You are on page 1of 6

MODYUL SA SOSYEDAD AT

IKALAWANG SEMESTRE, TP 2023-2024


LITERATURA (SOSLIT)

Modyul 9
Panitikan Hinggil sa Isyung Pangkasarian

Tungkol Saan ang Araling ito


Sa araling ito, ilalahad sa iyo pagbabasa at pagsusuri ng panitikan hinggil sa isyung pangkasarian.
Magkakaroon ng sariling interpretasyon sa pamamagitan ng dramatikong presentasyon batay sa
binasang akda.

Matututuhan Mo sa Araling Ito!

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maututuhan mo ang sumusunod:


1. Nakasusulat ng buod ng mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang binasa.
2. Napapalalim ang pagpapahalaga sa sariling akdang pampanitikan.
3. Nakapagsasadula ng mahahalagang pangyayari sa partikular na kabanata sa akda. .

Paglinang

Panuto: Unawain ang kahulugan at gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga


salitang may katumbas na kahulugan. (Ito ay hindi na kailangan pang isumite, gamitin
itong pantulong sa inyong pag-aaral).
1. Tarukan – ricefield
2. Santigwar – folk healing practice to drive away the spirits that cause illnesses
3. Parabulong – faith healer
4. Asyab – sickle
5. Oripon – slave

Pagtalakay at Panunuri!
.
Ang nobeletang ASYAB ay isang panggising na panulat upang magkaroon ng kamalayang
panlipunan ang mga mambabasa hinggil sa mga isyung karahasan. Alamin natin ang pagsasalaysay ng
iba’ibang paraan ng pang-aabuso na mababasa sa akda.

DR. MELANIE GOLOSINDA 1


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin sa anomang anyo o paraang elektroniko o
mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA SOSYEDAD AT
IKALAWANG SEMESTRE, TP 2023-2024
LITERATURA (SOSLIT)

Kasarian at Seksuwalidad
Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian o seksuwalidad. Ngunit ang dalawang
konseptong ito ay madalas magpalit bagaman ito ay magkaugnay.
SEX o SEKSUWALIDAD- tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangnian ng lalaki o babaw.
Nakatalaga sa pamamagitan ng ating genetic inheritance o ang pinagmula n g lahi. Ang ating genes
naman ay nagtataglay ng ating mga biyolohikal na katangian ay ating namamana at naipapasa sa mga
salinlahi sa pamamagitan ng pagsusupil.
GENDER O KASARIAN - tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa
seksuwalidad. Ang mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natutuhan mula sa lipunang ating
kinabibilangan o ginagalawan.
ORYENTASYONG SEKSUWALIDAD (Sexual Orientation) - tumutukoy sa pisikal at
emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa pang indibidwal.
PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN ( Gender Identity) - nararamdaman o
pinaniniwalaang kasarian ng isang tao, maging akma o hindi sa kanyang seksuwalidad.

Ang” Ikatlong Kasarian”


Homoseksuwal kung tawagin. Inilalarawan sila bilang mga indibidwal na nakakaranas ng
eksklusibong atraksyon sa katulad nilang kasarian. “Gay, bakla, beki ang ibang tawag sa homoseksuwal.
Karapatan sa Pagpili ng kasarian at Seksuwalidad
Ang ilang mga karapatang pinaglabanan ng mga homoseksuwal sa buong mundo ay:
- karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban
- karapatang ikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benepisyong ibinibigay ng pamahalaan
sa mga kasal na keteroseksuwal at sa kanilang mga anak; at
- karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon.

DISKRIMINASYON BATAY SA KASARIAN


Ang mga pagkakaiba at hindi pantay-pantay sa pagtrato ng mga kasarian ay makikita sa ating
lipunan tulad ng aspektong politikal, pang hanapbuhay at maging sa tahanan.
 Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sa kapangyarihang politikal sa pamahalaan,
komunidad at institusyon.
 Sa tahanan, may pagkakaiba rin ang mga gawaing nakaatang sa kanila gaya ng paggawa ng desisyon
at paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan.

DR. MELANIE GOLOSINDA 2


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin sa anomang anyo o paraang elektroniko o
mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA SOSYEDAD AT
IKALAWANG SEMESTRE, TP 2023-2024
LITERATURA (SOSLIT)

 Sa panghanapbuhay, ang pang-aabuso ay mas madalaas maranasan ng kababaihan at homoseksuwal


kaysa sa mga kalalakihan.
MGA ANYO NG DISKRIMINASYON AYON SA KASARIAN
 Hindi pagtanggap sa trabaho
 Mga pang-iinsulto at pangungutya
 Hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos
 Bullying sa paaralan.

