You are on page 1of 10

MODULE 13

Ang paggamit ng Ipinagbabawal na gamot


 Ito’y substance na kapag ipinapasok sa katawan ng isang tao ay
maaring may magbago sa kanyang pag-iisip (mental ) o physical na
kakayahan.
 Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isa sa mga isyung
moral na kinakaharap ng ating lipunan ngayon. Ito ay “isang
estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang
mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang
paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon.” (Agapay, 2007)
 Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan
ang isip na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito.
 Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaaring maghatid sa
tao sa maling landas. Malaki ang nagiging epekto nito sa pagkamit
natin ng tunay na kaganapan bilang tao. Nararapat na ang isang
kabataang tulad mo ay magkaroon nang sapat na kaalaman ukol dito
upang makaiwas sa mga taong maaaring makaimpluwensiya na
gumamit nito.
Ba’t-ibang uri ng mga Ipinagbabawal na Gamot:
1. Marijuana
2. Morphine
3. Ecstacy
4. Heroine
5. Cocaine
ALKOHOLISMO
 Ito ang labis na pagkonsumo ng alak.
Ang alkoholismo ay isang nakagugumon na sakit na kung saan ang
biktima ay nagiging depende sa droga—alak. Ang sakit na ito
makakapinsala sa pisikal at mental na kalusugan ng isang tao. Ito rin
ay makakaapekto sa kanilang pag-uugali. Ang alkoholismo ay hindi
isang depekto ng pagkatao. Ito ay hindi moral na pagkabigo. Ito ay
isang sakit na lumalala pagdaan ng panahon. Kapag hindi nagamot,
ito ay maaaring humantong sa pagkasira ng utak at kamatayan. Ang
paggaling ay posible kung ihihinto ang pag-inom.
 Ito ay unti-unting nagpapahina sa kaniyang enerhiya,
nagpapabagal ng pag-iisip, at sumisira sa kaniyang kapasidad na
maging malikhain. Dahil sa kaibahan ng kanilang pag-uugali at
kawalan ng pokus, nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng
makabuluhang pakikipagkapuwa ang mga nagugumon sa alkohol.
 Kung minsan, nauuwi pa ang mga away na ito sa iba’t ibang
krimen. Sa pagkakataong ito, masasabing naaapektuhan ng alak
o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging
dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi
inaasahan katulad ng pakikipag-away sa kapuwa.
 Maraming sakit sa katawan ang kaugnay ng labis na pagkonsumo
nito, tulad ng cancer, sakit sa atay at kidney. Kung hindi
pagtutuunan ng pansin ang mga nabanggit na sakit, maaaring
magresulta ito sa maagang pagkamatay ng isang tao

ABORSIYON
• Ang aborsyon ay ang pagkitil ng buhay ng sanggol na sinapupunan
ng ina pa lamang.
• Kadalasan ang aborsyon ay sinasadyang pagtanggal ng fetus o
embryo sa sinapupunan ng kanyang ina.
• Kapag nangyari ang aboryon tinatanggalan na ng karapatan ang
isang sanggol na mabuhay sa mundong ibabaw.
Isa sa mga pinakamahahalagang isyu sa buhay ay ang aborsiyon. Ang
isyung ito ay may mahabang kasaysayan sapagkat mabigat pa ring pinag-
uusapan ng mga mananaliksik at ng publiko.
 Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol
sa sinapupunan ng ina. Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay
itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang
paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing itong
isang krimen. (Agapay, 2007)
 Ang isyu sa aborsiyon ay nagbigay-daan upang magkaroon ng
dalawang magkasalungat na posisyon ang publiko: ito ay ang Pro-life
at Pro-choice.
Ang Dalawang Uri ng Aborsyon:
1. Kusa (Miscarriage)
2. Sapilitan (Induced)

