You are on page 1of 11

Journal of Literature

Educators Association of the


Philippines, Inc.
ARTICLE

Doble-Kara: Araling Kasarian sa mga Piling Pelikula ng


Nagpapalitang Gampanin ng Babae at Lalaki
Jason F. Pozon*
University of the Philippines - Los Baños

Holden Kenneth G. Alcazaren


University of the Philippines - Diliman

Abstract. Sa pagkakamit ng isang inklusibong lipunan, napakahalagang kilalanin at


tanggapin ang mga posibilidad ng pagpapalitang gampanin ng kababaihan at kalalakihan
upang malayang makalahok sa mga gawaing domestiko, ekonomiko, at panlipunan. Sa
ganitong tunguhin naipapamalas ang tungkulin ng mga napapanood na pelikula bilang
bahagi ng mass media at sining-biswal. Sinuri sa pamamagitan ng content analysis
approach sa disenyong palarawan ang limang pelikulang Pilipino sa kontemporanyong
panahon: Abakada. Ina; Bata Bata Pa’no ka Ginawa?; Mila; Sa Pusod ng Dagat, at My
House Husband, Ikaw na! na naglalahad ng mga posibilidad ng nagpapalitang gampanin
ng babae at lalaki. Inilapat ng mga mananaliksik ang Gender Role Theory at Gender
Stratification Theory upang mapatunayan ang halaga nito sa hinihingi ng panahon.
Lumitaw sa pag-aaral na ang nagpapalitang gampanin ng babae at lalaki sa mga piling
pelikula ay itinutulak ng aspektong pang-eknomiya na hindi saklaw ng personal na
pagpili ng yayakaping kasarian. Dagdag pa, isa sa mga sanhi ng pagpapalitan ng
gampanin ng babae at lalaki sa pelikula ang pagpupuno sa kakulangan ng bawat isa na
may implikasyon sa pagpapamilya at partisipasyon sa mga panlipunang gawain.
Masasabing ang pagpapalitan ng gampanin ay isang mahalagang aspekto ng lipunan sa
kasalukuyan at kung may mga suliranin man itong kaakibat, ito ay maaaring
masulosyunan kung mawawala ang pagtatakda ng mga kumbensyonal na pagtingin at
yayakapin ang mga bagong trend o moda na magpapakita ng kahusayan ng bawat
indibidwal. Pagsasatinig ang mga pag-aaral na tulad nito sa pagtuturo, pagtataguyod, at
pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.

Keywords. Araling kasarian, pelikulang Pilipino, content analysis approach, gender


stratification theory, gender role theory.

Kung uugatin ang ating kasaysayan bago pa dumating ang mga Kastila, may mahalagang gampanin noon
ang kababaihan sa lipunan (Brewer, 1999; Drum, 2001). Sa panahong pre-kolonyal, may pantay na kahalagahan at
silbi sa lipunan ang kababaihan na nakatatanggap ng matataas na posisyon sa kumunidad. Ang kababaihan ay maaari
ding maging mangagamot, tagapayo, pinuno, at mandirigma (Salvalaeon, 2019). Mayroon ding tradisyon ng
pantay na paghahati ng gawain bilang lalaki at babae sa katutubong kultura. Maging ang mga mito na pinagmulan
ng ating lahi ay nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (Tepace, 1999). Ngunit noong panahon ng
pananakop ng Kastila ay nagsimula nang bumulusok ang katayuan ng kababaihan at umangat ang estado ng
kalalakihan sa lipunan na hanggang sa ngayon ay minana at naging nakasanayang pantayan. Maliwanag na ang
kolonyalisasyon sa bansa ang nag-alis sa kababaihang Pilipino mula sa mataas na pedestal ng lipunan, nagkaroon
ng pagkiling sa pagtingin na lalaki lamang ang dapat magtrabaho habang ang babae ay nasa bahay lamang (Perez,
2013).
Sa kasalukuyan, mapapansin natin na isang mahalagang isyu o usapin ang pagpapalitan ng gampanin ng
babae at lalaki sa loob at labas ng pamamahay (Eisend, 2019; Makita, 2010). Sa lahat ng aspekto, kapansin-pansin
na ang mga trabahong pambabae at trabahong panlalaki ay nagpapalitan na rin (hal., Scott Carter et al., 2009;
Scott, 2008). Sa patuloy na paglawak ng rebolusyong teknolohikal, binabago nito ang nakagawian at
kumbensyonal na espasyo sa paggawa at iba’t ibang aspekto ng pamumuhay (Hirschi, 2018). Ipinagpapalagay na
sa bawat pagbabago ng isang trabaho, inaasahan na may mga set ng kasanayan na kailangang umangkop. Bilang
resulta, ang digitalisasyon at mabilis na pagpasok ng teknolohiya sa lugar-paggawa ay nagpapawala at
nagpapabago sa ‘gender

DALIN Journal, 1(2), 25-34 www.leapphil.org/dalin-journal


*Corresponding Author: jfpozon@up.edu.ph
DALIN Journal 1(2)

