You are on page 1of 26

ARALIN 2: Pananagutan

ng Tao sa Kanyang Kilos


at Pasya
UNANG BAHAGI
Pahina 93-97

Inihanda ni: Gng. Grace B. Arellado


“Ignorance of
the law excuses
no one”.
Ang batas ng Pilipinas, katulad ng ibang
batas sa mundo ay hango sa
impluwensiya ng Roman Law at iba pang
European at American laws. Makikita ito
sa mismong basic principle of law natin
na nasa new Civil Code, ang Article 3
which states that:
“Ignorance of the law excuses no one
from compliance therewith" na galing sa
Latin maxim na "ignorantia legis non
excusat". Ang prinsipyo na ito ng batas
ay nakalagay sa ating New Civil Code.
• Ito ay nangangahulugan na hindi
pwedeng gawing dahilan na hindi mo
alam ang batas o hindi pwedeng gawing
dahilan ang kawalan ng kaalaman sa
batas ng isang tao sa hindi pagsunod
dito.
• Ang isang tao na nagkasala o lumabag
sa batas ay hindi pwedeng gawing
depensa sa korte na hindi niya alam na
mayroong ganong batas na kanyang
nilabag. Ito ay hindi tatangapin ng korte
na dahilan at ipapataw pa rin sa kanya
SALITANG TATATAK!
• Kamangmangan ay nagpapahiwatig ng
kawalan ng kaalaman at karunungan ng
isang tao.
• Masidhing damdamin ay damdamin na
mabagsik, mapusok at mainit.
• Ang salitang takot ay mahina ang loob,
at nangingimi.
• Asal ay gawi at kilos ng tao.
SALITANG TATATAK!
• Ang karahasan ay paggamit ng
lakas o puwersang pisikal o
kapangyarihan, na maaaring isang
pagbabanta o tinototoo, at
maaaring laban sa sarili, sa kapwa,
o laban sa isang pangkat o
pamayanan, na maaaring kalabasan
ng o may mataas na kalamangan at
nagreresulta sa kapinsalaan,
Mga Salik na
Nakakaapekto sa
Pananagutan
1. KINALABASANG
PANANAGUTAN
• Ito ay ang ating sariling kilos at
desisyon.
Halimbawa, ang isang estudyante ay
nahuling nangopya sa oras ng
pagsusulit. Siya ay papapanagutin sa
ginawa niyang paglabag sa tuntunin
ng eskwelahan. Ang pananagutan
niya ay nag resulta ng kaniyang
2. KALUNASANG PANANAGUTAN
• Ito ay iyong pananagutan na may
mga taong naghihirap o nilabag ang
kanilang karapatang pantao at sila
ay nagtatanong kung sino ang
tutulong o makakatulong sa kanila
Halimbawa, ang pamangkin mo
ay naulila na sa kanyang mga
magulang at isa sa inyo iniwan
ang pagkalinga at pagpapalaki.
Ikaw na tiyo o tiya ay may
kalunasang pananagutan sa
iyong pamangkin.
Madaling pag-usapan ang
pananagutan subalit mahirap
isabuhay. May mga pangyayari,
sitwasyon o kondisyon na
sasagabal at makakaapekto sa
pagpapatupad ng pananagutan.
•Kamangmangan ay
kawalan ng kaalaman at
karunungan. Ang taong
mangmang ay mabagal
kung hindi man mali ang
kilos at pagpapasya dahil
sa kapos sa kalaman.
KAMANGMANGAN
• Ang Masidhing damdamin
ay nakakaapekto sa kilos
at pasya ng isang tao. Ang
isang taong may
masidhing damdamin ay
mabagsik, mapusok at
mainitin ang ulo.
MASIDHING DAMDAMIN
•Ang takot ay malaking
sagabal sa pagpapatupad
ng pananagutan at
pagpapasya. Ang taong
may takot ay mahina ang
loob. Mabagal rin ang
kanyang pagpapasya.
TAKOT
• Ang karahasan ay katulad din ng
aborsyon, laganap kahit saan man
sa mundo. Ang karahasan ay
nangyayari sa sarili, sa kapwa,
pangkat o pamayanan na
nagreresulta ng kamatayan,
kapahamakan at kapinsalaan. Ito
ay ang paggamit ng lakas o
puwersang pisikal o
kapangyarihan.
KARAHASAN
•Ang asal ay gawi at kilos ng
tao. Ang negatibong gawi ay
nakakaapekto sa
pagpapatupad ng
pananagutan
ASAL
DESISYON…
Minsan dumarating sa buhay ng tao
Na siya ay naguguluhan at nalilito
Hindi alam kung saan tatakbo
Upang takasan ang magulong mundo.

Kung minsan din siya ay naiipit


Sa desisyong na kanyang naiisip
Ngunit dapat nga bang ito ay ipilit
Kung di maganda magiging kapalit.
Kung sinusubok man kanyang katatagan
Manalig at sumampalataya lamang
Hindi ang dinidikta ng puso ang siyang
batayan
Upang problema'y kanyang takasan.

Bago gawin,sanlibong beses isipin


Ang desisyon na nais niyang tahakin
Baka sa huli ay pagsisihan niya din
Desisyong nagawa, di na pwedeng bawiin.
Kaya nga hanggang may oras pa
Mag-isip ng mabuti at tama,
Humugot sa dasal ng lakas at pag-asa
Upang sa huli ay hindi mapariwara.
Maraming Salamat Sa
Inyong Masusing
Pakikinig!

You might also like