You are on page 1of 11

Kilos

 Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang


isang indibidwal ngayon at kung magiging
anong uri siya ng tao sa mga susunod na
araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na
kanyang ginagawa ngayon at gagawin sa
mga nalalabing araw ng kanyang buhay.
 Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay
ang iba pang katulad ng kanyang taglay
tulad ng kalayaan, siya ay may
kapangyarihan na kumilos ayon sa kanyang
nais at ayon sa katwiran.
 Ang kilos ang nagpapatunay kung ang
isang tao ay may kontrol at pananagutan sa
sarili.
2 Uri ng Kilos ng Tao

1. Kilos ng tao (Acts of Man)


2. Makataong Kilos (Human Acts)

• Kilos ng Tao (act of man)


Ang kilos ng tao ay may mga kilos na nagaganap sa
tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan
bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng
pagiging mabuti o masama - kaya walang
pananagutan ang tao kung naisagawa ang isang kilos.
Halimbawa:
Ang mga bayolohikal at pisyolohikal na
kilos na nagaganap sa tao tulad ng
paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng
mata, pagkaramdam ng sakit mula sa
sugat, paghikad at iba pa.
Makataong Kilos (Human Act)

 Ito naman ay kilos na isinasagawa ng tao nang may


kaalaman, malaya, at kusa.
 Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman,
ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya't may
pananagutan ang tao sa pagsagawa nito.
 Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya
at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon
na siya ay responsible, alam niya ang kanang
ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
Makataong Kilos (Human Act)

 Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili


mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensya.
 Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong
kilos ang bunga ng kanyang piniling kilos.
 Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-
tanggap. At kung masama ang kilos, ito naman
ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.
Tatlong Uri ng Kilos ayon sa
Kapanagutan (Accountability)

Kusang-loob
 Di Kusang-loob
Walang Kusang-loob
KUSANG LOOB

Kusang-loob

 Ito ang kilos na may kaalaman at


pagsang-ayon.
 Ang gumagawa ng kilos ay may
lubos na pagkaunawa sa kalikasan
at kahihinatnan nito.
DI KUSANG LOOB

Di Kusang-loob

 Dito ay may paggamit ng kaalaman


ngunit kulang ang pagsang-ayon.
 Makikita ito sa kilos na hindi
isinasagawa bagaman may kaalaman sa
gawain na dapat isakatuparan.
WALANG KUSANG LOOB

Walang Kusang-loob

► Dito ang tao ay walang kaalaman kaya't


walang pagsang-ayon sa kilos.
►Ang kilos na ito ay hindi pananagutan
ng tao dahil hindi niya alam kaya't walang
pagkukusa.
Maraming
Salamat

You might also like