You are on page 1of 2

ISYUNG PANLIPUNAN – Mga Problema Sa Lipunan

ISYUNG PANLIPUNAN – Sa paksang ito, malalaman natin ang iba’t ibang klase ng
mga isyung panlipunan at ang mga sanhi nito.

Ito ang mga problema na nangyayari ngayon sa mga lipunan o kung minsan, sa
isang nasyon. Narito ang mga iba’t ibang klase nito:

Mga Isyung Panlipunan

1. Pagsasapin-sapin sa Lipunan
Ito ay isang uri nga pagkakaiba sa lipunan na kung saan ang mga tao sa lipunan ay
pinagtangi na ukol sa kanilang kaayuan sa buhay na base sa kanilang kita,
kayamanan, katayuan sa lipunan, at kung minsan, sa kailang kapangyarihan,
panlipunan man o politikal. Ito ay nagbubunga ng tinatawag ng kapootan sa lahi o
sa kapwa tao.

2. Isyung Ekonomiko
Ito ay nagbubunga ng mga pagkawala ng trabaho ng mga tao na depende sa
lugar, kasarian, edukasyon, at kadalasan sa mga grupong etniko.

3. Problemang Pangkapitbahayan
Ito naman ang isyu na nangyayari sa mga kapitbahayan. Ang mga ganitong
communidad ay kadalasang may mataas na dropout rate sa hayskul, at ang mga
bata na lumalaki sa mga ganitong communidad ay kadalasang may mababa sa
walang pagkakataon na mag-aral sa kolehiyo.

4. Kalusugang Pampubliko
Ang mababa na kalusugang pampubliko ay bunga nga mga tinatawag na
pandemic o epidemic o ang pagkalat nga mga sakit sa rehiyon o sa malaking
pangkat ng tao.

5. Diskriminasyon sa Edad
Nang minsan, may mga problema sa lipunan na ang sanhi ay ang pagtangi sa edad
ng isang tao.
6. Hindi Pagkapantay-pantay sa Lipunan
Ito naman ang bunga ng maraming problemang panlipunan na kung saan
pinagbabasehan ang kasarian, kapansanan, lahi, at edad na nag aapekto sa
pagtatrato ng isang tao.

7. Edukastyon at Paaralang Pampubliko.


Ang edukasyon ay ang isa sa mga pinakamahalagang dahilan sa pag-asenso at
pag-unlad ng lipunan. Kapag kulang ito, ito ay buhat ng hindi pagkaroon ng
sakktong pondo sa mga paaralang pampubliko.

8. Problemang Pantrabaho
Kabilang dito ang stress, pagnanakaw, paggugulo sa kapwa tao, hindi pantay ang
sahod, papoot ng ibang lahi, at iba pa.

9. Aborsyon
Ito ang pagbatay sa sanggol habang nasa loob ng tiyan ng ina. Isa rin ito sa mga
pinakakontrobersyal na isyu na napaligiran sa aspetong moral, legal at katayuang
panrelihiyon.

Reference: Rey, M.V. (2019). Isyung Panlipunan – Mga Problema Sa Lipunan.


Retrieved from https://philnews.ph/2019/07/19/mga-isyung-panlipunan/

You might also like