dualism’ and ‘gender inequalities’ (Kohlrausch & Weber, 2021) na kaugnay sa mga isyu sa kabuhayan lalo na ang
sahurang paggawa. Sa pagpasok ng bagong milenyo, makikita na mas nakatuon ang lipunan sa makabagong babae
at lalaki na nakatatamasa ng pantay na karapatan, nakagagawa ng mga trabahong ‘di na lamang nakatalaga sa
isang partikular na kasarian, nakapagtataguyod ng pamilya, nakaiimpluwensya sa istruktural na konteksto ng isang
komunidad, at naiaangat ang antas ng pagiging superyor sa kasalungat na kasarian.
Ayon kay Tolentino (2000), larangan ng kamalayang panlipunan ang kultura na nagsisiwalat ng kaisipan
at nagpapakilos sa mga taong kinasasapian nito. Ang teksto, tulad ng anomang bagay na nakasulat, nakikita at
namamalayan, ay sabjek sa iba’t ibang interpretasyon at iba’t ibang pagpapakahulugang panlipunan. Ito ang
lumilikha sa mga karakter o tauhan bilang nilalaman ng teksto, mga paksan ng tunggalian na nilalahukan ng mga
manonood at prodyuser (De Cock & Land, 2005; Śliwa et al., 2013). Bahagi ito ng kasaysayan dahil may mga
tiyak na kaganapan na naghirang sa iba’t ibang uri ng tauhan (bida) para maging icon o sentral na imahen na may
mas tiyak na kahulugan (Achugar & Schleppegrell, 2016; Clark, 2004).
Kasabay ng paglipas ng panahon ang pagbabagong bihis ng mga likhang-sining tulad ng pelikula (hal.,
Campoamor, 2009; Catalan, 2010; Cutting et al., 2011), kalakip ang pagpapalit ng kontekstong pangnilalaman at
maging ang ebolusyon ng makabagong likhang katauhan ng mga kontemporanyong akdang pampanitikan.
Sinasabing ang ganda at bisa ng isang katha ay nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay-buhay sa mga karakter
na nilikha ng mga manunulat na nag-iiwan ng kakintalan at impresyong hindi malilimutan ng mga manonood. Sa
pag-aaral ni Jocson (2020) ng mga kathang naiathala ng mga kababaihang manunulat, makikita na ang kanilang
mga retorika, kamalayan at pakikibaka bilang babae ang bumubuo ng makabagong kolektibong danas. Ang
pinagsama-samang karanasan na ito ang nagpapakita ng isang malakas na pagpoposisyon at paninindigan ng
kababaihan laban sa pagkakahon o istereotipikal na pagdidikta at marginalisasyon ng kababaihan upang makalaya
mula sa patriyarkal na mundo. Tulad din ng nasabing ideya ng mga akdang sinulat ng kababaihan, inilalarawan ng
panitikan sa mga kathang akda ang pagpapakita ng ‘gay identity’ ng mga pilipinong manunulat. Samakatuwid,
nagiging bukas at inklusibo ang panulat ng kasalukuyang henerasyon ng panitikang Pilipino. Halimbawa, sa papel
na isinulat ni Wright (2017), ang mga akdang The Chamber of the Sea, The Doll at The Husband ay mga
konkretong representasyon ng mga kwento at pakikibaka ng mga homosekswal na Pilipino. Ipinapakita ng mga
akdang ito ang mga isyung ukol sa pamilya at lipunan ng mga karakter na bakla, na tulad ng kababaihan, na
sumasalamin sa makatotohanang karanasan at suliraning kinakaharap ng mga queer na indibidwal. Hindi lamang
sa mga limbag na akda o anyo ng panitikan makikita ang paglaban at pagsalungat sa nakasanayan, maging sa
pinilakang tabing din o pelikula. Gayunpaman, nabibilang lamang sa mga daliri ang mga pelikulang masasabing
kakikitaan ng pagpapalitan ng gampanin ng mga babae at lalaki (hal., Burton-Carvajal, 1992; Wiersman, 2000),
lalo na sa konteksto ng pelikulang Pilipino (hal., Velasco, 2005).
Larawan ng isang panahong kontemporanyo ang mga pelikulang pinili at sinuri. Maituturing na
bumabalikwas ang mga ito sa nakasanayan. Inilarawan ng mga mananaliksik ang mga katangiang taglay ng isang
tradisyonal na gampanin ng lalaki at babae sa loob at labas ng kanilang tahanan at kung paano nagkaroon ng
pagbabago sa kanilang pagkatao, mga pagbabagong dulot ng suliranin sa lipunang kinabibilangan. Nailarawan
nang buong ingat ang pakikipagtunggali ng parehong kasarian sa karahasan ng buhay, sa sarili, sa pamilya at
maging sa lipunan. Dito na papasok ang pagpapalitang gampanin ng kababaihan at kalalakihan sa mga piling
pelikula bilang isang anyo ng panitikan. Isinasabuhay ng mga pelikula ang mga karanasan ng mga tauhan na
sumasalamin sa realidad ng mga manonood na nagbibigay daan para sa mas mapanuring kaisipan ng sarili at
lipunan. Ang panitikan ay salamin ng kondisyon ng tao na tumutulong sa mga mambabasa o manonood na
magsuri, at maging kritikal upang mas mabuksan ang mga posibilidad tungo sa isang ingklusibong lipunan.

Teoretikal na Balangkas
Ang papel-pananaliksik na ito ay binabalangkas ng dalawang pangunahing mga teorya na magkakaugnay
upang mas malinaw na mailatag ang konsepto, pananaw, at halagahan ng mga nagpapalitang gampanin ng
kasarian sa mga piling pelikula: ang Gender Role Theory ni Gilbert Herdt (2020), at Gender Stratification Theory
ni Rae Lesser Blumberg (1984).
Batay sa Gender Role Theory, sinasabing ang lalaki at babae ay natuto ng wastong gawi at pag-uugali
mula sa kanyang pamilya, kulturang kinagisnan at pagkakaibang pangkasarian na produkto ng pakikipagkapwa.
Ipinaliwanag ni Herdt (2020) na ang pagkatuto ng kababaihan at kalalakihan ay nagmumula sa kulturang kinalakhan
at kinagawiang kaugaliang pampamilya. Ang kababaihan ay kadalasang pinapayagan nang gumawa ng mga

2
Pozon & Alcazaren Doble-Kara: Araling Kasarian sa mga Piling Pelikula ng Nagpapalitang Gampanin ng Babae at

gawaing panglalaki at vice-versa. Mapapansin sa pananaw ni Herdt na ang mga katangiang nagsasalungatan ng
babae at lalaki ay bunga ng pakikipagkapwa o pakikihalubilo nila sa mga tao o bagay na nakapaligid sa kanila.
Kung ang naunang teorya ay nakasandig sa mga ginagampanang tungkulin at sosyalisasyon sa
pamayanan, ang Gender Stratification Theory ni Blumberg (1984) ay nakabatay sa mga konsepto ng mga
posibleng pagpapalitang gampanin na ang nakaiimpluwensya ay ang kabuhayan o ‘economics’. Binigyang diin
niya ang mga ambag at kapangyarihang maaaring naglalarawan sa kalagayang ekonomikal ng mga babae. Ayon pa
sa kanya, kung mas malaki ang impluwensya ng mga kababaihan sa ekonomiya, mas higit ang bahagdan na mag-
iba ang pagtingin ng mga kalalakihan sa tungkuling ginagampanan ng mga babae. Pinagbatayan ng paniniwalang
ito ang malawak na kaalaman sa iba’t ibang uri ng lipunan, mula sa kultural at sistemang pang-agraryo hanggang
sa industriyal na aspekto nito.

