You are on page 1of 4

Module 9 Araling Panlipunan 10 Pahina 1 ng 4 na pahina

CN: ______ Pangalan: __________________________________________________________


Taon at Seksyon: ______________________________

Mga Aralin sa Modyulna ito:

Ikatlong Markahan Ø Teorya ng Materyalismo at


Social Exclusion
Modyul 9: Diskriminasyon sa
Ø Sexual Objectification
Kasarian
Ø Seksismo

Mga Layunin:
Pagkatapos ng mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• naipaliliwanag ang pinagmulan ng gender inequality;
• natatalakay ang kahulugan ng sexual objectification at seksismo; at
• naipaliliwanag ang kahalagahan ng araling ito.

Mag-aral Tayo!
Mga Salik at Dahilan sa Pag-usbong ng Diskriminasyon
batay sa Kasarian

Sa larangan ng sosyolohiya (sociology), ang mga teorya tungkol sa


materyalismo (materialist theories) at structural marginalization o social exclusion ang
dalawa sa pinagbabatayan para sa pagpapaliwanag sa kahulugan at pinagmulan
ng gender inequality.

Teorya ng Materyalismo

Ø Ipinapaliwanag ng teoryang ito tulad ng isinusulong nina


Karl Marx at Friedrich Engels na ang gender inequality ay
bunga ng pagkakaugnay ng babae at lalaki sa mga
estrukturang ekonomiko sa lipunan. Partikular na tinukoy
nina Engels at Marx ang kontrol at distribusyon ng
mahahalagang pinagkukunang-yaman bilang
pangunahing tagapag-ambag sa paglikha ng gender
stratification.
Friedrich Engels at Karl Marx

Ø Ang gender stratification ay ang herarkikal na organisasyon ng


lipunan kung saan hindi pantay ang distribusyon at access ng
babae at lalaki sa kapangyarihan, yaman, pribilehiyo,at
katanyagan (prestige).
Ø Ayon dito, ang mga lalaki bilang tagahanapbuhay ang nasa itaas
dahil sila ang may kontrol sa mga ekonomikong pinagkukunang-
yaman samantalang ang mga babae ang nasa ilalim dahil ang
kanilang gampanin bilang ina at asawa ay itinuturing na walang
halaga sa produksiyong ekonomiko at sa higit na
pinahahalagahang pampublikong pinagkukunang -yaman (public
resources).

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing,
distributing, photocopying, recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form
and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected
to any forms of consequences.
Module 9 Araling Panlipunan 10 Pahina 2 ng 4 na pahina

Ang Patriyarka

Ø Ayon kay Engels, ang sanhi ng mababang katayuan ng Patriarchy-Rule of


kababaihan ay ang pag-uuring panlipunan at ang anyo ng the Fathers
organisasyon ng pamilya na nililikha nito na nakabatay sa
patriyarka.
Ø Tinatawag na patriyarka (patriarchy) ang panlipunang
organisasyon o sistema kung saan ang mga lalaki ay dinodominahan at kinokontrol
ang mga babae. Tinutukoy rin ang patriyarka bilang sistemang panlipunan kung saan
ang mga lalaki ang nagdodomina sa halos lahat ng larangan sa loob at labas ng
pamilya.
Ø Para sa ibang detalye, buksan at basahin ang mga nilalaman ng Powerpoint
presentation na may pangalang, “Diskriminasyon Batay sa Kasarian”.

Teorya ng Structural Marginalization


-Tinatawag din na social marginalization o social exclusion.
-Ayon dito, ang gender inequalities ay umusbong mula sa
panlipunang estruktura na nagbibigay-daan sa
institutionalized conceptions ng pagkakaiba-iba ng gender
(gender differences).
-Kabilang sa mga panlipunang estruktura ay ang pamilya,
relihiyon, batas, ekonomiya, at pag-uuring panlipunan (social
class o social stratification).

Ø Naiimpluwensiyahan ng mga social norm ang mga estrukturang panlipunan sa


pamamagitan ng ugnayan sa pagitan ng mayorya (majority) at minorya (minority).
Dahil ang mga nasa panig ng mayorya ang kalimitang ikinokonsidera na normal
samantala ang mga nasa panig ng minorya ay ang ikinokonsiderang abnormal,
lumikha ang “majority-minority relations” ng isang “hierarchical stratification” sa loob
ng panlipunang estruktura na pumapabor sa mayorya sa lahat ng aspektong
panlipunan.
Ø Ang pagturing sa mga babae at mga miyembro ng LGBT bilang minorya ay isa sa
mga nangungunang salik sa patuloy na pananatili ng diskriminasyon sa mga
kababaihan at mga miyembro ng LGBT.
Ø Nagbunga ang “majority-minority relations” batay sa kasarian at gender ng social
exclusion na tumutukoy sa panlipunang desbentaha (disadvantage) at relegasyon ng
mga itinuturing na minorya tulad ng mga babae at mga miyembro ng LGBT sa
laylayan ng lipunan.

social exclusion-“proseso kung saan ang mga tao ay sistematikong hinahadlangang


magkaroon ng access sa iba’t ibang mga karapatan, pinagkukunang-yaman at
oportunidad na normal na natatamasa at mayroon para sa kasapi ng ibang grupo,
kung saan ang mga ito ay napakahalaga para sa panlipunang integrasyon at
pagtamasa at pagtupad ng karapatang pantao sa loob ng partikular na pangkat.”