PAGPAPATIWAKAL:
•.Nagpapakamatay ang isang tao ayon sa kanyang sariling kagustuhan
.Kadalasan nagpapakamatay ang isang tao kapag siya ay nawawalan na
ng pag-asa sa buhay at nakakaramdam na wala na siyang halaga at isa na
lamang siyang pabigat sa lipunan.
• Ito ay ang paglabag sa utos ng Diyos na huwag papatay sapagkat
ang tao mismo ang kumitil sa sarili niyang buhay.
Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa
sariling kagustuhan. Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang tao
sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maituring na isang gawain ng
pagpapatiwakal.
Masasabing magiting na pagkilos ang mawalan ng buhay sa
pagtatangkang pangalagaan ang buhay ng iba.
Ngunit bakit nga ba ang mga tao nagpapatiwakal? Dahil sa kawalan ng
pag-asa (despair) ay isa sa mga karaniwang dahilan kung bakit may
ilang taong pinipiling kitlin ang sarili nilang buhay.

Euthanasia:
Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan napadadali ang
kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na
karamdaman. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina
at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit.
Ang euthanasia kung minsan ay tinatawag ding assisted suicide, sa
kadahilanang may pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang
kaniyang buhay, ngunit isang tao na may kaalaman sa kaniyang sitwasyon
ang gagawa nito para sa kaniya.
Ang pagtitiis sa harap ng mga pagsubok ay isang anyo ng pakikibahagi sa
plano ng Diyos. Samakatuwid, hindi maaaring hilingin ng isang tao na
tapusin ang kaniyang paghihirap sa pamamagitan ng kamatayan.
MODULE 14

PRE-MARITAL SEX
Ang pre-marital sex ay ang pagsasagawa ng sekswal na interkors ng
dalawang magkasantihan bago pa man sila ikasal.
“Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng
sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng karapatang
makipagtalik.”
Ang pakikipagtalik at paggamit ng ating mga kakayahang sekswal ay mabuti
sapagkat ito ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay isang regalo o banal na kaloob
ngunit maaari lamang gawin ng mga taong pinagbuklod sa Sakramento ng
Kasal.

PORNOGRAPIYA
Ano ba ang masama sa Pornograpiya?
 Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa sekswal na
pangangailangan at pagkahumaling, lahat ng mabuting layunin sa
pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na matupad.
Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne” na
may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at
“praphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan. Samakatuwid,
ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin,
larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa
ng nanonood o nagbabasa.

MGA PANG-AABUSONG SEKSUWAL


Ang pang-aabusong sekswal o Sexual harassment ay maaaring paglalaro
sa maselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng
ibang bahagi ng katawan para sa sekswal na Gawain at sexual
harassment.
Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng magasawa na
naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon
ng anak upang bumuo ng pamilya. Ito ang esensiya ng seksuwalidad.
PROSTITUSYON
Ang prostistusyon ay ang pag bibigay ng serbisyong sexual sa isang tao
kapalit ng bayad. Ang pang karaniwang pumapasok sa kaisipan ng mga
tao kapag na babanggit ang prostitusyon ay babae lang ang sangkot,
ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao ay madaming uri ang prostitusyon,
kagaya ng male prostitute at child prostitute.
Ang prostitusyon na sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o
gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera.

Kailan naging Masama o mali nga ba ang prostitusyon? kapag ang


prostitusyon daw ay isinagawa ng isang tao na may pagkagusto o
konsento, maaaring sabihin na hindi ito masama. Ito ay sa kadahilanang
alam niya ang kaniyang ginagawa at nagpasiya siya na ibigay ang
kaniyang sarili sa pakikipagtalik kapalit ng pera o halaga.
Inaaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na seksuwalidad. Isa sa
mga halaga ng seksuwalidad ay ang pagkakaranas ng kasiyahang
seksuwal mula sa pakikipagtalik sa taong pinakasalan .
Mahalagang maunawaan na ang pakikipagtalik ay hindi lamang para
makadama ng kaligayahang sensuwal. Hindi ito isang paraan para
makadama ng kaligayan, kundi ito ay isang paraan na naglalayong pag-
isahin ang isang babae at lalaki sa diwa ng pagmamahal.
MODULE 15