Mga Layunin
Mahalaga ang ginagampanan ng pagsusuri ng mga akda/pelikula na magagamit sa pagpapaunlad sa
kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa gampanin ng babae at lalaki sa pabago-bagong bihis ng lipunang
ginagalawan. Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang nagpapalitang gampanin ng babae at lalaki sa mga piling
pelikula ayon sa umiiral na sitwasyon sa kasalukuyang konteksto:
1. Maisa-isa ang gampanin ng babae at lalaki na nagpapalitan sa mga pelikulang sinusuri.
2. Mailahad ang mga makatotohanang danas sa bawat pelikula na nagbibigay-diin sa mga suliranin at
isyung pangkasarian na sumasalamin sa lipunang Pilipino.
3. Matukoy ang sanhi at implikasyon ng nagpapalitang gampaning pangkasarian ng mga tauhan mula
sa mga piling pelikula.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Kadalasang nakabatay sa mga de-kahong pagtingin ang representasyon ng masculinity at feminity sa mga
imahe ng pagkalalaki at pagkababae sa kulturang popular na resulta ng mga nakasanayan na nag-uugat sa tradisyonal
na pagtingin sa kasarian (Fischer, 2010). Paliwanag ni Bradley (2007), ang batayan ng kasarian ay isang ‘social
construct’ na inangkop sa mga kahulugan ng isang kultura at mga nakagawiang idinidikta ng lipunan na kung saan
nakatalaga na ang isang indibidwal. Ayon kay Butler (1991), panlipunang kalakaran o dikta ng ideyal na lalaki at
babae ang kasarian. Isang malaking aspekto na nakaiimpluwensya sa pagpapalawig ng ganitong kaisipan ang mass
media (hal., balita, telebisyon, pelikula). Namamagitan at nagpapalawak sa mga nakagisnang pamantayan at asal
ang mass media, kasama na ang mga binubuong papel ng isang indibidwal sa kanyang lipunan (Donnerstein &
Smith, 2001). Sa kontemporanyong lipunan, may kakayahan na ang parehong kasarian na magdesisyon para sa
kanilang sarili na kung saan ipinapakita ang pagbalikwas ng panahon sa mga lumang pananaw at disposisyon ng
bawat kasarian na nagsilbing sagka sa kalayaan. Ayon kay Farrell (1974), naniniwala siya na ang bagong imahen
ng babae at lalaki ay malaya sa mga de-kahong papel na kung saan ang liberasyon ng babae ay liberasyon din ng
lalaki. Gayunpaman, ang ganitong pananaw ay hindi pa rin nailalarawan sa maraming aspekto ng mass media na
tradisyonal pa rin na nagpapapakita ng pagiging babae at pagiging lalaki. Halimbawa, tradisyonal pa rin ang
paglalarawan sa mass media ng pisikal na katangian ng isang tao — payat at perpekto ang babae, at macho at
brusko naman ang lalaki (Signorielli, 2001). Bukod doon, madalas maipakita ang trabaho ng kababaihan na
nakahanay sa pag-aalaga (hal., nurses, nanay) o sa mababang antas na posisyon (hal., secretary, katulong)
(Signorielli & Bacue, 1999; Kite, 2001). Sa mga pagbabago ng midya sa paglipas ng panahon, may malawakang
pagbabagong-bihis ang pagsasabuhay sa mga gampanin ng kasarian na naidokumento at nasinop sa mga
naisagawang pag-aaral.
Sa pag-aaral nina England, Descartes at Collier-Meek (2011) ng gampanin ng mga prinsesa at prinsipe ng
Disney, naipakita na kahit na mayroon pa ring mga temang tradisyonal na nagpapakita ng istereotipikal na
paglalarawan sa babae at lalaki, nagbabago na ang mga katangian ng mga karakter na nagreresulta sa mala-
’androgynous’ na paglalarawan. Natuklasan naman ni Steinke (2005) ang paglaganap ng mga pelikula na
naglalarawan ng mga kababaihang nagtatrabaho sa industriya ng agham, inhinyeriya at teknolohiya na kung saan
humahawak na sila ng mga matataas na posisyon at nagpapamalas ng talino at ambisyon. Sa pagsusuri ni
Yasmeeh (1991) sa mga tauhang babae sa apat na akda ni Hemingway, natuklasan ang makatotohanang
paglalarawan ng babae at ang dahang-dahang pagbabago sa mga tauhang babae at lalaki sa mga akda na
nagpapahihiwatig sa pagtutol sa de-kahong paglalarawan sa lalaki bilang dominante at tagasuporta, at ang babae
bilang masunurin at mahina. Sa analisis nina Furia at Bielby (2009) ng mga pelikulang naglalarawan ng
kababaihan sa militar, binibigyang diin ng
2
DALIN Journal 1(2)

resulta ang mga kwento ng pakikibaka ng mga kababaihan na ihiwalay ang sarili sa mga tradisyonal na
pambabaeng gampanin sa mga institusyong nangingibabaw ang lalaki.
Sa konteksto ng pelikulang Pilipino, ang papel ni Velasco (2005) ang nagsuri ng kontemporanyong
paglalarawan sa lalaki at babae, binanggit niya ang pagkakaroon ng ‘feminization’ ng pagiging macho at ng
‘masculinization’ ng mga dalagang Filipina. Natuklasan niya kung paano hinahamon ng mga tema (hal., istorya
ng mga inang OFW o migrant workers) ng pelikulang Pilipino ang tradisyonal na pananaw sa sekswalidad at
gampaning kasarian sa lipunan. Ang papel ni Gutierrez (2009) ay sumuri din sa gampaning kababaihan ukol sa
paglalarawan ng mga ina sa mga pelikula ni Lino Brocka. Binabanggit ng papel kung paano binigyang buhay at
kasaysayan ni Brocka ang mga inang karakter sa pelikula na hindi lamang nakakahon sa kanyang gampanin sa
pamilya o bilang asawa. Ayon kay Duâ̛n (1994), ang isang sosyalistang babae ay hindi lamang nakakulong sa
pagiging ina at asawa. Sa bawat lipunan, ang isang babae ay mamamayan din. May responsibilidad at pagtawag sa
kanila na maglingkod at mamuno rin sa mga kilusang panlipunan at pagtataguyod ng pambansang pag-unlad sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing pampolitika, ekonomikal at sosyo-kultural. Sa pag-aaral ni
Andes (2010) ng mga mainstream na pelikula, inilatag ng kanyang papel ang pamamaraan ng mga pelikulang
Pilipino na salungatin ang mga nakasanayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng bagong hugis at larawan ng mga
tipikal na machong pagpapakete sa mga tauhang lalaki.

