You are on page 1of 12

ESP 10

4TH QUARTER-MODULE 1

PAGGALANG SA
DIGNIDAD AT
SEKSWALIDAD NG
KAPWA, SA AKIN
AY MAHALAGA

LUZVIMINDA B. ROSARO, RGC


GURO
LAYUNIN

1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng


paggalang sa dignidad at sekwalidad
2. Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at sekswalidad

2
TUKLASIN

BASAHIN AT UNAWAIN ANG


IPAGPALAGAY NATING
SITWASYON SA SUSUNOD NA
SLIDE. SAGUTIN ANG
KASUNOD NA MGA TANONG.
ISULAT SA KWADERNO ANG
IYONG SAGOT.
SITWASYON
SURIIN
Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad at sekswalidad ng tao?
Ang katawan ng tao ay dapat na ituring na sagrado. Dapat itong ingatan at igalang. May mga
pagkakataon na ang tingin sa katawan ng tao ay nagiging isang kasangkapan na lamang at nawawala
ang tunay na halaga nito.
Sa pagkakataon na itinuring ito bilang isang bagay o isang kasangkapan, nababawasan o
nawawala ang dignidad ng isang tao. Gayundin, kung ang isang tao na hindi pinahalagahan ang katawan
ng ibang tao, nagiging ugat ito ng pang-aabuso o paglabag sa Karapatan ng ibang tao. Ang sumusunod
ay ilan sa mga isyung pang sekswal na nagdudulot ng pagkawala ng dignidad ng tao.

5
PREMARITAL SEX
Ito ay ang pakikipagtalik ng dalawang tao ng walang basbas ng kasal. May ilang pagkakataon
na ito ay nagaganap sa pagitan ng dalawang kabataan na kadalasan ay wala pa sa hustong gulang. Ang
gawaing ito ay isang isyung moral dahil ito ay lumalabag sa likas na disenyo ng tao.
Ang pakikipagtalik ay isang gawain na binigay sa tao upang maranasan niya ang kaganapan ng
kanyang pagiging tao. Ngunit ito ay dapat isakatuparan lamang kung may basbas ng kasal.
Ang isa sa pinakamalaking suliranin ng pakikipagtalik bago ang kasal ay ang maagang
pagbubuntis. Ang mga kabataang maagang namulat sa pakikipagtalik ay kadalasang walang sapat na
kaalaman upang maiwasan ang hindi inaasahang pagdadalang-tao. Kaakibat nito ay ang mga banta sa
buhay ng sanggol na ipinagbubuntis at ng batang nagdadalang-tao. Ito ay sa kadahilanang ang kanyang
katawan ay hindi pa handa o hindi pa ganap upang isakatuparan ang gampanin na ito.

6
PORNOGRAPIYA
Ito ay paglalarawan o pagpapakita ng maseselan o malalaswang mga imahe na ang layunin ay
pukawin ang pagnanasang sekswal ng mga makakakita dito. Maraming anyo ang pornograpiya,
kabilang dito ngunit hindi nalilimitahan sa sumusunod tulad ng mga babasahin gaya ng mga nobela o
libro. Kabilang din ang mga larawan na maaaring nakaimprenta tulad ng magazine at tabloid.
Nabibilang din ang mga panoorin tulad ng mga bidyo o mga palabas.
Ito ay nakababawas sa dignidad ng mga taong nahahanay sa mga gawain na tulad ng mga
nabanggit dahil nawawala ang kasagraduhan ng katawan ng tao.
Ang mga tumatangkilik naman sa pornograpiya ay kadalasang nagdudulot ng adiksyon.
Kadalasang nahuhumaling ang mga tao at nagdudulot ng pagkawala ng kanilang moralidad. Naiuugnay
din ang pagkahumaling sa pornograpiya sa iba pang mga isyu tulad ng premarital sex at pang-aabusong
sekswal. Sa madalas na pagtangkilik sa pornograpiya, naisasantabi ang tunay na gamit ng
pakikipagtalik bagkus ito ay napapalitan ng makamundong pagnanasa. Dahil ito sa pagbibigay ng
maling kahulugan na ang pakikipagtalik ay ginagawa lamang upang magdulot ng kasiyahan.

7
PROSTITUSYON
Ang prostitusyon ay ang pagsasagawa ng mga sekswal na gawain tulad ng pakikipagtalik
kapalit ng pera o ng maluhong bagay. Kadalasan ito ay ginagawa ng mga taong nasasadlak sa matinding
kahirapan, mag di nabigyan ng pagkakataong makapag-aral, at mga taong walang malay o mga musmos
ang kaisipan kaya naabuso na pumasok sa ganitong gawain.
Meron ding sumasabak sa prostitusyon dala ng pinansyal na pangangailangan ngunit dahil sila
ay naabuso sa murang edad kaya nakasanayan na at hindi na maalis sa kanilang sarili. Ang prostitusyon
ay naiuugnay sa kababaihan ngunit mayroon ding mga lalaki na ito ang ginagawang hanapbuhay. Ang
prostitusyon ay hindi lamang pisikal na ugnayan, maging ang internet ay ginagawang kasangkapan
upang magbenta ng panandaliang aliw.
Ang mga sangkot sa gawaing ito ay may banta sa kalusugan. Maaaring makakuha ng mga sakit
sa pakikipagtalik ng walang proteksyon tulad ng gonorrhea (tulo), syphilis, chlamydia, at herpes. Higit
sa lahat ay maaaring makakuha ng sakit na Acquired Immunodeficiency System (AIDS) na hanggang sa
ngayon ay wala pa ring lunas at nagdudulot ng mga komplikasyon na nakamamatay.

8
PANG-AABUSONG SEKSWAL
Ito ay sapilitang pakikilahok sa mga gawaing sekswal tulad ng pakikipagtalik. Ito ay kadalasang walang pagpaya
May mga kaso rin ng sekswal na pang-aabuso na nagaganap sa pagitan ng mga taong nasa kapangyarihan o posis
Sakop ng pang-aabusong sekswal ang panghihipo o paghawak sa maseselang bahagi ng katawan tulad ng dibdib
Kadalasan ito ay naiuulat sa mga kababaihan at mga bata ngunit hindi rin ligtas ang mga kalalakihan sa mga pan

9
10
KARAGDAGANG GAWAIN

Sumipi ng artikulo o balita na nagpapakita o tumatalakay ng mga gawaing may paglabag sa


dignidad at sekswalidad ng tao. Ilagay ito sa bondpaper at sumulat ng reaksyon sa nabasang
artikulo o balita gamit ang mga kaalamang tinalakay.

PAMAGAT NG ARTIKULO O BALITA:

REAKSIYON:

11
THANK YOU

You might also like