You are on page 1of 22

ARALIN 4: DIGNIDAD

PAHINA 53-65

INIHANDA NI: GNG. GRACE B. ARELLADO


Mga batang
lumulusong sa Dahil sa
ilog ng basura matinding
upang kahirapan
mangalakal.
SALITANG TATATAK!
Ang tao ay may dignidad kung siya ay
karapat-dapat sa pagapapahalaga at
paggalang.
Indigenous People ay tumutukoy sa mga
Igorot, Lumad, Ita at iba pang tribo na
naninirahan sa mga bulubunduking lugar
TALAKAYANG MORAL!
Pagpapahalaga At Paggalang Sa Sarili At
Kapwa
Kung ang pagmamahal ng
Diyos ang basehan ng
dgnidad o pagpapahalaga at
paggalang Niya sa tao, ang
pagmamahal din natin sa
bawat isa ang dapat basehan
ng pagtrato sa ating sarili at
kapwa.
“Nemo dat quod non habet”

“Hindi mo maibibigay ang


isang bagay kung wala sa
iyo ang ibibigay mo”.
Ano ang tunay na
dahilan kung bakit hindi
magawang ipadama ang
Binigyan tayo ng Diyos dignidad o
pagpapahalaga at
ng isip para malaman paggalang?
ang tama at mali, kaya
alam na alam natin ang
pang-aabuso sa sarili at
kapwa.
Kulang o mahina ang
tao sa pagkontrol ng
kanyang sarili. Walang
disiplina sa sarili.
Kuwento ng Pang-aapi ng Saudi Royal
Family sa Migranteng Pilipino.
Para sa overseas Filipino Workers (ofw), ipinapangako
ang paninilbihan sa isang prinsipe at prinsesa sa kaharian ng
saudi arabia ang magandang buhay. Pero hindi ito totoo sa
karanasan nina Olivia Ramos, Ester Ocom, at Marilyn Ristor,
na nanilbihan sa mga Royal Family sa saudi arabia pero
nakaranas ng kahirapan, pang-aabuso, at pagyurak sa
kanilang pagkatao. Ilan lamang sila sa OFWs na nakararanas
ng pang-aabuso sa kamay ng kanilang amo at pagpapabaya
ng mismong gobyernong nagtulak sa kanila para iwanan ang
mga pamilya at makipagsapalaran sa ibang bayan.
• Minaltrato
Taong 2012 nang mag-apply bilang domestic helper sa Kuwait
si Ramos, 30, tubong-Ilocos Norte, kasama si Emily Camat, 26,
mula naman sa Laguna, sa Management and Technical
services (asean).
Pero nobyembre 2012 nang sabihan sila ng isang Jesusa
Aquino mula sa ASEAN na nakansela ang kanilang pag-alis
dahil sa nailagay ang bansa sa ilalim ng deployment ban. Sa
kabila nito, binigyan pa rin sila ng kasiguruhan na makakaalis
sila sa pagkakataong ito sa Saudi Arabia.
Noong Hulyo 20, 2013 nang mag-report si Ramos sa kanyang
amo na si Al Almera Maha Bint Bandar Al Saud, isang prinsesa
sa Riyadh. Sumunod namang dumating si Camat kinabukasan
(Hulyo 21). Sa isang hotel sila unang nanuluyan dahil sa
ginagawa pa umano ang bahay ng kanyang amo.
Maayos ang unang buwan nila doon. Pero nang magtungo sila
sa Jeddah kung nasaan ang amo nilang lalaki, nasaksihan nina
ramos ang pambubugbog sa amo nilang prinsesa. “Pagkauwi
pa lang namin doon, pumasok ang amo naming babae sa
kuwarto, paglabas bugbog-sarado na ‘yung mukha n’ya.
Duguan na ‘yung mukha niya,” ani Ramos. Nakumbinsi nila ang
kanilang amo na umalis na lang sila at bumalik sa Riyadh. Sa
ospital sila dumiretso at namalagi ng dalawang linggo.
Dumating din sa riyadh ang kanilang among lalaki at umuuwi
tuwing gabi sa bahay nila doon. Pagbalik ng amo niyang
babae, binugbog na naman umano ito ng asawa niya. Umalis
sina Ramos kasama ang prinsesa patungong hotel. Sa
ikalawang gabi doon, pinakiusapan si Ramos ng prinsesa para
umuwi at pagsilbihan ang amo niyang lalaki.
Bagama’t natakot noong una, umuwi pa rin si Ramos dahil siniguro
sa kanya ng prinsesa na hindi siya sasaktan ng amo niyang lalaki.
Ginawa niya ang kanyang trabaho na maglinis at pagsilbihan ang
amo niyang lalaki.
Nang umuwi sa bahay ang prinsesa kasama si Camat, doon na sila
sinaktan ng amo nilang lalaki.
“Ang bubugbugin lang po sana ‘yung asawa niya, kaya lang
tinawag po kasi kami ng prinsesa. Ang una niyang tinawag, si
emily. Nasa may hagdan na ‘yung mga amo namin, hawak-hawak