Metodolohiya
Gamit ang ‘content analysis approach’, ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay binalangkas
at isinaayos ayon sa disenyong palarawang pamaraan o deskriptib na pananaliksik tulad ng ibang pagsusuri sa
mga pelikula (hal., England et al., 2011; Towbin et al., 2004). Habang nakabatay sa mga naipaliwanag na teorya,
ang analisis ay naisagawa sa mapanuring pagdulog ng ‘coding’ na nagpalutang ng mga tema ukol sa pagpapalit ng
gampanin sa mga piling pelikula. Nagkaroon muna ng panimulang ‘coding’ ang unang mananaliksik sa kanyang
unang panonood ng pelikula na pinatunayan at isinaayos ng kasamang mananaliksik. Pagkatapos ng panimulang
‘coding’, pinaghambing at pinagtapat-tapat ang bawat ‘codes’ para makagawa ng mga tema at argumento na
sasagot sa layunin ng pag-aaral.
Napili ang mga pelikulang nagpapakita ng pagpapalit gampanin ng kababaihan at kalalakihan ayon sa
mga sumusunod na batayan: a) Nagpapakita ng pagpapalitan ng gampanin ng lalaki at babae sa iba’t ibang
konteksto o aspekto; b) Ang pelikula ay naipalabas o naisulat sa loob ng kontemporanyong panahon; c)
Nagmumulat sa kamalayan ng mga manunuod hinggil sa changing gender roles ayon sa tatlong bisang
pampanitikan (Pangkaisipan, Pandamdamin at Saykomotor); at d) Nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng
dalawang kasarian o Promoting Gender Equality. Ang mga piling pelikulang pasok sa paksang tinatalakay ay:
Abakada Ina (2001), Bata Bata Pa’no Ka Ginawa? (1998), Mila (2001), My House Husband, Ikaw na! (2011) at
Sa Pusod ng Dagat (1998).

Presentasyon ng mga Pagsusuri at Resulta


Tinatalakay sa bahaging ito ang pagsusuri at paglalahad ng limang (5) piling pelikula na nagpapakita ng
mga nagpapalitang gampanin ng mga kababaihan at kalalakihan. Sinuri kung paano inilarawan at ipinakita ang
manipestasyon ng mga kasariang nagpapalitang gampanin upang mapataas ang kamalayan ng lipunan sa
pagbabago at radikal na paglikha ng indibidwal sa kanyang katauhan sa kasalukuyan.

Abakada...Ina
Ang daloy ng kuwento sa pelikulang ito ay nagsimula sa pagkakaroon ng parehong hanapbuhay
ng dalawang pangunahing tauhan na sina Estella at Daniel. Sa kwento, masasabing nagpalitan ng gampanin
noong ang pangunahing tauhan na babae na ang naghahanapbuhay at ang lalaki ay nanatili na lamang sa
loob ng tahanan habang nasa panig siya ng kanyang ina. Sa pelikulang ito ang asawang lalaki na si
Daniel ay nakapagtapos ng pag-aaral sa kursong marino ngunit hindi nakapasa sa test sa pagiging kapitan
kaya kinailangang umuwi ng kanilang probinsya at manatili na lamang sa bahay. Samantalang si Estella
na kanyang asawa ay kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral, nakatulong siya sa paghahanapbuhay sa
paraang pagtitinda ng suman. Dulot ng pagkawala ng trabaho ni Daniel ay kay Estella na ito umaasa.
Makikita sa pelikulang ito na mula sa realidad ng buhay ang konteksto ng pagkakataong pareho
ang mag-asawang lalaki at babae ang nagtatrabaho subalit dumarating din sa puntong hindi maiiwasan
ang pagpapalitan ng gampaning kasarian. Sa halip na ang karaniwang naghahanapbuhay ay lalaki,

2
Pozon & Alcazaren Doble-Kara: Araling Kasarian sa mga Piling Pelikula ng Nagpapalitang Gampanin ng Babae at

sinusuportahan ng pelikulang ito ang kakayahan ng babae na magtaguyod ng pamilya kahit na mababa
lang ang nakamit niyang edukasyon. Kaugnay nito, may kritisismo ang pelikula sa kawalan ng
pagkakapantay-pantay sa edukasyon ng kababaihan na bunga ng kumbensyunal at patriyarkal na
pagtingin sa mga babae bilang pantahanan lamang. Ipinauunawa ng kwento na ang akses sa edukasyon
ay bahagi ng mga demokratikong karapatan, hindi lamang para sa kalalakihan kundi pati na rin sa mga
kababaihan at malaya sa anomang anyo ng diskriminasyon.

Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa?


Ang kwentong ito ay nagpapakita ng isang di pangkaraniwang gawi ng isang babae at lalaki.
Ang mga pangunahing tauhan sa kwentong ito ay sina: Lea, ang babaeng may dalawang anak sa
magkaibang asawa; Raffy, unang asawa ni Lea; at si Ding ang pangalawang asawa ni Lea ngunit di legal.
Sa kwentong ito makikita ang nagpapalitang gampanin ng babae at lalaki kung saan si Lea ang
naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya, at si Ding ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Naipakita
rin sa kwentong ito ang isang gawi na karaniwang nakaugnay na isyu sa mga lalaki — ang pagtataksil sa
asawa, na ayon sa kuwento, si Lea ang nangaliwa kay Raffy na kanyang asawa.
Ipinakita sa pelikulang ito kung paano naging pantay sa mata ng tao ang katayuan ni Lea na
gumaganap sa dalawang tungkulin ng magkaibang kasarian. Sa aspektong identidad bilang isang ina at
mamamayan, sinikap ni Lea ipakilala ang sarili niya bilang ‘natay’ o tumatayong nanay at tatay sa loob
ng kanilang tahanan, at aktibista na lumalaban para sa karapatang pantao. Nakapagpapabukas sa isipan at
nagkapagmumulat sa tunay na nangyayari sa pamilyang Pilipino at sa ‘di mapasusubaliang nangyayari sa
pagitan ng babae at lalaki ang pelikulang ito. Ipinakikita ng naratibong ito ang mga pagbabagong-anyo at
mga mabilis na pag-angkop ng kababaihan sa hinihingi ng panahon at pagkakataon, na maging sila ay
may posibilidad na magkamali at magtaksil sa kanilang mga asawa habang kinikilala ang sarili bilang ina
at babaeng may posisyon sa lipunan. Ipinapakita nito na ang mga tao ay hindi na nakakulong sa
kumbensyunal na pagsasalarawan ng lipunan. Gumagalaw na ang bawat indibidwal sa kilos na nais
nilang gawin. Kung gayon sa kasalukuyan, hindi na pamantayan ang kasarian; at hindi na rin sukatan ang
lakas.