PLAGIARISM
Ang plagiarism ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et
al, 2003). Ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil
inaangkin ang hindi iyo (Atienza, et al, 1996). Ang pagbubunyag sa lihim na
kasunduan sa pagitan ng dalawa o grupo ng mga tao upang magtagumpay
ang proyekto ay plagiarism.
Ito ay ang ilegal na pangaangkin ng ideya o ginawa ng ibang tao.
Nangyayari ito kung kokopyahin ang ilang ideya at hindi ilalagay kung at
saan ang pinagkuhanan at sino o kaninong ideya ito. Halimbawa na
lamang ay ang pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng thesis, kung may
mga parte na kinopyang detalye mula sa libro at internet at hindi inilagay
ang reference maaaring makasuhan ng plagiarism ang gumawa nito.

INTELLECTUAL PIRACY
Naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa
ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual
Property Code of the Philippines 1987.
Ang piracy ayon sa Dictionary.com website ay isang uri ng pagnanakaw o
ilegal na pang-aabuso sa mga barko na naglalayag sa karagatan.
Ang theft ay hindi lamang literal na pagnanakaw o pagkuha nang walang
pakundangan kundi lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang
paggalang sa karapatang nakapaloob dito. Ito ay matatawag na isang
krimen tulad ng pagpatay, kidnapping, at iba pang uri ng kriminal na
gawain sa ating lipunan.
Ngunit bakit may mga tao pa ring nahihikayat na gawin o di kaya ay paulit-
ulit na pagsasagawa nito?
Iba’t-ibang dahilan:
 Presyo
 Kawalan ng mapagkukunan
 Kahusayan ng produkto.
 Sistema/paraan ng pamimili.
 Anonymity.
KARAPATANG-ARI AT ANG PRINSIPYO NG FAIR USE
Kinikilala ng ating batas ang prinsipyong fair use na magkaroon ng
limitasyon sa pagkuha ng anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng
awtor o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili ang kaniyang
karapatan at tamasahin ito.
Ilan sa pangunahing eksepsyon sa karapatang-ari:
1. Ang pagsasapubliko ng anumang likha o gawa, maging ito man ay
personal na kopya o sipi at walang bayad (free of charge) o di kaya
ay mahigpit na patnubay ng mga nasa mapagkawanggawa at
panrelihiyosong institusyon o samahan. (Sek.184. 1 Talata a)
2. Ang paggamit ng mga quotation o pahayag mula sa mga gawang
nailimbag kung magtutugma sa prinsipyo ng Fair Use at may
makatuwirang dahilan sa paggamit nito.
3. Ang paglalangkap ng mga gawa sa paglalathala, pagbabalita, at iba
pang uri ng komunikasyon upang isapubliko ito, sound recording o
anumang pelikula, kung ang mga ito ay gagamitin sa pagpapakita ng
halimbawa ng pagtuturo sa silid-aralan at ibang pang-akademikong
layunin at magtutugma sa prinsipyo ng Fair Use at may
makatuwirang dahilan sa paggamit nito, sa ganitong pagkakataon,
mahalagang banggitin ang mga pinagkunan at ang pangalan ng
awtor, kung ang kaniyang gawa ay gagamitin. (Sek. 184.1 Talata e)

WHISTLEBLOWING
Sa salitang tagalog, ang literal na kasingkahulugan nito ay "pagsipol".
Ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa
tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon. Whistleblower naman ang tawag sa taong
naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal,
hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap
sa loob ng isang samahan o organisasyon.

GAMPANIN NG SOCIAL MEDIA


Malaki ang impluwensiya ng social media sa ating kasalukuyang panahon.
Ang mga impormasyong nakapaloob ditto ay nagbibigay sa bawat tao nang
sapat na kaalaman na kailangan niya sa aspekto ng edukasyon,
kanuhayan, at maging sa pagpapasiya at pagpili ng mga bagay na
nakaaapekto sa kaniyang pagkatao at mga mahalagang gampanin niya sa
araw-araw na pagganap ng tungkulin.
MODULE 16

Mga Isyu sa paggawa: Paano malulunasan?


