You are on page 1of 41

Mga Salik na

Nakaaapekto sa
Makataong Kilos
Pag-uulat ng Pangkat Tatlo sa EsP 10
Apat na Larawan,
Iisang Salita!
Hulaan ang mga salitang dibuo at kumpletuhin ang mga ito
sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga larawang nailalahad
na nagpapakita ng mga Makataong Kilos. Ang makakakuha
ng pinakamaraming puntos ay siyang mananaig at mayroong
makukuhang gantimpala mula sa mga tagaulat.
P_ _GA_A_ _
B_ _A_ _H_N
M_K_D_ _OS
P_ _MAMA_ _S_ _IT
BALIKAN
!
Sanaol ginabalikan
Ano ang MAKATAONG KILOS?
• Ang makataong kilos ay ang mga kilos na kusang
ginawa ng mga tao. Ito ay karaniwang ginagamitan
ng pagkukusa, kalayaan at kaalaman.
• Kapag ang tao ay gumawa ng makataong kilos,
siya ay gumamit ng kanyang pagsusuri at
konsensya para gawin ito. Ibig sabihin, siya ay
responsable para sa kilos na ito.  
• Bukod pa rito, ang makataong kilos ay isa sa mga
dalawang uri ng kilos ng tao.
MGA SALIK NA
NAKAAAPEKTO
SA MAKATAONG
KILOS
KAMANGMANGAN
• Ang kamangmangan ay
tumutukoy sa kawalan o
kasalatan ng kaalaman na dapat
taglay ng tao.
KAMANGMANGAN

• Ito ay may dalawang uri:


nadaraig (vincible) at hindi
nadaraig (invincible).
KAMANGMANGAN
• Ang kamangmangan na nadaraig ay ang
kawalan ng kaalaman sa isang gawain
subalit may pagkakataong itama o
magkaroon ng tamang kaalaman kung
gagawa ng paraan upang malaman at
matuklasan ito.
Kamangmangan na Nadaraig
(Vincible Ignorance)

Paraan sa pagtamo
ng kaalaman
KAMANGMANGAN
• Ang kamangmangan na hindi nadaraig
ay maaaring kamangmangan dahil sa
kawalan ng kaalaman na mayroon siyang
hindi alam na dapat niyang malaman, o
kaya naman walang posibleng paraan
upang malaman ang isang bagay sa sariling
kakayahan o sa kakayahan man ng iba.
Kamangmangan na Hindi Nadaraig
(Invincible Ignorance)

Hadlang sa pagtamo
ng kaalaman
MASIDHING DAMDAMIN
• Ito ay ang dikta ng bodily appetites,
pagkiling sa isang bagay o kilos
(tendency) o damdamin. Maituturing ito
na paglaban ng masidhing damdamin
sa isip - para bang ang
pangangailangan ng masidhing
damdamin ay mas matimbang kaysa
sa dikta ng isip.
MASIDHING DAMDAMIN
• Ito ay ang malakas na utos ng sense
appetite na abutin ang kaniyang
layunin. Tumutukoy ito sa masidhing
pag-asam o paghahangad na
makaranas ng kaligayahan o kasarapan
at pag-iwas sa mga bagay na
nagdudulot ng sakit o hirap.
MASIDHING DAMDAMIN
• Mga halimbawa nito ay: pag-ibig,
pagkamuhi, katuwaan, pighati,
pagnanais, pagkasindak, pagkasuklam,
pagnanasa, desperasyon,
kapangahasan, pangamba, at galit.
TAKOT
• Ang pagkatakot ay isa sa mga
halimbawa ng masidhing silakbo ng
damdamin. Ang takot ay ang
pagkabagabag ng isip ng tao na
humaharap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kaniyang buhay o
mga mahal sa buhay.
TAKOT
• Tumutukoy din ito sa pagpataw
ng puwersa gaya ng pananakit
o pagpapahirap upang gawin
ng isang tao ang kilos na labag
sa kaniyang kalooban.
TAKOT

• Kasama rin dito ang pananakit


sa tao o sa kaniyang mga
mahal sa buhay upang
mapasunod itong gumawa ng
masama.
Natatakot ka rin ba?
KARAHASAN
• Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na
puwersa upang pilitin ang isang tao na
gawin ang isang bagay na labag sa
kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay
maaaring gawin ng isang taong may
mataas na impluwensiya. Maaaring
mawala ang pananagutan ng kilos o gawa
na may impluwensiya ng karahasan.
KARAHASAN
• Ito ay kung nagkaroon ang tao ng sapat
na paraan para labanan ang karahasan
subalit nauwi sa wala at mas nasunod
ang kalooban ng labas na puwersa. Ang
tanging naaapektuhan ng karahasan ay
ang panlabas na kilos ngunit ang
pagkukusa o kilos-loob ay hindi.
KARAHASAN
• Ngunit kailangan mong maglapat
ng ibang paraan sa gitna ng
karahasan bago masabing hindi ka
mapanagot.
KARAHASAN
GAWI
• Ang mga gawain na paulit-ulit na
isinasagawa at naging bahagi na ng sistema
ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na
gawi (habits). Kung ang isang gawa o kilos
ay nakasanayan na, nababawasan ang
pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito
nawawala.
GAWI
• Ito ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan
ay nagsimula muna bilang isang kilos na may
kapanagutan at pagkukusa sa taong
gumagawa. Kaya ang gawi ay hindi
kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan
sa kahihinatnan ng makataong kilos.
Halimbawa ng mga Gawi

Pagsisimba Pagtugtog

Ehersisyo Paglalaro
Maraming Salamat
sa Pakikinig!
Inihandog nang may kababaang-loob
kay Gng. Richyl T. Jayme
MAIKLING PAGSUSULIT
Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos
I. TAMA O MALI

1. Ang masidhing damdamin ay


tinatawag na dikta ng body
appetites na pagkiling sa isang
bagay o gawi (habits).
I. TAMA O MALI

2. Ang gawi ay nagsimula bilang


isang kilos na may kapanagutan at
pagkukusa sa taong gumagawa.
II. ALAMIN ANG TINUTUKOY

3. Ito ay tumutukoy sa kawalan


o kasalatan ng kaalaman na
dapat taglay ng tao.
II. ALAMIN ANG TINUTUKOY

4. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas


na puwersa upang pilitin ang isang tao
na gawin ang isang bagay na labag sa
kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
II. ALAMIN ANG TINUTUKOY

5. Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o


paghahangad na makaranas ng
kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa
mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.
II. ALAMIN ANG TINUTUKOY

6. Ano ang binabagabag ng


takot?
II. ALAMIN ANG TINUTUKOY

7. Ano ang tanging


naaapektuhan ng karahasan?
II. PAG-ISA-ISAHIN (Enumeration)

8-9. Ibigay ang dalawang uri


ng kamangmangan.
II. PAG-ISA-ISAHIN (Enumeration)

10. Magbigay ng isang


halimbawa ng masidhing
damdamin.
Inihanda ng Pangkat 3
Mga Kasapi:

Shania Lorien Silva – Pinuno

Vincent Karl Abido


Crizajen Ojeda
Zithea Angel Clarin
Hermione Erin Villaestiva
Rebekah Psal Tanaleon
Juriel Mar Ong

You might also like