Mila
Makikita ang nagpapalitang gampanin ng lalaki at babae sa pelikulang Mila na kung saan ang
pangunahing babaeng tauhan na si Mila ang siyang bumubuhay sa kanila ng kanyang naging una at
pangalawang lalaking kinakasama, na imbes na ang lalaki ang dapat na magtrabaho para sa kanila.
Tuwirang ipinakita ng pelikula ang pagpapalitang gampanin ng babae at lalaki sa pamamagitan ng
eksena na kung saan ang pangunahing babaeng tauhan ay nagtatrabaho bilang isang guro habang
nakikilahok sa pakikibaka para sa karapatan ng mga guro sa makatao at nakabubuhay na pagpapasahod.
Naipasilip din ng pelikula ang pagsandig ang mga lalaking karakter na naging bahagi ng buhay ni Mila sa
lakas ng isang babae upang masustentuhan ang kanilang mga bisyo (sugal at droga).
Isa sa pinakamalaking salik ng pagpapalitang gampanin sa pelikula ang antas ng edukasyong
natamo ng bawat isa. Mas naging dominante ang papel ng babae sa lalaki dahil sa ito ang may mas
mataas na tinapos. Samantala, dito ipinakita ang kahinaan ng lalaki na umaasa lamang sa pinansyal na
suporta ng mga babae sa kanila, isang larawan ng negatibo at mahinang karakter ng mga lalaki, isang
sugarol at ang isa namang lulong sa droga, mga itinuturing na pabigat sa pamilya at maging sa lipunan.
Sa kabilang dako, makikita kung paano ang naging reaksiyon ng mga kababaihan sa isyu ng
pakikipaghiwalay, kung noon ang mga babae ang takot na maiwan ng kanilang mga asawa, sa kwento
namang ito, mas binigyan ng pagkakataon na lumaban at manindigan sa kanyang mga desisyon si Mila,
babaeng palaban at tumatayo sa kanyang sariling mga paa. Lutang na lutang sa pelikulang ito ang mga
sosyalistang kababaihan na yumayakap at nakikibagay sa modernong takbo ng buhay. Maipapakita ang
pagkakapantay-pantay sa karapatan at kapangyarihan ng babae at lalaki sa aspekto ng pagdedesisyon.
Ang nakasanayang pagyakap at pagtanggap sa katotohanang mas may karapatan ang lalaki sa
pagdedesisyon ng isang pamilya o pagsasama ay tuluyang binasag at binago ng pelikulang ito. Inilarawan
si Mila bilang isang babaeng hindi lamang maituturing na nag-aalaga at sumusuporta sa kanyang
kinakasama, kundi isang babaeng may mas mataas na kakayahang magtaguyod ng isang pamilya habang
pinoprotektahan ang kanyang mga demokratikong karapatan.

2
DALIN Journal 1(2)

My House Husband, Ikaw na!


Ang daloy ng pelikulang ito ay nagsimula sa parehas na may trabaho ang mag-asawang Mia at
Rod. Makikita ang pagpapalitan ng gampanin ng mga pangunahing tauhan noong nag-resign ang lalaki at
ang babae ang nagtrabaho. Habang ginagawa ng lalaki ang mga gawaing bahay ay naging kaibigan nito
ang isa sa kanyang mga kapit-bahay na si Aida na inakala ni Mia na pinagtataksilan siya ng kanyang
asawa habang nasa hanapbuhay siya. Inilahad sa pelikula na ang sanhi ng pagpapalitan ng gampanin ay
ang pagbibitiw ng lalaki sa trabaho, at ang paggawa ng paraan ni Mia upang may maipantawid sa
pamilya. Naging bunga naman ng pagpapalitang gampanin sa pelikula ng mag-asawa ay bumaba ang
tingin ng lalaki sa sarili niya at mas nawalan ng oras ang babae sa kanyang pamilya.
Naipapakita ng pelikulang ito na kayang buhayin ng mga babae ang pamilya nito; at makikita
rin na kaya rin ng lalaki ang iba’t ibang gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglilinis ng bahay at
pamimili. Masasabi rin na may pantay silang karapatan sa pagpapahayag ng mga saloobin at iba’t ibang
konseptong nagpapamalas ng katwiran at paninindigan. Salamin ang pelikulang ito na nagpapakita ng
mga sitwasyon na maaaring magpalit ang katangian ng babae at lalaki sa larangan ng tungkulin sa
pamilya na may pagpapahalaga pa rin sa posisyon at kapangyarihan ng bawat isa. Sa dakong huli ng
pelikula, ang pagpapalitan ng gampanin ay naging epektibo sa pagpapanday ng isang pamilyang matatag
at nagtutulungan.

Sa Pusod ng Dagat
Ang kuwentong ito ay nagpapakita ng pagpapamana ng ina ng kanyang tungkulin bilang isang
manghihilot sa kanyang kaisa-isang anak na lalaki, paggamit sa lalaki bilang ‘babymaker,’ at pagpapasa
sa isang lalaki ng sagradong gawaing pambabae, ang pagkukumadrona. Bilang nag-iisang anak, napilitan
si Pepito na gumawa ng mga gawain ng kanyang ina tulad ng panghihilot na tradisyon ng kanilang
pamilya na inaako ng anak na babae. Samantala, ginamit din siya bilang isang babymaker ng isang mag-
asawang hindi magkaanak. Dagdag pa, ang paghalili niya na isang lalaki sa tungkulin ng kanyang ina
bilang isang komadrona. Sa ganitong kalagayan, litaw na litaw ang kawalan ng pagpipilian ng ina na
ipamana ang mga nakagisnang gawaing pambabae sa kanyang nag-iisang anak na lalaki.
Ipinakita ng pelikula ang pagpapatunay ng isang lalaki na kaya rin niyang gawin ang ginagawa
ng isang babae, tulad ng pagpapaanak. Nagpapakita ito ng pagkakapantay ng lalaki at babae sa kasarian
sa usaping medikal. Sa kabila ng kanyang pagkalalaki ay naranasan din niya ang ‘paggamit’ sa kanya
bilang ‘babymaker’ na kadalasan na naiuugnay na tunggalian ng kababaihan sa loob o labas ng panitikan.
Manipestasyon ng pagkakapantay-pantay sa katayuang panlipunan at bahagi ng pamayanan ang
paggalang kay Pepito ng kanyang mga kababayan bilang pagkilala sa kanyang tungkulin sa kanilang
kumunidad. Isa ang pelikulang ito na nagtangkang imulat ang mga manonood sa lakas ng dalawang kasarian
na sumalungat sa mga idiniktang tungkulin ng lipunan sa bawat kasarian. Binubuksan din ng pelikulang
ito ang kaisipan ng mga manonood na ang pagkalalaki ay hindi nasusukat sa kanyang ari, kundi sa
kanyang paninindigan at pagyakap sa isang responsibilidad na sa tingin natin ay hindi angkop sa kanya.
Binibigyang-diin ng kuwento na ang pagpapalitan ng gampanin ay hindi nangangahulugan ng
pangmamaliit ng pagkalalaki o pagiging mahina ng isang lalaki.

