You are on page 1of 5

Mabilisang Panghuhusga sa mga Kalalakihan: Isang pananaliksik

patungkol sa ideya na “Machismo” at kung paano ito nakaaapekto sa mga


kalalakihan ng Lungsod ng Valenzuela

Isinumite sa Kagawaran ng Senior High School ng Colegio de San Pascual


Baylon Bilang bahaging Pag-aaral sa Asignaturang Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Isinumute ni:

Bautista, Johnpaul D.
ABM 11 - San Pascual

Isinumite kay:

Bb. Ma. Romelia D. Militsala


Kahalagahan

Ang “machismo” culture, isang termino na naglalarawan ng pagdomina ng mga lalaki sa


mga babae sa isang lipunan, ay isang paniniwalang dinala at pinalaganap ng mga Kastila sa
kanilang pagsakop sa Pilipinas ilang dantaon na rin ang nagdaan. Ang lipunang napapaloob sa
ganitong kultura ay nagdidikta sa mga kalalakihan ng mga pag-uugali at/o asal na dapat nilang
isabuhay upang maging at maramdaman nila na sila ay ganap na lalaki. Ang mga lalaki, sa ganitong
kultura, ay inaasahang maging malakas, inaasahang punan ang materyal na pangangailangan ng
pamilya, itaguyod ang mga nararapat na papel ng babae at lalaki. Dahil sa huling nabanggit,
naiuugnay ang pagkakaroon ng ganitong kultura sa hindi pantay na pagtingin sa babae at lalaki sa
lipunan. Isang mahalagang katangian ng kulturang machismo ay ang pagkakaroon ng mas
malaking kapangyarihan ng lalaki kaysa sa babae.

Ang machismo culture na ito ay maiuugnay sa isa pang mas malawak na konseptong binuo
ni Connell – ang gender hierarchy. Inilalatag nito ang herarkiya o sistemang laganap sa pagitan
ng lalaki at babae. Bahagi ang nabanggit ng mas malawak na konsepto ng “hegemonic
masculinity” o ang mga anyo ng mga kaugalian (hindi lamang mga “set of role expectations”, o
kaya naman ay identitad) na nagpapahintulot sa patuloy na paghahari ng lalaki sa mga babae. Ang
tinutukoy niyang hegemonic masculinity ay para lang sa mga iilan o minoridad ng mga
kalalakihan, ngunit ito ay normative o nagiging pamantayan – ito ang naglalatag sa pundasyon na
sa lipunan, ang lalaki ay dapat ikarangal liban sa lahat. Ito rin ang nagdidikta na ang lalaki ang
sentro at lahat ng iba pang kasarian ay ipoposisyon sa mga gilid nito. Gayunpaman, mahalaga ring
matunton na hindi lamang nakapako sa iisang sentro ang ugnayan ng babae at lalaki, maski sa
mismong mga hanay ng kalalakihan.

Sa kabilang banda, ang nasabing machismo culture ay maaaring magdulot ng mga


negatibong implikasyon. Ang pagsasabuhay ng mga katangian, kaugalian at papel upang maging
isang tunay na lalaki ay naging kritikal na sa buhay ng isang lalaking nabibilang sa isang kulturang
macho tulad ng sa atin. Ang lalaking ito ay makararanas ng pang-aapi sa ilalim ng konsepto ng
subordinated masculinity. Kung gayon man ang sitwasyon, ang hindi pagsunod sa nasabing
kultura ay maaaring magdulot ng “stigma” sa bahagi ng mga kalalakihan. Sa kontekstong ito, ang
stigma, na tumutukoy sa isang katangiang taglay ng isang indibdwal na nagsasanhi ng malawakang
“social disapproval” o hindi pagsang-ayon mula sa lipunan.
Narito rin ang malaking ekspektasyon, ng mga tao lalo na sa panig ng mga lalaki, bilang
“provider” sa kani-kanilang mga pamilya. Isang porma ng kontradiksyon ang nararanasan ng mga
kalalakihang ito sa pagitan ng pagtalima sa kulturang machismo at sa aksyong inaasahan ng
kilusang peminismo. Malinaw na makikita rito ang isang manipestasyon ng pang-aaping
nararanasan ng isang lalaki, bunga ng subordinated masculinity, kung saan ang mga pamantayang
itinakda ng kulturang machismo dito sa Pilipinas, kung hindi matalima, ay nagiging sanhi ng pang-
aapi sa bahagi ng lalaki. Kaugnay nito, ang hindi makaganap sa mga papel at tungkuling
kadalasang iniaatang sa mga kalalakihan sa ating lipunan ay nagiging dahilan upang sila ay maapi
at maging bulnerable sa abuso.