Papel batay sa Kasarian at Gender


Pinanganak ang bawat tao na may katawan ng babae o lalaki. Ang pagkakaiba sa katawan ang
nagtatakda sa kasarian (sex) ng tao.
Iba naman ang papel batay sa gender (gender role) ng isang tao. Pagtatakda ito ng komunidad
kung paano ang pagiging babae at lalaki. Umaasa ang komunidad sa bawat tao na mag-isip, makadama at
kumilos sa takdang paraan, dahil lang sa sila’y na babae o lalaki. Sa maraming komunidad, halimbawa,
babae ang inaasahang maghanda ng pagkain, mag-ipon ng tubig at panggatong, at mag-alaga sa mga anak
at kapartner. Madalas naman, lalaki ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay para suportahan ang
pamilya at mga magulang sa pagtanda at magtnaggol sa pamilya mula sa kapahamakan.
Di tulad ng pisikal na pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at baae, gawa ng komunidad ang gender
role. Sa maraming komunidad, ang gawain tulad ng paglalaba at pagpaplantsa ay tinuturing na
“pambabae.” Pero ang ibang gawain ay paiba-iba ang pagtrato - depende sa mga tradisyon, batas at
relihiyon. Puwede pa ngang maiba ang mga papel na ito sa loob ng iisang komunidad, batay sa
edukasyong naabot, katayuan o edad. Halimbawa sa ilang komunidad, inaasahan sa gawaing bahay ang
mga baabeng mula sa isang uri o katayuan, samantalang mas maraming trabaho ang puwedeng pagpilian
ng iba.
MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN AYON SA KASARIAN
Ang kilos, mga gawai at pananalita ng bawat indibidwal ay hinuhubog ng lipunan. Ang mga
bahaging ito ay nagmumula sa ating kinagisnang kultura hanggang sa mga taong ating nakakasalamuha.
Ang ilang mga halimbawa ng papel sa lipunan bilang babae o lalaki.
Ang maging mabuting anak ay papel na ginagamapanan ng bawat lalaki o babae sa lipunan,
sapagkat ang lahat ng tao ay may pamilya na siyang pinakamahalagang elemento ng lipunan, inaasahan
na ang bawat anak ay magiging mabuti sa kani-kanilang pamilya. Ito ay sukli lamang nila sa pagmamahal
at pag-aaruga ng kanilang mga magulang.
Ang maging responsableng mga magulang ay mahalagang papel ng bawat lalaki o babae.
Tungkulin nila ang itaguyod ang mga anak hindi lamang upang maibigay ang kanilang mga

DR. MELANIE GOLOSINDA 3


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin sa anomang anyo o paraang elektroniko o
mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA SOSYEDAD AT
IKALAWANG SEMESTRE, TP 2023-2024
LITERATURA (SOSLIT)

pangangailangan kundi ang mapalaki sila ng may tamang pag-uugali. Ang responsableng mga magulang
ay hindi hahayaan ang mga anak na disiplinahin ng ibang tao.
Ang maging masunuring mamamayan ay papel na ginagampanan ng lahat ng tao bilang bahagi ng
lipunan. Ang pagsunod sa batas ay pagpapakita ng pagiging masunurin at pagiging mabuting
mamamayan. Ang ganitong kasanayan ang kailangan ng pamahalaan upang mabawasan ang paglaki ng
kanilang mga suliranin sa lipunan.
Ang masipag na empleyado ay papel na ginagampanan din ng isang babae at lalaki. Anuman ang
kanilang propesyon, kinakailangan ng isang baabe o lalaki na maging masipag upang panatailihin ang
kanilang pagiging produktibo. Kailangan nila ito upang patuloy na maitaguyod ang kanilang pamilya.

Paglikha at Pagpapahalaga!

