You are on page 1of 16

ANG PAGKUKUSA NG

MAKATAONG KILOS
Ikalawang Markahan
Ang Makataong Kilos

• Sa mga nakaraang modyul, natutuhan mo na


ginagamit ng tao ang isip at kilos-loob, konsensiya at
kalayaan hindi lamang upang mabuhay siya bilang
tao, kundi upang siya ay magpakatao.

• Sadyang natatangi nga ang tao. Ipinagkaloob sa


kaniya ang lahat ng kakayahan at pakultad upang
hubugin ang kaniyang pagkatao at upang
magpakatao. Kaya isang malaking hamon sa tao
ang magpakatao at gamitin ang taglay niyang mga
kakayahan sa pagkamit nito.
Ayon kay Agapay

•Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay ang iba pang pakultad na


kaniyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos
ayon sa kaniyang nais. Bawat segundo ng kaniyang buhay, siya ay kumikilos,
naghahatid ng pagbabago sa kaniyang sarili, sa kaniyang kapuwa at sa
mundong kaniyang ginagalawan.

•Ayon pa rin kay Agapay, ang “kilos” ang nagbibigay patunay kung ang
isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.
• Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat
ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na
ito ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili dahil may kapanagutan
(accountability). Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa
kapanagutan: kusang-loob, di kusang-loob, at walang kusang-loob.
Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan
(Accountability)
• 1. Kusang-loob – ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa
ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
• 2. Di kusang-loob – ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-
ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain
na dapat isakatuparan.
• 3. Walang kusang-loob – ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-
ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam
kaya’t walang pagkukusa.
Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos

• Halimbawa, sa pagtulong sa kapwa, hindi agad masasabing mabuti at masama


ang ipinakita maliban sa layunin ng gagawa nito. Magiging mabuti ito kung
gagawin para sa isang tao na nangangailangan ng tulong mula sa pagbuhat ng
mabigat na bagay at may kagustuhan siyang tumulong. Magiging masama ito
kung may intensiyon siyang nakawin ang gamit ng kaniyang tinulungan.

You might also like