You are on page 1of 1

Kapootan panlahi at diskriminasyon dahil sa lahi

Sa Canada, may malalakas na mga batas ng karapatan pantao at mga sistema


tumutugon sa diskriminasyon. Mayroon din tayong pamana ng kapootan lahi -- lalo na sa mga
Katutubo na tao, at sa ibang mga grupo din, kabilang ang mga Aprikano, Intsik, Hapon, South
Asian, Hudyo at Muslim na mga Canadian. Itong pamana ay nagapektosa ating mga sistema at
mga istruktura kahit ngayon, at naaapektohan ang mga buhay ng mga tao kinapopootan lahi at
lahat ng tao sa Canada.
Inilalarawan ng Komisyon ng mga Karapatang Pantao ng Ontario ang mga
komunidad na humaharap ng kinapootang lahi bilang “racialized.” Ang lahi ay gawa ng lipunan.
Ibig sabihin nito, binubuo ng lipunan ang mga ideya ukol sa lahi batay samga dahilan na
heograpiko, kasaysayan, politikal, ekonomiya, panlipunan, at kultura, at pati na rin itsura, kahit
na wala sa mga ito ang magagamit upang pawalang-sala ang pagiging pinakamahusay o ang
pagkiling sa isang lahi.
Ang kapootang lahi ay mas malawak na karanasan at kaugalian kaysa sa
panlahing diskriminasyon. Ang kapootang lahi ay isang paniniwala na ang isang grupo ay mas
mahusay kaysa sa iba. Ang kapootang lahi ay maaaring bukás na ipinapakita sa mga biro, o
insulto ukol sa lahi, o mga krimen dahil sa lahi. Ito’y maaari ring mas malalim sa mga kilos, mga
paghahalaga, at mga esterotipo na paniniwala. Sa ilan mga kaso, hindi napapansin ng mga tao
na mayroon silang mga ganitong paniniwala. Sa halip nito, itong mga mga inaakala a umunlad
sa katagalan ng panahon at naging bahagi na ng mga sistema at mga institusyon, at nauugnay
sa lakas at pribilehiyo ng dominanteng grupo.
Ang kapootang lahi ay labag sa batas nagpapahayag ng kapootang lahi. Kabilang
dito ang anumang kilos, sinasadya o hindi, namay epekto sa isang tao dahil sa kanilang lahi, at
nagpapataw ng kahirapin sa kanila at hindi ang mga iba, o ang hindi pagbigay o paglimita ng
pagkuha sa mga benepisyo na makukuha ng ibang mga miyembro ng lipunan, sa mga bahagi na
sakop ng Alintuntunin. Ang lahi ay kinakailangan lamang maging isang dahilan sa isang
sitwasyon upang magkaroon ng diskriminasyon dahil sa lahi.
Ang panliligalig dahil sa lahi ay isang anyo ng diskriminasyon. Kabilang dito ang
mga pagpuna, mga biro, pambabastos, pagpapakita ng mga retrato o kilos na nakakainsulto sa
iyo, nasasaktan ka o panliliit sa iyo dahil sa iyong lahi o ibang mga dahilan na may kinalaman
dito.
Ang diskriminasyon dahil sa lahi ay kadalasan maaaring hindi gaanong
mapapansin, tulad ng pagtakda sa iyo sa mga trabahong hindi gaano kanais-nais, o ang hindi
magbigay ng pagpapayo at pagsasanay. Ito’y maaari rin nangangahulugan humarap sa mga
iba`t ibang pamantayan ng trabaho na naiiba sa ibang mga empleyado, ang hindi bigyan ng
apartment dahil mukha kang Katutubo, o humaharap sa kinikilingang usisa ng pulis habang
nagmamaneho o ng seguridad bantay sa isang shopping mall.

You might also like