You are on page 1of 12

Panalangin

Dakilang Maykapal,
gabayan mo po kami sa
araw na ito upang
mapalago namin ang
aming sarili para maging
mabuting nilikha mo.
Nawa ang aming aralin
ay magsilbing gabay
para sa paghubog ng
aming mabuting
pagpapakatao.
Amen.
Ang Pagkukusa sa
Makataong Kilos
Ikalawang Markahan – Module 1
Mga Layunin:
•Naipaliliwanag na may pagkukusa
sa makataong kilos kung
nagmumula ito sa kalooban na
malayang isinagawa sa
pamamatnubay ng isip/kaalaman.
•Natutukoy ang mga kilos na dapat
panagutan.
“A human act once set
in motion flows on forever
to the great account.
Our deathlessness is in
what we do, not in what
we are”
- George Meredith
Suriin:
Anumang uri ng tao ang
isang indibiduwal ngayon
at kung magiging anong
uri siya ng tao sa mga
susunod na araw, ay
nakasalalay sa uri ng kilos
na kaniyang piniling gawin
at pipiliing gawin pa sa
mga nalalabing araw ng
kaniyang buhay.
Ang pagkilos ng
tao ang
nagpapatunay
kung siya ay
mayroong kontrol
at pananagutan
sa kanyang sarili.
Uri ng Kilos ng Tao
Kilos ng tao (Act of man) –
ito ay ang kilos na ayon sa
kalikasan bilang tao at
hindi ginagamitan ng isip
at kilos loob. Masasabing
ang kilos na ito ay walang
aspeto ng pagiging
mabuti o masama. Kaya
walang pananagutan ang
tao kung maisagawa ito.
Uri ng Kilos ng Tao
Ang makataong kilos o (human act) -
ito ay kilos na isinagawa ng isang
indibidwal sa pagkakataong siya ay
mapanagutan, alam niya ang kanyang
ginagawa at may kagustuhan o
pagnanais siyang gawin ang nasabing
kilos.
• Ang kilos ay masasabing makataong
kilos kung :
A. Ang kilos ay isinagawa ng may
kaalaman.
B. Ang kilos ay isinagawa ng malaya.
C. Ang kilos ay isinagawa ng may kusa.
Uri ng
Pagkukusang Kilos

• Ganap na Pagkukusa
(Perfect voluntariness) -
ito ay kilos na
isinagawa ng tao kung
saan alam niya, may
pagsang-ayon siya at
malaya siya sa
kanyang piniling
aksyon.
Uri ng Pagkukusang Kilos

• Di-Ganap na Pagkukusa
(Imperfect voluntariness) -
ito ay kilos na isinagawa ng
tao na kulang o wala ang
alinman sa kaalaman,
pagsang-ayon at kalayaan
sa pagsasagawa nito. Sa
madaling salita, ito ay kilos
na hindi ginustong gawin
ng tao.
Uri ng
Pagkukusang Kilos
• Payak na Pagkukusa
(Simple voluntariness) –
ito ay mga kilos na
isinagawa ng tao na di
alintana kung gusto
niya o hindi ang
kanyang ginawang
kilos. Ang kilos na ito ay
maaaring positibo o
negatibo.
Uri ng Pagkukusang Kilos

• Kondisyonal na
Pagkukusa (Conditional
voluntariness) – ito ay kilos
na isinagawa ng tao dahil
sa kanyang kinakaharap
na sitwasyon. Posibleng
hindi niya piliin ang kilos
na ito kung siya ay nasa
isang normal na
pagkakataon.

You might also like