Pagtalakay
Batay sa analisis ng mga mananaliksik, ang nagpapalitang gampanin ng babae at lalaki sa mga piling
pelikula ay itinutulak ng aspektong pang-eknomiya o pangkabuhayan na hindi saklaw ng personal na pagpili ng
yayakaping kasarian. Makikita ito sa paglalarawan ng pagpapalitang gampanin ng mga babae at lalaking karakter
sa pamamaraan ng pagiging breadwinner ng mga babae habang ang mga lalaki ang nasa bahay at nakaalalay sa
mga gawaing pambahay. Ang ‘female breadwinning’ ay kadalasang pampamilyang sitwasyon na kung saan ang
babae ang may mas higit na kita at ambag sa mga bayarin ng isang pamilya (Chesley, 2011; Cheung & Choi,
2013). Kabaligtaran ito ng tradisyonal na pamantayan na ang lalaki ang may mas malaking ambag sa pamilya; at
ang mga babae ay tumatayong tagasuporta lamang sa isang patriyarkal na pagtingin sa pamilya (Akanle et al.,
2018). Tulad sa mga pelikulang sinuri, sinasalamin ng mga ito ang kontemporanyong lipunan na nilalarawan ang
tipikal na kalagayan ang pagkakaroon ng isang babaeng breadwinner sa isang pamilya. Madalas na itong makita
sa konteksto ng Amerika (Solomon, 2014; Teachman, 2010) at unti-unti nang natatanggap sa iba’t ibang bahagi

3
Pozon & Alcazaren Doble-Kara: Araling Kasarian sa mga Piling Pelikula ng Nagpapalitang Gampanin ng Babae at
ng Asya (Dewi,

3
DALIN Journal 1(2)

2011; Dong & Li, 2007), lalo pa sa konteksto ng Pilipinas (Angeles & Hill, 2009; Elder, 2006). Kung babalikan
ang mga pelikulang Mila at My House Husband, Ikaw na!, ang kadalasang sanhi ng penomenang ito ay ang
modernisasyon ng lipunan na nagpapalawig ng edukasyon para sa kababaihan (Kandall, 2007) na makikita ang
mataas na estado ng edukasyon ng nakararaming babaeng karakter sa mga piling pelikula.
Hindi lamang pang-ekonomikal na aspekto ang nagdudulot ng pagpapalitang gampanin ng mga karakter,
isa sa mga sanhi ng pagpapalitan ng gampanin ng babae at lalaki sa pelikula ang pagpupuno sa kakulangan ng
bawat isa na may implikasyon sa pagpapamilya at partisipasyon sa mga panlipunang gawain. Ayon kina Pearse at
Connell (2015), ang mga nakagawiang pamantayan ay nagbabago sa maraming pamamaraan, tugon ito sa
malawakang pagbabagong sosyo-ekonomiko at bunsod din ng iba’t ibang ugnayan ng mga kasarian. Mainam na
pagnilayan ang pelikulang Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa? sa relasyong mag-asawa, ang ‘female breadwinning’ na
ipinaliwanag ni Munsch (2015) ay kaakibat ng pagkakaroon ng pagtataksil ng mag-asawa, at pagkakaroon ng
negatibong epekto ng pagpapamilya. Dahil sa pagkukulang ng lalaki sa pagbibigay sustento o suporta sa pamilya,
ang mga babae ang nagpupuno sa pagkukulang na ito sa pamamagitan ng pag-alis sa de-kahong depinisyon ng
pagiging isang ina na tipikal na nalilimitahan sa mga haligi ng tahanan. Sa makabagong sosyo-ekonomikal na pag-
unlad ng lipunan, ang paglutang ng mga ganitong katotohanan ng buhay at pagbabago ay humahamon at
sumasalungat sa hegemonyang kapangyarihan ng patriarkal na istraktura (Akanle & Nwaobiala, 2020).
Isa pang nakikitang sanhi ng pagpapalitang gampanin sa pelikulang Pilipino ang mas malawak na pagtingin
ng mga manunulat at filmmaker sa naratibo ng human condition na pinanggagalingan ng kababaihan na nagtutulak
sa kanila na gumampan ng mga gawaing labas sa de-kahong pananaw ng lipunan kaysa sa kanluraning mga
pelikula (hal., England et al., 2011; Furia & Bielby, 2009). Makikita sa bawat sinuring pelikula ang mga kwentong
nagpapakita ng mas kumplikado at mas malalim na pag-unawa sa mga isyu at problemang kinakaharap ng
kababaihan bilang isang ina, asawa at indibidwal ng kanyang lipunan. Ang mga naipakita ng pag-aaral na ito ay
katulad ng mga resulta ng ibang analisis ukol sa pelikulang Pilipino (hal., Gutierrez, 2009; Velasco, 2005).

Kongkulsyon
Batay sa mga natuklasan sa pag-aaral na isinagawa, maaaring magamit ang panitikan tulad ng mga
dulang pampelikula sa pagpapakita ng ilang katotohanan at pagmumulat sa mga manonood tungkol sa mga social
relevance o kamalayang panlipunan. Kasama rito ang pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian bilang behikulo
ng pagkilala at pagtanggap sa mga makabagong bihis ng babae at lalaki sa mga gampanin nito na hinihingi at
inilalarawan ng lipunan. Sa panahon ngayon, mas binibigyang diin na ang mga pamamaraan kung paano
maisasalba ang pang-araw- araw na pamumuhay sa halip na de-kahong tradisyon na itinatakda ng lipunan sa
bawat kasarian. Masasabing ang pagpapalitan ng gampanin ay isang mahalagang aspekto ng lipunan sa
kasalukuyan. Kung may mga suliranin man itong kaakibat, ito ay maaaring masulosyunan kung mawawala ang
pagtatakda ng mga kumbensyonal na pagtingin, at kung maluwag na yayakapin ang mga bagong trend o moda na
magpapakita ng kahusayan ng bawat indibidwal, maging kahit ano pa man ang kasarian nila. Ang ganap na
pagkamulat ng lipunan sa kalakasan ng babae at lalaki ay nangangailangan ng pagbubukas ng isipan, at
pagtanggap sa mga iba’t ibang paglalarawan sa pamamagitan ng panitikan gaya ng pelikula upang mapag-ibayo
ang kampanya at panawagan sa pantay na pagkilala at karapatan sa lahat ng kasarian.

Sanggunian
Achugar, M., & Schleppegrell, M. (2016). Reflection literacy and the teaching of history. In W. L. Bowcher & J. Yameng Liang
(Eds.) Society in language, language in society (pp. 357-378). Palgrave Macmillan.

