaihan si Maria Clara?

Babaeng mahinhin, mahiyain at naka suot ng mahabang saya?


Sa panahon ngayon, marahil ay hindi na.

Noong naitaas ang bandera, tuluyang naiunat ang baluktot na tema.

Kilala niyo ba si Urduja?

Ang prinsesang mandirigmang namuno at nakipaglaban sa mga giyera.

Hindi pamaymay kundi espada ang hawak niya.

Sapagkat siya isang babaeng hindi lang maganda kundi babaeng masaring, opinyonado't kayang makipaglaban
nang sagayo'y makamit ang kapayapaan at kaunlaran.

Ngayon pag-usapan natin ang kalalakihan.

Teka, kailangan pa ba talaga natin itong pagusapan?

Kinakailangang kailangan.

Kasi ayon sa mga aklat, pilikula at teksto,

dapat sila'y malakas, dominante,sundalong makisig at mapang usig na lupon.

Ngunit paano kung taliwas sila sa ganooong concepto?

Silang Umiibig ng malaya, tumitinig pangHiraya at may Pusong mamon.

Diktador ba tayong papasya, sa kanilang kilos at kung paano sa lipunay umakma?

Bayang sinilangan sa kultura nga'y mayaman ngunit sa paglinang ay dukha .

Kung ganoon, marahil ang kayapaan at pag unlad ay malayo pang magtugma.

Pantay-pantay na pakikilahok ang magtutulay sa agwat ng kasarian na siyang mag-uudyok sa pagbuo ng


kapayapaan at kaunlaran.

Pantay na boses at kapangyarihang makiisa sa mga usaping panlipunan.

Walang lamangan, palakasan at karahasan.

Walang mukha ang kapayapaan.

Walang kasarian ang kaunlaran.

Ano mang kasarian, interpretasyon,oryentasyon ang masaring ay masaring-- na siyang maghahatid ng kapayapaan
at kaunlaran sa mga bansang sakop ng ASEAN.

You might also like