Para sa gawain ngayong araw, basahin at gawin ang sumusunod:


1. Sumulat ng isang monologo ng nailing tauhan batay sa akdang “Asyab.”
 Ang monologo ay nagtatampok ng pagsasalita na ginagawa ng isang solong tauhan sa
isang dramatikong gawain para sa teatro o pelikula.
 Layunin nitong maipadala o maibahagi ang mga mahahalagang ideya, saloobin at emosyon
na nais ng karakter o nang sumulat nito.
2. Isaalang-alang ang sumusunod:
a. Pumili ng Tauhan. Magpasya kung aling karakter ang maghahatid ng monologo.
Isaalang-alang ang kanilang personalidad, background, motibasyon pati na rin ang
layunin ng monologo.
b. Tukuyin ang Layunin. Tukuyin kung bakit naghahatid ng monologo ang tauhan.
Nagpapahayag ba ito ng kanilang mga iniisip at nadarama, nagmumuni-muni sa mga
nakaraang kaganapan, nagbubunyag ng isang lihim, nanghihikayat sa isang tao o
direktang nakikipag-usap sa madala?
c. Isaalang-alang ang Tagpuan at Konteksto: Pag-isipan kung kailan at saan
nagaganap ang monologo sa loob ng kuwento. Isaalang-alang ang kapaligiran ng
karakter, ang mga kaganapan na humahantong sa monologo at ang madala o nakikinig.
d. Mag-brainstorm ng Ideya. Isaalang-alang ang gustong ipahieatig ng karakter at
kung paano nila maipahayag ang kanilang sarili sa pmamagitan ng wika, imahen at
damdamin.

DR. MELANIE GOLOSINDA 4


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin sa anomang anyo o paraang elektroniko o
mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA SOSYEDAD AT
IKALAWANG SEMESTRE, TP 2023-2024
LITERATURA (SOSLIT)

e. Bumuo ng Istruktura. Magpasya sa istruktura ng monologo. Ito ba ay tuloy-tuloy


na pagsasalita, may paghinto at pagbabago sa tono? Paano ito makakaakit ng
tagapakinig?
f. Isulat ang Monologo. Simulan ang pagsulat ng monologo na nakatuon sa boses at
pananaw ng karakter. Gumamit ng mapaglarawang wika, matingkad na imahen at tunay
na pag-uusap upang bigyang buhay ang karakter. Isaaalang-alang ang mga elemento ng
pagkukuwento, pagmumuni-muni at damdamin upang lumikha ng lalim at diin.
g. Mag-edit at Magrebisa. Maglaan ng oras upang I-edit at rebisahin ang iyong
unang burador. Bigyang pansin ang kalinawan, pagkakaugnay-ugnay at epekto ng wika at
istruktura.
h. Pagsasanay at Pagganap. Magsanay sa pagtatanghal ng monologo upang matiyak
ang daloy nang maayos at umaayon sa madla. Gumawa ng anomang pagsasaayos batay
sa feedback mula sa pag-eensayo.
3. Gamitin ang sumusunod na Rubrik sa Pagmamarka:

Pagsulat ng Monologo Pagtatanghal ng Monologo

Pmantayan Marka Pamantayan Marka

Tema 5 Interpretasyon ng Karakter 5

Pagbuo ng Karakter 5 Damdamin, Ekspresyon, Tono at 5


Boses

Kasiningan, Damdamin at 5 Interaksyon sa Manonood 5


Ekspresyon (Makatotohanan)

Kabuoang Impak sa 5 Kabuoang Impak sa Manonood 5


Manonood

Kabuoan 20 0

4. Isusumite ito sa pamamagitan ng hard copy (maaring sulat-kamay o encoded) na nakalagay sa


short bond paper at ang e-copy file ay ilalagay sa gdrive ng klase. (Pamahalaan ng Pangulo ng Klase)
5. Para sa Pangkat ng mga Tagapag-ulat:
Bigyang halaga ang gawaing ito Maging bahagi ang pagtatanghal sa araw ng inyong pag-uulat sa
harapang klase.

DR. MELANIE GOLOSINDA 5


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin sa anomang anyo o paraang elektroniko o
mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA SOSYEDAD AT
IKALAWANG SEMESTRE, TP 2023-2024
LITERATURA (SOSLIT)

Mga Sanggunian:

Papel Batay sa Kasarian at Gender. Nakuha mula sa Papel batay sa kasarian at


gender - Hesperian Health Guides.
Kasarian at Seksuwalidad. Nakuha mula sa (DOC) ARALIN 11: KASARIAN AT
SEKSUWALIDAD | Quiel Lauren Pudiquet - Academia.edu.

DR. MELANIE GOLOSINDA 6


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin sa anomang anyo o paraang elektroniko o
mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.

You might also like