You are on page 1of 11

Ang Makataong Kilos

paano ba nahuhubog ang pagkatao ng isang tao?

Paano niya ginagamit ang mga salik na


nababanggit sa pagsisikap niyang magpakatao?
Ayon kay Aglapay, anumang uri ng tao ng isang
indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng
tao sa mga susunod na araw ,ay nakasalalay sa uri ng
kilos nakanyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga
nalalabing araw ng kanyang buhay. Dahil sa kilos –loob
ng tao, kasabay ang iba pang pagkatulad ng kanyang
taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang
kumilos ayon sa kanyang nais at ayon sa katwiran.
ayon pa rin sakanya,ang kilos
ang nagbibigay patunay kung
ang isang tao ay may kontrol at
pananagutan sa sarili.
Dalawang uri ng kilos ng tao
1. Kilos ng tao( acts of man)

2. Makataong kilos (Human act)


ang KILOS NG TAO(acts of man) ay mga kilos na
nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang
kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at
kilos loob.Ang kilos na ito ay masasabingbwalang aspeto
sa pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan
ang tao kung naisagawaito.
Halimbawa
 biyolohikal at pisyolohikal nakilos na
nagaganap sa tao tulad ng paghinga,
pagtibok sa puso , pagkurapng mata,
pagkaramdam ng sakit mula sa isang
sugat, paghikab at iba pa.
Makataong kilos(human act)
kilos na isinasagawa ng tao ng may kaalaman,
malaya at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng
kaalaman,ginagamitan ng isip at kilos loob kayat may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.karaniwang
tinatawag itong kilos na niloob , sinadya at kinusa
sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na sya
ayresponsable, alam niya ang kanyang ginagawa at
ninais niyang gawin ang kilos na ito. Ang makataong
kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at
pagsusuri ng konsensya.
Maaari bang maging
makataong kilos ang
kilos ng tao?

You might also like