Akanle, O., & Nwaobiala, U. R. (2020). Changing but fragile: Female breadwinning and family stability in Nigeria. Journal of
Asian and African Studies, 55(3), 398-411. https://doi.org/10.1177%2F0021909619880283

Akanle, O., Adesina, J. O., & Nwaobiala, U. R. (2018). Turbulent but I must endure in silence: Female breadwinners and survival
in Southwestern Nigeria. Journal of Asian and African Studies, 53(1), 98-114.
https://doi.org/10.1177%2F0021909616658913

Andes, S. R. M. (2010). A peek at the winners of the most gender-sensitive film award of the Metro Manila film festival.
Dalumat E-Journal, 1(2), 23-33.

3
Pozon & Alcazaren Doble-Kara: Araling Kasarian sa mga Piling Pelikula ng Nagpapalitang Gampanin ng Babae at

Angeles, L. C., & Hill, K. (2009). The gender dimension of the agrarian transition: women, men and livelihood diversification in
two peri-urban farming communities in the Philippines. Gender, Place and Culture, 16(5), 609-629.
https://doi.org/10.1080/09663690903148465

Blumberg, R. L. (1984). A general theory of gender stratification. Sociological theory, 23-101. https://doi.org/10.2307/223343

Bradley, H. (2007). Gender: Key concepts. Polity Press

Brewer, C. (1999). Baylan, asog, transvestism, and sodomy: gender, sexuality, and the sacred in early colonial Philippines.
Intersections: Gender, history and culture in the Asian context, 2, 1-5.

Burton-Carvajal, J. (1992). Introduction: Changing gender perspectives in Latin American film. Journal of Film and Video,
44(3/4), 3–7. http://www.jstor.org/stable/20687979

Butler, J. G. (Ed.). (1991). Star texts: Image and performance in film and television. Wayne State University Press.

Campoamor, G. A. (2009). Phases and faces in the Filipino war film images of the Japanese invader and the Filipino in
contemporary Philippine cinema. Philippine Studies, 57(1), 77–104. http://www.jstor.org/stable/42633989

Catalan, C. (2010). Reconstructing the Filipino homosexual: Landscapes of resistance, identity and the global in Filipino cinema.
Southeast Asia Research, 18(1), 67-104. https://doi.org/10.5367/000000010790959848

Chesley, N. (2011). Stay-at-home fathers and breadwinning mothers: Gender, couple dynamics, and social change. Gender &
Society, 25(5), 642-664. https://doi.org/10.1177%2F0891243211417433

Cheung, A. K. L. & Choi, S. Y. P. (2013). Economic insecurity and husband-to-wife physical assault in Hong Kong: The role of
husband’s power motive. In W. J. J. Yeung & M. T. Yap (Eds.) Economic Stress, human capital and families in Asia.
(pp.105–127). Springer.

Clark, E. A. (2004). History, theory, text: historians and the linguistic turn. Harvard University Press.

Cutting, J. E., Brunick, K. L., DeLong, J. E., Iricinschi, C., & Candan, A. (2011). Quicker, faster, darker: Changes in Hollywood
film over 75 years. i-Perception, 2(6), 569-576.

De Cock, C., & Land, C. (2006). Organization/literature: Exploring the seam. Organization Studies, 27(4), 517-535.
https://doi.org/10.1177%2F0170840605058234

Dewi, E. (2011). Changing perceptions of "good" mothering and family roles among Indonesian female domestic workers.
Journal of the Motherhood Initiative for Research and Community Involvement, 2(2). 208-225.
https://jarm.journals.yorku.ca/index.php/jarm/article/view/34546

Dong, M. C., & Li, S. Y. (2007). Conflict resolution in Chinese family purchase decisions: The impact of changing female roles
and marriage duration. International Journal of Conflict Management, 18(4), 308-324.
https://doi.org/10.1108/10444060710833441

Donnerstein, E. & Smith, S. (2001). Sex in the media. In D. G. Singer & J. L. Singer. Handbook of children and the media (pp.
289-307). Sage Publications.

Drum, M. T. (2001). Women, religion and social change in the Philippines: refractions of the past in urban Filipinas' religious
practices today. [Di nalathalang disertasyon]. Deakin University.

Duâ̛n, L. E. (1994). Role and task of the Vietnamese woman in the new revolutionary stage. The Gioi Publishers.

Eisend, M. (2019). Gender roles. Journal of Advertising, 48(1), 72-80. https://doi.org/10.1080/00913367.2019.1566103

Eder, J. F. (2006). Gender relations and household economic planning in the rural Philippines. Journal of Southeast Asian
Studies, 37(3), 397-413. https://doi.org/10.1017/S0022463406000701

England, D. E., Descartes, L., & Collier-Meek, M. A. (2011). Gender role portrayal and the Disney princesses. Sex roles, 64(7),
555-567. https://doi.org/10.1007/s11199-011-9930-7

Farrell, W. (1974). The liberated man: Beyond masculinity; freeing men and their relationships with women. Random House.

3
DALIN Journal 1(2)

Fischer, S. (2010). Powerful or pretty: A content analysis of gender images in children's animated films. [Di nalathalang Thesis],
Auburn University.

Furia, S. R., & Bielby, D. D. (2009). Bombshells on film: Women, military films, and hegemonic gender ideologies. Popular
Communication, 7(4), 208-224. https://doi.org/10.1080/15405700903046369

Gutierrez III, J. C. (2009). Images of the mother in Lino Brocka films: 1970-1991. Plaridel, 6(2), 113-132.

Herdt, G. (Ed.). (2020). Third sex, third gender: Beyond sexual dimorphism in culture and history. Princeton University Press.

Hirschi, A. (2018). The fourth industrial revolution: Issues and implications for career research and practice. The career
development quarterly, 66(3), 192-204. https://doi.org/10.1002/cdq.12142

Jimenez, M. C. C. (1981). Si Malakas at si Maganda: A definition of masculinity/femininity concept. [Di nalathalang


Disertasyon], Unibersidad ng Pilipinas.

Jocson, J. V. (2020). A Feminist Reading of Filipino Women Poets. Rupkatha Journal on Interdisciplinary Studies in
Humanities, 12(6). 1-12. https://dx.doi.org/10.21659/rupkatha.v12n6.23

Kandall, D. S. (2007). Sociology in our times. Cengage Learning.

Kite, M. E. (2001). Changing Time, changing gender roles: Who do we want women and men to be? In R. K. Unger (Ed.)
Handbook of the psychology of women and gender (pp. 215-227). John Wiley & Sons, Inc.

