You are on page 1of 12

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO

SA PANANAGUTAN NG TAO SA
KAHIHINATNAN NG KANYANG
KILOS AT PASYA
Ikalawang Markahan – Module 3 at 4
Layunin
• Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao
sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasya.
• Nakapagsusuring isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos
dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, gawi
• Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan at ugali sa pananagutan ng tao sa
kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang
pagkukusa sa kilos.
• Nakapagsusuri
ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa
ng mga hakbang upang mahubog ang kanyang kakayahan sa
pagpapasiya.
Suriin
• Ang Makataong Kilos
ay ang kilos na
ginagawa ng tao na
nagtataglay ng tatlong
katangian: (1) may
kaalaman, (2) malaya,
at (3) may kusa.
• Ang makataong kilos ay
bunga ng kaalaman na
ginamitan ng isip at
kalayaan na mula naman
sa kilos-loob .
• Ang bawat pagkilos ay
nagkakaroon ng
pananagutan ang tao sa
anumang magiging bunga
ng kaniyang piniling kilos.
Ito rin ay malayang pinili
mula sa paghusga at
pagsusuri ng konsensya.
“Pagiging makatao”
• Dapat nating alalahanin na tayo ay
laging gumagawa ng mga pasya at
kilos na maaaring may malaking
epekto hindi lamang sa atin kundi pati
na rin sa iba.
• Ang mga kilos na ito ang nagpapakita
nang ating pagiging makatao.
• Ngunit may mga kilos na maaaring
mabawasan o madagdagan ang
pananagutan ng tao sa nasabing kilos
dahil sa salik na nakaaapekto rito.
Mga Salik na
Nakaaapekto sa
Makataong Kilos
1. Kamangmangan.
Isa sa pinakamahalagang elemento
ng makataong kilos ay ang papel ng
isip.
Ang kamangmangan ay tumutukoy
sa kawalan o kasalatan ng
kaalaman na dapat taglay ng tao.
Ito ay may dalawang uri: nadaraig
(vincible) at hindi nadaraig
(invincible).
2. Masidhing Damdamin.
• Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling
sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin.
• Maituturing ito na paglaban ng masidhing
damdamin sa isip - para bang ang
pangangailangan ng masidhing damdamin ay
mas matimbang kaysa sa dikta ng isip.
• Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na
abutin ang kaniyang layunin.
• Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o
paghahangad na makaranas ng kaligayahan o
kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na
nagdudulot ng sakit o hirap.
• Angmasidhing damdamin o
PASSION ay normal na damdamin
subalit ang tao ay may pananagutan
upang pangasiwaan ang kaniyang
emosyon at damdamin dahil kung hindi,
ang mga emosyon at damdaming ito
ang mangangasiwa sa tao.
• Angpaghubog ng mga positibong
damdamin at maayos na pagtanggap
sa mga limitasyon sa buhay ay isang
daan upang mapangasiwaan ang
damdamin.
3. Takot
• Ang pagkatakot ay isa sa
mga halimbawa ng
masidhing silakbo ng
damdamin.
• Ito ay ang pagkabagabag ng
isip ng tao na humaharap sa
anumang uri ng pagbabanta
sa kaniyang buhay o mga
mahal sa buhay.
4. Karahasan
• Ito ay ang pagkakaroon ng
panlabas na puwersa
upang pilitin ang isang tao
na gawin ang isang bagay
na labag sa kaniyang
kilos-loob at pagkukusa.
• Ito ay maaaring gawin ng
isang taong may mataas
na impluwensiya.
4. Karahasan
• Maaaring mawala ang pananagutan ng
kilos o gawa na may impluwensiya ng
karahasan. Ito ay kung nagkaroon ang
tao ng sapat na paraan para labanan
ang karahasan subalit nauwi sa wala at
mas nasunod ang kalooban ng labas na
puwersa.
• Ang tanging naaapektuhan ng
karahasan ay ang panlabas na kilos
ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay
hindi. Ngunit kailangan mong maglapat
ng ibang paraan sa gitna ng karahasan
bago masabing hindi ka mapanagot.
5. Gawi
• Ang mga gawain na paulit-ulit na
isinasagawa at naging bahagi na ng
sistema ng buhay sa araw-araw ay
itinuturing na gawi (habits).
• Kung ang isang gawa o kilos ay
nakasanayan na, nababawasan ang
pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito
nawawala.
• Ito ay dahil ang isang gawi bago
nakasanayan ay nagsimula muna bilang
isang kilos na may kapanagutan at
pagkukusa sa taong gumagawa.
• Kaya ang gawi ay hindi kailanman
nakapagpapawala ng kapanagutan sa
kahihinatnan ng makataong kilos.

You might also like