You are on page 1of 3

3

Machismo: Dis- ilusyon ng Pagkalalaki sa Kontekstong Sosyal

MACHISMO: Dis- ilusyon ng Pagkalalaki


Rodelio C. Gauuan

Ang paglikha ayon sa bibliya, mula sa ikalawang kapitulo ng Genesis ay


naglalaman ng pangunahing kaisipan na ang unang tao ay si Adan. Si Adan ay nagmula
sa alabok ng lupa. Sunod na nilikha ang unang babai at ito ay si Eba na mula sa
tadyang ni Adan. Binabanggit ng bibliya na dalawang kasarian lamang ang nilikha sa
sanlibutan – isang lalaki at isang babai. May tiyak na ginampanang papel ang lalaki
gayundin ang babai.

Kasarian at sekswalidad

Sa kontekstong sosyal ng kasalukuyang panahon, madalas na naipagkakamali


ang kahulugan ng kasarian at sekswalidad. Ayon kay Bartle (2013) at sa paliwanag
mula sa artikulong inilathala de Guzman (2015), ang kasarian ay nahahati sa mga babai
at lalaki. Ang lalaki at babai ay natutukoy sa pamamagitan ng anatomya at sa biological
inheritance na katangian ng isang tao. Ang sekswalidad naman ay ang self-
representation ng isang tao. Ibig sabihin, kung paano nakita ang kanilang mga sarili.
Ang sekswalidad ng isang tao ay maaaring maging sa 'babai' ngunit maaaring makilala
bilang ‘lalaki’.

Ang iba’t ibang bansa na may iba- ibang kultura, may tradisyunal na paniniwala
na nagpapaiba sa pagiging lalaki at babai. Iba- iba rin ang pagtingin sa sekswalidad. Ito
ay nagdudulot ng magkaiba- ibang pagsipat o konteksto sa kahulugan ng ‘pagkababai’
at ‘pagkalalaki’.

Konteksto ng pagkalalaki

Ano ba ang batayan ng pagiging lalaki? Ang machismo ay ang pagiging lalaki.
Tukuyin man ito bilang kasarian o sekswalidad, ang lalaki ay lalaki. Ang konteksto ng
pagiging lalaki na kilala ng marami ay ang pagiging malakas at may matipunong hubog.
Maikli kung magsalita at may matatag na paninindigan. Ang isang ‘hindi’ ng isang lalaki
ay nangangahulugang ‘hindi’ at ito’y hindi maaaring mabago. Lalaki ang bubuhay sa
isang pamilya at tagapagsupling upang mabuo ang isang pamilya at lipunan. Sa
pulitikal na pagtingin ayon sa kasaysayan, lalaki rin ang kilala na may nakahihigit na
dami sa panunungkulan.

Sa kultural na pagsipat, ang lalaki ay naaatas sa lalong mabibigat na gawain. Sa


usaping pag- iibigan, lalaki ang nagpapahayag ng paghanga, pag- ibig at sekswal na
pagnanais. Ang ganitong konsepto sa pagkalalaki ay napatunayan na sa panahon pa
ng mga Kastila hanggang sa pagsisimula ng pagdating ng mga Amerikano sa bansa.
Ito ang konteksto ng pagkalalaki na kinamulatan ng marami.

Hindi lahat ng lalaki ay ‘lalaki’

Kung ang mga konteksto ng pagkalalaki ay ibabatay sa mga kaisipang


nabanggit, hindi magiging makatwiran ang pagsipat sa kahulugan ng ‘pagkalalaki’. Hindi
lahat ng lalaki ay ‘lalaki’. Isipin na lang na may mga ama na tinaguriang lalaki dahil
SOCIAL ANALYSIS PAPER – NGEC – UNIVERSITY OF BATANGAS RCGAUUAN
3
Machismo: Dis- ilusyon ng Pagkalalaki sa Kontekstong Sosyal

nakapagsupling ng labindalawang anak, nababalitaan din sa mga pahayagan at


telebisyon na may mga amang umabuso sa kanyang anak na babai, o kaya ay lalaking
nambugbog ng kanyang asawa, ina o kapatid na babai. Minsan, sumisikdo ang ating
damdamin dahil kagagalitan natin ang isang lalaki na sa kabila ng paghingi ng pagkain
ng mga nagugutom na anak ay higit pang bibigyang halaga ang pag- inom ng alak
kasama ang mga kapwa niya ‘lalaki’. Lalo tayong nawawalan ng paghanga sa pagiging
‘lalaki’ ng isang lalaki dahil sa maraming pagkakataon, may mga lalaking pumatay sa
kanyang sariling anak, kapatid o kaya’y magulang at mayroon ding mga lalaking
nasangkot sa panggagahasa sa sariling anak. Ito ay hindi sapat na batayan ng
pagiging lalaki.

Dis- ilusyon ng pagkalalaki

Maliwanag ang sinasabi ng palasak na sabing “Madali lang maging tao subalit
mahirap magpakatao”. Ang pagiging tao ay likas na ngunit kung paano makisalamuha
nang maayos sa kapwa ay sadyang napakahirap gawin. Kung lalapatan ng ibang
konteksto ang palasak na sabing nabanggit ayon sa konseptong sosyal (panlipunan) ng
‘pagkalalaki’, ganito ang magiging daloy sa pahayag: “Madali lamang maging lalaki, ang
mahirap ay magpakalalaki.”