Ang pagtutuunan ng Konseptong Papel na ito ay nais malaman ng mananaliksik ang mga
epekto ng machismo sa kalalakihan. Nais din malaman ang kanilang karanasan patungkol dito.
Malaman ang kani-kanilang pananaw patungkol sa kulturang machismo at higit sa lahat
makatulong sa mga kalalakihan na nakakaranas ng pang-aapi o pangungutya.

Layunin

Nilalayon ng papel na ito na,

Malaman ang mga persepsyon o ideya patungkol sa kahulugan ng pagiging lalaki

Malaman ang mga mabilisang panghuhusga/ “stereotype” na nararanasan ng kalalakihan


patungkol sa machismo

Malaman ang mga epekto ng mabilisang panghusga/”stereotype” na ito sa pang araw-araw na


buhay

Metodolohiya

Magsasagawa at magbibigay ng talatanungan ang mananaliksik patungkol sa kultura ng


machismo sa mga kalalakihan ng Valenzuela City. Magkakaroon din ng panayam sa bawat
tagatugon tungkol sa kanilang karanasan patungkol sa nasabing konsepto at kung ano ang ginawa
nilang aksyon tungkol dito. Sa pamamagitan ng talatanungan na ito ay inaasahan na maimulat ang
mga mata at isipan ng mga tao sa kung ano ang nagiging epekto ng machismo sa mga mga
kalalakihan.
Inaasahang Bunga

Ang papel na ito ay inaasahang maging daan upang maparating sa mga nakararami ang
nagiging epekto sa mga kalalakihan ng ideyang machismo. Inaasahan ng mananaliksik na
makatutulong ito sa mga kalalakihan na hinuhusgahan ang kanyang pagkalalaki at upang maimulat
ang mga tao sa masamang epekto nito sa isipan ng bawat kalalakihang nakararanas nito. Bilang
karagdagan, inaasam ng mananaliksik na mabago ang pananaw ng mga tao patungkol sa kung ano
ang talagang kahalugan ng pagkalalaki.

Sanggunian

College of Arts and Sciences. (n.d.). Si Diego Man Ay Api Rin. Retrieved January 16, 2021, from
http://cas.upm.edu.ph/

Valenciano, Marilyn, "A Grounded Theory Approach to Exploring the Impact of Machismo on
Second-Generation Latina Women's Identity Formation" (2014). Doctorate in Social Work
(DSW) Dissertations. 58. https://repository.upenn.edu/edissertations_sp2/58

Naraval, C. A. (2008, March 08). Filipino Masculinity [PPT].


Pangalan(opsyunal): ___________________ Petsa: ________________________

Kasarian: ___ Lalaki ___ Babae Edad: ________________________

Tirahan: _____________________________ Numero(opsyunal): _____________

Pangkat na kinabibilangan (mag-aaral, tambay, may hanapbuhay at iba pa):____________

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga sumusunod:

TALATANUNGAN:

1. Ano ang iyong ideya patungkol sa kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging
lalaki?___________________________________________________________.
2. Sa tingin mo ba umiiral pa din ang konsepto ng machismo sa kasalukuyang panahon?
(Machismo - kaisipan na ang lalaki ay dapat malakas, kayang magprotekta sa iba, maginoo,
hindi umaasa sa iba, hindi nagpapakita ng kahinaan (hal. pag-iyak), hindi nagsusuot ng
mga damit na maiiuugnay sa kababaihan (hal. pink) etc.)
____________________________________________________.
3. May karanasan ka ba patungkol sa konsepto ng machismo?
____MERON ____WALA

Kung sagot mo ay meron, ito ba ay nangyari sa mga sumusunod na lugar:

a. Tahanan____OO ____HINDI,
Kung oo, maari mo bang ilahad ang iyong karanasan_________________.
b. Paaralan ____OO _____HINDI,
Kung oo, maari mo bang ilahad ang iyong karanasan_________________.
c. Opisina ____OO ____HINDI,
Kung oo, maari mo bang ilahad ang iyong karanasan_________________.
d. Pampublikong lugar (transportasyon, pamilihan, etc.) ____OO ____HINDI
Kung oo, maari mo bang ilahad ang iyong karanasan__________________

4. Anong aksyon ang ginawa mo patungkol dito sa karanasan na ito?____________


5. Ano ang naging epekto nito sa iyo?_____________________________________

You might also like