Kohlrausch, B., & Weber, L. (2021). Gender relations at the digitalised workplace: The interrelation between digitalisation,
gender, and work. Gender a výzkum/Gender and Research, 21(2), 13-31.

Makita, M. (2010). Gender roles and social policy in an ageing society. International Journal of Ageing and Later Life, 5(1), 77-
106.

Marcos, S. A. (1997). The gender question: The change image and status of woman as reflected in selected Chinese stories. [Di
nalathalang Thesis], Unibersidad ng Pilipinas.

Munsch, C. L. (2015). Her support, his support: Money, masculinity, and marital infidelity. American Sociological Review, 80(3),
469-495. https://doi.org/10.1177%2F0003122415579989

Pearse, R., & Connell, R. (2016). Gender norms and the economy: insights from social research. Feminist Economics, 22(1), 30-
53. https://doi.org/10.1080/13545701.2015.1078485

Perez. E. N. (2013). Philippine women’s role and gender equality. Retrieved from http://theologasiaph/philippine-women-role-
and-gender equality

Salvaleon, R. G. (2019). A comparative analysis of the women archetypes during the pre-colonial and colonial periods in the
Philippines. SDSSU multidisciplinary research journal, 7, 10-13. https://smrj.sdssu.edu.ph/

Scott, J. (2008). Changing gender role attitudes. In J. Scott, S. Dex & H. Joshi (Eds.) Women and employment: Changing lives
and new challenges, (pp. 156-178). Edward Elgar Publishing Limited. https://doi.org/10.4337/9781848442931.00014

Scott Carter, J., Corra, M., & Carter, S. K. (2009). The interaction of race and gender: Changing gender‐role attitudes, 1974–2006.
Social Science Quarterly, 90(1), 196-211. https://doi.org/10.1111/j.1540-6237.2009.00611.x

Signorielli, Nancy. (2001). Television’s gender role images and contribution to stereotyping. In D. G. Singer & J. L. Singer. (Eds.)
Handbook of children and the media (pp. 341-358). Sage Publications.

Signorielli, N., & Bacue, A. (1999). Recognition and respect: A content analysis of prime-time television characters across three
decades. Sex roles, 40(7), 527-544. https://doi.org/10.1023/A:1018883912900

Śliwa, M., Sørensen, B. M., & Cairns, G. (2015). ‘You have to choose a novel’: The biopolitics of critical management education.
Management Learning, 46(3), 243-259. https://doi.org/10.1177%2F1350507613500880

Solomon, C. R. (2014). 'After Months of It, You Just Want to Punch Someone in the Face': Stay-at-home fathers and masculine
Identities. Michigan Family Review, 18(1). http://dx.doi.org/10.3998/mfr.4919087.0018.103

3
Pozon & Alcazaren Doble-Kara: Araling Kasarian sa mga Piling Pelikula ng Nagpapalitang Gampanin ng Babae at

Steinke, J. (2005). Cultural representations of gender and science: Portrayals of female scientists and engineers in popular films.
Science communication, 27(1), 27-63. https://doi.org/10.1177%2F1075547005278610

Teachman, J. (2010). Wives’ economic resources and risk of divorce. Journal of Family Issues, 31(10), 1305-1323.
https://doi.org/10.1177%2F0192513X10370108

Tepace, A. I. (1999). Ang papel ng panitikan sa isyu ng pananakit sa mga asawang Pilipina. [Di nalathalang disertasyon],
Unibersidad ng Pilipinas.

Tolentino, R. B. (2000). Richard Gomez at ang mito ng pagkalalake, Sharon Cuneta at ang perpetwal na birhen at iba pang
sanaysay ukol sa bida sa pelikula bilang kultural na texto. Anvil Publishing Inc.

Towbin, M. A., Haddock, S. A., Zimmerman, T. S., Lund, L. K., & Tanner, L. R. (2004). Images of gender, race, age, and sexual
orientation in disney feature-length animatedfilms. Journal of Feminist Family Therapy, 15(4), 19-44.
https://doi.org/10.1300/J086v15n04_02

Velasco, J. (2005). Feminized' heroes and 'masculinized’ heroines: Changing gender roles in contemporary Philippine cinema?
Pilipinas: A Journal of Philippine Studies, (45), 44-52.

Villanueva, R. O., & Nadera, V. E. C. D. (2006). Ang aklat likhaan ng dula, 1997-2003: Kapangahasan bilang kaligtasan. UP
Press.

Wiersma, B. A. (2000). The gendered world of Disney: A content analysis of gender themes in full-length animated Disney
feature films. South Dakota State University.

Wright, C. Y. (2017). Skeletons in the closets: Gay themes in Philippine fictions in English. Rupkatha Journal on
Interdisciplinary Studies in Humanities, 9(2). 293-302. https://dx.doi.org/10.21659/rupkatha.v9n2.30

Yasmeen, S. (1991). The caring woman and their hostile male counterpart: A study of four Hemingway’s works. [Di nalathalang
Thesis], Ateneo de Manila University.

Jason F. Pozon is an Assistant Professor at the University of the Philippines Rural High
School, the laboratory high school of the University of the Philippines Los Baños, under
the College of Arts and Sciences. He teaches Panunuring Pampanitikan (Literary
Criticism) at Introduksyon sa Pagsasalin (Introduction to Translation). He graduated from
the Philippine Normal University, the National Center for Teacher Education, in 2014
with the following awards: Kapisanang Diwa at Panitik Leadership Award, Francisco
Balagtas Award, and Faculty Choice Award. He finished his Master of Arts in
Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) at the University of the Philippines-Diliman in
2021. He is a fellow at the UST National Writers’ Workshop 2022, 13th Palihang
Rogelio Sicat in UP Los Baños in 2019, Palihang Bienvenido Lumbera sa Salin of UP
Institute of Creative Writing in 2019, and 6th Cordillera Creative Writing Workshop in
UP Baguio in 2018. He published Creative Nonfictions at the Ani 41 of the Cultural
Center of the Philippines (‘Bruha’), Agos Literary Journal of the Sentro sa Wikang
Filipino (Center for Filipino Language)-UP Diliman (‘Kalapati’); and three journals of
the Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (National Association
of Filipino Linguistics and Literature) (“Tailor’s Chalk”; “Retaso”; “Mga
Magnanakaw”). He is a licensed professional teacher, writer, and translator.

Holden Kenneth G. Alcazaren is a faculty member in the Department of Speech


Communication and Theater Arts at the University of the Philippines-Diliman. He is
finishing his PhD in Education (Language Education) at the same university. His research
interests are identity studies, instructional communication, and gender/queer studies.

You might also like