Nasusukat ba ang pagkalalaki? O mayroon bang batayan ang pagiging lalaki?


Madaling sagutin ang dalawang tanong na ito. Maaari lamang sabihin ang mga
bayolohikal na katangian ng isang tao at tiyak na itong masasagot.

Tayo ay nabubulag sa pagsipat ng kahulugan ng ‘pagkalalaki’. May dis- ilusyong


nagaganap sa pagdalumat sa panukatan ng pagiging lalaki. Hindi pisikal na katawan
ang sukatan ng pagiging ‘lalaki’. Kung lahat ng tao sa mundo ay may genital na
panlalaki napakadaling sabihin na siya’y lalaki. Lalong hindi nasusukat ang pagkalalaki
sa bilang ng naging kasintahan sapagkat hindi naman lahat ng may panlalaking genital
ay may kasintahan. Minsan iniuugnay din ang pagkalalaki sa bilang ng babaing
pinaasa, pinaiyak at nabuntis – maling sukatan ng pagiging lalaki. Ang mga action star
na nakikipagsuntukan, nakikipagbarilan o kaya ay nakikipagkarerahan ay mga lalaki,
ngunit ang gilas, tikas at pagiging agresibo ay hindi nangangahulugan at kailanma’y
hindi dapat isipin na sukatan ng pagkalalaki.

Sa kabilang dako, may mga lalaki na ang sekswalidad ay nakikita bilang isang
‘babai’. Tinukoy ito ni Abbas et al (2015) na bisekswalismo. Sinabi niya na ang
bisekswalismo ay ang oryentasyong sekswal ng isang lalaki. Maaaring ang hubog,
ugali, pananalita, mental at sikolohikal na katangian ay nakikitang lalaki. Ngunit sa
oryentasyong sekswal lalaki rin ang nais maging kapareha.

Marami ng kaso ang ganito sa bansa, laganap ang dis- ilusyon ng pagkalalaki
sapagkat ang tuon ng lipunan ay ang sekswal na oryentasyon ng isang lalaki. Ang
lipunan ay tumitingin sa papel na ginagampanan lamang ng lalaki, nalilito ang lipunan
dahil sa gender role conflict. Naka- stereo type ang tingin ng lipunan sa kultural, pulitikal
at sikolohikal na katangian ng lalaki.

Machismo ang tunay na pagkalalaki

SOCIAL ANALYSIS PAPER – NGEC – UNIVERSITY OF BATANGAS RCGAUUAN


3
Machismo: Dis- ilusyon ng Pagkalalaki sa Kontekstong Sosyal

May mga bisekswal na higit pang ‘lalaki’ kaysa sa kinikilala ng lipunan at


tradisyon na lalaking gumaganap sa papel ng pagiging ‘tunay’ na lalaki. Naipakita ng
mga bisekswal ang kalambutan ng puso ngunit may matatag na paninindigan. Maawain
sa marami ngunit may malakas na pagtitiwala sa kapwa.

Mayroon ding mga lalaki na ang pisikal na hubog ay hindi iyong kinilalang may
malaking katawan at malakas, ngunit naitaguyod nang maayos ang pamilya. May mga
lalaking hindi nakapag- aral at hindi maging pinuno ng isang lugar o kaya ng isang
bansa, ngunit naipakita ang responsibilidad sa sarili, sa pamilya at sa kanyang kapwa.
May mga lalaking hindi makapagsalita sa harap ng galit na asawa ngunit naging
matapat sa kanyang mga salita. Maraming lalaking pinagtawanan sapagkat hindi
sumama sa barkada ng ‘kalalakihan’ ngunit naipagmalaki dahil sa pagpapakita ng
wagas na pagmamahal sa pamilya maging sa kanyang kapwa.

Machismo, ito ang tunay na pagkalalaki. Ang machismo ay ang pagkakaroon ng


paninindigan, reponsibilidad, katapatan, pagmamahal sa sarili, pamilya at kapwa. Ang
machismo ay walang kinikilalang kasarian. Ang machismo at ang pagiging lalaki ay
walang basehan sa purong sosyolohikal, pulitikal, kultural at sikolohikal na konsepto
kundi sa kontekstong etikal.

May dis- ilusyon ng pagkalalaki at walang halaga ang pagiging lalaki kung ang
konteksto ng lipunan ay ang pisikal at sekswal na aspeto lamang. Maging marunong
tayo sa pagsipat ng machismo at huwag mabulag sa maling pagsipat ng pagkalalaki sa
kontekstong sosyal.

Sangunian:
Abbas, B. et al. (2015) Pagkabarako: sikollohiya ng pagkalalaki.

Bartle, P. (2013) Pamamaraan sa pangkasariang istratehiya. Retrieved


October 19, 2016 http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules

Santos, A. (2013). Ang pagiging lalaki. Retrieved October 19, 2016


https://emrefendor.wordpress.com

We Were Here (2011) Retrieved October 20, 2016 www.wattpad.com

SOCIAL ANALYSIS PAPER – NGEC – UNIVERSITY OF BATANGAS RCGAUUAN

You might also like