Sexual Objectification
Ø
Ø Ito ay isang gawain (act) ng pagtrato sa isang tao bilang kasangkapan lamang sa
kaligayahang seksuwal (sexual pleasure). Ito ay pagtrato sa isang tao lalo na sa
kababaihan bilang kalakal o produkto (commodity) na walang pagsasaalang-alang
sa kaniyang pagkatao o dignidad bilang tao.
Ø Upang makabenta ng produkto ang ilang kompanya, patuloy ang mga ito sa
pagkabit o paggamit ng mga stereotype sa kababaihan na dapat palaging
nakaayos, maganda, seksi, at kaakit-akit kahit wala namang kaugnayan at lalo na ay
kasalungat sa katotohan ang mensahe nito. Mga halimbawa:

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing,
distributing, photocopying, recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form
and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected
to any forms of consequences.
Module 9 Araling Panlipunan 10 Pahina 3 ng 4 na pahina

Ø Maging ang sa pang-araw-araw na usapan na pabiro man o seryoso,


pangkaraniwan pa rin ang sexual objectification at sexism sa kababaihan gaya ng
pagmamalaki ng ilang kalalakihan sa pagsasabi ng “It’s a man’s world,” “A woman’s
place is in the kitchen/bedroom,” “Don’t mind her, she’s on her period,” at “You
should have been born a man.”

Seksismo (Sexism)

Ø Ang diskriminasyon ay ang pagtatrato sa pagkakaiba ng isang tao bilang isang


bagay na hindi katanggap-tanggap. Malawak ang saklaw ng diskriminasyon;
kabilang dito ang kasarian, wika, etnisidad, relihiyon at iba pa.
Ø Seksismo ang karaniwang tawag sa diskriminasyon sa kasarian.
Ø Mga uri ng Seksismo: Seksuwal na Panliligalig (Sexual Harassment) at Esteriotipo sa
Kasarian (Gender stereotyping).
§ Seksuwal na Panliligalig (Sexual Harassment)- halimbawa nito ay ang
malaswang pagtingin o pagtitig, malaswang pagtawag o catcalling,
panghihipo sa malaswang bahagi ng katawan.
§ Esteriotipo sa Kasarian (Gender stereotyping)- ito ang tawag sa pagkakaroon
ng kaisipang naidikta sa tao na tinatawag na stereotype tungo sa isang lalaki o
babae tulad ng kaisipang “mother knows best”, o kaya ay “malalakas ang
kalalakihan”. Nakasasama o nakasasakit ito kapag ito ay humantong sa
paglabag sa karapatang pantao; halimbawa nito ay ang panggagahasa,
pambubugbog, at pagmumura sa isang babae dahil sa kaisipang pag-aari ng
mga lalaki ang mga babae.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang mga


nilalaman ng Powerpoint presentation na may
pangalang “Diskriminasyon Batay sa Kasarian.”

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing,
distributing, photocopying, recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form
and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected
to any forms of consequences.
Module 9 Araling Panlipunan 10 Pahina 4 ng 4 na pahina

Mahalaga ang pag-unawa sa araling ito upang


makagawa tayo ng mga sarili natin na hakbang upang
matigil ang diskriminasyon sa ibang tao batay lamang sa
kanilang kasarian. Mahalaga rin ito para masuportahan
natin ang mga polisiya ng ginawa at ginagawa ng
pamhalaan, local at nasyonal, upang masigurado ang
proteksiyon ng mga taong nakararanas ng diskriminayon
dahil sa kanilang kasarian o gender. Ito ay para
makagawa tayo ng lipunang may pagrespeto sa iba at
kinikilala ang kanilang potensiyal anuman ang kanilang
kasarian, sexual orientation, gender identity at expression.

Mga Pinagkunan:
Mga Larawan:
https://www.pinterest.ph/pin/539517230354460610/
https://pt.slideshare.net/smartime/social-exclusion-56862674
https://marilinabedros.wordpress.com/2016/02/24/gender-analysis-of-mr-clean-
advertisement/
https://web.facebook.com/PetronCarCareCenter/photos/pcb.1119866224703791/111986603
8037143/
http://nitro-net.com/2019/03/04/these-sexist-ads-for-luxury-watches-sparked-anger-and-
apology-but-is-the-brand-even-real-adweek/

Mga Libro:

Limos, Mario Alvaro V., Padalhin, Noel E. (2018) Mga Kontemporaryong Isyu. The
Library Publishing House, Inc.

Mactal, Ronaldo B. (2017). Mga Kontemporaneong Isyu. Phoenix Publishing House,


Inc.

Sarenas, Diana Lyn R. (2017). Mga Kontemporaneong Isyu. Sibs Publishing House, Inc.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing,
distributing, photocopying, recording, posting and/or uploading of any part of this document and of any form
and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly PROHIBITED and is subjected
to any forms of consequences.

You might also like