1. Paggamit ng kagamitan
2. Paggamit ng oras sa trabaho
Ang pagganap ng gawain sa oras ng trabaho ay pag-angkin ng tiwala
mula sa isang bagay na ipinagkatiwala sa iyo.
 Pangunahing dahilan kung bakit hindi epektibo sa kanilang
trabaho ang mga manggagawa. Sinasayang nila ang panahon sa
pakikipagkuwentuhan.
 Dito nag-uugat ang tinatawag na crab mentality.
3. Sugal. Kadalasan, ang pagsusugal ay mas karaniwang kilala
bilang pustahan gamit ang pera bilang produkto ng isang tiyak
na laro. Sa pagsusugal, ang mga tao ay karaniwang sumusubok
upang makakuha ng kahit na ano sa kabila na may nakataya sa
likod ng isang laro.
Karamihan sa taong kasangkot sa pagsusugal ay nakikipaglaban
na lamang para sa kasiyahan o bilang isang paraan ng
paglilibang.
4. Magkasalungat na interes (Conflict of Interest). Nangyayari ito
kapag nangibabaw ang personal na interes ng isang tao lalo na
kung ito ay magbibigay sa kaniya ng kasiyahan at pakinabang.

KORAPSIYON
Ang korapsyon ay sistemang pagnanakaw ng indibidwal na nasa posisyon
ng pera ng kinasasakupan niya para sa sariling kapakanan. Ang
Korapsyon ay gawaing karumal-dumal. Ang korapsyon sa bansa ay katulad
ng isang cancer na pilit ginagamot ngunit hindi malunasan.
URI NG KORAPSYON:

1. Pagtakas sa pagbabayad ng buwis


2. PangingikiL
3. Pandaraya sa Halalan at Eleksyon
4. Pang-aabuso sa Kapangyarihan
PAKIKIPAGSABWATAN (KOLUSYON)
Ang kolusyon o pakikipagsabwatan (Ingles: collusion) ang kasunduan sa
pagitan ng dalawa o maraming mga indibidwal na minsan ay ilegal at
sikretibo upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng
pandaraya, panliligaw o panloloko ng ibang mga tao sa kanilang mga legal
na karapatan, o upang magkamit ng obhektibong pinagbababawal na batas
sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na
kalamangan.

ANG BRIBERY
Ang suhol o panunuhol (Ingles: bribery), na tinatawag
ding lagay o paglalagay, na isang ng korupsiyon ang gawain ng pagbibigay
ng salapi o regalo na nagbabago sa pag-aasal ng tumatanggap nito. Ang
panunuhol ay isang krimen at inilalarawan ng Black's Law Dictionary bilang
pag-aalok, pagbibigay, pagtanggap o panghihingi ng anumang bagay na
may halaga upang impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang opisyal o
mga taong nakatalaga sa isang pampubliko (pampamahalaan) o legal na
katungkulan.

KICKBACK
Ito ay isang uri ng korupsyon at lumalabag sa etika ng isang
mangagawa.

• Ito ay karaniwang nangyayari sa mga organisasyon, negosyo o


pamahalaan na kung saan ang isang tao ay nagbibigay ng paunang suhol,
lagay o komisyon bilang ibabayad na pabor na ibibigay sa taong
susuhulan.

• Ang layunin nito ay ang pumayag ang isang tao sa isang illegal na
Gawain.

• Ang uri ng korupsiyon na ito ay iba mula sa ibang mga uri ng panunuhol

• Ang panunuhol na ito ay may ipinapahiwatig na pakikipagsabwatan


sa pagitan ng mga ahente ng dalawang partido sa halip na ang pangingikil
ng isang partido mula sa isa.

• Ang layunin ng nito ay karaniwang hikayatin ang ibang partida na


makipagtulungunan sa ilegal na gawain.

• Ang kickback ay isang masamang Gawain na labag sa etika sa


paggawa ng isang tao
NEPOTISMO
Ito ay tumutukoy sa pagtatalagang isang katungkulan sa isang kamag anak
kaibigan o malalapit na pamilya, binibigyan ng pabor ang mga mahal sa
buhay na maitalaga sa ibat-ibang katungkulan gayon mayroon namang
mas karapatdapat.

You might also like