You are on page 1of 1

Ang makataong kilos

Ginagamit ng tao ang isip at kilos loob, konsensya at kalayaan hindi lamang upang mabuhay siya
bilang tao, kundi upang siya ay magpakatao. Sadyang natatangi nga ang tao. Ipinagkaloob sa kaniya
ang lahat ng kakayahan at pakultad upang hubugin ang kaniyang pagkatao at upang magpakatao.

Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya
ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at
gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay. Ayon rin sa kanya, ang kilos ang nagbibigay
patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.

May dalawang uri anong kilos ang tao:

Una ay ang kilos ng tao o acts of man-

Ito ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos loob. Ang
kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan
ang tao kung naisagawa ito.

Pangalawa ang makataong kilos o human act-

Ito naman ay kilos na isinagawa ng tao ng may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta
ng kaalaman , ginamitan ng isip at kilos-loob kaya't may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensya .
Pananagutan ng taong nagsasagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang piniling kilos.

You might also like