niya ang buhok ng prinsesa habang nakatutok ang baril. Humingi
siya ng tulong kay Emily,” ani Ramos.
Hindi nakalapit noong una si Emily dahil sa banta na
babarilin siya nito. Pero dahil sa pagtuloy na paghiyaw ng
tulong ng prinsesa naglakas loob si Emily na saklolohan ito
sa awa niya sa prinsesa. Hinablot silang pareho at dinala sa
kuwarto ng amo nilang lalaki.
Sa takot, nagtago sa kusina si Ramos. Nang tawagin ang
kaniyang pangalan, inakala niyang hindi baba ang kanyang
amo, pero bumaba ito at nasalubong ni Ramos sa hagdan,
hinablot ang kaniyang buhok at ibinalibag sa kuwarto kung
nasaan sina Emily at ang prinsesa.
“Ibinalibag ako, inihagis ako, tinadyak-tadyakan, pinalo ng
baril ang ulo ko,” sabi ni Ramos. “Matagal kaming
tinutukan ng baril. Sabi ng amo naming lalaki, kung
papatayin kami doon, walang makakaalam.”
Kuwento ni Ramos, parang nakadroga ang kanyang
among lalaki at isa pang kasama nito. Nakaisip si ramos ng
paraan para tumakas kasama ang prinsesa. Sa hotel sila
nagpunta. Pero umuwi pa rin sila kinabukasan. Sa takot,
nagpaalam sina ramos sa prinsesa. Nagalit ito.
“Hinila kami sa kuwarto nila. Tinakot kami nung prinsesa. Ibalik
daw namin ang pinasahod nila at magbabayad kami ng 100,000
real, bayad daw namin sa pag-alis namin dahil hindi pa tapos
ang kontrata,” ani Ramos.
Pero dahil sa wala silang pera at humingi ng patawad ang amo
nilang lalaki, nanatili sina ramos. Pero hindi natapos ang
kalupitan sa kanila. Nobyembre, sa isang disyerto nauwi ang
kanilang bakasyon imbes na sa Boracay na sinabi ng kanyang
amo.
“Pinaghabol kami ng mga daga tapos pinagbabaril kami kapag
hindi kami makahabol. Kahit umuulan ng yelo, hindi kami
pinapapasok sa tent namin,” kuwento pa niya.
Dahil dito, tumakas na sina Ramos at dumiretso sa embahada ng
pilipinas. Matapos ikuwento ang mga pangyayari, tinanong sila
ng embahada kung gusto pa nilang magtrabaho at lumipat na
lamang ng employer. Pero hiniling nilang umuwi na lang sa
Pilipinas.
Dahil hindi madaling umuwi ng pilipinas, nanatili sila ng anim na
araw sa bahay kalinga. Enero 26, 2014, mismong embahada ng
pilipinas ang kumuha sa kanila mula sa bahay kalinga at
ipinasa sa mga pulis. Walang kaalam-alam sina Ramos na
dadalhin pala sila sa kulungan. “Pinapunta kami doon para daw
linisin ang pangalan namin dahil pinagbintangan daw kami ng
amo namin na nagnakaw ng 100,000 real.
Pagkagabihan, dinala na kami sa kulungan. Lingo po yun.
Pagdating ng martes dumating po yung amo namin na babae,
january 28. Binugbog po kami doon sa kulungan,” ayon kay
Ramos. Pinahabubad sila, kinuha ang kanilang mga
damit, cellphone, at lahat ng mga gamit. Si Camat ang unang
binugbog at dinura-duraan sa kabila nang pag-awat ng mga pulis.
Nawalan ng malay si Ramos nang suntukin siya sa mukha ng
kaniyang amo.
Kinausap sila ng mga pulis matapos nito para magsampa ng
reklamo sa amo para raw magtanda. Unang tumanggi sina ramos
dahil sa nais na talaga nilang umuwi. Pero nakumbinsi sila at
sinampahan nila ng kaso ang kanilang amo. Nanalo naman ang
kanilang kaso.
Pero ibinalik sila sa kulungan dahil may kulang pa daw sila na
hindi natatapos ayon sa isang opisyal na nagpaliwanag ng
papel na nakasulat sa Arabic na hindi maintindihan nila Ramos.
“Pagkabalik namin sa kulungan, umiyak talaga ako. Natatakot
na naman ako na magtagal na naman kami doon. Seven
months na kami sa kulungan,” ani Ramos. Walang opisyal o
representante ng embahada ng pilipinas na bumisita kina
ramos habang nasa kulungan.
Nakauwi sina ramos sa Pilipinas nitong enero 22. Wala silang
nakuhang anumang sahod. Matagal pa ang kanilang inilagi sa
kulungan kaysa sa trabaho.
MARAMING SALAMAT SA
INYONG MASUSING PAKIKINIG.

Teacher
Grace

You might also like